Quantcast
Channel: Gabay ng Mag aaral
Viewing all 223 articles
Browse latest View live

Kabanata 29

$
0
0
Kabanata 29: Papalapit na Wakas

Bumalik si Victor  sa  kanyang tirahan para makita ang ina. Ibinalita nito kay Nyora Tentay na ang kanyang tirahan sa Canal Dela Reina ay tuluyan ng nasira ng nagdaang bagyo.
Nagising si  Nyora Tentay at nagtanong tungkol kay Ingga. Sinisisi niya ito sa pagkawala ng mga alahas nito. Ipinagtapat rin ni Victor na gusto na niyang magsarili at magkaroon ng sariling bahay. Ngunit alam na nilang panalo na sila Caridad kaht na hindi pa nadedesisyunan ng korte kung sino ang panalo o hindi. Binitiwan na ng abogado ni Nyora Tentay ang kaso ngunit nagpumilit pa rin si Nyora Tentay hanggang malitis ang kaso. Ang hatol ay ang lupa sa Canal Dela Reina ay orihinal na pagmamayari ni Caridad.
Marami ng tumatawag sa bahay ni Caridad upang batiin ang pagpasa ni Leni sa board exam. Si Leni naman ay tuwang tuwa dahil mamanhikan si Gerry sa kanyang pamilya kasama ang kanyang ama, si Vic.

Kabanata 30

$
0
0
Kabanata 30: Dito Babangon

            Hindi inaasahan ni Vic na siya ay buong pusong pa ring tatanggapin sa tahanan nila Caridad at Salvador. Binati naman agad ni Vic si Leni sa pagpasa ng board at sa pagiging opisyal na doktora. Habang naguusap sila sa may sala at naanigan ni Vic si Ingga sa salamin at tinawag niya ito na nagbigay takot naman kay Ingga. Inamin na ni Caridad kay Vic na si Ingga talaga ang nakakuha sa bayong ni Nyora Tentay. Gustong bawiin ni Vic si Ingga upang ipaalam sa kanyang ina na ang nakakuha ng bayong nito ay si Ingga ngunit ayaw na ni Ingga na bumalik pa ulit kila Nyora Tentay at ito’y luluwas na ng probinsya sa araw din na iyon.
            Sinabi na ni Gerry na magpapakasala na sila ni Leni ngunit parang kinakabahan pa siya sa mga mangyayari . Ipinaalam din ni Gerry ang mga plano nilang dalawa ni Leni lalo na ang pagpapatayo ng ospital sa loob ng kanilang bakuran na malapit rin sa kanilang bahay. Ang ospital na ito ay para lamang sa mga taong walang panggastos upang ipagamot ang kanilang mga anak.
            Araw na ng kasal ni Gerry at Leni ng lumambot na muli ang puso ni Gracia sa dati niyang asawa na si Victor.
            Naitanong ni Caridad kay Junior kung may naiisip na itong konsepto o plano sa balak na ospital ng kanyang kapatid dahil alam ni Caridad na gusto talaga ni Junior ang Architecture. Naisip ni Junior na ang magandang itayo roon ay ang isang simbolo ng pagtindig ng isang bagong pamayanan na malaya. Ito’y kanyang naisip dahil kinakailangan nila ng pagbabago at kinakailangan rin magkaroon ng kahulugan ang lupang iyon hindi lamang bilang isang lupang sinilangan ng kanilang ina kung hindi simbolo ng pagbabago.

Dekada ‘70

$
0
0
Dekada ‘70
ni: Lualhati Bautista

I. Introduksyon

Kakayahan ng may akda sa pagsulat ng aklat

a. Talambuhay ng may akda

Si Lualhati Torres Bautista ay isa sa pinakabantog na babaeng nobelista sa kasaysayan ng kontemporaryong panitikan ng Pilipinas. Kabilang sa mga nobela niya ang Dekada '70, Bata, Bata, Pa'no Ka Ginawa?, at Gapô. Bilang karagdagan sa pagiging isang nobelista, si Lualhati Bautista ay isa ring manunulat ng mga maiikling kuwento, at maging sa larangan ng pelikula at telebisyon. Ang pinakaunang akdang-pampelikulang isinulat niya ay ang Sakada (mga magsasaka ng tubo), isang kuwentong naisatitik ni Bautista noong 1972 na naglantad ng katayuan at pamumuhay ng mga mahihirap ng Pilipino. Nakatanggap ng pagkilala at parangal na Gantimpalang Don Carlos Palanca para sa Panitikan ng Pilipinas, maging mula sa Surian ng Wikang Pambansa noong 1987. Ilan sa mga ginantimpalaang sulating-pampelikula niya ang Bulaklak sa City Jail (1984), Kung Mahawi Man ang Ulap (1984), Sex Object (1985). Para sa pagsusulat para sa pelikula, nakatanggap siya ng pagkilala mula sa Metro Manila Film Festival (best story- best screenplay), Film Academy Awards (best story-best screenplay), Star Awards (finalist para sa best screenplay), FAMAS (finalist para sa best screenplay), at mga gantimapalang URIAN. Dalawa sa kaniyang mga maiikling kuwento ay nagwagi rin mga gantimpalang Carlos Palanca para sa Panitikan: ang Tatlong Kuwento ng Buhay ni Juan Candelabra, unang
gantimpala, 1982, at Buwan, Buwan, Hulugan mo Ako ng Sundang, pangatlong gantimpala, 1983. Sumulat rin si Bautista ng mga dramang pang- telebisyon: ang Daga sa Timba ng Tubig (1975) at Isang Kabanata sa Libro ng Buhay ni Leilani Cruzaldo (1987). Nanalo ang huling akda ng pinakamagaling na kuwentong pandrama para sa telebisyon mula sa Catholic Mass Media Awards. Pinarangalan si Bautista ng Ateneo Library of Women's Writings (Aklatan ng mga Sulatin ng mga Kababaihan ng Ateneo) noong Marso 10, 2004 habang idinaraos ang ika-8 Taunang Panayam sa Panitikang Isinulat ng
mga Kababaihan sa Katutubong Wika.

b. Iba pang aklat na isinulat ng may akda.
Gapo (1980); Bata, bata, Pa'no ka Ginawa (1984); Sakada (1976); Tatlong Kuwento ng Buhay ni Julian Candelabra (1982); Buwan, Buwan, Hulugan mo Ako ng Sundang (1983); Bulaklak sa City Jail (1984);Kung Mahawi man ang Ulap (1983); Sex Object (1985); Daga sa Timba ng Tubig (1975); Isang Kabanata sa Libro ng Buhay ni Leilani Cruzaldo (1987).

c. Batayan ng pagsulat ng aklat

Maraming mga naging batayan si Lualhati Bauista sa pagsulat niya sa akdang "DEKADA '70". Unang -una na rito ay ang mga karanasan niya bilang isang manunulat at Pilipino sa ilalim ng Martial Law ng mga panahong iyon. Naisip niyang , maaring ang paglathala ng akda ang maging hudyat ng muling pagkabuhay at maalab na pag-usbong muli ng malayang pamamahayag sa pamamagitan ng panulat. Kahit na marami ang
tumuligsa sa may pagka- radikal na paraan at nilalaman ng akda ay naging susi naman ito sa pagkabuhay ng kamalayan ng bawat Pilipino ukol sa tunay na estado ng bansa at ng mga mamayan nito noong mga panahong iyon.

II. Buod

a. Paksa ng aklat

Ang Dekada '70 (Dekada '70: Ang Orihinal at Kumpletong Edisyon), ay isang nobelang Pilipino na isinatitik ni Lualhati Bautista. Ito ay isang pagsasalaysay ng mga pangyayari sa buhay ng isang pamilyang nahagip sa kalagitnaan ng mga magulong dekada ng 1970. Tinatalakay nito kung paano nakibaka ang isang mag- anak na nasa gitna ng antas ng lipunan, at kung paano nila hinarap ang mga pagbabago na nagbigay ng kapangyarihan upang bumangon laban sa pamahalaang Marcos. Naganap ang sunud-sunod na mga pangyayari matapos ang pagbomba ng Plasa Miranda noong 1971, ang pagkitil sa Batas ng Habeas Corpus, ang pagpapatupad ng Batas Militar at ang walang anu-anong pagdakip sa mga bilanggong pampulitika. Nawalan ng katiwasayan ang mga mamamayan dahil sa paniniil ng rehimeng Marcos. Napagmasdan ng babaeng katauhan na si Amanda Bartolome ang mg pagbabagong ito na humubog sa dekada. Ina ng limang anak na lalaki si Amanda Bartolome. Habang nagsisilaki at nagkaroon ng sari-sariling mga paniniwala, pananaw at buhay ang mga anak na lalaki ni Amanda, itinaguyod naman ni Amanda ang kaniyang pagkakakilanlan bilang isang mamamayang Pilipino, ina at babae. Ibinungad ng Dekada '70 sa bagong salinlahi ng mga mambabasang Pilipino ang salaysaying ng isang mag-anak na nasa isang partikular na panahon sa kasaysayan ng Pilipinas. Ang nakahihikayat na katangian ng nobela ay nakasalalay sa pagunlad ng mga tauhan nito na kumakatawa sa bagong henerasyon ng mga Pilipino. Ito ay isang kuwento hinggil sa isang ina at sa kaniyang mag- anak, at sa lipunang nakapaligid sa kanila. Isa itong salaysayin kung paano ang damdamin ng isang ina ay napupunit sa pagitan ng panitik ng batas ang kaniyang mga katungkulan bilang ina.

b. Layunin ng aklat

Ang tunay na layunin ng aklat ay maimulat at buksan ang kamalayan ng bawat Pilipino sa tunay na sitwasyon ng bawat isa maging ng bansa noong DEKADA '70 o panahon ng Martial law. Nais ni Bautista na maliwanagan ang isip ng bawat isa ukol sa mga totoong pangyayari noong panahon iyon. Ninanais din ni Bautista na ipakita sa mga kapwa niya manunulat na hindi sila dapat matakot na ilabas a ilahathala ang kanilang mga aklat kahit na ano pa man ang mangyari. Ninanais ni Bautista na sa pamamagitan ng kanyang akda ay muling maibalik ang kalayaan sa paglalathala ng mga tunay na kahanga- hangang akda.
III. Pagtataya

a. Anu-ano ang mga problema / suliranin ang dapat lutasin ng mga tauhan?

Puno ng suliranin ang akda, unang- una na rito ang pagsapi ni Jules sa rebeldeng kumakalaban sa pamahalaan at pag-iwan niya sa kanyang pamilya upang sundin ang kanyang mga paniniwala. Ikalawa ay ang di pagkakaunawaan sa buhay mag-asawa ni Amanda at Julian. Ikatlo ay ang pagkamatay ni Jason at ang huli ay kung paano muling mabubuo ang pamilya Bartolome matapos ang lahat ng mga naganap na dagok sa kanilang buhay.
b. Anong ginawa ng tauhan para malutas ang problema?

Kahit labag sa kalooban ay pinilit tanggapin ng pamilya ni Jules ang katoohanan na kung ano man ang naging desisyon nito, kahit napalayo ito sa kanila ay pilit nila itong inintindi at sinuportahan kahit alam nilang ang pamahalaan ang kinakalaban nito. Pilit ding inintindi ni Amanda at Julian ang isa't isa upang huwag ng lumala ang sitwasyon at upang mapantiling buo at matatag ang pamilya sa kabila ng pagpanaw ni Jason.
c. Paano nalutas ang problema?
Dahil sa pagiging bukas at malawak na kaisipan ng bawat myembro ng pamilya ay nagkaroon ng malalim na pagkakaunawaan ang bawat isa. Nagging matatag ang bawat isa sa pagharap sa mga suliranin kaya't naging matiwasay ang lahat at nabigyan ng solusyon ang bawat suliranin.
d. Ano ang naging katapusan ng kuwento?

Nawala na nga ang Martial Law, wala na rin si Jason. Wala ng magagawa ang pamilya Bartolome kung hindi tanggapin ang lahat. May kanya-kanya ng buhay si Gani at Jules kahit pa patuloy pa ring nagtatago si Jules sa paningin ng pamahalaan. Samantalang si Amanda at Julian gayundin sina Em at Bingo ay tahimik ng namumuhay at walang pangamba sapagkat alam nilang ligtas si Jules kung nasaaan man ito, at natitiyak din nilang mapayapa na si Jason sa kinaroroonan nito ngayon.
e. Anong Teoryang Pampanitikan ang kuwento? Bakit?
Ito ay magkahalong Eksistensyalismo at Realismo sapagka ang mga tauhan ay patuloy na naghahanap ng kalayaan sa kabila ng magulong sitwasyon ng lipunang kanilang gingalawan na tunay ngang nangyayari sa kasalukuyan.

Isang Libo't Isang Halik

$
0
0
Isang Libo't Isang Halik
ni Lamberto Cabual

I. Talambuhay ni Lamberto Cabual

Guro at brodkaster sa Pilipinas si Lamberto (Bert) B. Cabual, bago nangibayong-dagat. Awtor siya ng “Pangingibang-Lupa,” isang aklat na katipunan ng mga tula na inilathala sa London ng CFMW (Commission for Filipino Migrant Workers).

Naging Pangalawang-Pangulo siya ng UMPUK (Ugnayan ng mga Manunulat na Pilipino sa United Kingdom). Sa ngayo’y isa siyang retiradong Postal Officer ng Royal Mail sa London. Sangkot sa mga gawaing pangwika, binigyang-buhay niya sa London ang Balagtasan. Gumaganap siyang Lakandiwa, at marami na ring Balagtasan ang itinanghal sa London na kanyang sinulat at pinangasiwaan. Pinalaganap din niya rito ang paghahandog ng tulang parangal sa mutya ng mga timpalak-kagandahan sa mga gabi ng pagpuputong. Tanyag na mambibigkas at makata, inaatasan siyang sumuob ng maindayog na tula sa nagsisipagwaging Binibining Pilipinas UK. Si L. B. Cabual ay tubong Pallocan Kanluran, Lungsod ng Batangas, sa Pilipinas.

II. Buod

Hindi lilipas ang isang araw na hindi kinagagalitan si Dupong ng kanyang asawang si Takya. Kung nakikita na ni Dupong na galit na si Takya, iniisip ni Dupong na hagkan ito… hagkan nang hagkan… bigyan ng isanlibo’t isang halik! Sa ganito’y baka mapahuhupa ang galit at mapagbabago ang ugali nito. Nguni’t wala siyang lakas ng loob, sa pangambang ang asawa ay lalo pang magalit. Sa tuwing kausap ni Dupong ang kaniyang mga kanayon ay binabaligtad niya ang mga pangyayari upang ibinabangon ang kanyang pagkalalaki. Minsan ay nagtungo si Dupong sa bahay ng kanyang kumpareng Kulas upang huminging payo. Narinig ni Anding ang paguusap ng dalawa at dali-dali itong pumunta kay Takya upang payuhan din ito. Naging maganda ang gabing iyon para sa magasawa at simula noon, dahil sa isanlibo’t isang halik ay nagpatuloy pa ang mabuting pagsasamahan ng magkabiyak.

III. Mga Tauhan

Dupong - Isang mabait, makisig at mahusay na karpintero.
Takya - Magandang tindera ng mga damit na asawa ni Dupong.
Kulas - Kumpare ni Dupong.
Anding - Maybahay ni Kulas.

IV. Mga Paksa at Tema

- Ipinakita ng kwentong ito ang pagiging under at macho-nurin ng lalaki sa kanilang
   asawa.
- Inilarawan din sa kwento ang katapangan ng mga kababaihan (feminism).
- Nasa kwento rin ang pagbabaligtad ng kwento upang protektahan ang iyong
   pagkalalaki.
- Obligasyon sa asawa ang pagpapasaya rito at maging ang pagtugon sa sekswal na  
   pangangailangan nito.
- Ipinakita rin na ang pagtatalik ay makapagtitibay ng relasyon ng isang mag-asawa.

Maganda Pa Ang Daigdig

$
0
0
MagandaPa Ang Daigdig
ni Lazaro V. Francsico


I.Tungkol sa May-Akda
Si Lazaro Francisco (Pebrero 22, 1898 - Hunyo 17, 1980) ay pang-apat na anak ni Eulogio Francisco at Clara Angeles. Siya ay isinilang sa Orani, Bataan ngunit pumunta at tuluyang namalagi sa Nueva Ecija.
Siya ay itinuturing na isa sa matibay na haligi ng panitikang Filipino. Ilan sa mga isinulat niyang mga nobelang ay ang Singsing na Pangkasal, Bayang Nagpatiwakal, Sa Paanan ng Krus, Ilaw sa Hilaga, Binhi at Bunga, Cesar, Sugat ng Alaala, Ama, Maganda Pa Ang Daigdig, at ang pinakahuli niyang nobela, ang Daluyong. Maliban sa Bayang Nagpatiwakal, lahat ng kanyang nobela ay nalathala sa Liwayway.
Makikita sa kanyang mga nobela na pinayaman niya ang panitikan ng bansa at sinubukan niyang pagandahin ang Pilipinong daigidig sa pamamagitan ng kanyang pambihirang kakayahan sa wika at pakikisangkot sa kapakanan at mithiin ng mga Pilipino.
Si Lazaro Francisco o "Saro" ay isa sa apat na napiling parangalan ng 2009 Gawad Pambansang Alagad ng Sining (Panitikan). Kinikilala rin siya na ama ng Kapatiran ng mga Alagad ng Wikang Pilipino (KAWIKA). Iginawad sa kanya ang mga karangalang ”Patnubay ng Lahi” ng Maynila. ”Dangal ng Lahi” ng Lungsod ng Quezon, at noong 1970 ay ipinagkaloob sa kanya ang ”Republic Cultural Heritage Award” sa Panitikan.

