Quantcast
Channel: Gabay ng Mag aaral
Viewing all articles
Browse latest Browse all 223

Alamat ng Pamaypay

$
0
0
Alamat ng Pamaypay
Panitikan ng Thailand


Sa isang malayong lugar, may mag-asawa, tahimik at namumuhay. Biniyaan sila ng malulusog na kambal at pinangalanan sila ng Pay at May. Pinaggigiliwan ng kambal. Ngunit habang sila'y lumalaki, palagi silang nag-aaway. Ang mag-asawa ay nagkaroon ng problema dahil sa kanila.

Isang araw, dumating ang isang kalamidad. walang ulan. Ang kanilang lugar ay naging tagtuyot. Ang mga tao ay nagdadasal upang magkaroon ng malakas na simoy ng hangin at ulan. Ang Bathala ay nagsabi na magkaroon lamang ng malakas na hangin at ulan kung ang lahat ng tao sa lugar nila ay magkakasundo. Ngunit ang kambal ay nag-aaway at nag-aaway parin dahil sa inggit nila sa isa't isa, makasarili sila at ito ang isa sa mga pinaka ayaw ng Bathala.Sabi ng Bathala sa kanilang dalawa, "kapag hindi pa kayo nagkakabati pagkatapos ng tatlong  parusa, mamamatay agad kayo hindi dahil sa init kundi sa mga kasalanan ninyo." Pero hindi naniwala ang mga kambal sa Bathala. Patuloy parin silang nag aaway.

Gabi na nang matapos ang kanilang pag-aaway. Natulog na silang dalawa pagkatapos ng ritwal nila ng gabi. kinaumagahan, dumating na ang kanilang unang parusa. Nang dumatig ang kanilang unang parusa ay sobrang nagulat ang kambal dahil ang kanilang buhok ay nawala. Kalbo na ang mag kambal. dahil sa kanilang sitwasyon ngayon, muling nag-away nanaman ang dalawang bata. Nag-aaway dahil sa suklay. Ang bunga ng kanilang pag- aaway ay ang kanilang pangalawang parusa. Ang kanilang pangalawang parusa ay nagiging butiki ng gabi si Pay at nagiging baboy naman si May ng umaga. Naging kalahating-tao at kalahating-hayop na silang dalawa.

Nang nalaman ng kanilang ina ang sitwasyon ng kanyang mga anak na kambal ay umiyak siya. Pumunta pa sila sa mga ospital, ngunit walang gamot para gumaling at mailagay sa normal na  pamumuhay ang kanyang mga anak. Nang makarating na sila sa bahay nila, nagsalita ang ina, "Alam niyo mga anak, kung matagal na kayong nagkabati, sana hindi nangyari ito."Pangatlong parusa. Patuloy ang pag-aaway ng kambal dahil sa hindi na talaga titigil. kinausap sila ng Bathala, "Gusto ko sana kayong tulungan, kaya bibigyan ko kayo ng isa pang  pagkakataon. Mag-isip isip kayo ng isang bagay na ipaglaban sa init."

Nakapagisip-isip ang kambal at nagtulungan. Kumuha sila ng maraming kawayan at hinati nila ito ng pahaba at ginawang manipis. Pagkatapos, pinagdugtong-dugtong nila ang mga ito at tinawag na "Pamaypay" galing sa mga pangalan nila 'Pay' at 'May'. At ito na rin ang naging  paraan para magkabati ang magkambal. At mula noon, natanggal na ang kanilang sumpa na dumating sa kanilang buhay.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 223

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>