Article 0
Riddle Transfer 2
Elevators Logic
Fly Tangle 2
Ramps
Action Verbs Game
Which Word
Food Game
Vocabulary Quiz
Bouncing Letters
Idioms Game – Slang Game
Typing Adventure Level 1
Hang Mouse Word Game
Unscramble
Ang Lobo at ang Uwak
Ang Mag-amang Palaka
Ang Tigre at ang Leopardo
Melchora Aquino
Balarila ng Wikang Pambansa
ABS-CBN News. Sep 17 2019. Libreng aklat: Balarila ng Wikang Pambansa maaari nang ma-download. Retrieved from https://kwf.gov.ph/wp-content/uploads/Balarila-ng-Wikang-Pambansa-1.pdf
https://news.abs-cbn.com/life/09/17/19/libreng-aklat-balarila-ng-wikang-pambansa-maaari-nang-ma-download
https://www.facebook.com/angkomisyonsawikangfilipino
Mga Kulay sa Wikang Filipino
Mga Kulay sa Wikang Filipino
black dagtum
blue bughaw
brown kayumanggi
green luntian
orange kahel
pink kalimbahin
purple lila
red mabaya
white puraw
yellow kunig
Mga Salita Ukol sa Matematika/Agham sa Wikang Filipino
Mga Salita Ukol sa Matematika/Agham sa Wikang Filipino
Pangkalahatang-ideya
Matematika (mula sa wikang Greek μάθημα máthēma, "kaalaman, pag-aaral, pag-aaral") ay ang pag-aaral ng mga paksa tulad ng dami, istraktura, espasyo, at pagbabago. Wala itong tinatanggap na kahulugan.
Ang mga mathematician ay naghahanap at gumamit ng mga pattern upang bumalangkas ng mga bagong haka-haka; nilulutas nila ang katotohanan o kabulaanan ng mga haka-haka sa pamamagitan ng mathematical proof. Kapag ang matematikal na istruktura ay mahusay na mga modelo ng tunay na phenomena, pagkatapos mathematical pangangatwiran ay maaaring magbigay ng pananaw o hula tungkol sa kalikasan. Sa pamamagitan ng paggamit ng abstraction at lohika, ang matematika ay binuo mula sa pagbibilang, pagkalkula, pagsukat, at ang sistematikong pag-aaral ng mga hugis at galaw ng mga pisikal na bagay. Ang praktikal na matematika ay isang aktibidad ng tao mula sa kasing layo ng umiiral na nakasulat na mga tala. Ang pananaliksik na kinakailangan upang malutas ang mga problema sa matematika ay maaaring tumagal ng mga taon o kahit na siglo ng matagal na pagtatanong.
Mga Salita Ukol sa Matematika | |
abstract number | bilang na basal |
circumference | tikop |
acute angle | angulong kipot |
addition | palaragdagan |
adjacent angle | angulong magkatabi |
algebra | panandaan |
algebraic expression | panandaing payahag |
alternate angle | angulong magkasalisi |
angle | siha |
arithmetic | bilnuran/palatuusan |
average | balasak |
base angle | angulong takaran |
binomial | duhakay |
biochemistry | haykapnayan |
biology | haynayan |
calculus | tayahan |
carry over (addition) | lakta |
carrying over | liyebo |
census | lahatambilang |
chemistry | kapnayan |
circumference | tikop |
complementary angle | angulong magkapuno |
composite number | bilang na pinaglakip |
compute | tuos |
constant | sulagian |
counting number | bilang na panalatag |
cube | talurami |
cube root | taluugat |
data | malak |
decagon | pulsiha |
decimal | sampuan |
deduct | awasin |
denominator (bahagi) | pamahagi |
difference | kaibhan |
differential | tingirin |
digit | tambilang |
dividend | hatiin |
division | palahatian |
dynamics | isigan |
electrochemistry \m/ | dagikapnayan |
elements | mulhagi |
ellipse | duyog |
enumeration | sabilang |
equals | tumbas |
equation | tumbasan |
equation (katumbas) | tumbasan |
even number | bilang na tukol |
evolute | balisultag |
exponential function | pangunahing kabisa |
factorial | bunin |
finite set | awangganing tangkas |
formula | sanyo |
fraction | bahagimbilang |
general chem. | lahatan |
geometry | sukgisan |
hemisphere | hatimbulog |
heptagon | pitsiha |
hexagon | himsiha |
hydraulics | danumsigwasan |
imaginary number | bilang na gunimbilang |
imperfect number | bilang na balhag |
infinity | awanggan |
inorganic chem. | dihaying |
integer | buumbilang |
integral | laumin |
involution | balisultag |
least common denominator | kababaang lahatang pamahagi |
lowest term | kababaang takay |
magnetism | balnian |
mathematician | sipnayanon |
mathematics | matematika/sipnayan |
mean | tamtaman |
mechanics | sigwasan |
median | gitnaan |
minuend | bawasin |
mode | palasak |
monomial | isakay |
multiplicand | damihin |
multiplication | palaramihan |
multiplier | parami |
natural number | bilang na likas |
nonagon | samsiha |
number | bilang |
number sentence | pamilang na pangungusap |
numbering | kabilangan |
numeral | pamilang |
numerator | panakda |
obtuse angle | angulong bika |
octagon | walsiha |
odd number | bilang na paulat |
operation | sakilos |
operator | pakilos |
opposite angle | angulong magkatapat |
order | panunuran |
ordinal number | bilang na panunod |
organic chem. | haying |
parameter | sadyansukat |
pentagon | limsiha |
percent | bahagdan |
permutation | pamalitan |
permutation | pamalitan |
physics | liknayan |
plane | lapya |
plane figure | lapyang laraw |
pneumatics | buhagsigwasan |