II. Tungkol sa Akda

Ang Maganda Pa Ang Daigdig ay sinulat ni Lazaro Francisco noong 1955 at lumabas ito sa Liwayway Magazine bilang isang serye. Ito ay napublish bilang libro noong 1982. Usapin sa repormang agraryo at panunulisan ang nobelang ito, at tumatanaw sa pag-asa sa kabila ng kabulukan at karimlan ng paligid. Tungkol ito sa problema at mga isyung mula sa agrikultura sa ating bansa at epekto sa buhay ng isang tao na si Lino Rivera.

III. Mga Tauhan

A. Mga pangunahing tauhan:

Lino Rivera -
Galing lamang siya sa mahirap na pamilya ng mga magsasaka. Nakapagaral siya hanggang sa ikaaapat na baitang. Masipag naman siyang magtrabaho. At marami na rin siyang pinasukang trabaho. Dalawang beses siyang nabilanggo sa buong kwento. Parehas ay para sa bagay na hindi niya ginawa. Noong unang beses dahil walang saksi. Sa pangalawa naman, pinagbinatangan siyang pumatay.

Siya rin ay mabait na tao na tumutulong sa mga may kailangan. Pinuno siya ng kanilang kilusan, subalit nung inalok siya ni Kumander Hantik na sumama sa kanyang samahan, siya ay tumanggi. Siya ay may halagang 10,000 pesos sa paghuli, patay man o buhay.
Ernesto -
Anak ni Lino Rivera. Sa kurso ng storya, si Ernesto ay 11 na taong gulang. Mayroon siyang isang krusipiho lamang mula sa kanyang ina na namatay na. Isa siyang matalino na bata at siya ay nasa ikaapat na baitang na. Inaalagaan siya ni Bb. Sanchez. Minsan ay sinabihan siya ng isang bata na anak siya ng tulisan. Pero kahit anong problema ang dinaraos ng ama niya, mabait pa rin na anak si Ernesto.

Bb. Loreto Sanchez -
Ang nag-alaga kay Ernesto noong pangalawang beses na mabilanggo ni Lino. Siya ang punong guro sa paaralang bayan ng Pinyahan. Siya rin ang taga payo ng samahan ng mga magulang at guro. Mayroon siyang inaanak na si Ernestina. Inaalagaan rin niya ito. Anak siya ni Aling Basilia at tiyo niya si Padre Amando. Isa siyang napakagandang babae. Iniibig siya ni Kapitan Roda. Mabait siya at lagi niyang tinutulungan si Lino makahanap ng bagong trabaho.

Kapitan Carlos Roda -
Ang mangingibig ni Bb. Sanchez. Guwapo siya, mabait at may magandang kinabukasan. Mataas ang posisyon niya sa hukbo ng bansa. Nakapagaral din siya sa mga kilalang paaralan. Sa banda gitna ng kwento, kinuhanan siya ng orasan at rebolber na ibinalik ni Lino. Siya rin ang nakatuklas kung sino talaga ang pumatay kay Tarantella (ang akala na pinatay ni Lino).

Kumander Hantik -
Ang nagnakaw ng rebolber at orasan ni Kapitan Roda. Kumander siya ng Huk. Iyon ay isang samahan na laban sa pamahalaan.
Pari Amando Echevaria -
Ang tiyo ni Bb. Sanchez. Kura siya ng Pinayahan at siya ay 57 na taong gulang.  Tumulong rin siyang mahanap ni Lino ang trabaho niya bilang janitor at siya ang tumutulong sa kaso nito dahil naniniwala siyang walang sala si Lino. Nangingialam siya sa mga pangyayaring relihiyon, panlipunan, at pamahalaan.
B. Pangalawang tauhan o mga minor characters:

Si Aling Ambrosia ay ang labandera ni Bb. Sanchez. Binalita niya kay Bb. Sanchez na nahuli si Lino. Si Ignacia ay ang kawaksi ni Bb. Sanchez. Si Aling Basilia ay ang ina ni Bb. Sanchez.
Si Don Tito ay ay may ari ng bakahan sa Pinyahan. Araw araw, nawawalan siya ng trabahaor at nananakawan siya  ng mga baka. May anak siyang nagtapos sa New York City. Si Albino naman ang kaibigan ni Lino na pamangkin ni Aling Ambrosia. Siya ang nagsabi kay Pari Amando tungkol sa kalagayan ni Lino. Si Rosauro Ablana ay isang matalik na kaibigan ni Kapitan Roda. Si Estanislao Villas ay ang may ari ng gasoline station sa Pinyahan at pati na rin sa Maynila. Asawa niya si Ms. Rosalina Dolor na isang kagawad. Ang isa pang kagawad ay si Ms. Genoveva Riegos.

Si Marcelo Ligon ay ang abogado ni Lino. Si Mr. Orozco ang superintendent ng mga school. Si Ernestina ang inaanak ni Bb. Sanchez. Nagkatampuhan sila ni Ernesto, na kaidad niya. Si Ms. Minda Lavadia ay ang guro ni Ernesto at Ernestina. Si Kabo Lontoc ay ang gwardiya na nangdakip kay Lino. Si Diego Sakdal ang nagbunsod kay Lino na pumunta sa Pier X. Si Cayetano Tarantella ay pinatay ni Lupo Pinlak gamit ang isang tubo.  Ang abogado de opisyo naman ni Lino ay si Abogado Teoposto Garcia. Binigyan siya ni Pari Amando ng 200 pesos para sa kanyang serbisyo.

Si Ester Matthews ay isang amerikanang mestisa na penpal ni Bb. Sanchez. Sina Bandino Runes, Dimas Solitario at Juan Rompe ang mga saksi na “pinatay” ni Lino si Tarantella. Pero sa totoo lang, kasabwat sila ni Lupo Pinlak. Siya ang Kumander Kalpin ng mga Huk. SI Tisyo ang kasama ni Lino sa kanilang kasamahan, kasama rin siyang tumakas sa bilangguan.

Si Dr. Margarito Castro ang doktor na tumingin kay Lino nang magkasakit ito. Si Dinong ay isa pang kasama ni Lino na tumakas mula sa bilangguan. Si Felix ay isang sakristan. Si Pedro Sinsak  ay pinalitan ni Lino sa trabaho. Si Santiago ag katiwala ni Pari Amando.

IV. Buod

Nagsimula ang storya sa Kiyapo kung saan nahablot ang bag ni Bb. Sanchez. Nabawi naman agad ang bag ng isang taong di kilala. Binugbog pa niya ang mga magnanakaw. Nahuli ang mga suspek at nalaman ni Bb. Sanchez na ang pangalan ng tumulong sa kanya ay Lino.

Ang maybahay ni Lino ay ginahasa ng mga sundalong Hapon. Sa pag-uwi ni Bb. Sanchez sa bayan ng Pinyahan, nalaman niyang nakikipirmi si Lino kasama ang anak niyang si Ernesto.

Tinulungan ni Bb. Sanchez at ng amahin niyan si Pari Amando na makakuha ng trabaho si Lino. Subalit dinakip si Lino at napagbintangan siyang pumatay. Dinalaw siya ni Pari Amando sa Maynila para malaman ang kaso. Kwinento ni Lino ang nangyari sa kanya, kaso ang problema ay walang saksi. Pangalawang beses na itong nakulong dahil sa walang saksi.

Habang wala si Lino, inalagaan muna ni Bb. Sanchez si Ernesto. Noong una ay hindi kumakain at nakakatulog si Ernesto. Nag-aalala na si Bb. Sanchez at ang ina niya. Sinusubukan din ni Ernestina na pasiyahin si Ernesto ngunit walang nanyayari. Binilhan na siya ng damit at lahat.

Dumalaw si Padre Amando at pinag-usapan nila ni Bb. Sanchez ang nangyari kay Lino. Nang tanungin ng pari kung ano ang gusto nung bata, ang sinabi niya ay ang kanyang ama. Nangako ang pari na tutulungan niya si Lino.

Pagkatapos ay dumating ang labandera ni Bb. Sanchez. Napag-usapn ng mga kapitbahay nila na tutulungan nila si Bb. Sanchez. Dumaan din si Estanislao Villas at sinabi na humahanap na sila ng abogado para kay Lino.

Bago umalis, nangako ang pari na pupuntahan niya si Lino at aalamin ang kanyang kalagayan at ang katotohanan.  Pagkatapos ng ilang oras ay dumating si Aling Ambrosia, ang labandera nina Miss Sanchez.

Natagpuan na ni Rada ang saksi, pati na rin ang tunay na pumatay, sa Camarines Sur subalit nakatakas na ito kasama ang labindalawang bilanggo habang ililipat sila sa Muntinlipa.

Nabalitaan ngayon na si Lino at ang mga kasamahan nya ay humuhuli ng mga Huk. Ang mga Huk ay mga manggagahasa at magnanakaw. Noong nagkita si Kumander Hantik at at si Lino sa isang kweba, inanyayahan niya ito na sumali sa kanilang samahan. Tumanggi si Lino. Bilang ganti, ikakalat raw ni Kumander Hantik na si Lino ang nagsisimula ng gulo sa mga lalawigan. Nagkaroon ng Operation Scarlet subalit hindi pa rin mahuli si Lino at ang samahan niya.

Habang nangungumpisal ang isang rantsero, nalaman ni Padre Amado ang kinaroroonan ni Lino. Sinabi nyang tumitigil nang tumakas at binalitang alam na na wala siyang kasalanan sa kaso. Tumigil nga si Lino at sa dulo, nalaman niyang iniibig siya ni Bb. Sanchez.

Mga Ibong Mandaragit

$
0
0
Mga Ibong Mandaragit
ni Amado V. Hernandez
   
I. Introduksyon

Ang Mga Ibong Mandaragit (Mga Ibong Mandaragit: Nobelang Sosyo-Politikal) ay isang nobelang isinulat ng manunulat at aktibistang makalipunan na si Amado V. Hernandez noong 1969. Sa pamamagitan ng mahabang salaysaying ito, hinangad ng may-akda ang pagbabago at pagaangat ng kalagayan ng lipunan. Naglalahad ito ng katayuan ng pamumuhay at kabuhayan ng mga mamamayang Pilipino. Nang sumapit na ang kalagitnaan ng 1944 sa Pilipinas, humihina na ang puwersang pansandatahan ng Imperyo ng mga Hapones. Malapit na ang pagkagapi ng mga Hapon sa Asya noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Tinalakay din ng nobela ang kalagayan ng mga mamamayan sa pagdating ng industriyalisasyong dala ng mga Amerikano sa Pilipinas. Naisalin din ang Mga Ibong Mandaragit sa mga wikang Ingles at Ruso.

 II. Kayarian ng aklat

Si Carlos P. Romulo ang sumulat ng Paunang Salita para sa akdang ito ni Hernandez. Samantalang si Epifanio San Juan, Jr. naman ang sumulat ng Pahuling Salita ng aklat. Nasusulat sa wikang Tagalog at Ingles ang mga Pahuling Salita ni Epifanio San Juan, Jr. Nauna ang bersiyon sa Tagalog na agad namang nasundan sa salinwikang Ingles na pinamagatang Epilogue (Epilogo). Ayon sa mga pananalita ni Carlos Romulo - mula sa kaniyang sariling panitik ng Paunang Salita: ang nobelang Mga Ibong Mandaragit ni Hernandez ay nagsasalaysay "at tumatalakay ng mga suliranin ng mga mamamayan, ng buhay ng madla’t lipunan at ng kanilang kapaligiran”. Ang aklat ay mayroong 69 na mga kabanata at 416 na mga pahina.

III. Mga pangunahing tauhan

Si Mando Plaridel -
Si Mando “Andoy” Plaridel ang pangunahing tauhan sa nobelang ito. Ang tunay na pangalan niya ay Alejandro Pamintuan. Ngunit nang sumapi siya sa kilusan ng mga gerilyero ay ginamit niya ang pangalang Mando. Naging gerilyero si Mando nang ipagkanulo siya sa mga Hapon ng amo niyang si Don Segundo Montero, isang mayamang asendero at kolaborador na nakatira sa Look ng Maynila. Dating pinag-aaral si Andoy ng mangangalakal na si Don Segundo, na ang tanging pasuweldo lamang ay ang pantustos sa pag-aaral.

Si Don Segundo Montero -
Bilang mayamang may-lupa at may pagpapahalaga sa pagpapanatili ng katayuan sa lipunan – sa panahon man ng kapayapaan o digmaan – nakipagkasunduan si Don Segundo Montero sa mga bagong mananakop na mga Hapones. Ginamit niya ang kaniyang pananalapi, mga pag-aaring bagay, mga kamaganak at mga tauhan. Maging ang anak niyang si Dolly ay ginamit ang kakanyahan bilang babae at ang pamukas na “pag-ibig” sa pakikisama sa mga Hapon, at nang lumaon, sa mga opisyal na Amerikano rin.

Inulit ni Don Segundo Montero ang kaniyang kakayahang makipagkaibigan sa mga Amerikano, matapos na matalo ng mga Amerikano ang mga Hapones sa kanilang muling pagbabalik sa Pilipinas.

IV. Buod

Simula
Nagumpisa ang nobelang Mga Ibong Mandaragit sa kalagitnaan ng 1944, sa isang araw ng Setyembre, kung kailan nadarama na ang pagsisimula ng panghihina ng puwersa ng mga hukbo ng Imperyo ng Hapon sa Pilipinas. Habang lumalakas naman ang mga gawaing pakikidigma ng mga gerilyerong Pilipino at itutulong ay nasa loob ng mga sundalong Pilipino na galing sa Hukbong Katihan ng Komonwelt ng Pilipinas sa Luzon. Nangyayari ang mga ito bagaman hindi pa dumarating ang pangakong pagbabalik ng mga kawal ng Estados Unidos, na ipinangako ni Theodore Roosevelt at Douglas MacArthur.

Mga piling pangyayari
Nagsimula ang unang kabanata sa paglubog ng araw sa kagubatan. Narating ni Mando Plaridel - at ng dalawang pa niyang kasama - ang bahay-kubo ni Tata Matyas na nasa bulubundukin ng Sierra Madre. Si Tata Matyas ay isang dating rebolusyonaryo na nakibaka laban sa mga Kastila at Amerikano. Ang mga kasama ni Mando ay sina Karyo at Martin, na mga kapwa gerilyero rin. Tumakas sila mula sa isang bigong pakikipagtunggali laban sa mga sundalong Hapones na lumusob sa kampo nila sa Sampitan. May mga tatlo o apat na buwan na ang nakaraan ng huling dumalaw si Mando sa tirahan ni Tata Matyas. Noong huling pagbisita ni Mando kay Tata Matyas ay nakapagpalitan sila ng mga usapin hinggil sa kanilang mga sariling suliranin, at maging tungkol sa simulain nila sa kilusan. Napagusapan din nila ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni Jose Rizal, lalo na ang kinahinatnan ng kayaman ni Simoun (ang pangunahing tauhan sa El Filibusterismo) matapos na itapon ang mga ito ni Padre Florentino (isa pang tauhan sa El Filibusterismo). Ayon kay Tata Matyas, magagamit sana ang kayaman ni Simoun bilang panustos sa mga pangangailangan ng mga gerilya. Naniniwala si Tata Matyas na totoo ang mga tauhan sa mga nobela ng bayaning si Jose Rizal, sapagkat kilala ng kaniyang mag-anak ang tunay na “Padre Florentino”. Kung bata pa lamang siyang katulad ni Mando ay sisisirin niya ang dagat para hanapin ang nawawalang kahang-bakal ni Simoun. Naniniwala rin si Tata Matyas na ang lahat ng mga bayani – bukod pa kina Jose Rizal, Andres Bonifacio, at Apolinario Mabini – ay dapat na maging huwaran ng mga mamamayang Pilipino.

Hinanap at natagpuan ni Mando – mula sa karagatan sa may Atimonan - ang kayaman ni Simoun sa tulong ng mapang ipinagkaloob ni Tata Matyas. Ngunit, sa kabila ng kabutihang palad na ito, namatay sina Karyo at Martin. Sinalakay si Karyo ng isang pating, samantalang si Martin naman – dahil sa pagkanais na masarili ang natuklasang kayaman - ay namatay sa pamamagitan ng mga kamao ni Mando.

Nang matapos ang digmaan ay nagbalik nga ang kapayapaan, ngunit nagbalik din ang mga dating pamamalakad ng mga mayayaman at maylupa. Kung kaya’t hindi nawala ang paksang panlipunang iniharap sa pamahalaan, sa mga asendero at sa mangagalakal ng mga samahan ng mga magsasaka sa bukirin at ng mga manggagawa sa lungsod.

Nangibang-bayan si Mando upang ipagbili ang mga kayaman at nang maging salapi, sapagkat bago siya umalis ay nagtatag siya ng isang pahayagan, ang Kampilan. Dahil sa kaniyang paglisan mula sa Pilipinas, ipinagkatiwala niya ang pagpapalakad ng Kampilan kay Magat, na isa ring dating kagerilyero. Tatakbo ang imprenta sa tulong din ang iba pang dating mga naging gerilya, katulad nina Tata Matyas, Andres, Rubio, at Dr. Sabio. Si Dr. Sabio naman, na dating guro, ay nangako kay Mando na paiinamin ang mga bagay na itinuturo sa paaralang FreedomUniversity (Pamantasan ng Kalayaan), na itinatag din ni Mando, para sa ikabubuti ng kabataan. Ang huli ay isa rin sa mga tagubilin ni Mando, bago maglakbay sa Europa at Estados Unidos.

Tata Selo

$
0
0
Tata Selo
ni Rogelio R. Sikat

I. Layunin ng may-akda

Aug Iayunin ng may-akda ay ibigay aug kahulugan ng isaug akda ay wala sa akda, kundi nasa isipan ng mambabasa

II. Pagkilala ng may-akda

Si Rogelio R. Sikat (kilala rin bilang Rogelio Sícat) (1940-1997) ay isang Pilipinong piksyonista, mandudula, tagasalinwika, at tagapagturo. Siya ay anak nina Estanislao Sikat at Crisanta Rodriguez. Ipinanganak siya noong Hunyo 26, 1940 sa Alua, San Isidro, Nueva Ecija, Pilipinas. Siya ang pang-anim sa walong magkakapatid. Si Rogelio Sikat ay nagtapos na may Batsilyer ng Panitikan sa Pamamahayag mula sa Pamantasan ng Santo Tomas at isang MA sa Filipino sa Unibersidad ng Pilipinas.

