Quantcast
Channel: Gabay ng Mag aaral
Viewing all 223 articles
Browse latest View live

Pinaglahuan

$
0
0
Pinaglahuan
Ni Faustino Aguilar

Para sa kompletong kabanata mula 1-20 maaaring puntahan ang site na ito:
http://www.filipiniana.net/publication/pinaglahuan/12955824288310/4/0


(Kabanata III)
GABI at umúulán. Gabíng dapat sumpaín ng mga may sakit na rayuma dahil sa kalamigan ng hanging himihihip. Gabing dapat ipinalangin ng mga matatakutin sa dahil sa mahuhugong na kulog at nagniningasang kidlat. Ang patak ng ulan ay ga-mais halo at siyang ipinaglulusak ng mga lansangan ng Maynila na kaya lamang maganda ay kung tag-araw, tulad din naman sa isang babayi na kung bihis lamang saka nakikitaan ng gara.
Ang mga ilaw-elektriko ay waring nangag-aantukan sa inandap-andap at sa mg daang dating matao ay ilan-ilan lamang ang nagsisipaglakad, matangi ang mga pulis na may katungkulang magbantay ay nangagyayao’t ditong matalas ang tainga sa ano mang kilatis o yabag kaya na di karaniwan. Ito ang biyayang napapala sa kanilang ibinubuwis ng mga naninirahan sa Maynila na nang gabing iyong pinasungitan ng ulan ay maagang nagsipaglapat ng pinto. Tulog ang bayan at hindi naririnig ang dagundong ng mga kalesa at ang pinatatagintingan ng salapi sa mga bahay-kalakal. Nagpapahinga ang lahat, naghapuna’t hindi, bundat at gutom, mula sa mga ulo ng yaman hanggang sa kadukha-dukhaang anak ng pawis, at parang-parang nagsisihanap sa pagtulog ng lakas na kinabukasa’y gagamitin ng iba sa pagsasaya, at nang karamihan sa pagkita ng ikabubuhay. Ang pagtulog ay sintulad din ng kamatayan, walang itinatangi, lahat ay pinaghaharian, lahat ay nasasaklaw; pagdating ng gabi ay siya ang panginoon. Mapalad na panginoong walang kawal at malalaking hukbo ni laksa-laksang salapi ay makapangyarihan naman at tinatalima.
Nguni’t isa lamang masuyain, ang sa gayong kalakas na ulan ay sumasagasa at sugod nang nakikipag-unahan sa bilis ng kidla na maminsan-minsang nakalilito sa kaniyang mga paningin. Pagliko sa isang daan at sa tapat ng isang tila nag-aantok na ilaw, ay nakikilalang siya pala ang binatang nakatalo ng pulis sa Opera.
Lalo pang lumalakas ang ulan, nguni’t lalo namang nagdudumali ang masuwayin na pagkapat sa isang bahay sa daang A. ay tumigil at nagmasid. Lapat na ang mga pinto’t bintana ng kinatatapatang bahay na di naman lubhang mataas. Ang bahay na iyong salat sa karingalan ng mga bagong tayo, ay napagkikilalang matanda na at marahil ay di lamang lilimampung taong pinamamahayan. Malaki nga kung sa malaki, datapwa’t di sasalang yari noon pang walang mga kawani ang municipio na nag-uutos paris ngayong ang tataas ng mga bahay at pagpantay-pantayin , sapagkat mababa, at sa katunaya’y pantay-ulo lamang ang mga palababahan ng bintana. Ang bahay na iyon marahil ay labi ng isang marahas na sakuna, pagka’t sa biglang tingin ay napagkikilalang dating mataas at nagsasabi ng ganito’y ang ayos ng kabahayan na alangang-alangan sa kababaan ng silong. Ito’y bahagya nang umaangat sa lupa. Sa gayong kadilim na gabi ay pagkakamalan ang bahay na ito at wiwikain ng kahit sino na marahil isang simbahang matanda, at kabilang na ng mga bagay na kakahapunin ng pananampalatayang Kristiyano. Siyang-siya ng sa isang simbahan ang tabas-kamalig niyang bubong na tisa na sa may gitna at sa pinakatuktok ay may isa pang maliit na gola na natatapos sa isang kurus na kahoy. Ang kurus na iyo’y di sasalang nakasaksi ng panahon sa malalaking bagay na nagyari; gaano karaming lihim ang nalalaman niyang pipi naman at hindi makapagsalita.