polygon | damiha |
polynomial | damikay |
power | lambal |
prime number | bilang na lantay (balho) |
probability | kalagmitan |
product | bunga |
pyramid | tagilo |
quadrangle | patsiha |
qualitative chem. | uriin |
quantitative chem. | sukatin |
quantity | dami |
questionnaire | talatanungan |
quotient | kinahatian |
radical | pangugat |
radicand | ugatin |
random sampling | hihalimbagay |
ratio | lagway |
rational number | bilang na matwirin |
real number | bilang na tunay |
rectangular number | bilang na paritlatugin |
remainder | labi |
rhomboid | parisukat |
rhombus | tagisukat |
right angle | angulong tadlong |
sample | halimbagay |
set | tangkas |
set algebra | palatangkasan |
simplest term | pinakapayak na takay |
solid | siksin |
solve | lutasin |
source of data | batis ng malak |
sphere | timbulog |
square | parisukat |
square root | pariugat |
statics | tigilan |
statistics | palautatan |
straight angle | angulong ladlad |
subset | kubtangkas |
subtraction | palabawasan |
subtrahend | pabawas |
sum | dagup |
supplementary angle | angulong magkaladlad |
survey | siyasig |
tangent | dikit |
thermodynamics \m/ | initsigan |
total | kabuuan |
trapezoid | tagigapay |
triangle | tatsiha |
triangular number | bilang na tatsihain |
trigonometry | tatsihaan |
trinomial | talukay |
variable | aligin |
zero | awan |
Mga Sanggunian:
https://mimirbook.com/tl/bb127e9787e
http://sipnayan.com
Diksyunaryo ng mga Salitang Singkahulugan ni Salud R. Enriquez
Mula sa Maugnaying Talasalitaing Pang-agham Inglis-Pilipino ni Gonsalo del Rosario
IBIS-Kagawaran ng Filipino
Palaisipan
Palaisipan
Ang palalisipan ay katanungang nangangailangan ng mabilis na nguni’t masusing pag-iisip. Karaniwan sa palaisipan ay sinusubok ang kakayahan sa pag-unawa sa mga ibinigay na impormasyon para masagot ang katanungan.
Ang palaisipan din ay isang uri ng karunungang bayan na karaniwan ay nasa anyong tuluyan bagaman may ilan ding halimbawa nito na nasa anyong patula. Ito ay isang uri ng larong humahamon sa isipan ng mga tao upang mag - isip ng kasagutan o solusyon sa suliraning inilahad.
Pagkakaiba ng Bugtong at Palaisipan
Ang mga bugtong ay isa sa mga tanyag na libangan ng mga bata noon. Pagkatapos, nung lumaki na at nagkapamilya ang mga batang ito, naipapasa nila ito sa kanilang mga anak. Dahil sa pagpapasang ito, ang mga bugtong ay masasabi nating mga halimbawa ng karunungang bayan. Ngunit, ito rin ay masasabi para sa mga palaisipan. Pero ano nga ba pagkakaiba nito.
Ating masasabi na ang bugtong ay isang palaisipan na nasa anyong patula. Kadalasang ang mga bugtong ay may mga salitang tugma. Hindi lamang ito dahil mas nakaka-aliw ang mga salitang tugma. Ang mga bugtong ay nasa tugmang patula para mas madali itong kabisaduhin. Kaya naman, mas madaling maipasa ang mga bugtong kahit hindi ito sinusulat.
Samantala, ang mga palaisipan naman ay gumagamit ng lohika o logic para malaman ang sagot. Ang mga palaisipan ay dapat tingnan ng maigi dahil kadalasan itong may nakapaloob na nakatagong kahulugan. Ito ay payak at simple na naka-angat sa patudyong gamit ng tanong at sagot.
Article 2
b. 2
c. 12
Sagot: Mga malalaking kamay.
Sagot: Umaga nang nangyari ang pangyayari na lyon.
Sagot: tatlo tumalon lang ang isa hindi nagpakahulog.
Sagot: Mata
Sagot: Kasi nakasara, bakit bubuksan mo pa ba kung bukas na.
7. Anong isda ang lumalaki pa?
Sagot: Yung bata pa.
Sagot: Donut na may butas sa gitna
Sagot: Pizza Pie
Sagot: Juan
Sagot: Letrang 'G'
Sagot: Ina niya ang doktor
Sagot: Mario
Sagot: Plantsa
15. May sampung na ibon ang nakadapo sa isang maliit na sanga ng puno. Limang maya, dalawang pipit at dalawang kuwago at ang isa ay uwak. Binato ni Bato ang sanga. Tinamaan at nalaglag ang uwak. Ilang maya ang naiwan sa sanga?
Sagot: Lima
Keithycat. June 9, 2021. Educational. Retrieved from
https://philnews.ph/2021/06/09/pagkakaiba-ng-bugtong-at-palaisipan-halimbawa-at-kahulugan/
Buntong-hibik ng Anakpawis
Albert E. Alejo, SJ
Pinagpupulungan. Pinapupurihan. Pinagpapasyahan.
Pinag-aaralan. Pinagkakakitaan. Pinararangalan.
Inuunawa. Iniluluha. Iniluluwa.
Ipinipinta. Ikinakanta. Pinakakasta.
Isinusulat. Iniuulat. Pinagbubulatlat.
Itinutula. Idinudula. Pinatitihaya.
Ibinabalita. Binabata. Pinagbababatuta.
Ginagabayan. Binabagayan. Binabayagan.
Inaaliw. Ginigiliw. Binabaliw.
Pinag-aalayan ng sanlaksang pananaliksik.
Pinaglalakuan ng sanrekwang mga gimik.
Pinangangakuan. Pinaaasam. Pinaghihintay.
Pinaaasa. Pinag-aalsa.
Pinalalaban.
Pinagigising.
Pinasusugod.
Pinasisigaw.
Pinapapatay.
Pinapatay.
Pinaglalamayan.
Inililibing.
Nilalambing.
Nililimot.
Pagkatapos—
Pag-iisipan na naman nila kami.
Sanayan ng pana-panahong pagpapakabait.
Sangkalan ng kung anu-anong mga project.
Basurahan ng pulang aklat, banal na aklat, lihim na aklat.
Artista. Aktibista. Rekrutista.
Armalayt. Chokolait. Johnny Midnight.