Si Rogelio Sikat ay nakatanggap ng maraming pampanitikang premyo. Siya ay tanyag dahil sa "Impeng Negro", ang kanyang maikling kuwento na nagwagi ng gantimpalang Palanca noong 1962 sa Filipino (Tagalog). Marami sa kanyang mga istorya ang unang lumabas sa Liwayway, isang sikat na magasing pampanitikan na nasa wikang Tagalog. Ang nangyaring pagpapahalaga kay Sikat sa kanyang nagawa ay nakalahad sa "Living and Dying as a Writer" na isinulat ni Lilia Quindoza-Santiago. Lumitaw ang artikulo sa Pen & Ink III.

Si Rogelio Sikat ay propesor at dekano ng Kolehiyo ng mga Sining at mga Titik sa Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman mula 1991 hanggang 1994. Si Angelito Tiongson, na isang propesor sa Kolehiyon ng Komunikasyong Pangmasa sa U.P. ay gumawa ng isang tampok na pelikula pinamagatang "Munting Lupa" batay sa "Tata Selo" ni Sikat, na isa pang nagantimpalaang kuwento. Lumikha naman ang direktor ng pelikula at teatro na si Aureaus Solito ng isang maikling pelikula noong 1999 na batay sa "Impeng Negro" ni Sikat. Noong 1998, bagaman sumakabilang-buhay na si Sikat, pinarangalan siya ng Manila Critics Circle ng isang National Book Award para sa pagsasalinwika.

III. Uri ng panitikan

Maikling kwento.

IV. Mga Tauhan

Tata Selo - matandang magsasaka na pilit pinatigil sa pagsasaka, tumaga sa Kabesa
Kabesa - may-ari ng lupa kung saan nagsasaka si Tata Selo
Presidente - kumausap kay Tata Selo tungkol sa nangyari
Alkalde - nagpatahimik sa mga taong nakikiusyoso sa pangyayari
Hepe - iniluklok ng Kabesa kaya't masama ang kanyang loob kay Tata Selo
Saling - anak ni Tata Selo na naging katulong kanila Kabesa

 V. Mga kaisipan ideang taglay ng akda

Paninindigan sa mga Nagawang Bagay

Nasira ang reputasyon ni Tata Selo sa kanyang pagpatay kay Kabesa ngunit hindi
nya ito itinanggi. Ipinaliwanag nya nang maayos kung bakit nya nagawa ang
bagay na iyon.

Pag-aalala sa Pamilya

Inuna ni Tata Selo ang kalagayan ng kanyang anak na si Saling kaysa sarili nyang
kalagayan. Hindi nya inuna ang kanyang sarili dahil sa kanyang pagmamahal dito.

 VI. Buod

Mabilis na kumalat ang usapan tungkol sa pagpatay ni Tata Selo kay Kabesa, ito'y naging mainit na usapan ng mga tao at karamihan ay hindi makapaniwala na nagawa nya ito. Sya ay kinausap ng presidente habang sya ay nasa likod ng mga rehas, at tinanong kung bakit nya nagawa ito. Palaging sagot ni Tata Selo na tinungkod sya ng Kabesa nang subukan nyang makiusap na huwag syang tanggalin sa pagsasaka. Sabi ng binatang anak ng pinakamayamang propitaryo sa San Roque na hindi yun sapat na katwiran; paliwanag nya, hindi sya nauunawaan ng mga tao ang nangyari at nagawa nya. May isang lalaking lumapit sa kanya at nagtanong kung paano na ang kanyang anak, si Saling, na naninilbihan kanila Kabesa. Ayaw nyang masali ang kanyang anak sa nangyayari dahil ayon sa kanya, may sakit si Saling at mas makabubuti sa kanya ang magpahinga at malayo sa kapahamakan. Matapos ang buong araw ng pagsusuri, habang nakakapit sa rehas at nakatingin sa labas, sinasabi ni Tata Selo na lahat ay kinuha na sa kanila, wala nang natira sa kanila.

Impeng Negro

$
0
0
Impeng Negro
ni Rogelio R. Sikat

I. Tungkol sa May-Akda

Si Rogelio R. Sikat (kilala rin bilang Rogelio Sícat) (1940-1997) ay isang Pilipinong piksyonista, mandudula, tagasalinwika, at tagapagturo. Siya ay anak nina Estanislao Sikat at Crisanta Rodriguez. Ipinanganak siya noong Hunyo 26, 1940 sa Alua, San Isidro, Nueva Ecija, Pilipinas. Siya ang pang-anim sa walong magkakapatid. Si Rogelio Sikat ay nagtapos na may Batsilyer ng Panitikan sa Pamamahayag mula sa Pamantasan ng Santo Tomas at isang MA sa Filipino sa Unibersidad ng Pilipinas.

Si Rogelio Sikat ay nakatanggap ng maraming pampanitikang premyo. Siya ay tanyag dahil sa "Impeng Negro", ang kanyang maikling kuwento na nagwagi ng gantimpalang Palanca noong 1962 sa Filipino (Tagalog). Marami sa kanyang mga istorya ang unang lumabas sa Liwayway, isang sikat na magasing pampanitikan na nasa wikang Tagalog. Ang nangyaring pagpapahalaga kay Sikat sa kanyang nagawa ay nakalahad sa "Living and Dying as a Writer" na isinulat ni Lilia Quindoza-Santiago. Lumitaw ang artikulo sa Pen & Ink III.

Si Rogelio Sikat ay propesor at dekano ng Kolehiyo ng mga Sining at mga Titik sa Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman mula 1991 hanggang 1994. Si Angelito Tiongson, na isang propesor sa Kolehiyon ng Komunikasyong Pangmasa sa U.P. ay gumawa ng isang tampok na pelikula pinamagatang "Munting Lupa" batay sa "Tata Selo" ni Sikat, na isa pang nagantimpalaang kuwento. Lumikha naman ang direktor ng pelikula at teatro na si Aureaus Solito ng isang maikling pelikula noong 1999 na batay sa "Impeng Negro" ni Sikat. Noong 1998, bagaman sumakabilang-buhay na si Sikat, pinarangalan siya ng Manila Critics Circle ng isang National Book Award para sa pagsasalinwika.

II. Buod

May isang binatang lalaki na nagtatrabaho para sa kanyang ina at mga kapatid, siya ay nagngangalang Impen. Siya ay kadalasang kinukutya ng mga tao sa kanilang lugar dahil sa kanyang kaitiman at kulot na buhok. Isang araw, siya ay pinaalalahanan ng kanyang ina na huwag na lang pansinin ang mga nang-aasar sa kanya para makaiwas sa gulo. Sinubukan nyang huwag lumaban, lalo na kay Ogor na nangunguna sa pang-aapi sa kanya. Ngunit nang siya ay patuloy na naasar at inunahan sa pagsalin ng tubig, hindi nya napigilan ni Impen ang kanyang sarili at dinagukan si Ogor kahit na ito ay matipuno habang siya ay payat na payat lamang. Nagpalitan sila ng dagok pero sa bandang huli, napasuko ni Impen si Ogor at walang nakakibo sa mga agwador. Kinagulat ng mga tao ang nangyari at pinangimian nila si Impen.

III. Mga Tauhan

Impen - isang lalaking labing-anim na taong gulang, laging kinukutya ng mga tao dahil sa kanyang kaitiman
Ogor - matipuno ang kanyang katawan, laging nangunguna sa pangungutya kay Impen
Inay - nangangaral at nagpapaalala kay Impen na huwag makipag-away
Kano - pitong taong kapatid ni Impen na maputi
Boyet at Diding - mga nakababatang kapatid ni Impen
mga agwador - kasamahan ni Impen sa pag-iigib ng tubig na palaging nangungutya sa
                         kanya
Taba - pagbibilhan ni Impen ng gatas para sa kanyang kapatid

IV. Mga Tema

Responsibilidad ng Lalaki

Sa maikling kwento na ito, makikita natin na ang lalaki ay inaasahan ng pamilya. Sila ang kadalasang nagtatrabaho para may makain at mabuhay ang pamilya.

Pagkakaiba ng mga Tao

Nasa kwento na ang pagkakaroon ni Impen ng ibang kulay o pagiging maitim ay naging dahilan ng pangungutya sa kanya ng mga tao dahil sya ay naiiba.

Pagkakaroon ng Lakas ng Loob na Ipagtanggol ang Sarili

Nagawa ni Impen na lumaban kay Ogor kahit na ito ay mas matipuno kaysa sa kanya dala ng matinding pagkaapi at pag-apak sa kanyang katauhan.


Ang Dasalan ni Belen

$
0
0
Ang Dasalan ni Belen
ni Lamberto "Bert" Cabual


I. Tungkol sa Manunulat

Si Lamberto “Bert” B. Cabual ay pumunta sa London at umalis ng Pilipinas kung saan siya nagtrabaho bilang isang guro at radio announcer – napilitang umalis dahil sa kalagayan ng ekonomiya. Ngunit lagi niyang dala ang malalim na pagmamahal sa kanyang katutubong lupain at matinding simpatya sa paghihirap na dinaranas nito. Ginamit niya ang emosyong ito upang sabihin ang kwento ng mga maggagawang Pilipino sa ibang bansa sa pamamagitan ng kanyang mga tula. Sa kanyang libro, “Pangingibang-lupa,” isinabuhay niya, gamit ang kanyang katutubong wika, ang kalungkutan at pangungulila, ang hirap at sakit, ang takot at pag-aalala ng mga manggagawang Pilipino layo sa kanilang mga pamilya. Ito ang unang aklat ng mga tula na gawa ng isang Pilipino sa Britanya. Habang si Bert ay nagtatrabaho sa isa sa mga malalaking ospital sa London at hindi nagtagal ay sa Royal Mail naman, nalaman niya ang lahat ng paghihirap na dinaranas ng mga Pilipino sa kanilang pang-araw-araw na trabaho, dahil na rin sa kakaibang kapaligiran, habang patuloy nilang sinasanay ang sarili sa bagong kultura at paraan ng pag-isip.

II. Buod

Tinulungan ng tagapagsalaysay ang babaeng nalaglagan ng wallet, si Belen. Bilang pasasalamat ay bibigyan dapat ng pera ni Belen ang tagapagsalaysay ngunit agad naman itong tumanggi kung kaya't pinaanyayahan na lamang na kumain kasabay niya upang makilala na rin niya ito ng lubusan. Bago maghiwalay ay binigyan ni Belen ng isang dasalan ang tagapagsalaysay at pinapangako ito na laging gagamitin. Pagdating sa bahay ay agad na binuklat at binasa ng tagapagsalaysay ang dasalan at ito ay umantig sa kanya ngunit may mga tanong na nabuo sa kanya tungkol sa pangungumpisal na hindi maipaliwanag ng dasalan kung kaya't sumangguni siya sa ama na isang napakarelihiyosong tao at napaliwanag naman ng ama ngunit iniwan sa kanya ang mga salitang "Ipauunawa sa iyo ng Panginoon sa takdang panahon ang mga banal na kaisipang hindi mo pa gaanong maunawaan ngayon." Araw ng Sabado, may kung anumang elemento ang nagtulak sa kanya upang magsimba at doon ay nakita niya rin si Belen na nagsisimba. Kinagabihan ay dinalaw niya si Belen sa kanilang bahay at doon nagtapat ng kanyang nararamdaman para sa dalaga ngunit agad naman itong tinanggihan ng dalaga sa pagtatapat na siya ay magmamadre. Kapwa malungkot ang dalawa dahil mahal nila ang isa't isa ngunit hindi ito angkop at doon naisip ng tagapagsalaysay ang mga salitang iniwan sa kanya ng ama.

III. Mga Tauhan

Tagapagsalaysay - hindi nabanggit sa kwento ang kanyang pangalan. Ang tumulong at kinalaunan ay nagkagusto kay Belen.

Belen Ledesma - isang magandang babae na nagustuhan ng tagapagsalaysay at gayun din siya dito ngunit may nais na magmadre.

Daddy - ang ama ng tagapagsalaysay na nagsisilbi bilang lay minister sa Parokya ng Santisima Trinidad, isang simbahan na hindi kalayuan sa kanilang bahay. Relihiyoso, nagba-Bible Study at sumasama sa mga Ispiritwal na mga pagpupulong ng simbahan.

IV. Mga Paksa at Tema

'Love at first sight' - mapapansin natin ito sa tagapagsalaysay nung naliwanagan na ang isip niya at nakita si Belen at tinamaan siya.

Ang pagiging madre o pari - alam naman natin na hindi dapat magkaroon ng asawa't anak ang mga madre at pari dahil iniaalay na nila ang kanilang serbisyo sa Diyos lamang. Makikita natin sa kwento na isinantabi ni Belen ang nararamdaman para sa tagapagsalaysay kahit mahirap dahil na rin sa kanyang kagustuhan na magmadre.
Ang relasyon ng ama sa anak - hindi masyado kapansin-pansin ngunit gusto kong bigyang pansin ito dahil sa aking palagay, hindi man tuwiran na inilahad ay parang makikita natin dito yung 'bonding' ng ama at ng anak na lalaki pati na rin yung mga bagay na hindi natin alam ay maaring maipalawanag ng ating mga magulang kung kaya't dapat tayo'y nagtatanong upang maliwanagan o mapangaralan tayo.







Luha Ng Buwaya

$
0
0
Luha Ng Buwaya
ni Amado V. Hernandez


I. Introduksyon

Ang Luha ng Buwaya ay nobelang katha ng isang Pambansang Alagad ng Sining o National Artist (sa kategoryang Literatura) ng Pilipinas na si Amado V. Hernandez. Ang kwento ay umiikot sa pang-aapi ng isang mayamang pamilya sa mga maralitang mamamayan ng isang bayan sa probinsya, at kung papaano nakaisa’t nagsama-sama ang mga nasabing mahihirap upang lumaban at malutas ang kanilang mga problema.

Isinulat ni Hernandez ang Luha ng Buwaya habang siya’y nasa bilanguan (sa pagitan ng taong 1951 hanggang 1956), at ito’y unang nalimbang noong 1962 ng Ateneo de Manila University Press. Ang aklat ay may limampu’t talong kabanata at 334 na pahina.

II. Tungkol sa Manunulat

Si Amado Vera Hernandez ay ipinanganak noong ika-13 ng Setyembre 1903 sa bayan ng Hagonoy sa Bulacan. Isa siyang tanyag na makata, manunulat at pinuno’t aktibista para sa mga manggagawa.

Nagsimula siyang magsulat para sa mga pahayagan noong siya’y binatilyo pa lamang. Ilan sa mga pahayagan kung saan siya’y naging peryodista ay ang Watawat, Pagkakaisa, at Mabuhay.  Ang kanyang mga akda any nakuha ang pansin ng tao at nasama ang ilang niyang mga kwento’t tula sa mga antolohiyang kagaya ng Parolang Ginto ni Clodualdo del Mundo at Talaang Bughaw ni Alejandro Abadilla. Noong 1922, naging kasapi si Hernandez ng samahang Aklatang Bayan, kung saa’y kabilang din sina Jose Corazon de Jesus at Lope K. Santos. Siya’y labinsiyam na taong gulang pa lamang noon.
Ikinasal si Hernandez kay Honarata “Atang” de la Rama noong 1932. Si Ginang de la Rama ay isa ring Pambasang Alagad ng Sining, sa kategoryang Teatro, Sayaw at Musika.

Nang sinakop ng mga Hapones ang Pilipinas noong taong 1941, sumali si Hernandez sa kilusang guerilla, kung saan siya nagsilbi bilang intelligence officer. Dito’y nakilala niya ang mga miyembro ng Hukbo ng Bayan Laban sa Hapon o Hukbalahap. Sinasabi na sa pagtatagpong ito nagkaroon ng simpatya si Hernandez para sa Komunismo o Communism.

Matapos ang digmaan ay tinalaga siya ni Pangulong Sergio Osmeña bilang konsehal ng Maynila. Siya rin ay naging pangulo ng dati’y Philippine Newspaper Guild. Ngunit ang talaga niyang mahalagang gawain ay ang pag-organisa ng mga unyon para sa mga manggagawa. Si Hernandez ay dinakip noong taong 1950 sa salang siya raw umano’y isang lider ng mga rebelyong namumuo sa Luzon. Sa kulungan niya isinulat ang kayang mga tanyag na nobelang Ibong Mandaragit at Luha ng Buwaya. Matapos ng limang taong pagkakakulong ay siya’y hinayaang magbayad ng piyansa, at di kalaunan ay napawalang-sala sa mga kasong kanyang hinaharap.

Si Hernandez ay nagpatuloy magsulat at magturo hanggang sa kanyang kamatayan noong ika-24 ng Marso, taong 1970.

III. Buod

Umiikot ang kwento ng Luha ng Buwaya sa tunggalian ng mayayamang may-ari ng lupa at ng kanilang mga inaaping magsasaka sa bayan ng Sampilong ilang taon matapos ang pananakop ng mga Hapones. Nagsimula ang kwento sa pag-uwi ni Maestro Bandong Cruz sa Sampilong upang humalili sa dating punong-guro na nagbakaston muna dahil sa karamdaman. Nagkataon naman na magkakaroon ng malaking handaan sina Don Severo at Doña Leona Grande, ang mga pinakamayaman sa Sampilong, bilang pagsalubong sa kanilang dalawang anak na sina Jun at Ninet. Ang magkapatid ay umuwi sa Sampilong mula sa kanilang pagtatapos sa Maynila. Ang pamilya Grande ay lubhang mapang-api sa kanilang mga magsasaka , at hindi lamang ngayong malapit na ang piging ngunit kahit noon pa man. Sila’y lagging walang-awang sumisingil ng mga nagkakapatong-patong na utang ng mga mahihirap na magsasaka. Isang halimbawa ng kanilang kalupitan ay, ilang araw matapos ang handaan, namatay ang asawa ng isang magsasaka dahil hindi pinagbigyan ng mag-asawa ang hiling ng lalaki na huwag munang kunin ang kanilang pera upang mayroon siyang maipambili ng gamot para sa kanyang maysakit na asawa. 