Kung ang bahay na ito’y nagkataong napagitna sa matataas na pader ay maipalalagay sanang isang monasterio o tahanan ng mga babaying walang puso kung sa mga lalaking tagalupa, maliban kay Kristong hindi na pinagsawaang pag-ukulan ng kani-kanilang pag-ibig ng libu-libong dalaga.
Nguni’t hindi , at ang bahay na iyong alangang simbahan, alangang monasterio ay tahanan ng isang mayamang kilala sa buong Maynila sa pangalang Nicanor Gutierrez. Iyon ang bahay ni Don Nicanor na kinatatapatan ng masuyain kay Pagtulog.
Sa mga kilos at anyo ng taong natatapat sa bahay ay napagkikilalang hirati siya sa gayong tinayu-tayo. Ang kalaliman ng gabi, ang malakas na ulang bahagya pa lamang nagbabawa, ang putik sa lansangang abot sa may bukung-bukung, ang mangisa-ngisa dapwa’t maririing kulog, ay hindi man niya pansin, at waring natatalagang makipagtagalan sa noo’y tila matatalo na niyang bubo ng tubig mula sa itaas. Isa pang bugsong malakas kaysa mga nauna, at ang ula’y tumugil, nguni’t hindi ang mga kidlat at kulog na patuloy rin at waring nagtatawag pa ng unos.
Isa, dalawa, tatlo, hanggang limang ubo ang narinig sa gitna ng dilim at hindi na umulit. Iba namang tunog ang narinig: marahan nguni’t hugong ng isang bintanang kapis na binubuksan.
“Luis, Luis?” ang salitang gumambala sa kadiliman ng gabi.
“Oo, Danding, ako nga.”
“Matagal ka na bang naghihintay?”
“Ngayun-ngayon lamang ako naiinip.”
“Oo nga at inakala ko nang baka hindi tayo magkausap.”
“At bakit?”
“Sapagka’t baka napahimbing ka na naman.”
“Ah, hindi na mangyayari uli ang gayon, lubha pa’t ganitong ang puso ko’y ginigiyagis ng mararahas na damdamin.”
“Danding, binibigla mo ako. Ngayon lamang kita nakausap nang ganyan. Ako kaya’y malilimot mo na?”
“Hindi hangga ngayo’y iyung-iyo ang aking pananalig, hindi pa sumasagi sa aking gunita ang paglililo. Nguni’t, oh, manhik ka, at tila babagsak na naman ang ulan.”
At siyanga naman, ang inambun-ambon ay unti-unting lumalakas at ang dating maitim na langit ay nagpanibagong-sapot at bumanta na namang magbuhos sa lupa ng katakut-takot na tubig. Dapwa’t malayo na sa pagkabasa si Luis, sa isang imbay ay nakapanhik sa itaas ng silid na tutulugan ni Danding at ang bintanang dinaanan niya’y muling napalapat ng pagkakalapat na nagsasabing: “dito’y walang nangyayaring ano man.
Wala nga nguni’t sa loob ng dalawang pusong kapwa bata ang nagsusuob ng mababangong kamanyang, dalawang pag-ibig na pinapagtali ng kapalaran ang nagsusumpaan, dalawang pag-asa ang nagtatago sa mata ng marami, hindi sapagka’t masama ang sila’y magmahalan kundi sa “sukat masabi.” Sa gaano kalalaking paglilihim naitutulak ang tao niyang pag-ilag sa “sukat masabi!” – iyang mabigat na pasaning ipinadadalang pilit sa balana ng mga kabulaanan sa pamumuhay.
Si Danding at si Luis ay hindi nakailag na pabuwis na ito, at hindi miminsang nag-uusap sila nang palihim at malayo sa “sukat masabi,” samantalang ang mga magulang ng dalaga ay nangagpapahinga sa kabilang silid naman ng bahay.
Ang pag-uusap nila ng gabing ito ay napaiba sa lahat: waring nakikibagay sa panahon,malungkot at walang katamisang gaya ng dati, lubha pa nang makaraan na ang mga unang sandali.