Propesor. Tomador. Kolektor.
CO. OXO. SPARROW.
Pusher. Holdaper. Illegal logger.
Lay-off. Jaywalk. Cut throat.
Saudi. IUD. White Slavery.
Gala. Opera. Gonorrhea.
Fertilizer. Bulldozer. Land grabber.
IMF. CHDF. MNLF.
Puting bakod. Parada sa airport. Ahas at gamot.
Eskirol. Suhol. Ataul.
POPCOM. METROCOM. AVSECOM.
Demolisyon. Demonstrasyon. Rebolusyon.
Maghalal. Magdasal. Magsalsal.
Ave Maria. Makibaka. Potang-ina!
Pinagtutulung-tulungan lang kami nila.
Takbuhan-Timbulan-Silungan
Daan-Buhay-Katotohanan
Ilaw-Araw-Tanglaw
Ligaya-Pag-asa
Bathala-Allah-Ama-Abbah—
Mga sanggunian:
Vonjobi. August 3 2009. Talumpatil. Retrieved from
http://filipinolibrarian.blogspot.com/search/label/Talumpati
NAT Reviewer Filipino II
National Achievement Test
Reviewer sa Filipino II
Iba’t ibang uri ng Teksto
1. Informative o pagpapabatid ng kaalaman – hal. Balita, Announcements
2. Narrative o pagsasalaysay – hal. Maikling Kwento
3. Expository o paglalahad o paglalabas ng katotohanan – hal. Lathalain
4. Descriptive o paglalarawan – hal. Travel Brochures
5. Argumentative o pakikipagtalo – hal. Debate, Editoryal
6. Persuasive o paghihikayat – hal. Ads
7. Procedural o prosidyural – hal. Manual
Iba’t ibang Bahagi ng Pahayagan
Pangmungkahing Pahina (Front page) - nakalimbag sa pahinang ito ang pinakamahahalagng balita.
Pahinang Editoryal (Editoryal page) - natutunghayan dito ang pangunahing pangulong tudling, kolum ng mga komentarista/ pitak, karikaturang editoryal, mga liham sa patnugot at talaan ng patnugutan.
Tanging Lathalain - itinatampok dito ang katangi-tanging artikulo na maaaring tao, pook, pangyayari, bagay, lunan at kakaibang paniniwala o panuntunan sa buhay.
Isports/Pampalakasan (Sports page) - nababasa sa pahinang ito ang mga tampok na paligsaghan ng laro tulad ng basketball atbp. Itinatampok din dito ang mga pitak pang-isports.
Movie Guide - Dito makikita ang mga pelikulang ipapalabas sa sinehan.
Tv Guide - Dito makikita ang mga palabas sa telebisiyon.
Klasipikadong Anunsyo (Classified Ads) - Sa pahinang ito makikita ang mga trabaho,
ang mga house and lot na ipinagbibili atbp.
Obituary - Dito makikita ang mga namatay na tao.
Pahinang Panlibangan (Entertainment page) - Dito makikita ang mga Komiks, puzzle atbp.
Lifestyle - Dito makikita ang mga pamamaraan ng pamumuhay ng mga sikat na tao.
Business page - Dito makikita ang mga bagay na may kaugnay sa negosyo.
Balita
Uri ng Balita
BALITANG PANLOKAL
- tumatalakay sa mahahlagang pangyayaring naganap lamang sa isang tiyak na bahagi ng bansa.
BALITANG PAMBASA
- tumatalakay sa mga mahahalagang pangyayaring nagaganap sa buong bansa
BALITANG PANDAIGDIG
- tumatalakay sa mga mahahalagang pangyayaring nagaganap sa iba't ibang bansa sa daigdig
Bahagi ng Balita
1. Pang-edukasyon
2. Pampulitika
3. Pampalakasan
4. Pantahanan
5. Pangkabuhayan
6. Panlibangan
7. Pangkapaligiran
Editoryal
Mga uri ng editoryal:
a.) Pagsasalaysay. Ipinaliliwanag ang kahalagahan o kahulugan ng isang balita, kalagayan, o ideya.
b.) Paglalahad. Ipinaaalam ang isang pangyayari na binibigyang-diin o linaw ang kahalagahan o ilang kalituhang bunga ng pangyayari.
c.) Pangangatwiran Nagbibigay ng puna sa isang kalagayan, sa isang tao, o sa isang paraan ng pag-iisip. Naglalayong makuha ang paniniwala ng iba at makapagbunsod ng pagbabago.
d.) Paglalarawan. Binibigyang halaga ang isang taong may kahanga-hangang nagawa, katangi-tanging gawain, o nagpaparangal sa isang taong namayapa na, na may nagawang pambihirang kabutihan.
e.) Pagtutol. Dito ang awtor ay nagbibigay ng kanyang panig at ipaglalaban niya ito upang makumbinsi ang mga nagbabasa.
f.) Nagpapaaliw Nakakabigay ito ng ngiti at halakhak habang naglalahad ng katotohanan.pag bibigay ng opinion ng isang awtor.,walang pinapanigan ang isang awtor kundi antay pantay lahat
g.) Espesyal na okasyon Ipinaliliwanag nito ang kahalagahan ng isang okasyon.
Wika
Depinisyon ng Wika
Ang wika ay isang kabuuan ng mga sagisag na panandang binibigkas na sa pamamagitan nito ay nagkakaunawaan, nagkakaisa at nagkakaugnay ang isang pulutong ng mga tao.