Dumating ang mga pangyayari sa puntong napuno na ang mga mahihirap na magsasaka at naisip nilang magtayo ng isang unyon para mapangalagaan ang kanilang mga karapatan. Sila ay tinulungan ng butihing punong-guro na si Bandong. Sa tulong nito ay namulat ang isipan ng mga tao sa Sampilong at gumanda ang kalagayan ng mga mamamayan. Ngunit patuloy na umiral ang kasakiman ng mga Grande at tinangka nilang kamkamin ang lupaing kung tawagin ay ‘Tambakan’ o ‘Bagong Nayon’ at hinabla ang mga mahihirap upang mapigilan ang kanilang mga plano. Di nagtagal at nakarating ang mga balitang ito sa mga Grande sa pamamagitan ng kanilang katiwala na si Dislaw, ang karibal ni Bandong sa panliligaw sa magandang dalagang si Pina, at sila’y gumawa ng paraan upang matanggal si Bandong sa pagkapunong-guro sa paaralan. Nalaman ni Bandong kung sino ang mga may galit sa kanya at tahasa na siyang nakiisa sa mga plano at hinanaing ng mga maralitang tao ng Sampilong. Sinubukan nilang dalhin ang problema sa korte at ayusin ito sa harap ng hukuman ngunit nagkaproblema sila dahil sadyang maimpluensya ang mga Grande. Di naglaon ay napabalitang ang lupaing iyon ay hindi pala sa mga Grande, at sa halip ay pagmamay-ari ito ng isa nilang kasamahan na si Andres. Sa huli ay napawalang-sala rin ang mga inosenteng mahihirap at nabigyan ng hustisya. 

 IV. Mga Tauhan

Bandong Cruz – Siya ay isang gurong hinirang upang maging panibagong principal o punong- guro ng isang paaralan sa Sampilong. Siya ay anak ng isang magsasaka at maagang naulila, kaya’t siya’y kinupkop ng kanyang tiya. Siya ay matuwid, matulungin, responsable, at mapagkakatiwalaan kaya’t palagay sa kanya ang mga mahihirap at ordinaryong tao sa Sampilong. 

Don Severo at Doña Leona Grande – Sila ang mayamang mag-asawa na mapang-abuso sa kanilang mga trabahador at sa mga nangungupahan sa kanilang mga lupain. Mayroon silang dalawang anak na nagngangalang Jun at Ninet. Madalas silang magsimba ngunit sila’y lubhang sakim at gahaman. Maaaring mahalintulad sa matakawa na buwaya. 

Dislaw – Ang katiwala ng mga Grande na mayabang, may masamang ugali at kinamumuhian ng mga magsasaka. Siya ang karibal ni Bandong sa magandang dalagang si Pina. Palagi siyang may dala-dalang rebolber nab aril saan man magpunta. 

Pina – Ang dalagang iniibig pareho nina Bandong at Dislaw. Siya ay anak ni Mang Pablo at Aling Sabel. May kapatid siyang lalaki na nagngangalang Dinong. Tinaka siyang gahasain ni Dislaw pagkat di niya ito makuha sa santong dasalan. 

Andres – Isang lalaking naninirahan sa iskwater area na may lihim na pagkatao. Pinagbintangan siyang magnanakaw ng ulo ng litson na iniabot lamang sa kanya. Siya ang asawa ni Sedes at mayroon silang apat na anak. Lingid sa kaalaman ng iba na siya pala ang tagapagmana ng malaking lupain ni Kabesang Resong, isang mayaman ngunit mabuting kabesa noon. 

Tasyo – Siya ang hinirang na pinuno ng unyon. Madalas siyang makipag-away sa mga Grande at kay Dislaw dahil nais niyang protektahan at ipaglaban ang kanilang karapatan at mabigyan ng hustisya ang mga pang-aabuso sa kanilang mga mahihirap. 

V. Pagsusuri sa Luha ng Buwaya

Sadyang nakapanghihimok ng damdamin ang kwentong isinasalaysay ng Luha ng Buwaya dahil ito ay tungkol sa masaklap na kalagayan ng mga mahihirap na magsasaka at mga iskwater matapos ang panahon ng pananatili at pagsakop ng mga Hapones sa Pilipinas. Pinapakita ng nobela ang tunggalian ng mga mapang-abusong mayayaman na nagmamay-ari ng mga malawak na lupain (maaari ring tawagin na mga haciendero) at ng mga inaaping magsasaka at manggagawa na walang magawa sa kanilang kundisyon at kalagayan sa buhay. Ang kwento ng Luha ng Buwaya ay hindi lang basta kathang-isip o gawa-gawa lamang, kundi totoong nangyayari hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo. Matinding damdamin ang mahihimok mula mambabasa dahil alam nitong totoo ang mga problemang tinatalakay sa kwento at makikita ito sa sitwasyon ng ating lipunan, hindi lamang sa mga panahon ng pagkakasulat at “timeframe” ng kwento kundi pati na rin sa kasalukuyang panahon. Makikita sa nobela ang impluwensya ng pagiging “labor leader” ni Amado V. Hernandez. Tila nagamit niya rin ang kanyang karanasan bilang batikang peryodista upang makasulata ng mga makatotohanang pangyayari.

Mapapaisip ang mambabasa ng nobelang ito kung bakit ito pinangalanang “Luha ng Buwaya” ni Hernandez. Ang mabangis na hayop na buwaya ay talagang lumuluha, ngunit hindi dahil sila’y malungkot. Ayon sa isang lumang anekdota, ang buwaya ay lumuluha upang maakit ang kanilang biktima. Isa pang sinasabing dahilan ayon sa mga lumang kwento ay umiiyak ang buwaya para sa mga kaawa-awang biktima na kanilang kinakain. Ang “mga luha ng buwaya” ay mga huwad at mapanlinlang na luha. Para sa kwento ng nobela, mas magagamit nating basehan ang ginagawang panlilinlang ng buwaya upang makaakit ng biktima. Makikita na ang pag-iyak na ito ay mahahalintulad sa huwad at mapagbalat-kayong asal ng mag-asawang Grande, na pala-simba at banal kung umasal ngunit sa totoo’y unti-unting sinasakal at pinahihirapan ang mga mahihirap na nakatira sa kanilang pook para sa katuparan ng sarili nilang interes. Ang dalawang anak ng mga Grande ay sige alng ng sige sa paglustay ng pera na ang mga mahihirap na magsasaka ang naghirap kaya’t matatawag din silang mga buwaya. Bukod sa pagiging mapagbalatkayo at matakaw, ang buwaya ay kilala rin sa pagiging sakim at gahaman -- mga katangian ng mga mapang-abusong may-ari ng lupa. Matapos mabasa ang nobela ay tiyak na maiintindihan ng mambabasa ang pinagmulan ng pamagat nito.

Si Amado V. Hernandez ay kilalang sumusuporta sa kilusang Komunismo, at makikita ito sa kanyang nobela. Maraming idelohiya ng kilalang ama ng Komunisma na si Karl Marx ang naging mahahalagang elemento ng Luha ng Buwaya, gaya ng pagtayo ng mga unyon para sa pagkakapantay-pantay at upang mapangalagaan ang interest ng mga magsasaka laban sa maga mayayaman may-ari ng lupang kanilang sinasaka.


Mayo at Disyembre

$
0
0
Mayo at Disyembre
ni Lamberto (Bert) B. Cabual

I. Tungkol sa Manunulat

Guro at brodkaster sa Pilipinas si Lamberto (Bert) B. Cabual, bago nangibayong-dagat. Awtor siya ng “Pangingibang-Lupa,” isang aklat na katipunan ng mga tula na inilathala sa London ng CFMW (Commission for Filipino Migrant Workers).

Naging Pangalawang-Pangulo siya ng UMPUK (Ugnayan ng mga Manunulat na Pilipino sa United Kingdom). Sa ngayo’y isa siyang retiradong Postal Officer ng Royal Mail sa London.
Sangkot sa mga gawaing pangwika, binigyang-buhay niya sa London ang Balagtasan. Gumaganap siyang Lakandiwa, at marami na ring Balagtasan ang itinanghal sa London na kanyang sinulat at pinangasiwaan. Pinalaganap din niya rito ang paghahandog ng tulang parangal sa mutya ng mga timpalak-kagandahan sa mga gabi ng pagpuputong. Tanyag na mambibigkas at makata, inaatasan siyang sumuob ng maindayog na tula sa nagsisipagwaging Binibining Pilipinas UK. Si L. B. Cabual ay tubong Pallocan Kanluran, Lungsod ng Batangas, sa Pilipinas

II. Buod

Humanga si Leo sa galing ng pagkakasulat ng kanyang estudyanteng si Bheng sa essay tungkol sa pag-ibig at inamin naman ng kanyang estudyante na siya ang kaniyang naging inspirasyon. Patuloy ang kanilang pag-uusap ukol sa paksang ito hanggang sa Plaza Mabini kung saan inamin ni Bheng ang nararamdaman niya para kay Leo na ikinagulat at ikinagalit naman ng kanyang gurong may asawa ngunit walang anak sa loob ng dalawampung taong pagsasama nila. Malaki ang agwat ng edad nila, si Bheng ay labing-anim na taon habang si Leo ay mag-aapatnapung taon na. Kumbaga sa isang taon, si Bheng ay buwan pa lamang ng Mayo, buwan ng pagsibol ng bulaklak at si Leo ay Disyembre, naranasan na ang init at lamig, dilim at liwanag. Dahil sa bugso ng damdamin, hindi napigilan ni Bheng na halikan ang kanyang guro at ibinalik rin naman ni Leo ang halik ng kanyang mag-aaral. Sa kabila ng pag-ayaw at pagbawal ng guro sa pilit ni Bheng, umamin na rin siya sa totoong nararamdaman niya para sa kanyang mag-aaral. Ipinagpatuloy nila ang kanilang pagtatago sa upuan sa tabi ng punong-akasya, kubli sa mga tao ngunit hindi rin sila nakatakas sa nanlilisik na mga mata ni Helen, ang asawa ni Leo. Hindi na niya hinintay na magpaliwanag si Leo at dali-daling sumakay sa kotse at pinaharurot ito.

III. Mga Tauhan

Bheng - isang matalino at magandang estudyante na may nararamdaman para sa kanyang gurong si Leo.

Leonardo o Leo - Mag-aapatnapung taong gulang na guro sa isang mataas na paaralan. Isang gurong may lihim na nararamdaman para kay Bheng.

Helen - ang asawa ni Leo na isang tagapagbalita sa radyo sa lokal na himpilan sa Lungsod ng Batangas. Magandang babae, matangkad, at may magandang hubog ng katawan.

III. Paksa o Tema

Makikita natin sa maikling kwento ang pagkakaroon ng relasyong Mayo Disyembre kung saan ang edad ng magkapareha ay malayo ang agwat sa isa’t isa.

Pinatunayan din ng kwento ang kasabihang “age doesn’t matter”.

Mayroon ding third party na naganap sapagkat pinatulan ni Leo si Bheng kahit na may asawa na ito.

Isa ring halimbawa ng teacher-student relationship ang kwentong ito sapagkat nagkaroon ng relasyon si Leo na isang guro at si Bheng na estudyante niya.

Ipinakita rin ang kosepto ng pagiging baog dahil binanggit sa kwento na hindi maaaring magkaanak sina Leo at Helen dahil may problema sa matris si Helen.

Isa rin sa mga nailarawan ang fixed marriage na isinagawa ng mga magulang nina Leo at Helen

Makikita na may salang adultery si Leo dahil pinatulan niya si Bheng, ang kanyang estudyante. Kahit na mag-aaral pa lang si Bheng at malaki ang agwat ng kanilang edad ni Leo.




Pusong Walang Pag-ibig

$
0
0
Pusong Walang Pag-ibig
ni Roman G. Reyes

I. May Akda

Si Roman G. Reyes ay ipinanganak noong ika-28 ng Pebrero, 1858 sa Bigaa, Bulacan. Nang makatapos ng pag-aaral sa Bigaa ay dinala siya sa Maynila upang mag-aral sa Colegio de San Jose at nagtapos noong 1874 bilang maestro superior.
Nagturo siya sa Sta. Maria, Bulacan na kilalang bayan ng makata at manunulat. Dito niya nakilala at pinakasalan noong 1883 si Sebastiana Ramos, 16 anyos lamang samantalang si G. Reyes ay 25 anyos. Ayon kay Dr. Mona Highley, si G. Reyes ay isang mahigpit na magulang. Labintatlo ang mga anak ng mag-asawa. Kabilang sa mga ito si Gng. Trinidad Reyes-Cruz na kaibigan ni Dr. Highley. Isa naman sa mga anak na lalaki ni G. Reyes si Ildefonso na nakapangasawa ng Amerikanang si Grace Hackman sa Brooklyn, New York. Noon ay nagbalik si G. Reyes sa Bigaa noong 1886 kung saan siya ay nagtayo ng paaralan sa mga silid ng bukana ng kaniyang bahay. Nagtrabaho siya bilang bahagi ng eskribiyente sa tribunal ng kanilang bayan na may sahod na walong piso kada buwan. Ganito ang kaniyang pamunmuhay sa Bigaa hanggang sa sumiklab ang Rebolusyon noong ika-5 ng Nobyembre 1896. Ang kanyang pamilya ay lumipat sa Maynila noong 1899 sa bahaging Kapawiran ng daang Requesens. Nang umasenso ay lumipat sa bahaging Kabatuhan. Nang mga panahong iyon ay katatapos lamang ng Rebolusyon at nagkaroon ng bagong sistema ng sanitasyon na sumugpo sa kolera at bulutong kung saan siya nagsimulang sumulat ng mga nobela na siya namang itinuturing ng mga kritiko bilang isa sa mga importanteng koleksyon ng mga isinulat na obra. Ang Pusong Walang Pag-ibig ay nasundan pa ng tatlong nobela: Bulaklak ng  Kalumpang (1907), Hinagpis at Ligaya (1908) at Wakas ng Pagtitiis (1908).

II. Buod

Sa baryo ng Pulong-gubat, nais ni Matandang Tikong na maikasal na ang anak niyang si Loleng. Nararamdaman ng matanda na malapit na siyang mamatay at mapapalagay lamang siya kung mayroong lalaking makakasama ang kanyang anak habangbuhay. Napili niTandang Tikong si Ikeng na dating tenyente at ngayon ay wala pang trabaho. Wala namang magawa si Loleng dahil iyon ang kagustuhan ng kanyang ama. Bagama’t napupusuan niya si Tone na lagi niyang nakakaulayaw ay may nasisintahan nang iba. Dumating isang gabi si Ikeng at nakipagkasundo na nga kay Matandang Tikong at nangakong babalik para matupad ang pangako ngunit naisip ni Ikeng na tila napasubo na naman siya sa hindi niya gusto dahil may mga dalaga pa siyang sinusuyo tulad nina Isiang, Beheng at Gunday. Nagkausap-usap ang mga binata ng Pulong-gubat at kung bakit daw nila hinahayaan na ang isang dayo ang siya pang manliligaw sa dalagang katutubo sa kanilang nayon? Dahil dito ay kinausap ni Aling Buro si Loleng at kung bakit sa isang dayo pa siya magpapakasal. Sinabi naman ni Loleng na wala siyang magagawa dahil ama niya naman talaga ang nasusunod. Nabigo si Ikeng sa panunuyo kay Isiang, Gunday at Beheng. Idinemanda pa siya ni Kabesang Tiago dahil sa pagtangay sa kanyang anak na si Isiang matapos tangkaing itanan ni Ikeng sa tulong ni Tomas. Pati si Tomas ay nadamay sa demandahan at kung hindi kadikit ni Ikeng ang direktor ay malamang na ikinulong sila. Ngunit hindi sumusuko si Kabesang Tiago dahil kung walang magagawa ang kinauukulan ay siya mismo ang gagawa ng hakbang para maparusahan si Ikeng. Para makaiwas sa gulo ay naisipan nina Mang Simon at ni Aling Tolang na suyuin sa tulong ni Tenyente Pedro ang mag-amang taga-Pulong-gubat para ikasal na sina Ikeng at Loleng. Pumayag si Ikeng sa mungkahing iyon dahil wala na talagang ibang paraan bagama’t dalawang buwan na ang lumipas. Natuloy ang kasal at nangako si Ikeng kay Loleng na hindi mauubos ang kanyang pag-ibig. Naging maganda sa umpisa ang pagsasama ng bagong kasal ngunit hindi nagtagal ay nagbalik na namansi Ikeng sa dati niyang gawi. Namatay na nagsisisi si Matandang Tikong kung bakit si Enrique ang napili niya para sa anak ngunit hindi ni Loleng sinisi ang kanyang ama. Naging palasugal na ngayon si Ikeng hangang sa manganak si Loleng na wala siya sa kaniyang tabi. Babae ang naging anak nila at pinangalanang “Elisa”, at “Nene” ang naging palayaw. Unti-unting naubos ang pamana ni Matandang Tikong para kay Loleng dahil sa pagsusugal ni Ikeng. Kahit damit ay hindi ni Loleng maibili si Nene at minsan ay wala man lang bigas na maisasaing kaya naging kaawaawa ang mag-ina. Pinayuhan ni Aling Buro si Loleng na huwag nang hayaan si Ikeng sa pagsusugal kung ayaw nilang mamatay sa gutom. Nagkaroon ng mga usap-usap tungkol sa isang himagsikan at umabot iyon sa Pulong-gubat. Maraming lalaki ang nais sumali sa Rebolusyon kaya sila ay pumunta sa bundok. Isa si Ikeng sa mga sumanib ngunit hindi naman talaga iyon ang kanyang layon kundi ang maiwan ang kanyang asawa’t anak. Natapos ang himagsikan at tinalo ng mga Amerikano ang mga Kastila. Sa halip na magsarili na ang Pilipinas ay inako lamang na mga Amerikano sa Kastila ang kapangyarihan. Isang kaguluhan ang nangyari at nagtakbuhan ang mga tao. Nahiwalay si Loleng kay Nene kaya’t siya’y muntikan nang mabaliw sa kakahanap samantalang inagaw pala ni Ikeng si Beheng mula sa kanyang ama na si Kabesang Bino at itinago sa Tarlac. Masalimuot ang naging kalagayan ni Loleng habang hinahanap si Nene sa Maynila. Hindi inakala ni Loleng na may magnanakaw na pumasok sa kaniyang tahanan habang abala sa paghahanap. Mabuti na lamang dahil pinabaunan siya ng pera ni Aling Buro dahil baka sa kalye siya matulog. Maging si Nene ay hinahanap na rin ang kanyang ina. Habang tila maloloka na sa kakahanap ay napagtanungan ni Loleng si G. Ricardo sa daang Villalobos. Napagkamalan nga ng ginoo na si Loleng ay matanda na dahil sa itsura nito. Nalaman ni Loleng na kinupkop ni G. Ricardo at ng kaniyang asawang si Aling Nitang ang anak niyang si Neneng. Sa wakas ay nagkita na muli ang mag-ina. Hindi ibang tao ang turing nina G.Ricardo at Aling Nitang sa mag-ina. Ibig ni Loleng na makapag-aral si Nene dahil iba na ang panahon. Pumayag pa nga sila na mag-aral si Nene at binigyan ng puhunan si Loleng para makapagbenta ng bibingka. Unti-unting guminhawa ang buhay ng mag-ina. Biglaang sumulpot si Ikeng sa barberya ni Tomas dahil magpapagupit. Nakilala ni Tomas at Ikeng ang isa’t isa. Nalaman ni Tomas na nakulong ng apat na taon si Ikeng dahil sa pagtatanan kay Beheng. Nais ni Ikeng na makita ang mag-ina ngunit hindi nito alam kung saan sila hahanapin. Siya namang itinuro ni Tomas ang lugar nina Loleng at Nene ngunit sa kasamaang palad ay nabangga ng isang humaharurot na awtomobil si Ikeng at isinugod sa Hospital San Pablo. Naghihingalo na si Ikeng ngunit nagawa pa rin niyang humingi ng kapatawaran at inamin na napakalaki ng pagkukulang niya sa kaniyang mag-ina. Oras na talaga ni Ikeng at siya’y tuluyan nang namatay. Dito nagtatapos ang kuwento ni Ikeng, ang “pusong walang pag-ibig”.