“Oo, Danding,” ang sabi ng binata, “sasamantalahin ko ang pag-uusap nating ito upang sabihin sa iyong ako’y napakasawing-palad. Tuwina’y ganito, para akong magnanakaw na di makalantad sa marami, patago kung makasilay sa maligaya mong mukha, paumit kung iyong makaharap, ano pa’t sa dilim lamang ng gabi naipagtatapat ang aking pag-ibig at sa liwanag ng araw ay hindi na. Mapalad daw ako, ang sabi ng ilan. Mapalad nga, pagka’t may isa akong minamahal na nagmamahal naman sa akin, mayisa akong iniibig na hindi maipahayag kangino man sa takot na baka ngayon pa’y mawala na.”
“Luis, Luis!”
“Danding, bayaan mong sa gabing itong maulan ay mailalantad ko sa iyo ang mga sugat ng aking puso, nitong pusong sapagka’t iyo’y hindi dapat maglingid ng anung-ano man. Matagal ko nang napupuna na ikaw ay may ipinaglilihim sa akin, mula noong sumulat ka nang kayo’y pasa Tayuman. Ang matatalinghaga mong sinabi sa liham ay natatala pa sa aking isip: “may sasabihin ako sa iyo,” nguni’t hangga ngayo’y hindi mo pa nasasabi. Aywan kung nawalang-tiwala ka sa akin o talagang ang pag-ibig ko sa iyong di na malilimot kailan man ay ipinalalagay mong kabang walang susi, kaya ang sasabihing iyon ay ipinakakalihim-lihim. Lason mang nakamamatay sa aking pananalig at pag-asa ang iyong sasabihin ay ipagtapat mo nang hindi ko mawikang wala kang pagmamahal. Nguni’t huwag at baka wala akong matwid na humingi sa iyo ng ganito kalaking bagay.”
“Sukat na,” ang pagkaraka’y naisagot ng dalaga sa gayong paghihinampo. “Bawa’t salita mo’y patalim na umiiwa sa aking laman, bawa’t bigkas mo’y aking ikamamatay. Ako nga’y nagkasala sa iyo, nguni’t pagkakasalang di ko naman dapat ipagsisi. Kinusa ko ang paglilihim, at nalaman mo kung bakit?”
Ang binata’y hindi nakakibo, hindi malaman kung ano ang isasagot sa kaniyang kausap na sa sandaling iyo’y nagtila anyo ng Kasawian dahil sa kalumbayang napalarawan sa mukha at sa unti-unting pangingilid ng luha sa magaganda niyang mata.
“Nalaman mo kung bakit?” ang ulit pagkasandali. “Sapagka’t hindi ko ibig mamatay, sapagka’t hinahangad kong ang puso ko na lamang ang madurog. Luis, kulang-palad tayo!” Ang ilang luhang nag-unahan sa pagpatak ang nagsabi binata ng kadalamhatiang kinakabaka ni Danding.
Lalo pang napatigagal si Luis at ang malalam na ilaw ng isang maliit na globong kulay luntian ang sumaksi sa kaniyang pagkahabag sa pinakaiirog nang higit sa buhay.
“Luis, huwag kang matakot sa pighati. Ikaw ang sumalang ng sugat,” ang patuloy nang buong kalungkutan ng nagsasalita. “Tapos na sa atin ang lahat. Ito ang wakas ng ating pag-iibigan. Oh! Kaydaling natapos. Ngayon ay sasabihin ko sa iyo ang bagay kong ipinaglilihim. Wala akong ipagkakaila anung-ano man, lahat ay aking sasabihin yamang ibig mo. Ang dalagang umiibig sa iyo at kung palayawan mo’y aking Danding ay hindi na iyo ngayon. Siya’y wala nang sariling puso, siya’y isang kasangkapan lamang na ipinagbibiling di magluluwat. Ipagbibili, Luis, at sa halagang di mo maaabot. Alam kong sa pag-ibig mo sa akin, sampung buhay man ay iyong ipapalit, dapwa’t di sukat ang buhay, kailangan ang salapi, kailangan ang pilak na mataginting, na panira sa lalo mang mahal na mga tipanan, at makaaalipin sa napakataas mang hari, kaya ngayo’y hindi na ikaw ang may karapatan sa aking pag-ibig, iniirog man kita, kundi si Rojalde na mula ngayo’y kinapopootan ko.”