Wika ay paraan ng pananagisag sa pamamagitan ng mga tunog na ginagawa sa pamamagitan ng mga sangkap ng katawan sa pagsasalita upang ang isang tao ay maunawaan at makaunawa naman ng ibang tao. Itinuturing ang wika bilang saplot ng kaisipan; gayunman, mas angkop marahil sabihing ang wika ay ang saplot-kalamnan, ang mismong katawan ng kasipan. (Thomas Caryle)
Ang wika ay isang sistematik na balangkas ng mga binibigkas na tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang Sining ng Pakikipagtalastasan (A.M.Bagon) arbitrary upang magamit ng mga taong may iisang kultura. (Henry Gleason)
Ang wika ay isang kalipunan ng mga salita at ang pamamaraan ng pagsasama-sama ng mga ito para magkaunawaan o makipagkomyunikeyt ang isang grupo ng mga tao. (Pamela Constantino at Galileo Zafra)
Katangian ng Wika
1. May sistematik na balangkas
2. Binibigkas na tunog
3. Pinipili at isinasaayos
4. Kapantay ng kultura
5. Patuloy na ginagamit
6. Daynamik o nagbabago
Mahalaga ba ang Wika?
1. Kahalagahang Pansarili
2. Kahalagang Panlipunan
3. Kahalagahang Global/Internasyonal
Ang mga Varayti ng Wika
1. Dayalek
2. Idyolek
3. Sosyolek
Teorya ng Wika - Pinagmulan ng wika
Ding Dong - bagay. Ipinalagay sa teoryang ito na ang lahat ng bagay sa kapaliran ay may sariling tunog na siyang kumakatawan sa nasabing bagay. Mga tunog ang nagpapakahulugan sa mga bagay tulad ng kampana, relo, tren, at iba pa.
Bow Wow – kalikasan. Dito ang tunog ng nalikha ng kalikasan, anuman ang pinagmulan ay ginagad ng tao.
Halimbawa, ang tunog-kulog, ihip ng hanging, at iba pa.
Pooh Pooh – tao. Ipinalalagay na ang tao ang siyang lumikha ng tunog at siya ring nagbibigay ng kahulugan. Dito ang tunog mula sa mga tao.
Kahariang Ehipto – Ayon sa haring si Psammatichos, ang wika ay sadyang natutuhan kahit walang nagtuturo o naririnig. Natutunan kahit walang nagtuturo. Unconsciously learning the language.
Charles Darwin – Ito ay nakasaad sa aklat na Lioberman (1975) na may pamagat na “On the Origin of Language”, sinasaad niya ang pakikipagsapalaran ng tao para mabuhay ang nagtuturo sa kanya upang malikha ng iba’t ibang wika. Wika natutunan tungkol sa mga pakikipagsapalaran.
Genesis 11: 1-9 –Tore ng Babel. Story of Tower of Babel. Based on the Bible.
Wikang Aramean – Believes that all languages originated from their language, Aramean or Aramaic. Syria. May paniniwalang ang kauna-unahang wikang ginagamit sa daigdig ay ang lenggwahe ng mga Aramean. Sila ang mga sinaunang taong nanirahan sa Syria (Aram) at Mesopotamia. Tinatawag na Aramaic ang kanilang wika
Karagdagan sa teorya ng wika mula kay Myan ng TristanCafe Pinoy Forum:
Teoryang YO-HE-HO. pinaniniwalaan na ang wika ay galing sa ingay na nililikha ng taong magkatuwang o nagtutulungan sa kanilang gawain. Ito ay ay unang nasapantaha ni NOIRE, isang iskolar noong ika-19 na dantaon.
Teoryang Musiko. kilala sa teoryang ito ang DANISH na si OTTO JERPERSON. sinasaad dito na ang wika ay may melodya at tono at walang kakayahan sa komunikasyon o hindi nakakakomunika sapagkat taglay nito ang kakulangan sa mga detalye at impormasyon.
Teorya ng Pakikisalamuha. ayon kay G. Revesz, isang propesor sa Amsterdam Germany, ang tao mismo ang gumagawa ng kaniyang wika upang may magamit sa kaniyang pakikisalamuha. Naniniwala ito na ang wika sa likas na pangangailangan ng tao upang makipagsalamuha sa kaniyang kapwa.
Teoryang Muestra. pinaniniwalaan sa teoryang iyo na nuuna ang pagsasalita sa pamumuestra. Magkaugnay ang pagsasalita at pagmumuestra at ang sentro sa utak na kumokontrol sa paggalaw at pagsasalita ay magkalapit at magkaugnay
Tayutay (Figures of Speech)
Simili o Pagtutulad - di tiyak na paghahambing ng dalawang magkaibang bagay. Ginagamitan ito ng mga salitang: tulad ng, paris ng, kawangis ng, tila, sing-, sim-, magkasing-, magkasim-, at iba pa. Ito ay tinatawag na Simile sa Ingles.
Metapora o Pagwawangis - tiyak na paghahambing ngunit hindi na ginagamitan ng pangatnig.Nagpapahayag ito ng paghahambing na nakalapat sa mga pangalan, gawain, tawag o katangian ng bagay na inihahambing. Ito ay tinatawag na METAPHORsa Ingles.
Personipikasyon o Pagtatao - Ginagamit ito upang bigyang-buhay, pagtaglayin ng mga katangiang pantao - talino, gawi, kilos ang mga bagay na walang buhay sa pamamagitan ng mga pananalitang nagsasaad ng kilos tulad ng pandiwa, pandiwari, at pangngalang-diwa. 'PERSONIFICATION' sa Ingles.
Apostrope o Pagtawag - isang panawagan o pakiusap sa isang bagay na tila ito ay isang tao.
Pag-uulit
Aliterasyon - Ang unang titik o unang pantig ay pare-pareho.
Anapora - Pag-uulit ng isang salitang nasa unahan ng isang pahayag o ng isang sugnay.
Anadiplosis - Paggamit ng salita sa unahan at sa hulihan ng pahayag o sugnay.
Epipora - Pag-uulit naman ito ng isang salita sa hulihan ng sunud-sunod na taludtod.
Empanodos o Pabalik na Pag-uulit - Pag-uulit nang pagbaliktad ng mga pahayag.
Katapora - Paggamit ng isang salita na kadalasang panghalip na tumutukoy sa isang salita o parirala na binanggit sa hulihan.
Pagmamalabis o Hayperbole - Ito ay lagpalagpasang pagpapasidhi ng kalabisan o kakulangan ng isang tao, bagay, pangyayari, kaisipan, damdamin at iba pang katangian, kalagayan o katayuan.