III. Pagsusuri

A. Pamagat 

Naging iresponsableng asawa at ama si Enrique kaya naman marami siyang pagkukulang. Wala siyang inisip kundi sariling kapakanan at kung ano ang gusto niyang gawin. Siya ay isang taong may “Pusong Walang Pag-ibig”.

B. Tagpuan

Umikot ang istorya sa panahon na magtatapos na ang ng ika-19 na siglo. Mahihinhin pang manamit ang mga tao noon mahigpit ang mga magulang sa anak. Naipakita rin ang mga makalumang panunuyo ng mga binata sa mga dalaga at ang kanilang mga palusot para lihim na mag-usap o makipagtanan. Ibinase ni Roman G. Reyes ang ilang parte ng nobela sa mga historikal na pangyayari tulad ng malawakang Rebolusyon sa Pilipinas at ang pagdating ng Amerikano na pinalitan ang mga Espanyol sa pamumuno sa kolonya. Nagdagdag ng historikal na mga lugar at pangyayari tulad ng Maynila na pinagdausan noon ng giyera ng mga Pilipino, Kastila at Amerikano.


C. Tauhan

Enrique “Ikeng” Pag-Ilagan – 19 anyos na binata, kulot ang buhok at mapang-akit ang mga mata. Maraming nililigawan ngunit hindi handang magpakasal. Sa huli ay si Loleng rin pala ang papakasalan na dating tinalikuran ng pangako. Hindi nagtagal ay naging iresponsableng asawa at ama ngunit nagsisi kung kailang huli na ang lahat.

Loleng – anak ni Matandang Tikong at pinagkasundaang pakakasal kay Ikeng. Isang mabutiat ulirang ina kay Nene. Masyadong mapagbigay kaya napabayaan ang minana sa kaniyang ama kaya unti-unting naubos dahil sa pagsusugal ni Ikeng.

Nene – Elisa sa tunay na pangalan. Anak ni Ikeng at Loleng. Siya ay inosente, magalang at mapagkumbaba ngunit matalino sa kabila ng mga paghihirap na dinanas.

Matandang Tikong – maalalahaning ama ni Loleng na sa katandaan ay nag-aalinlangan kung kanino niyang lalaki ipagkakatiwala ang anak niya. Pinili si Ikeng para mapangasawa ni Loleng na tila mabigat ang loob dahil walang magagawa kundi sumunod sa desisyon ng ama. Nagsisi nang sumapit ang kamatayan dahil nagkamali pala sa pagkakakilala kay Ikeng.

Isiang – dalagang taga-Tabing-bakod at anak ni Aling Juana at Mang Tiago. Minahal si Ikeng kahit hindi ito seryoso sa kanya. Labag sa mga magulang niya ang panunuyo ni Ikeng ngunit nagpumilit na siya ay itanan, na siya namang pumalpak sa bandang huli.

Aling Buro – kahit hindi tunay na anak si Loleng ay kaniyang sinuportahan sa mga bagay- bagay tulad noong ipinanganak si Nene, pagbibigay ng payo para matigil ang pagwawaldas ni Ikeng ng pera at pagpapabaon kay Loleng ng pera noong lumuwas sa Maynila.

Tomas – matalik na kaibigan ni Ikeng na kasama niya sa lahat ng bagay. Makalipas ng ilang taon ay nagkita silang muli ni Ikeng sa barberya at nagsilbing instrumento upang makita muli sina Loleng at Nene.

Beheng – dalagang taga-San Jose na anak ni Kabesang Bino. Inagaw ni Ikeng mula sa ama at itinanang patago sa Tarlac sa halip na ang pagtulong sa Rebolusyon ang inatupag. Labis na natakot dahil baka mahanap sila ng kanyang ama at sinabi ni Ikeng na huwag matakot dahil magkasama silang parehong nag-iibigan.

Mang Tiago – nagbanta na gagawa ng paraan para makulong si Ikeng dahil sa pagtatangkang maitanan si Isiang. Dahil dito, walang nagawa si Ikeng kundi umiwas sa gulo sa paraan na ituloy ang pagpapakasal kay Loleng.

Kabesang Bino – ama ni Beheng na nagdemanda kay Ikeng dahil sa pang-aagaw sa kaniyang anak. Nakulong si Ikeng sa loob ng apat na taon dahil sa kaniya.

Mag-asawang G. Ricardo at Aling Nitang – mag-asawa na nakatagpo kay Nene at nagsilbing instrumento upang magkitang muli ang mag-ina. Mabait at mapagbigay ang mag-asawa dahil tinulungan si Loleng at Nene para makaahon sa hirap.

D. Balangkas ng Pangyayari 

Gumamit ang may-akda ng Daloy ng Kamalayan o stream of consciousness
sa wikang Ingles. Diretso ang lahat ng patutunguhan ng istorya kaya mas naiintindahan ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. Nag-umpisa ang lahat sa pakikipagkasundo ni Ikeng kay Matandang Tikong hanggang sa kanyang kamatayan ng magkita sila muli nina Loleng at Nene sa Maynila. Maikli lang ang nobela dahil ito ay may dalawampu’t pitong mga kabanata na umiikot sa kwento nina Ikeng, Loleng at Nene ngunit may mga kabanata na may historikal na pagsasalaysay tulad ng Rebolusyon sa Bulacan at ang pananakop ng mga Amerikano sa Pilipinas.

IV. Epekto sa Mambabasa

Sa pagbabasa ng nobelang Ang Pusong Walang Pag-ibig ni Roman G. Reyes ,
Maraming matatagpuan na iba’t ibang damdamin at saloobin sa bawat kabanata na minsan ay nakakatawa, nakalungkot, nakakaawa, nakakagalit, nakakainip at marami pang iba. Ngunit halos lahat ng mga pangyayari ay nakakalungkot at makabagbag-damdamin. Nakakagalit naman ang pagiging iresponsable ng mga tauhan katulad ng ginawa ni Ikeng na panliligaw sa maraming dalaga at nang makasal ay nagsugal ng walang kapararakan at nambabae pa. Pero sa kabila ng lahat, nakakalungkot dahil nagkahiwalay si Loleng at Nene. Makikita sa nobela kung gaano kamahal ng isang ina ang anak at gagawin ang lahat para magkitang muli. Ngunit nakakapanabik noong parte na malapit nang mahanap ni Loleng ang kanyang anak at labis na nakaliligaya nang magkita silang muli. Napakaraming problema at paghihirap ang hinarap ni Loleng. Pumupukaw sa damdamin ng mambabasa kung papaano ba ang hindi mawalan ng pag-asa at tibay ng loob upang harapin ang mga mabibigat na problema kahit tila pasan na ang mundo sa hirap. Matutunan dito sa nobela kung paano ang magtiis sa hirap dahil hindi magtatagal ay giginhawa kung mananatili ang pagiging mabuti at kung may pagmamahal pa rin sa puso. Ang kawalan ni Ikeng ng pagmamahal ay nagdulot sa kanya ng kasawian at maaring kasawian din ang maging epekto nito sa iba na makasariling tulad niya. Nagising ang mambabasa pagkatapos malaman kung gaano ka importante ang pagiging responsable sa mga bagay-bagay. Si Ikeng ay pabigla- bigla kung mag-isip kaya palagi niyang sambit na siya’y napasubo na naman sa maling kilos.Dapat ay iniisip muna ang mga posibilidad ng isang kilos bago ito gawin. Kung ito ba ay makabubuti o makasasama? Isang nakakainis na makalumang pag-uugali sa nobela ay ang pagdedesisyon ng magulang kung sino ang pakakasalan ng kanilang anak na babae tulad ng nangyari kay Loleng. Kung ang mambabasa ay nasa lagay ni Loleng ay iuurong niya ang kasal dahil walang saysay kung hindi naman mahal ang isa’t isa. Kailangan din ang pagiging matapat lalo na sa pag-ibig para maging matatag ang relasyon ng magkasintahan o mag-asawa. Natutunan rin nang mambabasa na dapat unahin ang mga importanteng bagay tulad ng pag-aaral. Inuna ni Ikeng ang pagsusugal kaya nabaon sila ni Loleng sa utang at lalong naghirap. Dapat rin maging matatag ang samahan ng isang pamilya para hindi magkahiwalay ng landas o magkawatak-watak. Karaniwan sa Pilipinas ang mga iresponsableng ama at asawa na kung hindi lasenggo ay maaring sugarol. Nararapat itong basahin ng mga taong mahilig sa bisyo para sila ay maliwanagan.

V. Konklusyon

Ayon sa pagsusuri, ang Pusong Walang Pag-Ibig ay isa sa mga maganda at kapaki-pakinabang na basahin dahil sa pagiging dramatiko nito at sa mga mapupulot na aral. Hindi nakakatamad suriin ang nobela dahil sa magandang kuwentong taglay.

A. Aral 

Isang kahalagahan ang pagiging responsable. Naipakita ni Roman G. Reyes ang katotohanan sa mga iresponsableng ama noon at maging sa ngayon. Ang pagpapakasal ay hindi kaning isusubo at kapag napaso ay iluluwa. Ang kasal ay isang banal na pakikipagtipan na may basbas ng Diyos. Kailangang magsikap ang isang magulang lalo na ng isang padre de pamilya para maitaguyod sa magandang kondisyon ang kanyang pamilya sa halip na magbisyo dahil masama ang magiging epekto nito.

Hindi dapat mawalan ng pag-asa ang isang tao dahil may maawaing Diyos sa Langit. Manalig lamang sa Kaniya at kumilos ng tama at Kanyang ibubuhos ang biyaya. Matatag si Loleng dahil sa kalagitnaan ng alitan giyera ng mga Amerikano sa Pilipino ay kanyang buong giting na hinanap sa mapanganib na lansangan ng Maynila ang kanyang anak na si Nene. Isipin muna ng maraming beses ang isang bagay bago ito gawin. Maraming beses na pumalpak si Enrique dahil napasubo lamang siya at hindi inisip kung ano ba ang tamang gagawin. Mali ang pagiging pabigla-bigla sa pagdedesisyon dahil baka hindi magustuhan ang magiging dulot nito. May mga taong nakatatanda at maraming karanasan.

Dapat pahalagahan ang edukasyon dahil ito’y magbibigay sa tao ng magandang kinabukasan. Sinikap ni Loleng na mapag-aral si Nene at masasabi ko na tama ang kanyang desisyon. Samantalang nagsikap mag-aral ng mabuti si Nene dahil sa pagiging masunurin sa ina.

Maging masunurin sa magulang dahil ito ay isa sa mga utos ng Diyos na may pangakong pagbibigay ng magandang kapalaran balang araw. Sumunod si Nene sa mga tagubilin ng kanyang ina at kahit kailan ay hindi siya naligaw ng landas.Kapag may hirap, may ginhawa. Sa kabila ng hindi na nahanap muli ni Loleng si Ikeng ay sinikap niyang muling bumangon sa tulong ni G. Ricardo at Aling Nitang. Sa simpleng pagbebenta ng bibingka ay unti-unting nakaipon kaya silang mag-ina ni Nene ay namuhay rin ng masagana.

Maging matulungin sa kapwa  katulad ng pagtulong ni G. Ricardo at Aling Nitang kina Loleng at Nene. Hindi sila kailanman humingi ng kapalit bagkus lalo pa nilang sinuportahan ang mag-ina para umasenso.

B. Puna

Makalumang Tagalog ang kadalasang ginamit ni Romang G. Reyes tulad ng salitang “napapanagimpan” at “humahaginggeng” sa mga pagsasalaysay at pag-uusap ng kwento at tauhan. Naging mahirap para sa manunuri ang pagkuha sa kahulugan ng ibang mga hindi pamilyar na salita ngunit sulit naman dahil maganda ang kuwento. Naipakita ng may-akda ang kulay ng mga makalumang kaugalian noong ika-19 na siglo tulad ng labis na kahigpitan at pagdedesisyon ng magulang kung kanino ikakasal ang anak, ang mga makalumang uri ng sugal, pamamaraan ng panliligaw at mga salitang panuyo, mga taong walang ibang libangan kundi makipagkuwentuhan sa kapananghalian at ang mga bagay na dapat inihahanda kapagmanganganak ang isang babae. Lahat ng mga makalumang ugali ay nagbigay diwa sa nobela.Inilahad rin ni Roman G. Reyes ang kanyang historikal at awtobiograpikal na karanasan sa Rebolusyon tulad ng mga pagkabalisa ng mga tao, pagiging abala ng mga kalalakihan dahilmamumundukan at ang hindi pagiging kalmado ng mga dalaga dahil sa takot. Isiningit rin ng may-akda ang kalagayan ng Maynila noong nagkakagulo dahil sa biglaang dominasyon ng Amerikano sa Pilipinas na ang kinakatwiran ay tutulong daw para makapagsarili ngunit sinalakay nila ang mga sundalong Pilipino. Maraming naganap na sunog. Naging mga sakim ang tao sa Maynila at ang iba ay nagnakaw sa bahay ng may bahay samantalang itinaas ang renta ng mga pinauupahang tulugan ng mga ganid na maybahay. Maganda ang pagbibigay papel ni Reyes sa mga tauhan ng kanyang nobela. Naging ganap ang pagiging iresponsable at bisyo ni Enrique na siyang nagdulot ng paghihirap ng kanilang pamilya. Ngunit sa kabila nito, naging ulirang ina si Loleng kay Nene dahil tiniis niya ang mga paghihirap at nagsikap para makabangon at mapag-aral ang anak. Hindi nagustuhan ng mambabasa ang pagkamatay ni Ikeng dahil hindi man lang ito nabigyan ng pagkakataon na makabawi sa kanyang asawa’t anak namatagal niyang hindi nakita sa loob ng mahabang panahon. Ngunit maaaring naging silbing parusa iyon kay Ikeng dahil sa kanyang mga pagkukulang. Epektibo ang dramatiko at makalumang estilo ni Roman G. Reyes upang maramdaman ng mambabasa ang mensahe ng kwento at damdamin dahil ito ay puno ng mga aral na tiyak na tatatak sa isip ng sinumang babasa.

Sa Lupa ng Sariling Bayan

$
0
0
Sa Lupa ng Sariling Bayan
ni Rogelio R. Sikat


I. Tungkol sa May-Akda
Si Rogelio R. Sikat (kilala rin bilang Rogelio Sícat) (1940-1997) ay isang Pilipinong piksyonista, mandudula, tagasalinwika, at tagapagturo. Siya ay anak nina Estanislao Sikat at Crisanta Rodriguez. Ipinanganak siya noong Hunyo 26, 1940 sa Alua, San Isidro, Nueva Ecija, Pilipinas. Siya ang pang-anim sa walong magkakapatid. Si Rogelio Sikat ay nagtapos na may Batsilyer ng Panitikan sa Pamamahayag mula sa Pamantasan ng Santo Tomas at isang MA sa Filipino sa Unibersidad ng Pilipinas.