“Kung gayon, si Rojalde…” ang bahagyang nasnaw sa bibig ng binata.
“Oo, Luis, siyang bibili sa akin at ang magbibili nama’y ang aking mga magulang.” At marahil sa pagkalunos, ang dalaga’y napatigil. Hindi na nakapagpatuloy, at walang naisaksi ang kaniyang puso sa sakbibing dalamhati kundi ang saganang luha at ang pinipigilang paghikbi.
Sabay sa pagluha, sabay sa paghikbing isinalaysay ng dalaga ang buong nangyayari. Siya’y pingsabihan na ng kaniyang ama at nang sumagot na may kapaitang lunukin ang maagap na pagkakapaoo kay Rojalde nang hindi naman sumangguni sa kaniya, ay nagalit, napoot, at siya’y tinawag na masamang anak. Di-umano’y kaligtasan nilang mag-anak ang gayong pag-aasawa at alang-alang sa pagkaligtas na ito sa isang napakalaking panganib at kahihiyang kapapasukan kung sakali ay dapat siyang sumunod. Nasabi pa rin ng kaniyang amang kung hindi siya sasang-ayon ay mapipilitang magpatiwakal na muna bago masamsaman ng lahat na pag-aari at lumabas na kahiya-hiya sa karamihan. Ang kanila palang dangal at kapurihang mag-anak ay maaaring siklut-siklutin ni Rojalde. Napakalaki ang sagutin ng kaniyang ama rito na di na makauurong pa kahit ibigin.
“At ako, sa harap ng ganyang sigalot ay nalilito. Iniibig ko ang aking magulang at iniibig din naman kita,” ang mga huling salitang sakdal kapaitan ng dalaga.
Ang gayong dagok ng kasawiang-palad ay hindi inasahan ni Luis. Hanggang nang mga sandaling yao’y hindi pa nagkakasugat ang kaniyang puso. Naniniwala ng paniniwalang bulag sa kaligayahan ng pag-ibig na sa palagay niya’y isang bulaklak na napakabango at di na mauubusan ng samyo. Hanggang sa gabing iyon ay pawang paglasap ng katamisan sa sinapupunan ng kaniyang pinakamamahal na Danding ang natatamo, minsan ma’y di nakadama ng isang tinik na sukat ikapagsabing nagsapot sa kaniya ang kalangitan, minsan ma’y di nakalagok ng kapaitang ikapagtuturing na siya’y nasawi. Lahat ay ligaya, lahay ay aliw at katamisan, walang lungkot ni pighati ni luha at pagdaramdam.
Alam niyang may mga pag-ibig na taksil at nakamamatay, dapwa’t kailan ma’y di nag-akalang ang ganito sa kaniyang Danding na makalilibong sumumpa sa pagmamahalan nila. Hindi akalain ni Luis na sa isang sandali lamang ay mapapawing parang aso ang lahat niyang pag-asa sa isang babaying hindi naman masasabing sa iba pa kundi kaniya nang lubos.
Nang mga sandaling iyo’y nagunita ni Luis ang pagkakapagkilala nila ni Danding, isang hapon sa Luneta, nang ito’y kagagaling pa lamang sa isang colegio rito sa Maynila at inilabas ng ama dahil sa nalalapit na pagdiriwang ng Del Pilar sa Sta. Cruz. Biglang sumagi sa kaniyang gunita ang ikalawang pagtatagpo nila, makasanlinggo lamang sa isang sayawan, at nagunita tuloy ang kaniyang pagkakapahayag sa sayawang iyon, na ipinagtamo kay Danding ng kung hindi man isang oo ay isa namang pagpapaasang sukat nang makaaliw sa isang nangingibig.