Panghihimig o Onomatopeya - ito ang paggamit ng mga salitang kung ano ang tunog ay siyang kahulugan. ONOMATOPOEIA sa Ingles.
Pag-uyam - Isang uri ng ironya na ipinapahiwatig ang nais iparating sa huli. Madalas itong nakakasakit ng damdamin.
Senekdoke o Pagpapalit-saklaw - isang bagay, konsepto kaisipan, isang bahagi ng kabuuan ang binabanggit.
Paglilipat-wika - tulad ng pagbibigay-katauhan na pinasasabagay ang mga katangiang pantao, na ginagamit ang pang-uri.
Balintuna - isang uri ng ironya na hindi ipinapahiwatig ang nais sabihin sa huli.
Pasukdol - pataas na paghahanay ng mga salita o kaisipan ayon sa kahalagahan nito mula sa pinakamababa patungo sa pinakamataas na antas.
Pagtanggi o Litotes - gumagamit ng katagang "hindi" na nagbabadya ng pagsalungat o di-pagsang-ayon. Ito'y may himig na pagkukunwari, isang kabaligtaran ng ibig sabihin.
Kanyuan ng Salita
Payak - isang salita o isang salitang-ugat (Root word).
Maylapi - isang salita na may isinasama o idinudugtong sa Salitang-ugat na tinatawag na Panlapi (Prefix/Affix).
Kabilaan -Panlapi na inilalapat sa Unahan, Loob o sa Hulihan.
Unlapi -(Inunlapian) Uri ng panlapi na inilalapat sa unahan ng salitang ugat.
Gitlapi -(Ginitlapian) Panlapi na inilalagay sa loob ng salitang ugat.
Hulapi -(Hinuhunlapian) Panlapi na idinurugtong sa hulihan ng salitang ugat.
Inuulit -isang salita na inuulit para magkaroon ng iba pang kahulugan.
Tambalan -Isang salita na binubuo ng dalawang salitang may magkaibang kahulugan. Ito ay maaaring gawin upang ipagsama ang kahulugan ng dalawang salitang pinag-ugatan o para makalikha ng salitang may panibagong kahulugan.
Pangngalan (Noun)
Ang pangngalan ay salita o bahagi ng pangungusap na tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, pook, hayop, at pangyayari. Maaari din na ipakilala ng pangngalan ang isang kaisipan o konsepto. Sa linggwistika, kasapi ang pangngalan sa isang malawak, bukas na leksikong kategorya na kung saan ang mga kasapi nito ay nagiging pangunahing salita sa isang simuno ng isang sugnay, bagay sa isang pandiwa, o bagay sa isang pang-ukol.
Pagkahati-hati ng pangngalan
Maaaring mahimay ang pangngalan nang ayon sa kaurian, katuturan, kasarian, kailanan, kaanyuan, kalikasan, at katungkulan.
Ayon sa Katangian
Nauukol ang pangngalan ayon sa kaurian sa pagpapangalan sa tao, bagay o pangyayari. Maaari itong pambalana o pantangi.
Pantangi - mga pangngalang nagsisimula sa malaking titik na tumutukoy sa tangi o tiyak na ngalan ng tao, hayop, bagay, lugar, kathang-isip, o pangyayari na ibinubukod sa kauri nito. Tinitiyak ng pangngalang pantangi na hindi maipagkamali ang tinutukoy sa iba. Halimbawa: Jose Rizal, Luneta, Gloria Macapagal-Arroyo, Bathala
Pambalana - mga pangngalang nagsisimula sa maliit na titik na tumutukoy sa pangkalahatang ngalan ng tao, hayop, bagay, lugar, pangyayari at iba pa. Kasama rin ang kabuuan ng mga basal na salita. Halimbawa: bayani, aso, katamisan ,pagdiriwang, pusa
Ayon sa kayarian
Naayon sa sakop o uri ng katuturan ang mga pangalan. Maaari itong tahas, basal, hango, lansak o patalinghaga.
Tahas - pangngalang nararanasan ng isa sa mga limang pandamdam (paningin, pandinig, panlasa, pakiramdam at pang-amoy) at may katangiang pisikal. Halimbawa: tubig, bundok, pagkain
Basal - pangngalang tumutukoy sa mga kaisipan o konsepto na hindi nararanasan ng limang pandamdam at walang pisikal na katangian. Nasa anyong payak ang lahat ng pangngalan basal. Halimbawa: wika, yaman, buhay
Lansak - pangngalang tumutukoy sa isang kalipunan o karamihan. Maaaring maylapi ito o wala. Halimbawa: madla, sangkatauhan, kapuluan
Hango - pangngalang nakabatay sa isang salitang basal. Halimbawa: kaisipan, salawikain, katapangan
Patalinghaga - pangalang hindi tuwirang patungkol sa bagay na pinangangalanan sa halip inihahambing lamang sa bagay na kamukha o katulad lamang. Halimbawa: buwaya (imbis na kurakot), langit (imbis na ligaya), kababuyan (imbis na kasalaulaan)
Ayon sa kasarian
Masasabing walang partikular na babae o lalaki sa mga pangngalan. Ngunit matutukoy ang kasarian ng pangngalan kapag nilalagyan ng salitang "lalaki" o "babae" bago o pagkatapos ng salitang kinauukulan. Halimbawa: batang babae, batang lalaki, lalaking aso, babaing pusa
Mayroon din namang mga salitang hindi na kailangan lagyan ng mga salitang "lalaki" o "babae" kung likas na matutukoy ang kasarian ng isang pangngalan. Kadalasang matutukoy din ang kasarian sa pangalan o palayaw. Halimbawa, kadalasang lalaki ang mga pangalang tunog "o" at babae naman kapag tunog "a". Tingnan ang sumusunod na mga halimbawa:
Panlalaki - pari, hari, tatay, kuya, manong, tandang (lalaking manok), kalaykan (lalaking kalabaw)
Pambabae - madre, reyna, nanay, ate, libay (usang babae), dumalaga (hindi pa nanganganak na babaing hayop)
Di tiyak - tumutukoy sa ngalang maaring babae o lalaki
Walang Kasarian - ngalang tumutukoy sa bagay na walang buhay
Ang Kailanan ng Pangngalan
Tungkol naman sa bilang kung isahan, maramihan, o lansakan ang kailanan ng pangngalan.