Si Rogelio Sikat ay nakatanggap ng maraming pampanitikang premyo. Siya ay tanyag dahil sa "Impeng Negro", ang kanyang maikling kuwento na nagwagi ng gantimpalang Palanca noong 1962 sa Filipino (Tagalog). Marami sa kanyang mga istorya ang unang lumabas sa Liwayway, isang sikat na magasing pampanitikan na nasa wikang Tagalog. Ang nangyaring pagpapahalaga kay Sikat sa kanyang nagawa ay nakalahad sa "Living and Dying as a Writer" na isinulat ni Lilia Quindoza-Santiago. Lumitaw ang artikulo sa Pen & Ink III.

Si Rogelio Sikat ay propesor at dekano ng Kolehiyo ng mga Sining at mga Titik sa Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman mula 1991 hanggang 1994. Si Angelito Tiongson, na isang propesor sa Kolehiyon ng Komunikasyong Pangmasa sa U.P. ay gumawa ng isang tampok na pelikula pinamagatang "Munting Lupa" batay sa "Tata Selo" ni Sikat, na isa pang nagantimpalaang kuwento. Lumikha naman ang direktor ng pelikula at teatro na si Aureaus Solito ng isang maikling pelikula noong 1999 na batay sa "Impeng Negro" ni Sikat. Noong 1998, bagaman sumakabilang-buhay na si Sikat, pinarangalan siya ng Manila Critics Circle ng isang National Book Award para sa pagsasalinwika.

II. Buod

Naulila si Layo mula ng kanyang pagkabata at siya'y inampon ng kanyang amain na si Tata Indo. Kinamuhan nya ito dahil sa kanyang kalupitan at nadala nya ang pagkamuhing iyon hanggang sa kanyang paglaki. Nakapag-aral sya ng abogasya at naging kilalang abogado sa Maynila, naging matagumpay sya at nagkaroon ng maraming pag-aari pati sa ibang lugar. Nilapitan si Layo ng kumpare ni Tiyo Julio para magpatulong sa isang kaso sa manahan at simula nun ay nagkikita na sila. Naging malapit sila Tiyo Julio at Layo sa isa't-isa; sya na lamang ang taga-San Roque na tinuturing na kadugo ni Layo, kasama ang kanyang anak na si Ben. Nang malaman nilang may kanser si Layo, madalas syang dinadalaw nila Tiyo Julio at Ben. Binilin ni Layo sa kanyang asawa na si Ising na sa Maynila nya gustong mailibing, pero sa San Roque (kung saan sya nagmula) sya inilibing nang sya ay pumanaw na.

III. Mga Tauhan

Layo - batang naulila at inampon ng kanyang amain, naging kilalang abugado at matagumpay sa buhay
Tiyo Julio - natatanging kamag-anak ni Layo na naging malapit sa kanya
Ben - anak ni Tiyo Julio na kasama sa pagdalaw kay Layo
Tata Indo - malupit na amaing nag-ampon kay Layo
Ising - asawa ni Layo
mga anak ni Layo - minsan lamang dumalaw sa San Roque

IV. Mga Tema

Pagtanaw sa Pinanggalingan

Kahit gaano kalayo pa ang iyong marating, sa bandang huli ay babalik at babalik ka rin sa kung saan ka galing dahil dun ka nabuo at parte na yun ng katauhan mo habang buhay.

Kakayahang Magpatawad

Isipin na lamang na kung ano man ang naranasan mong kalupitan ng kahit sino sayo bilang aral na nagpatatag ng iyong katauhan. Ang tao ay walang karapatan na hindi magpatawad ng kahit na sino.

Pag-abot ng Pangarap

Sa kwentong ito, nagsimula si Layo bilang isang ulila. Pagkatapos ng ilang taon, sya ay naging abogado at kinilala ng maraming tao.



Tundo Man May Langit Din

$
0
0
Tundo Man May Langit Din
ni Andres Cristobal Cruz

I. Panimula

            Ang Tundo Man May Langit Din ay isang nobelang isinulat ni Andres Cristobal Cruz tungkol sa personal na paglalakbay ni Victor Del Mundo mula sa kahirapan na dulot ng kanyang tinitirahan na Tundo patungo sa isang mundo ng nga edukadong tao na nagnanais na makapagdala ng pagbabago sa lipunang kanyang ginagalawan.
            Ito ay maaaring tawaging isang love story o kwentong pag-ibig, ngunit ang nobelang ito ay may mas malawak pang sakop. Tinatalakay rin ng aklat na ito ang nga suliraning panlipunan, pang-edukasyon, nasyonalistiko, panggoberyno, at pansarili. Ang Tundo Man May Langit Din ay isang kwentong sumasalamin sa iba’t ibang mukha ng lipunang Pilipino.

II. Pagsusuri

A. Pamagat

            Ang pamagat na Ang Tundo Man May Langit Din ay halaw sa paniniwala ng pangunahing tauhan na si Victor na ang magulo at subsob sa hirap na lugar ng Tundo ay mayroon ding katumbas na kabutihan, na may magagandang bagay na makikita sa Looban at hindi lang puros dumi, gulo, kahirapan, at kawalang-pag-asa. Ang paniniwalang ito nag nagbibigay kay Victor ng lakas na loob upang mgapatuloy na igapang ang sarili upang magkaroon ng mas magandang pamumuhay. At hindi lamang nagtatapos sa kanyang sarili ang pag-unlad kundi pati na rin ang pagtulong niyang umunlad ang kanyang pamilya at mga kasamahan sa looban ng Tundo. Gaano man kabigat ang buhay ay mayroon pa ring mga bagay na nagpapagaan at nagpapaganda rito.

B. May Akda

            Si Andres Cristobal Cruz ay isang kilalang makata at manunulat. Isinilang siya sa Dagupan, Pangasina, ngunit lumaki siya sa Tundo, Maynila at nag-aral sa Rizal Elementary School at Torres High School, kung saan siya naging manunulat para sa pahayagan ng nasabing paaralan. Nagtapos siya sa Unibersidad ng Pilipinas. Siya’y nagsulat para sa mga babasahing Manila Chronicle, Sunday Times, Saturday Mirror, Weekly Women’s Magazine, Counterpoint, Liwayway, at Isyu. Isinulat niya ang mga nobelang Ang Tundo Man May Langit Din at Uliliang Pangarap. Nagkamit siya ng Araw ng Maynila Award, Gawad Balagtas ng Unyong ng mga Manunulat sa Pilipinas, Republic Cultural Heritage Award, at TOYM Award. Siya ay pumanaw noong ikapito ng Enero 2007 sa edad na pitumput-apat dahil sa sakit sa puso.

C. Mga Tauhan

Victor Del Mundo– isang laking-Tundo na working student (nagtrabaho sa isang palimbagan) na nagsumikap makatapos ng kolehiyo. Siya’y naging guro sa TorresHigh School. Si Victor ay isang idealist na naniniwalang ang magulo at mahirap na Tundo ay may langit din o katumbas na kaginhawaan.
Alma Fuentes– isang babaeng galing sa mayamang pamilya. Si Alma ay sanay sa marangyang uri ng pamumuhay, gaya ng mga bonggang party, mga debut, at charity events. Ngunit hindi na kuntento si Alma sa ganoong klase ng buhay, lalo pa’t nang nalaman niya ang pagkakabuntis ng kanyang ama sa isa nilang labandera. Kaya siya’y umalis sa pribadong kolehiyo na pinatatakbo ng mga madre na kanyang pinapasukan at lumipat sa kolehiyo kung saan nag-aaral si Victor. Siya rin ang nagtrabaho sa opisina ng kanyang tiyuhin kahit hindi naman niya kailangang magtrabaho. Nang makapagtapos ay pinili niyang magturo sa Torres High School sa Tundo, kahit na tutol dito ang kanyang mga magulang. Pinilit hanapin ni Alma ang labanderang ginawan ng masama ng kanyang ama upang tulungan ito.
Flor Flores– isang magandang babae na noo’y nakatira rin sa Tundo at dating kasintahan ni Victor. Nakilala niya si Tonyo at ito’y nagsilbing paraan niya ng pag-alis mula sa Tundo. Ikinasal sila ngunit nalaman niyang hindi pala tunay ang kanilang kasal dahil may naunang asawa si Tonyo. Sila’y nagkaanak ng lalaki. Gamit ang puhunang galing kay Tonyo ay nakapagpatayo si Flor ng isang patahian kung saa’y katulong niya si Dolores.
Lukas “Lukas Bakas” Del Mundo– ang nakatatandang kapatid ni Victor. Si Lukas ay isang lalaking mabarkada na walang permanenteng  trabaho, ngunit minsan ay mayroon siyang pinapasadang pampasaherong jeep
Tatong Bamban– isa sa mga kaibigan ni Lukas na naging kaibigan na rin ni Victor.
Paeng Gasti -
Pilo -
Dolores – dating labandera ng mga Fuentes at ngayo’y katulong ni Flor. Nabuntis siya ni Mister Fuentes at binayaran upang umalis sa kanyang pinapasukan at manahimik. Galing sa isang malaking pamilya sa probinsya.
SionDel Mundo– nanay nina Lukas at Victor, isang biyuda matapos mapaslang ang kanyang asawa sa trabaho. Tahimik; bakas na bakas sa kanyang mukha ang hirap ng buhay sa Tundo. Tanggap na ni Aling Sion ang kanilang kalagayan, ngunit masayang-masaya ito sa pagtatapos ni Victor.
Minnie– pinsan ni Alma. Ama niya ang may-ari ng opisinang dati’y pinapasukan ni Alma
Nick – pinsan ni Alma at kapatid ni Minnie
Monching– masugid na manliligaw ni Alma at kaibigan ni Nick. Isa ring kagaya niyang laki sa yaman.
Pocholo– nakatatandang kapatid na lalaki ni Alma. Sanay ito sa marangyang uri ng pamumuhay.
Mister Fuentes – ama ni Alma, nakabuntis kay Dolores na dati nilang labandera
Tonyo Flores– asawa ni Flor na mayroon palang naunang asawa, si Chabeng. Mahal na mahal niya si Flor ngunit hindi niya tinalikuran ang kanyang responsibilidad sa naunag asawa at mga anak
Chabeng Flores – tunay na asawa ni Tonyo. Maysakit, may alta presyon, at masama rito ang magkaanak pa. Tanggap na niya ang relasyon nina Tonyo at Flor at hindi niya papagitnaan nang dalawa sapagkat nakita niyang tunay na nagmamahalan ang isa’t isa.
Konsehal Paking – isang konsehal sa lugar nina Victor. Handa siyang tumulong sa mga taga-Looban dahil malaki ang maiitutulong ng kanyang mga kawang-gawa sa kayang imahe bilang isang pulitiko
Pasing– isang weytres sa restawrang Intsik malapit kina Victor. Love interest ni Lukas.
Opreng – anak ni Mang Simon at nagsisilbing pinuno ng isang samahan ng mga kabataan na naitatag sa lugar nina Victor.
Mister Del Pilar– may-ari ng palimbagang pinapasukan ni Victor. Isa itong mabait na amo na dumalo pa sa pagtatapos ni Victor.

D. Tunggalian

Tao laban sa sarili– Sinusubukan ni Victor na baguhin ang kanyang nakagisnang kahirapan. Si Alma’y ganuon din, gusto niyang baguhin ang dating Alma na sanay sa luho.

Mayroon ring “inner conflict” ang ama ni Alma, at sa huli ay nakita niya ang kamalian na kanyang ginawa at ang maluwag niyang pagtanggap sa relasyon nina Alma at Victor ang kanyang naging “redeeming quality”.

Tao laban sa lipunan– Parehong sina Victor at Alma ang naghihimagsik sa kanilang sarisariling lipunan. Si Victor ay nilalabanan ang ignoransya at kahirapan. Si Alma nama’y ang maluhong uri ng pamumuhay at nakaaapi sa mahihirap.

E. Buod

            Nagsimula ang Ang Tundo Man May Langit Din sa pagtawag ni Flor kay Victor upang sila’y muling magkita. Nagtagpo ang dalawang dating magsingirog sa dati nilang madalas na punatahan na palamigan sa Quiapo. Doon nalaman ni Victor na dalawang buwan nang nagdadalangtao sa Flor sa kanyang asawa na si Tonyo. Nag-usap ang dalawa at dahil dito’y na huli sa Victor sa napag-usapan nilang tagpuan ng kanyang kaklase na si Alma. Nagkagalit nag dalawa, at matapos noon ay napagpasyahan ni Victor na dalawin si Flor sa kanyang tinitirahang apartment. Pag-uwi ay nakipag-inuman si Victor sa kanyang nakatatandang kapatid na si Luas at ang tatlo nitong kaibigan na sina Paeng Gasti, Tatong Bamban, at Pilo. Matapos noon ay napaaway ang magkapatid na Del Mundo sa apat na Waray na umagaw sa kanilang serbesa noong sila’y nasa restawran. Kumalat ang pakikipagbakbakang ito sa buong Looban.

Kinabukasan sa paaralan ay may bisitang dumating., isang awtoridad sa kasaysayan ng Pilipinas na ang pangalan ay Agila. Hindi ito nakasundo ni Victor at kinuwestyon niya ang naturang libro ng nasabing manunulat. SI Alma naman ay na-realize na na may gusto siya kay Victor at bumili ito ng isang talaarawan o diary upang dito isulat ang kanyang mga saloobin. Napagpasyahan din nito na magkaroon ng isang pagtitipon para sa kanyang mga kaklase sa kanilang bahay, kasama na rito si Victor. Sa araw ng party ay pumunta muna muli si Victor sa apartment ni Flor, at sila’y muling nag-usap. Pagkatapos ay tumuloy na siya sa party ni Alma, kung saan ay inimbitahan din pala ng mga magulang ni Alma ang kanyang mga mayayamang kaibigan. Pag-uwi ay binigyan si Victor ng kanyang ina at kuya ng toga para maisuot sa kayang nalalapit na graduation.

F. Pagsusuri

            Ang nobelang ito ni Andres Cristobal Cruz ay nakatuon sa pag-iibigan nina Victor at Alma, dalawang taong pinaghihiwalay ng magkaibang mundo. Ang kwento nila’y tila isang telenobela: si Alma’y ang langit habang si Victor naman ay lupa. Isa ito sentong tema ng nobela. Ang karakter ni Victor ay isang represantasyon ng mahirap na nakaabot sa kolehiyo at nakapagtapos gamit ang sariling sikap. Nangangarap siyang mapaulas ang sarili at ang kanilang pamumuhay gamit ng edukasyong nakamtan. Ito ang magsisilbing “langit” ng Tundo na lubos na pinaniniwalaan ni Victor. Si Alma naman ay “ naghihimagsik” mula sa lipunang kanyang kinalakihan: ang alta sociedad na puros luho at kasakiman sa pera. Tinalikuran niya ang nakasanayang marangyang pamumuhay at nagtrabaho kahit hindi naman kinakailangan. Si Alma ay naghahangad din ng kanyang sariling langit, at iyon ay sa piling ni Victor.

            Si Dolores ang isa pang kumakatawan sa mahihirap sa kwento. Isa siyang halimbawa ng mahirap na ginawan ng mali at kawalang-hustisya ng mayaman. Isa rin siyang halimbawa ng mahirap na sa hirap ng buhay at pangangailangan ay nagpadala na sa tawag ng salapi. Tinanggap niya ang perang ibinigay sa kanya ni Mister Fuentes upang manahimik kahit na hindi ito ang tamang makatarungan pagtrato sa kanya.

            Ang karakter ni Flor ay kumakatawan sa mga mahihirap na naghahangad ng biglaang-yaman at kumakapit sa patalim upang maiahon ang sarili mula sa kahirapan at para sa madaliang pagyaman, at handing ipagpalit ang tunay na pagmamahal para sa pera

            Ang Tundo Man May Langit Din ay isang kwento ng iba’t ibang mukha ng lipunang Pilipino: mayaman at mahirap, walang pinag-aralan at edukado, asawa at kalaguyo, pulitiko at masa. Walang “bias” ang naging pagsulat ni Andres Cristobal Cruz sa mga magkasalungat na uri, bagkus naipakita niya ang bawat panig at ang sari-sarili nilang mundo at langit.


Pinaglahuan (kabanata III)

$
0
0
Pinaglahuan (kabanata III)
ni Faustino Aguilar                               

Layunin:

Pagsusuri sa Nobelang Tagalog sa Teoryang Naturalismo

Tema ng Pag-ibig Bilang Pagpapakita sa Kalagayan ng Bayan:

Ang mga tauhan sa nobela ay siya ring mga tampok bilang mga aktuwal na tauhan sa lipunan. Nariyan si Mr. Kilsberg na siyang manipestasyon ng imperyalismo. Si Rojalde bilang representante ng Malalaking Burgesya Kumprador at mga Panginoong may Lupa na siyang mga masasalapi at nakikinabang sa mga iskema ng imperyalismo. Sila Don Nicanor Gutierrez na mga representante ng Pambansang Burgesya.
Si Luis naman ay siyang representante ng uring manggagawa o sa uring anakpawis. Samantala si Danding naman ang manipestasyon ng lipunang Pilipino sa kaanyuan ng Inang Bayan. Sa pamamagitan ng tema ng pag-ibig ay naiangat ni Faustino Aguilar ang istorya upang mulatin ang kamalayan ng mga mambabasa. Ano nga ba ang pag-ibig na ito kundi ang pag-ibig sa bayan at ang paghahangad ng bawat masang Pilipino na naduhagi ng imperyalismo, na siyang rurok ng kapitalismo, na matamo ang tunay na kalayaan sa lipunan at wagas na pagkakapantay-pantay.
At yaong anak na isisilang ni Danding ay siyang rebolusyon na bunga ng panawagan ng mga dukha na makamtan ang isang tunay na kalayaan ng bayan. Ang pag-ibig ng mamamayan sa Inang Bayan ang siyang nagluwal sa himagsikan.