Oh! Hindi maaari, na ang gayong pag-iibigang pinapagtibay na mahigit ng isang pag-irog na dalisay at wagas ay magbunga ng kapait-paitang pagkadusta. Hindi, kailangang mamatay na muna siya upang makapanalig sa ganito. Gayunma’y kaharap si Danding, nadinig sa mga labi nito ang buong katotohanan, ang pagbibili ng isang pusong may dinadalanginan man ay pilit na ipinasasaklaw sa iba, at siya ay naroong walang namang magawa at di makapagsalita ng anung-ano man palibhasa’y pinipi ng gayong kasawiang ikawawala ng kaniyang mutya at tunay na ligaya. Ibig na ayaw paniwalaan ni Luis na may mga magulang ngang nangangalakal ng anak. Pinag-aalinlangan niyang ang pangangalakal na ito, kung totoo man, ay iukol ni Don Nicanor sa kaniyang kaisa-isang anak na babayi, pagka’t si Don Nicanor ay mayaman at di mangangailangan ng salaping ipananakip sa tainga upang huwag marinig ang sigaw ng isang pusong tumututol.
Ang pangingibig ni Rojalde ay kaniyang talastas. Nalalaman niyang ito’y nagpapakamatay halos kay Danding, at sa katunaya’y di miminsang nakapagdahilanan pa ng kaniyang mga pagtatampong lambing lamang naman sa nagmamahal na si Danding, dapwa’t di niya sinapantaha kailan mang gayon ang magiging wakas.
Si Don Nicanor, sa kaniyang palagay, ay isang amang may katuwiran at hindi kabilang ng mga magulang na sa supot tumitingin at hindi sa kaligayahan ng kanilang anak, dapwa’t naroroon si Danding na nagpapabulaan sa ganitong palagay. Oo, ang Danding na iyong kinaniya-kaniya at pinaglalaanan ng buong pagkatao at pagmamahal ay ipinabili ng magulang, at siya sapagka’t dukha’y di man lamang makasali sa pamamakyaw.
Ang kaniyang maliit na sahod sa pinapasukang isang bahay-kalakal na dayo ay hindi maipangangahas sa gayong pagbibilihan: sukat na lamang ang magtiis, at ang pagmumuni-muning ito’y siyang nagsurot sa kaniyang mga mata ng napakaruhaging palad ng dukha, na pinanaligan niyang nauuwi sa ganito: ngayo’y malakas, bukas ay mahina at sa makalawa’y matanda nang pinatatapun-tapon hanggang sa mamatay na dayukdok.
Ipagbibili ako sa halagang hindi mo maaabot!” ito ang sabi ni Danding at may katotohanan nga naman, pagka’t siya ay dukha, isang maralitang salamat sa kaunting nalalaman kaya nakagigitaw-gitaw nang kaunti. Dapwa’t ganito man ay nag-uulik-ulik ang kalooban ng binata. Hindi makapani-paniwala sa lahat ng narinig, at ipinalalagay na ang mga ipinaturing ng kaniyang minamahal ay isang panaginip lamang kung hindi man isang pagbiro.
Nang mga sandaling iyon si Luis ay napatulad sa isang ayaw mamatay na tinutulan pati ng paghihingalo. Si Danding ay kaniya, at laban dito’y wala nang katuwiran pang maibabali. Kapagkaraka’y walang lunas na minagaling kundi ang pagtatanan. Sa lilim ng malayang pamamalakd tungkol sa bagay na ito ay makisisilong sila ni Danding: doo’y di na makaaabot ang lakas atmasagwang pagkaama ni Don Nicanor, kaya ang sabi pagkatapos ng matagal na di pag-imik.
“Laban sa ganyang paggahasa ng iyong ama ay kagahasaan din ang panlaban. Magtanan tayo, lumayo rito at salirinin ang ating palad.”
Ang ganitong mga salita’y binigkas ni Luis nang biglang-bigla at natatatakan ng katigasang-loob. Hindi minasama ni Danding ang gayong hikayat. Siya ma’y nakapag-akala na ring di miminsan ng gayon, dapwa’t kinahahabagan ang kaniyang ama at ang kaniyang ina. Dito niya utang ang pagkatao, ang nalalaman, ang lahat. Ang kaniyang pagsunod ay talagang sa mga magulang, nguni’t ang kaniyang puso?
Isang pakikipagtunggali sa mga udyok ng puso ang nangyayari kay Danding ng mga sandaling iyo. Isang matamis na damdamin ang nagtutulak sa kaniyang sumama kay Luis, lumayo, at sa gitna ng kalayaan lasapin ang katamisan ng paggiliw, nguni’t magpikit man ng mata’y isinusurot naman sa kaniyang mga balintataw ng pagsunod sa magulang ang larawan ng amang nagpatiwakal dahil lamang sa kaniyang di pagsunod. Matay mang pakakuruin ang sinasapit niya ay di mapanibulos kung saang dako kikiling: saa’t saan man ay may kamatayan, may lasong makamandag, may sundang na pang-iwa.