Isahan - pangngalang gumagamit ng pantukoy na si, ni, o kay kapag mga tao ang tinutukoy, at ang, ng(nang), o sa kapag mga pangngalang pambalana. Ginagamit din ang pamilang isang o sang, sam, at son na mga hangong salita nito. Halimbawa: Ang burol ay isang anyong lupa.
Maramihan - pangngalang gumagamit ng pantukoy na sina, nina, kina, at ang mga (manga, ng mga, sa mga) at gumagamit din ng mga pamilang nagmula sa dalawa. Halimbawa: Sina Roberto at Rowena ang bumato sa mga ibong lumilipad.
Lansakan - pangngalan na pinagsama-sama ang mga bagay na magkakatulad. Kadalasang may magkabilang panlapi itong "ka" at "an" o "han". Halimbawa: kabahayan, kabukiran, Kabisayaan
Ayon sa kalikasan
Maaaring iuri ang pangngalan sa kalikasan o pinagmulan nito.
Likas - pangngalang taal na sa sarili nito at kadalasang hango sa kalikasan. Halimbawa: apoy, lindol, ligaya
Likha - pangangalang hinango ng mga dalubhasa dahil sa pangangailangan. Maaaring bagong likha at lumang salita na may bagong kahulugan ang pangngalan na ito. Halimbawa: agham, talatinigan, sining
Ligaw - pangngalang hiniram o hinango mula sa mga salitang banyaga. Halimbawa: demokrasya, relihiyon, butones
Ayon sa kaanyuan
Tungkol paglalapi ang kaanyuan ng pangngalan.
Payak - pangngalang hindi inuulit, walang panlapi, o katambal. Halimbawa: talumpati, watawat, ligalig
Maylapi - pangngalang binubuo ng salitang-ugat na may panlapi sa unahan, gitna, hulihan o magkabila. Halimbawa: sinigang, inihaw, tindahan, palakasan
Inuulit - pangngalang inuulit na maaaring may panlapi o salitang-ugat lamang. Halimbawa: tau-tauhan, bagay-bagay, bali-balita
Tambalan - pangngalang binubuo ng dalawang salitang magkaiba na pinagsasama upang maging isa at may gitling sa pagitan nito. Halimbawa: kisap-mata, bahay-kubo, bantay-salakay
Ayon sa katungkulan
Sa karaniwang katungkulan sa pangungusap, nagiging simuno o layunin ang isang pangngalan. Subalit maaaring gumanap din ang pangngalan bilang pagka-pandiwa, pagka-pandiwari, pagka-pang-uri, pagka-pang-abay at iba pa sa tulong ng ilang panlapi o pananalita.
Nasa sumusunod ang ilang mga halimbawa:
Pangngalang malapang-uri - nagbibigay ng tiyak na kaurian kapag pinagsama sa kapuwa pangngalan. Halimbawa: Andres Bonifacio, Kay Huseng Batute, dalagang anak, baboy-ramo
Pangngalang malapandiwa - gumaganap bilang isang pandiwa na nagsisimula sa "pa", "pag", "pang", "paki" o mga iba't ibang anyo nito at may kasamang "an" o "han". Halimbawa: Ang pahayag (ipinahayag) ng Senador ay mahalaga sa bayan.
Pangngalang malapandiwari - kung ang pagganap ay alangang pandiwa at alangang pang-uri. Matitiyak kung malapandiwari ang pangngalan sa pagtatanong ng "ano ang...?" Halimbawa: Ano ang dala(dinala) mo? Ang dala ko ay...
Pangngalang malapang-abay - kadalasang nauukol sa panahon na bahagi ng isang araw o gabi. Halimbawa: Nilalagnat sa haponang may tuberkolosis
Pandiwa (verb)
Mga Uri ng Pandiwa ayon sa Kaukulan
Payak
Ito ay ipinalalagay na ang simuno.
Halimbawa:
Lubos na malasin, mahirapan, at masaktan ang nambababoy ng wiking ito.
Katawanin
Ito ay may simuno ngunit walang layong tumatanggap.
Halimbawa:
Ang masipag at determinado ay nagtatagumpay.
Ito ay may simuno at tuwirang layon.
Halimbawa:
Naglinis ng silid si kobe bryant.
Tahasan
Ito ay ginaganap ng simuno ang isinasaad na pandiwa.
Halimbawa: Si Andres Bonifacio ang nagtatagng Katipunan noong 1892.
Balintayak
Ito ay hindi ang simuno ang gumaganap sa isinasaad ng pandiwa.
Halimbawa:
Ang pagtatatag ng katipunan ay pinasimulanni Andres Bonifacio.
Kailanan ng Pandiwa
Isahan
Ito ay kapag ang pandiwa ay nasa payak na anyo.
Halimbawa: Ang aso ay nagbabantay ng bahay tuwing gabi.
Maramihan
Ito ay marami ang simuno at kilos na isinasaad.
Halimbawa: Ang mga aso ay nagsisipagbantayng bahay tuwing hatinggabi.
Mga Aspekto ng Pandiwa
Pangnagdaan/Naganap na o Perpektibo
Ito ay nagsasaad ng kilos o gawang natupad na.
Halimbawa: Nagluto ng lechong tuyo ang nanay ko.
Pangkasalukuyan/Imperpektibo
Ito ay ang pagkilos na nasimulan na pero hindi pa tapos.
Halimbawa:
Natutunaw' ang sipon ko.
Panghinaharap/Gaganapin o kontemplatibo
Ito ay ang kilos ay mangyayari pa lamang.
Halimbawa:
Kakain si bebang ng tsokolate.