Mga Tauhan:

Luis- Ang Kasintahan ni Danding, isang dukha lamang.
Danding- Kasintahan ni Luis, naipagkasundo ng magulang na ipakasal sa isang mayamang lalaki.                      
Rojalde- Ang lalaking ipinag-kasundo kay Danding, anak ni Nicanor Reyes.
Don Nicanor- Ama ni Rojalde, napakayaman nito.

Deskripsyon ng Tagpuan:
           
Gabi at umuulan. Gabing kung saan ay dapat sumpain ng mga may sakit sa rayuma dahil sa kalamigan ng hanging umiihip. Gabi kung saan dapat ay nananalangin ang matatakutin dahil sa malalakas na tunog at nakakagulat na kidlat.
           
Buod:

Tampok sa nobela ang maigting na pakikibaka ni Luis Gatbuhay, na nagkataong lider obrero, laban sa makapangyarihang si Don Nicanor. Kailangang ipaglaban ni Luis hindi lamang ang usapin ng manggagawa kundi maging ang itinitibok ng kaniyang puso: si Danding.

Gusto ni Don Nicanor na makasal ang kaniyang anak na dalaga kay Rojalde. Si Don Nicanor ay sugapa sa sugal, at naglustay ng malaking pera para matustusan ang kaniyang bisyo. Nang malubog siya sa utang, naisip niyang ang tanging makapagliligtas sa kaniya ay si Rojalde na handa namang tumulong upang mabayaran ni Don Nicanor ang mga utang. Ang kapalit na kabayaran na nais ni Rojalde ay mapakasal kay Danding, na bukod sa maganda ay nagtataglay ng mga katangiang ipaglalaban ng patayan ng sinumang lalaki.

Ngunit hindi naging madali ang lahat. Mahal ni Danding ang kasintahang si Luis. Kaya naman nang malaman ito ni Rojalde ay umisip siya ng paraan para matanggal sa trabaho si Luis, maisakdal sa hukuman, at tuluyang maibilanggo. Nagngitngit si Luis at naghimagsik, gaya ng sugatang hayop.

Nakasal si Danding kay Rojalde, at may pitong buwan pa lamang ang nakalilipas ay nagsilang agad ng malusog na sanggol. Ang sanggol ay hindi kahawig ni Rojalde kundi ni Luis.

Nagwakas ang nobela nang magtanim at masabugan ng bomba si Luis sa loob ng bilangguan. Nagdiwang din siya nang tupukin ng dambuhalang sunog ang lungsod, at naiwan si Rojalde sa balkonahe habang nasusunog paligid at ang tinitirhang bahay.

Pinakamagandang Bahagi:

Nang magsilang si Danding ng isang napakalusog na bata at kahawig pa ni Luis.

Gintong Aral:

Walang makapipigil sa Tunay na Pag-ibig.

Ano ang aral sa nobelang pinaglahuan ni faustino aguilar:

Hndi dapat maging mapagsamantala ang mga nakatataas sa lipunan. Marahil sila ay maituturing na makapangyarihan dahil sa kanilang salapi ngunit mangingibabaw pa rin ang moralidad at asal ng isang kung ituring may dukha.


Lampin Para Kay Baby

$
0
0
Lampin Para Kay Baby

Buod:

Noong ikaapat na taon nila sa mataas na paaralan, naging magkaklase sila Danny at Nena. Mahiyain si Danny noong una, ngunit naging magkaibigan na rin sila ni Nena pagkatapos siya tulungan ni Danny isang hapon. Mula noon, nahulog na ang puso ni Danny para kay Nena ngunit nilayuan siya ni Nena dahil sa panunukso ng kanilang mga kaklase. Dumating ang graduation ball, may sari-sariling dates ang dalawa, at nawalan na ng lakas ng loob si Danny na umamin kay Nena. Lumipas ang mga taon at hinahanap-hanap pa rin ni Danny si Nena, nang isang hapon ay nakasalubong ni Danny si Nena sa Carriedo, bumibili ng lampin para sa sanggol. Nakapanghihina man ng loob ang inakala ni Danny, ginusto pa rin niyang makita muli si Nena at nangyari ito sa tulong ni Nicanor, ang dati niyang kaklase at kapitbahay ni Nena. Nagkita si Danny at Nena sa isang parti, at umamin na sa wakas si Danny kay Nena. Makalipas ang tatlong araw, nakatanggap si Danny ng liham mula kay Nena kung saan nagpapaliwanag siya na wala siyang sanggol o asawa, at tinatanong kung bakit noon lang umamin si Danny.

Mga Tauhan:

Danny de Jesus - Disiotso at isang delayed na estudyante nang makilala niya at mahulog ang puso niya para kay Nena noong ikaapat na taon nila sa mataas na paraalan. Torpe at mahiyain noong bata, ngunit nagkaroon na rin ng lakas ng loob ng lumaki na siya.
Nena Maranan - Tagapangulo at crush ni Danny noong ikaapat na taon nila sa mataas na paaralan. Mabait na babae, ngunit mahiyain kapag tinutukso.
Nicanor/Nick - kapitbahay halos ni Nena, at kaklase nila Danny noong hayskul. Mabuting kaibigan at natulungan ang dalawa na magkita muli.
Miss Fresco at ang mga kaklase - Nanunukso kayla Danny at Nena noong hayskul.
Yoly - Ka-partner ni Danny noong graduation ball nila. Pinsan niya.
Erning - Date ni Nena noong grad ball. Pinsan niya.

Mga Tema:

tadhana at pag-ibig - Pagkatapos ng hayskul, akala ni Danny ‘di na niya muli makikita si Nena, ngunit binigyan siya ng pangalawang pagkakataon ng tadhana nang magkita sila muli sa Carriedo. Matagal na ang nakalipas, ngunit ganoon pa rin ang nararamdaman ni Danny, at inaantay lamang pala siya ni Nena.

maling akala - Kung nawalan na talaga ng lahat ng pag-asa si Danny dahil sa maling akala niyang may anak/asawa na si Nena, baka hindi na nila nalaman ang nararamdaman ng isa’t isa. Ngunit dahil rin sa maling akala na ito, nabigyan ng rason si Danny para makausap si Nena at napaamin din siya.

unang pag-ibig - si Nena ang unang pag-ibig ni Danny, at makikita sa kwento kung gaano kalakas ang tama nito kay Danny. Si Nena ang pumansin sa kanya kahit na sobrang tahimik ni Danny sa klase, at makalipas ang ilang taon, ang pagkatao ni Nena pa rin ang hinahanap-hanap ni Danny.



Ang Mga Kakaibang Salitang Pinoy

$
0
0
Ang Mga Kakaibang Salitang Pinoy

1. BAKTOL - ang ikatlong lebel ng mabahong amoy sa kilikili, ang baktol ay kapareho ng amoy ng nabubulok na bayabas, itoy dumudikit sa damit, at humahalo sa pawis, madalas na naaamoy tuwing registration ng kahit ano dahil sa sobrang siksikan ng mga tao.
Halimbawa: Pu#$%*#, sinong nangangamoy BAKTOL sa inyo???

2. KUKURIKAPU - libag sa ilalim ng boobs, madalas na namumuo dahil sa labis na baby powder na nilalagay sa katawan, maaari ding mamuo kung hindi talaga naliligo o nanghihilod ang isang babae, ang KUKURIKAPU ay madalas mamuo sa babaeng maallaki ang joga.
Halimbawa: honey, maligo ka na kaya para maalis yang KUKURIKAPU mo

3. MULMUL - buhok sa gitna ng isang nunal, mahirap ipaliwanag kung bakit nagkakaroon ng MULMUL ang isang nunal, subalit hindi talaga ito maaalis, kahit na bunutin pa ito, maliban nlng kung ipapa laser.
Halimbawa: "how nice naman ur MULMUL!!"

4. BURNIK - taeng sumabit sa buhok sa puwet, madalas nararanasan ng mga taong nagtitissue lamang pagkatapos tumae, ang BURNIK ay mahirap alisin, lalo na kapag natuyo na ito, ipinapayo sa mga may BURNIK na maligo na lamang upang itoy maalis, Itoy kadalasan ding makikita sa mga amerikanong nag titissue lamang.
Halimbawa: "labs, alam ko kung ano kinain mo kanina!!!"

5. AGIHAP - libag na dumikit sa panty o brief dahil sa pagmamahal sa suot panloob, nabubuo ang AGIHAP kung ang panty o brief ay nasuot na ng hindi bababa sa tatlong araw.

6. DUKIT - itoy ang amoy na nakukuha kung isinabit mo ang daliri mo sa iyong puwet…. Try to prove it dats DUKIT.

7. SPONGKLONG - itoy isang bagong wika na nangangahulugan sa isang estupidong tao.

8. WENEKLEK - ito ang buhok sa utong na kadalasang nakikita sa mag tambay sa kanto na laging nakahubad. Meron din ang ibang mga babae nito.
Halimbawa: "inay! Si itay, sinaksak ung kapitbahay natin kasi hinila un WENEKLEK niya!!!!!!"

9. BARNAKOL - ito ay maitim na libag sa batok na naipon sa matagal na panahon.

10. ASOGUE - buhok sa kili kili.

11. KALAMANTUTAY - mabahong pangalan.

12. BAKTUNG - pinaikling salitang BAKAT-UTONG.
Halimbawa: "uy, jefferson si maam BAKTUNG na naman!!!"

13. BAKTI - pinaikling BAKAT-PANTY.

14. JABARR - pawis ng katawan.

15. BULTOKACHI - tubig na tumatalsik sa puwet kapag nalalaglag ang isang malaking ebak.

May Lihim Ang Bahay-Bahayan

$
0
0
May Lihim Ang Bahay-Bahayan

Buod:

Si Peter Katindig o Pedro, isang arkitekto at inhinyero, ang nagplano at gumuhit ng ginagawang mansiyon pero hindi niya kilala kung sino ang may-ari nito at tanging ang kinatawan ng may-ari ang namamahala ng pagtayo ng gusaling ito. Nagpanggap si Peter bilang isang trabahador kung saan nakilala siya bilang Pedro at sa tuwing may oras siya para magpahinga ay dumadaan sa kanyang isip ang kasintahang si Melinda, isang nars na nagtrabaho sa London bilang isang private nurse sa isang British family ngunit nawalan sila ng komunikasyon makalipas lamang ang ilang buwan nang pagtatrabaho ng kanyang nobya doon. Mula pagkabata ay naglalaro na sila ng bahay-bahayan at pinangarap nilang magkaroon ng mansiyon. Matapos ang pagtayo ng mansiyon ay dumating na ang may-ari sakay ng bagung-bagong Mercedes Benz . Laking gulat ni Pedro nang makita niyang bumaba ng kotse si Melinda kasama ang may edad nang British at si Melinda ay pinakilala sa lahat. Siya naman ay nagpasalamat sa bawat taong nagpagod para magawa ang pangarap niyang mansiyon at ibinunyag niya na kanyang kahati sa mansiyong ito si Peter Katindig na nagpanggap bilang isang trabahador. Nagtaka ang lahat kung sino ang kanyang tinutukoy at bigla nitong nilapitan si Pedro at sinama sa gitna at nagpatuloy sa pagsasalita kung saan inamin rin niyang matagal na niyang alam na si Pedro ang arkitekto at inhinyero na responsable sa pagpapatayo ng mansiyon kaya niya tinigil ang komunikasyon kay Pedro at sinorpresa siya sa gabing iyon. Kinabig at hinagkan ni Pedro si Melinda at nagpalakpakan ang lahat.

Mga tauhan:

Peter Katindig o Pedro - isang arkitekto at inhinyerong kasintahan ni Melinda na nagpanggap bilang isang manggagawa sa upang tutukan ang mansiyong kanyang iginuhit at pinlano.
Melinda Bituin - Kasintahan ni Peter na isang private nurse ng bilyonaryong British sa London.
Tito Bert - Nangingibang bansa na nagbalik bayan na nakakita kay Melinda.
Foreman - Kinatawan ni Melinda.

Katapatan at Pangarap

Mula pa noon ay pinangarap na nilang makapagpatayo ng mansiyon at natupad ito kahit hindi man namalayan ni Pedro na ang kanyang ginagawa ay ang matagal na nilang pinapangarap. Makikita ang katapatan ni Melinda kay Pedro kahit pa sa London siya nagtrabaho at itinigil ang komunikasyon sa kanyang nobyo.

OFW
Karamihan sa mga Pinoy ay nangingibang-bansa dahil, totoo naman, na mas may oportunidad at mas malaki ang sweldo sa labas ng bansa. Ito na rin ang tumulong kay Melinda upang makapagpatayo ng mansiyon kugn saan niya makakasama ang kanyang nobyong si Pedro.

Mga Paksa at Tema:

Ipinakita sa kwentong ito ang pagiging tapat ng isang kasintahan sa kaniyang kasintahan.
Nasa kwento rin ang konsepto ng social discrimination dahil sa paninigaw at pagmamaliit sa kakayahan ng mga manggagawang nasa mababantang antas ng lipunan.
Inilarawan dito ang tunay na pag-iibigan.

Ang paksa ng kwentong ito ay ang pangarap na nagsimula sa maliit at naisakatuparan ito sa pamamagitan ng pagtitiyaga at paghihirap


Banaag at Sikat

$
0
0
Banaag at Sikat
ni Lope K. Santos

Buod

Ang buod ng kasaysayan ng Banaag at Sikat ay lumiligid sa mga adhikain at paninindigan ng dalawang magkaibigang sina Felipe at Delfin. Si Felipe ay anak ng isang mayamang presidente ng isang bayan sa Silangan. Dahil sa kanyang pagkamuhi sa mga paraan ng pagpapayaman ng kanyang ama at sa kalupitan nito sa mga maralitang kasama sa bukid at sa mga utusan sa bahay ay tinalikdan niya ang kanilang kayamanan, pumasok na manggagawa sa isang palimbagan, at nanligaw sa isang maralita ngunit marangal na dalaga, si Tentay. Samantala, siya’y nakatira sa isang bahay ng amang-kumpil na si Don Ramon sa Maynila. Ang mga paraan ni Don Ramon sa pagpapayaman, ang kanyang mababang pagtingin sa mahihirap at ang pag-api niya sa mga pinamumunuan ay nakapagpalubha sa pagkamuhi ni Felipe sa lahat ng mayayaman at nagpapatibay sa kanyang pagiging anarkista.

Pinangarap niya ang araw na mawawala ang mga hari, punumbayan at alagad ng batas, ang lahat ng tao’y magkakapantay-pantay at magtatamasa ng lubos na kalayuan at patas na ginhawa sa buhay.

Nang pilitin ng ama na umuwi sa kanilang bayan, siya’y sumunod. Subalit itinuro niya sa mga kasama sa bukid at sa mga katulong sa bahay ang kanilang karapatan. Sa galit ng ama, siya’y pinalayas at itinakwil bilang anak. Nagbalik siya sa dating pinapasukan sa Maynila at hinikayat si Tentay na pumisan sa kanya kahit di kasal, sapagkat tutol siya sa mga seremonyas at lubos na naniniwala sa malayang pag-ibig.

Si Delfin ay hindi anarkista kundi sosyalista. Hindi niya hinangad na mawala ang pamahalaan ngunit katulad ni Felipe ay tutol siya sa pagkakaipon ng kayamanan sa ilang taong nagpapasasa sa ginhawa samantalang libu-libo ang nagugutom, nagtitiis at namamatay sa karalitaan. Tutol din siya sa pagmamana ng mga anak sa kayamanan ng mga magulang. Siya’y isang mahirap na ulilang pinalaki sa isang ale (tiya). Habang nag-aaral ng abogasya ay naglilingkod siya bilang manunulat sa isang pahayagan. Kaibigan siya at kapanalig ni Felipe, bagamat hindi kasing radikal nito.

Nais ni Felipe ang maagang pagtatamo ng kanilang layunin, sukdang ito’y daanin sa marahas na paraan, samantalang ang hangad ni Delfin ay dahan-dahang pag-akay sa mga tao upang mapawi ang kamangmangan ng masa at kasakiman ng iilang mayayaman, sa pamamagitan ng gradwal na pagpapasok sa Pilipinas ng mga simulain ng sosyalismo.

Si Don Ramon ay may dalawang anak na dalaga at isang anak na lalaking may asawa na. Ang mga dalaga’y sina Talia at Meni. Si Talia ay naibigan ng isang abogado, si Madlanglayon. Ang kasal nila’y napakarangal at napakagastos, isang bagay na para kina Felipe at Delfin ay halimbawa ng kabukulan ng sistema ng lipunan na pinangyayarihan ng mayayamang walang kapararakan kung lumustay ng salapi samantalang libu-libong mamamayan ang salat na salat sa pagkain at sa iba pang pangunahing pangangailangan sa buhay.

Sa tulong ni Felipe noong ito’y nakatira sa bahay ni Don Ramon, nakilala at naibigan ni Delfin si Meni. Si Don Ramon ay tutol sa pangingibig ni Delfin sa kanyang anak; dahil ito’y maralita, at ikalawa, dahil tahasang ipinahayag nito ang kanyang pagkasosyalista sa isang pag-uusap nilang dalawa sa isang paliguan sa Antipolo. Ang pagtutol na ito ay walang nagawa. Nakapangyari ang pag-ibig hanggang sa magbinhi ang kanilang pagmamahalan.

Nang mahalata na ni Talia at ni Madlanglayon ang kalagayan ni Meni, hindi nila ito naipaglihim kay Don Ramon. Nagalit si Don Ramon; sinaktan nito si Meni at halos patayin. Sa amuki ni Madlanglayon, pumayag si Don Ramon na ipakasal si Meni kay Delfin, Subalit nagpagawa ng isang testamento na nag-iiwan ng lahat ng kayamanan sa dalawa niyang anak; si Meni ay hindi pinagmanahan.