Napaiyak, at di kinukusa’y sa balikat ng binata napahilig. Isang halik na pasiil ang inilunas ni Luis sa gayong kapighatian, at ang sabing sabay ng paghaplos sa noo ni Danding:
“Alam kong iniibig mo ako kaya wala akong katiga-tigatig. Ikaw ay akin at di kay Rojalde.”
“Napakahirap kang papaniwalain,” ang pahikbi-hikbing sagot ng dalaga, “at ngayong makilala ko ang kadakilaan ng iyong puso at ang karangalan ng iyong pag-ibig ay lalo kitang minamahal. Nguni’t maniwala ka sa akin, Luis. Limutin mo na ako, huwag kang umasa ng ano man at ang pagbibili sa akin ay hindi na mauurong. Luis! Luis! Bakit di ka naging mayaman?”
“Danding!”
“Oh, hindi ko sinusugatan ang iyong pagkatao. Nasabi ko ang gayon pagka’’t kung may salapi ka ay hindi ako kay Rojalde, kundi’y iyo na lamang.”
“Siya na. Ako’y hindi mo na iniibig kaya ka nagsasalita nang ganyan. Pusong babayi ka nga mayroon. Ipinagpapauna mo sa pag-ibig, diyan sa dalisay na dumadaming bibihis sa katauhan, ang kahinaang-loob. Dinaya mo ang aking pag-asa. Hindi mo na ako minamahal. May katuwiran ka, ako’y dukha at di dapat mangarap ng pag-akyat diyan sa kalangitn handa lamang sa mga mapalad na manggagaga. Oo, lilimutin kita sapagka’t ikaw ay mayaman, hindi sapagka’t hinihingi mo. Aalis ako ritong gahak ang puso at walang paniwala.” At pagkasabi ng ganito’y tumindig ang binata at humandang aalis.
“Wala kang awa, Luis. Ikaw pa ang maghihinanakit sa akin. Ibig kong sa pag-alis mo rito’y magtaglay ng paniniwalang hindi kita nililimot. Iniibig kita nang higit pa kaysa rati dapwa’t ang aking mga magulang, ang pagpapahalaga sa kanilang naipangako, ang kabaitang dapat taglayin ng isang anak… Luis,kaawaan mo ako!”
“Nauunawaan kita, nguni’t ano ang magulang, ang pangako, ang kabaitan sa harap ng isang pag-ibig? Ikaw ay akin at hindi sa iba, bakit nmgayo’y ikaw na rin ang magkukusa ng pagwawalat sa ating ligaya?”
“Lahat nang iya’y totoo, maaaring ako’y iyong pag-itingan ng sisi at pagdusta, dapwa’t huwag mong hinalain kailan man na kita’y hindi iniibig, pagka’t ito ang lasong makamamatay sa akin. Iniibig kita nguni’t…”
“Kung gayon ay di mo makakayang suwayin ang mga magulang?”
“Sila ang aking pangalawang Diyos dito sa lupa, at bago ko sirain ang ganitong tadhana ng aking pananampalatayang kinagisnan ay ibig ko munang mamatay.”
“Sukat na, Danding. Maituturing mong ikaw ay nagwagi. Iiwan ko rito ang aking puso. Aalis akong wala nang pag-asa ni pananalig. Isang buhay ang inalisan mo ng halaga, dapwa’t hindi kita sinisisi sa pagkakaganito, nalalaman kong ikaw ay walang sala, ang aking pinakasusumpa ay ang mga kamaliang bunga ng dalawang gawa ng tao: salapi at ang pananampalataya.”
Pagkaraan ng may isang oras, si Luis ay malungkot na nanasok sa pinto ng kaniyang bahay na sa isang nayon ng Maynila ay kaumpok ng ilang bahay na pawid na paris din ng kaniyang tinatahana’y naghihiwatig ng di totoong mariwasang buhay ng nagsisitira.
Hanggang sa makakubli sa mga patak ng ulan ng gayong kasungit na gabi ay walang nauulit-ulit ang binata kundi ang mga salitang:
Ang salapi, ang pananampalataya, napakalakas ang mga kaaway kong ito.”