Pang-abay (adverb)
Mga uri ng Pang-abay
Pamanahon - (Adverb of Time) nagsasaad kung kailan ginanap ang kilos.
Halimbawa: Kami ay nagsisimba tuwing linggo.
Panlunan - (Adverb of Place) tumutukoy sa pook/lugar kung saan naganap ang kilos
Halimbawa: Pumunta sa palengke ang nanay kanina.
Pamaraan - (Adverb of Manner) naglalarawan kung paano naganap ang kilos ng pandiwa
Halimbawa: Si ate ay umiyak nang malakas dahil pinalo ni ama.
Pang-agam - pang-abay na nagsasaad ng walang katiyakan ng isang kilos
Halimbawa: Hindi yata uulan mamaya dahil napakainit ng panahon ngayon.
Panang-ayon- (Adverb of Affirmation) pang-abay na nagsasaad ng pangsangayon. Ito ay katumbas ng "affirmation" sa Ingles.
Halimbawa: Tunay na napakaganda ng iyong damit.
Pananggi - (Adverb of Negation) pang-abay na nagsasaad ng hindi pagsangayon
Halimbawa: Hindi pwede na isama ang mga alagang hayop sa party ko.
Panggaano - nagsasaad ng dami, halaga o timbang
Halimbawa: Limang kilong baboy ang binili niya sa palengke.
Panghalip (pronoun)
Panao
ang tawag sa panghalip na pamalit o panghalili sa pangngalang tao. Ang panghalip na panao ay ipinapalit sa taong nagsasalita, kinakausap at pinag-uusapan. Ito ay maaring isahan o maramihan
Panauhan | Isahan | Dalawahan | Maramihan |
Una | ako, ko, akin, kata | kita, amin, natin, atin | tayo, kami, naming, atin |
Ikalawa | iyo, mo, ka, ikaw | kayo, inyo, ninyo | kayo, inyo, ninyo |
Ikatlo | kaniya, siya, niya | nila, sila, kanila | nila, sila, kanila |
Kung saan ang:
Unang Panauhan— tumutukoy sa tagapagsalita.
Ikalawang Panauhan— tumutukoy sa kinakausap.
Ikatlong Panauhan— tumutukoy sa pinag-uusapan.
Pamatlig
panghalip na ipinapalit o ihinahalili sa pangngalang bagay o lugar na itinuturo. Halimbawa, Ang ito, iyan at iyon ay mga panghalip na pamatlig na pambagay. Ang dito, diyan at doon ay mga panghalip na pamatlig na panlunan. Ginagamit ang:
Ito – kung hawak o malapit sa nagsasalita ang bagay na itinuturo
Iyan – kung hawak o malapit sa kinakausap ang bagay na itinuturo
Iyon – kung ang itinuturong bagay ay malayo sa nag-uusap
Dito – kung ang lugar na itinuturo ay malapit sa nagsasalita
Diyan – kung malapit sa kinakausap ang lugar na itinuturo.
Doon –kung ang lugar na itinuturo ay malayo sa nag-uusap
Ang dito, diyan at doon ay nagiging rito, riyan at roon kung ang nauunang salita ay nagtatapos sa patinig sa mala-patinig na w at y. Halimbawa: parke roon; bahay rito
Kinalalagyan | Paturol | Paari | Patulad | Pahimaton |
Malapit sa nagsasalita | ito,ire,dito | nito, nire | ganito,ganire | eto, heto |
Malapit sa kausap | iyan | niyan | ganyan | hayan, ayan |
Malayo sa kausap | iyon | niyon | ganoon | hayun, ayun |
Panaklaw
Ito ay nagsasaad ng dami o kalahatan.
anuman, kaninuman, lahat, bawat-isa, alinman, sinuman, pulos, madla, iba
Nakahilig na pantitik
Halimbawa:Lahat tayo ay magtutulungan.
Panghalip na kaukulan
Palagyo
Ito ay kapag ginagamit ang panghalip bilang simuno.
Panauhan | Una | Ikalawa | Ikatlo |
Unang Panauhan | ako | kata | kami |
Ikalawang Panauhan | ka | ikaw | kayo |
Ikatlong Panauhan | siya | sila |
|
Halimbawa:
Ako ang magluluto.
Ikaw ang magluluto.
Siya ang magluluto.
Paari
Ito ay nagsasaad ng pag-aari ng isang bagay.
Unang Panauhan | akin, ko, amin, atin, naming, natin |
Ikalawang Panauhan | mo, iyo, ninyo, inyo |
Ikatlong Panauhan | niya, kaniya, nila, kanila |
Halimbawa:
(Pauna) Ang inyong damit ay nalabhan na.
(Pahuli) Ang damit mo ay nalabhan na.
Palayon
Ito ay ginagamit bilang layon ng pang-ukol at sumusunod sa pandiwang nasa tinig ng balintiyak.
Halimbawa:
Si Jenny ay nakasakay ko.
Pinakain nila ang mga tuta.
Mga Gamit ng Panghalip
Panaguri ng Pangungusap
Halimbawa:
Ang pera ay kanya.
Ang bola ay kanila.
Panuring Pangngalan
Halimbawa:
Ang ganiyang tatak ng relo ay maganda.
Ginagamit bilang Pantawag
Halimbawa:
Ikaw, umalis ka na.
Kayo, hindi ba kayo sasama?
Sila , hindi pa ba sila kakain?
Bilang Kaganapang Pansimuno
Halimbawa:
Tayo ay kakain na.
Iyan ang gagawin mo.
Pang-angkop
Ang mga salita ay ginagamitan ng mga pang-ugnay upang maging madulas ang pagbigkas. Ang mga pang-ugnay na ito ay tinatawg na "pang-angkop". Ginagamit ang pang-angkop bilang pang-ugnay ng salita sa kapwa salita. May tatlong pang-angkop ang ginagamit sa pag-uugnay ng mga salita:
at ito ay ang :
-ng halimbawa: balik ng balik
-g halimbawa: pagkaing baboy
-na halimbawa: pangit na pangit
Klaster
Ang klaster ay isang salitang may dalawa o higit pang magkakatabing katinig sa loob ng isang pantig. Halimbawa: kard, plantsa, plato, braso, eksperto
Diptonggo
Ang diptonggo ay isang salitang may patinig at malapatinig (y at w) sa isang pantig.