Si Meni ay nagtiis sa buhay-maralita sa bahay na pawid na tahanan ni Delfin. Paminsan-minsan, kung mahigpit ang pangangailangan, nagbibili siya ng mga damit o nagsasangla ng kanyang mga alahas noong dalaga pa. Ito’y labis na dinaramdam at ikinahiya ni Delfin at ng kanyang ate, subalit wala naman silang maitakip sa pangangailangan.

Sa simula, si Meni ay dinadalaw ng dalawang kapatid, lalo na si Talia, at pinadadalhan ng pera at damit. Subalit ang pagdalaw ay dumalang nang dumalang hanggang tuluyang mahinto, ay gayon din ang ipinadadalang tulong. Samantala, si Don Ramon, sa laki ng kanyang kahihiyan sa lipunan dahil sa kalapastangang ginawa ni Meni at ni Delfin, ay tumulak patungong Hapon, Estados Unidos at Europa, kasama ang isang paboritong utusan. Wala na siyang balak bumalik sa Pilipinas. Nakalimutan niya ang pagwasak na nagawa niya sa karangalan ng maraming babae na kanyang kinasama; ang tanging nagtanim sa kanyang isip ay ang pagkalugso ng sariling karangalan sa mata ng lipunan dahil sa kagagawan ni Meni.

Samantala, nagluwal ng isang sanggol na lalaki si Meni. Sa pagnanais na makapaghanda ng isang salu-salo sa binyag ng kanyang anak, susog sa mga kaugalian, si Meni ay nagsangla ng kanyang hikaw, sa kabila ng pagtutol ni Delfin na tutol sa lahat ng karangyaan. Ang ninong sa binyag ay si Felipe na hindi lamang makatanggi sa kaibigan, subalit kontra rin sa seremonyas ng pagbibinyag. Bilang anarkista ay laban siya sa lahat ng pormalismo ng lipunan. Sa karamihan ng mga pangunahing dumalo, kumbidado’t hindi, ay kamuntik nang kulangin ang handa nila Delfin, salamat na lamang at ang kusinero ay marunong ng mga taktikang nakasasagip sa gayong pangyayari.

Ang kasiyahan ng binyagan ay biglang naputol sa pagdating ng isang kablegrama na nagbabalitang si Don Ramon ay napatay ng kanyang kasamang utusan sa isang hotel sa New York. Nang idating sa daungan ang bangkay, sumalubong ang lahat ng manggagawa sa pagawaan ng tabako sa atas ni Don Felimon, kasosyo ni Don Ramon, na nagbabalang hindi pasasahurin sa susunod na Sabado ang lahat ng hindi sasalubong.

Kasama sa naghatid ng bangkay sa Pilipinas si Ruperto, ang kapatid ni Tentay na malaon nang nawawala. Pagkatapos makapaglibot sa Pilipinas, kasama ng isang Kastilang kinansalaan niya sa maliit na halaga, siya’y ipinagbili o ipinahingi sa isang kaibigang naglilingkod sa isang tripulante. Dahil dito, nakapagpalibot siya sa iba’t ibang bansa sa Aprika at Europa, at pagkatapos ay nanirahan sa Cuba at California, at sa wakas ay namalagi sa New York. Doon siya nakilala at naging kaibigan ng utusang kasama ni Don Ramon na naninirahan sa isang hotel na malapit sa bar na kanyang pinaglilingkuran. Si Ruperto ang nagsabi kay Felipe na kaya pinatay si Don Ramon ay dahil sa kalupitan nito sa kanyang kasamang utusan.

Ang libing ni Don Ramon ay naging marangya, kagaya ng kasal ni Talia. Hanggang sa libingan ay dala-dala pa ng mayamang pamilya ni Don Ramon ang ugali ng karangyaan ng pananalat at paghihirap ng maraming mamamayan. Sa libingan ay Naiwan sina Delfin at Felipe na inabot ng talipsilim sa pagpapalitan ng kuro-kuro at paniniwala.

Naalaala ni Felipe ang kaawa-awang kalagayan ng mga kasama’t utusan ng kanyang ama. Nasambit ni Delfin ang kawalang pag-asa para sa maralitang mga mamamayan habang namamalagi sa batas ang karapatan ng mga magulang na magpamana ng yaman at kapangyarihan sa mga anak. Nagunita nila ang laganap na kamangmangan at mga pamahiin, ang bulag na pananampalataya. Kakailanganin ang mahaba at walang hanggang paghihimagsik laban sa mga kasamang umiiral. Marami pang bayani ang hinihingi ang panahon. Kailangang lumaganap ang mga kaisipang sosyalista, hindi lamang sa iisang bansa kundi sa buong daigdig bago matamo ang tunay at lubos na tagumpay. Napag-usapan nina Felipe at Delfin ang kasaysayan ng anarkismo at sosyalismo – ang paglaganap nito sa Europa, sa Aprika, at sa Estados Unidos. Sinabi ni Felipe na ang ilang buhay na napuputi sa pagpapalago ng mga ideyang makamaralita ay kakaunti kung ipaparis sa napakamaraming tao na araw araw ay pinahihirapan. Subalit matigas ang paninindigan ni Delfin laban sa ano mang paraang magiging daan ng pagdanak ng dugo.

Sa kabila ng pagkakaibang ito ng kanilang paninindigan ay nagkaisa sila sa pagsasabi, sa kanilang pag-alis sa libingan, noong gumagabi na, “Tayo na: iwan nati’t palipasin ang diin ng gabi."


Banaag at Sikat

$
0
0
 Banaag at Sikat
 ni Lope K. Santos


Pagkilala sa may akda:

Si Lope K. Santos (Setyembre 25, 1879 – Mayo 1, 1963) ay isang tanyag na manunulat sa wikang Tagalog noong kaniyang kapanahunan, sa simula ng ika-1900 dantaon. Bukod sa pagiging manunulat, isa rin siyang abogado, kritiko, lider obrero, at itinuturing na "Ama ng Pambansang Wika at Balarila" ng Pilipinas.

Sa larangan ng panitikan Ipinanganak si Lope K. Santos sa Pasig, Rizal - bilang Lope C. Santos - sa mag-asawang Ladislao Santos at Victoria Canseco, na kapwa mga katutubo sa Rizal. Ngunit mas inibig na gamitin ni Santos ang titik na K bilang kapalit ng C para sa kaniyang panggitnang pangalan, upang asang padasino das(Kolehiyo Pilipino), matapos na makapag-aral sa Escuela Normal Superior de Maestros (Mataas na Paaralang Normal para sa mga Guro) at sa Escuela de Derecho (Paaralan ng Batas). Naging dalubhasa siya sa larangan ng dupluhan, isang paligsahan ng mga manunula na maihahambing sa larangan ng balagtasan. Noong 1900, nagsimula siyang maglingkod bilang patnugot para sa mga lathalaing nasa wikang Tagalog, katulad ng Muling Pagsilang at Sampaguita. Siya ang tagapagtatag ng babasahing Sampaguita. Sa pamamagitan ni Manuel L. Quezon, naging punong-tagapangasiwa si Santos ng Surian ng Wikang Pambansa. [4] Kabilang sa mga katawagang nagbibigay parangal kay Santos ang pagiging Paham ng Wika, Ama ng Balarilang Pilipino, Haligi ng Panitikang Pilipino, subalit mas kilala rin siya sa karaniwang palayaw na Mang Openg.
.

Layunin ng may  akda:

Ilahad na di lamang maaring mabuhay ang tao sa pamamagitan ng pagyaman.

Tema O Paksa ng akda:

Kahanga-hanga dahil di nila inintindi ang mana ni Meni upang mabuhay ng maginhawa.

Mga Tauhan:

Don Ramon – Ama ni Talia at Meni Felimon
Loleng- magulang ni Isiang,madlanglayon na kaibigan ni talia,
Felipe- manlilingbang,
Delfin-manunulat
Tentay -asawa ni felipe.

Tagpuan:
Antipolo / Laguna

Nilalaman ng balangkas / pangyayari:

masyadong konserbatibo ang wakas.

Kaisipan / ideang taglay ng may akda:

Nagbibigay insperasyon sa mga mambabasa.

Buod:

Ang buod ng kasaysayan ng Banaag at Sikat ay lumiligid sa mga adhikain at paninindigan ng dalawang magkaibigang sina Felipe at Delfin. Si Felipe ay anak ng isang mayamang presidente ng isang bayan sa Silangan. Dahil sa kanyang pagkamuhi sa mga paraan ng pagpapayaman ng kanyang ama at sa kalupitan nito sa mga maralitang kasama sa bukid at sa mga utusan sa bahay ay tinalikdan niya ang kanilang kayamanan, pumasok na manggagawa sa isang palimbagan, at nanligaw sa isang maralita ngunit marangal na dalaga, si Tentay. Samantala, siya’y nakatira sa isang bahay ng amang-kumpil na si Don Ramon sa Maynila. Ang mga paraan ni Don Ramon sa pagpapayaman, ang kanyang mababang pagtingin sa mahihirap at ang pag-api niya sa mga pinamumunuan ay nakapagpalubha sa pagkamuhi ni Felipe sa lahat ng mayayaman at nagpapatibay sa kanyang pagiging anarkista.

Pinangarap niya ang araw na mawawala ang mga hari, punumbayan at alagad ng batas, ang lahat ng tao’y magkakapantay-pantay at magtatamasa ng lubos na kalayuan at patas na ginhawa sa buhay.

Nang pilitin ng ama na umuwi sa kanilang bayan, siya’y sumunod. Subalit itinuro niya sa mga kasama sa bukid at sa mga katulong sa bahay ang kanilang karapatan. Sa galit ng ama, siya’y pinalayas at itinakwil bilang anak. Nagbalik siya sa dating pinapasukan sa Maynila at hinikayat si Tentay na pumisan sa kanya kahit di kasal, sapagkat tutol siya sa mga seremonyas at lubos na naniniwala sa malayang pag-ibig.

Si Delfin ay hindi anarkista kundi sosyalista. Hindi niya hinangad na mawala ang pamahalaan ngunit katulad ni Felipe ay tutol siya sa pagkakaipon ng kayamanan sa ilang taong nagpapasasa sa ginhawa samantalang libu-libo ang nagugutom, nagtitiis at namamatay sa karalitaan. Tutol din siya sa pagmamana ng mga anak sa kayamanan ng mga magulang. Siya’y isang mahirap na ulilang pinalaki sa isang ale (tiya). Habang nag-aaral ng abogasya ay naglilingkod siya bilang manunulat sa isang pahayagan. Kaibigan siya at kapanalig ni Felipe, bagamat hindi kasing radikal nito.

Nais ni Felipe ang maagang pagtatamo ng kanilang layunin, sukdang ito’y daanin sa marahas na paraan, samantalang ang hangad ni Delfin ay dahan-dahang pag-akay sa mga tao upang mapawi ang kamangmangan ng masa at kasakiman ng iilang mayayaman, sa pamamagitan ng gradwal na pagpapasok sa Pilipinas ng mga simulain ng sosyalismo.

Si Don Ramon ay may dalawang anak na dalaga at isang anak na lalaking may asawa na. Ang mga dalaga’y sina Talia at Meni. Si Talia ay naibigan ng isang abogado, si Madlanglayon. Ang kasal nila’y napakarangal at napakagastos, isang bagay na para kina Felipe at Delfin ay halimbawa ng kabukulan ng sistema ng lipunan na pinangyayarihan ng mayayamang walang kapararakan kung lumustay ng salapi samantalang libu-libong mamamayan ang salat na salat sa pagkain at sa iba pang pangunahing pangangailangan sa buhay.

Sa tulong ni Felipe noong ito’y nakatira sa bahay ni Don Ramon, nakilala at naibigan ni Delfin si Meni. Si Don Ramon ay tutol sa pangingibig ni Delfin sa kanyang anak; dahil ito’y maralita, at ikalawa, dahil tahasang ipinahayag nito ang kanyang pagkasosyalista sa isang pag-uusap nilang dalawa sa isang paliguan sa Antipolo. Ang pagtutol na ito ay walang nagawa. Nakapangyari ang pag-ibig hanggang sa magbinhi ang kanilang pagmamahalan.

Nang mahalata na ni Talia at ni Madlanglayon ang kalagayan ni Meni, hindi nila ito naipaglihim kay Don Ramon. Nagalit si Don Ramon; sinaktan nito si Meni at halos patayin. Sa amuki ni Madlanglayon, pumayag si Don Ramon na ipakasal si Meni kay Delfin, Subalit nagpagawa ng isang testamento na nag-iiwan ng lahat ng kayamanan sa dalawa niyang anak; si Meni ay hindi pinagmanahan.

Si Meni ay nagtiis sa buhay-maralita sa bahay na pawid na tahanan ni Delfin. Paminsan-minsan, kung mahigpit ang pangangailangan, nagbibili siya ng mga damit o nagsasangla ng kanyang mga alahas noong dalaga pa. Ito’y labis na dinaramdam at ikinahiya ni Delfin at ng kanyang ate, subalit wala naman silang maitakip sa pangangailangan.

Sa simula, si Meni ay dinadalaw ng dalawang kapatid, lalo na si Talia, at pinadadalhan ng pera at damit. Subalit ang pagdalaw ay dumalang nang dumalang hanggang tuluyang mahinto, ay gayon din ang ipinadadalang tulong. Samantala, si Don Ramon, sa laki ng kanyang kahihiyan sa lipunan dahil sa kalapastangang ginawa ni Meni at ni Delfin, ay tumulak patungong Hapon, Estados Unidos at Europa, kasama ang isang paboritong utusan. Wala na siyang balak bumalik sa Pilipinas. Nakalimutan niya ang pagwasak na nagawa niya sa karangalan ng maraming babae na kanyang kinasama; ang tanging nagtanim sa kanyang isip ay ang pagkalugso ng sariling karangalan sa mata ng lipunan dahil sa kagagawan ni Meni.

Samantala, nagluwal ng isang sanggol na lalaki si Meni. Sa pagnanais na makapaghanda ng isang salu-salo sa binyag ng kanyang anak, susog sa mga kaugalian, si Meni ay nagsangla ng kanyang hikaw, sa kabila ng pagtutol ni Delfin na tutol sa lahat ng karangyaan. Ang ninong sa binyag ay si Felipe na hindi lamang makatanggi sa kaibigan, subalit kontra rin sa seremonyas ng pagbibinyag. Bilang anarkista ay laban siya sa lahat ng pormalismo ng lipunan. Sa karamihan ng mga pangunahing dumalo, kumbidado’t hindi, ay kamuntik nang kulangin ang handa nila Delfin, salamat na lamang at ang kusinero ay marunong ng mga taktikang nakasasagip sa gayong pangyayari.

Ang kasiyahan ng binyagan ay biglang naputol sa pagdating ng isang kablegrama na nagbabalitang si Don Ramon ay napatay ng kanyang kasamang utusan sa isang hotel sa New York. Nang idating sa daungan ang bangkay, sumalubong ang lahat ng manggagawa sa pagawaan ng tabako sa atas ni Don Felimon, kasosyo ni Don Ramon, na nagbabalang hindi pasasahurin sa susunod na Sabado ang lahat ng hindi sasalubong.

Kasama sa naghatid ng bangkay sa Pilipinas si Ruperto, ang kapatid ni Tentay na malaon nang nawawala. Pagkatapos makapaglibot sa Pilipinas, kasama ng isang Kastilang kinansalaan niya sa maliit na halaga, siya’y ipinagbili o ipinahingi sa isang kaibigang naglilingkod sa isang tripulante. Dahil dito, nakapagpalibot siya sa iba’t ibang bansa sa Aprika at Europa, at pagkatapos ay nanirahan sa Cuba at California, at sa wakas ay namalagi sa New York. Doon siya nakilala at naging kaibigan ng utusang kasama ni Don Ramon na naninirahan sa isang hotel na malapit sa bar na kanyang pinaglilingkuran. Si Ruperto ang nagsabi kay Felipe na kaya pinatay si Don Ramon ay dahil sa kalupitan nito sa kanyang kasamang utusan.

Ang libing ni Don Ramon ay naging marangya, kagaya ng kasal ni Talia. Hanggang sa libingan ay dala-dala pa ng mayamang pamilya ni Don Ramon ang ugali ng karangyaan ng pananalat at paghihirap ng maraming mamamayan. Sa libingan ay Naiwan sina Delfin at Felipe na inabot ng talipsilim sa pagpapalitan ng kuro-kuro at paniniwala.

Naalaala ni Felipe ang kaawa-awang kalagayan ng mga kasama’t utusan ng kanyang ama. Nasambit ni Delfin ang kawalang pag-asa para sa maralitang mga mamamayan habang namamalagi sa batas ang karapatan ng mga magulang na magpamana ng yaman at kapangyarihan sa mga anak. Nagunita nila ang laganap na kamangmangan at mga pamahiin, ang bulag na pananampalataya. Kakailanganin ang mahaba at walang hanggang paghihimagsik laban sa mga kasamang umiiral. Marami pang bayani ang hinihingi ang panahon. Kailangang lumaganap ang mga kaisipang sosyalista, hindi lamang sa iisang bansa kundi sa buong daigdig bago matamo ang tunay at lubos na tagumpay. Napag-usapan nina Felipe at Delfin ang kasaysayan ng anarkismo at sosyalismo – ang paglaganap nito sa Europa, sa Aprika, at sa Estados Unidos. Sinabi ni Felipe na ang ilang buhay na napuputi sa pagpapalago ng mga ideyang makamaralita ay kakaunti kung ipaparis sa napakamaraming tao na araw araw ay pinahihirapan. Subalit matigas ang paninindigan ni Delfin laban sa ano mang paraang magiging daan ng pagdanak ng dugo.

Sa kabila ng pagkakaibang ito ng kanilang paninindigan ay nagkaisa sila sa pagsasabi, sa kanilang pag-alis sa libingan, noong gumagabi na, “Tayo na: iwan nati’t palipasin ang diin ng gabi."




Viewing all 223 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>