Halimbawa: kahoy, kalabaw
Hindi itinuturing na diptonggo ang mga salitang tulad ng ngipin sapagkat ang ng ay iisang titik lamang sa alpabetong Filipino.
Pang-uri
Ang Pang-uri ay ang salitang naglalarawan sa pangngalan at panghalip. Ito ay tinatawag na Adjective sa wikang Ingles.
Uri ng Pang-uri
Panlarawan
Ito ay naglalarawan ng katangian ukol sa laki, kulay, hugis o kalagayan ng pangngalan o panghalip.
Pamilang
Ito ay nagsasaad ng bilang ng pangngalan o panghalip.
Halimbawa:
marami
kaunti
Patakaran o Kardinal
Ito ay gamit sa bilang o dami
Halimbawa:
lima, anim,; sandaan, sanlibo
Panunuran
Ito ay nagpapahayag ng pagkakasunod-sunod ng bilang.
Halimbawa:
una, ikalima/ika-5, pangalawa, ikasiyam/ika-9
Pamahagi
Ito ay pamilang na bahagi ng isang buo o mahigit sa isang buo.
Halimbawa:
kalahati (½)
bahagdan(1/100)
kaapat (¼)
Pamilang
Ito ay iniuukol sa dalawa o higit pang tao o bagay.
Halimbawa:
tig-apat na piso
tig-aanim na mansanas
Palansak
Ito ay nagsasaad ng bukod na pagsasama-sama ng mga tao o bagay.
Halimbawa:
dala-dalawang bata
pito-pitong dahon
Kailanan ng Pang-uri
Isahan
Ito ay ginagamit kung iisa lamang ang inilalarawan.
Halimbawa:
Kaibigan ko siya.
Dalawahan
Ito ay ginagamit kung dalawa ang inilalarawan.
Halimbawa:
Magkasimpangit ang magkaibigan.
Maramihan
Ito ay ginagamit sa tatlo o higit pa.
Halimbawa:
Si carmen ay matalino na bata
Kayarian ng Pang-uri
Payak
Ito ay kapag ang anyo ng pang-uri ay salitang ugat.
Halimbawa:
basang trapo
sariwang gatas
puting sapin
Maylapi
Ito ay pang-uring likas na may panlaping ma, maka at iba pa.
Halimbawa:
masikip na daan
makataong asal
Inuulit
Pang-uring inuulit ang salitang ugat.
Hal. Magandang-maganda
Tambalan
Ito ay binubuo ng dalawang salita na pinagtambal
Halimbawa:
balat-sibuyas
kapit-bisig
tulog-mantika
Kaantasan ng Pang-uri
Lantay
ito ay ang pang-uring nag lalarawan sa isa o 1 pangkat ng tao,bagay,pangyayari
Halimbawa:
mainit
malakas
payapa
Pahambing
Ito ay para sa pagtutulad ng dalawang tao, bagay o pangyayari.
Magkatulad
Ito ay kung nagtataglay ng magkatulad na katangian, kagamitan ng panlaping: sing, kasing at magkasing
Halimbawa:
kasingpalad
singganda
magkasinggaling
Kung ang pang-uring uulapian ay nagsisimula sa d, l, o, r, s, t ay alisin ang titik g sa palaping: sing, kasing, masingat magkasing.
Halimbawa:
Ang lupa nila Ding ay kasinlaki ng kina Dang.
Kung ang pang-uring uunlapian ay nagsisimula sa b, p, alisin ang titik n sa panlapi at palitan ng m.
Halimbawa:
Ang kotse ni Noel ay kasimbilis ng kay Mark.
Di-magkatulad
Ito ay kung hindi magkapantay sa katangian, gumamit sa salitang di-gaano, higit o lalo bago ang pang-uri at sinusundan ng: tulad, gaya o kaysa.
Halimbawa:
Si Joy ay higit na magaling kaysa kay Jane.
Pinasidhi
Ito ay ginagamit upang ipakita ang kahigitan ng isang bagay kaysa sa karamihan o sa lahat. Gamitin ang sumusunod na paraan: halimbawa:maganda si anarose.ang may salungguhit ay maganda
Paggamit ng panlaping nag, napaka, pinaka, an at han.
Halimbawa:
nagtataasan
napakabait
pinakamabait
Paggamit ng salitang gaya ng: masyado, lubha, talaga, at tunay.
Halimbawa:
masyadong malaki
lubhang mainit
talagang mabait
Paggamit ng mga pariralang: ubod ng, reyna ng, at hari ng
hari ng yabang
ubod ng sipag
reyna ng kagandahan
Pagbabagong Morpoponemiko
Asimilasyon - pagbabagong nagaganap sa (n) dahil sa impluwensya ng ponemang kasunod nito.
Asimilasyong di ganap - pagbabago sa unang morpema
Halimbawa: pang + bansa = pambansa, sing + bait = simbait, mang + batas =
mambabatas
Asimilasyong ganap: pagbabago ng kapwa panlapi at salitang-ugat.
Halimbawa: mang + tahi = manahi, pang + palo = pamalo, pang + takot = panakot
Pagpapalit ng ponema = kapag ang (d) ay nasa pagitan ng dalawang patinig kaya ito'y pinapalitan ng ponemang "r".
Halimbawa: ma + damot = maramot, ma + dunong = marunong
Paglilipat(Metatesis)=-paglilipat ng posisiyon ng panlaping "-in" kapag ang kasunod na ponema ay ang mga ponemang (l, y)
Halimbawa: lipadin-nilipad, yakapin-niyakap
Pagkakaltas ng ponema - mayroong pagkakaltas o pagtatangal ng ponema.
Halimbawa: takip + an = takpan, sara + han= sarhan, labahan = labhan, dalahin = dalhin