Si Mang Estong

$
0
0
Si Mang Estong


Paksa o Tema:

 

Tulak ng bibig, kabig ng dibdib

Ito ay mas kilala sa salawikaing “Don’t judge a book by its cover”. Agad na hinusgahan ng mag-asawa ang relasyon na namamagitan kina Jenny at Mang Estong ngunit sa huli ay kanilang nalaman na tatay pala ni Jenny si Mang Estong kung kaya’t ganoon na lamang ang kanyang pagdaramdam sa pagkamatay ni Mang Estong.

 Mga Tauhan:


Jennifer o Jenny - ang editor ng Pinoy’s Courier, miyembro ng KAPILING, at anak ni Mang Estong.
Narrator at asawa ng narrator - Ang mag-asawa ay matatalik na kaibigan ni Jenny na labis ang pag-aalala sa kanya.
Mang Estong - isang miyembro ng KAPILING at ang tatay ni Jenny.

Buod:

 

Si Mang Estong, magpipitumpung taong gulang na manunulat, ay isang miyembro ng KAPILING o Kamanunulat na Pilipino sa Inglatera na mula pagkabata ay mahusay na siyang magsulat at magbigkas pero ngayon, ayon kay Jennifer, editor ng Pinoy’s Courier at isa ring miyembro ng KAPILING, malat na ang tinig ni Mang Estong dahil sa sobrang pag-inom ng alak at may lumalaganap ring balita na pilyo siya sa tsiks at ang mga nabibiktima niya ay pawing mga bata. Nag-aalala ang narrator at ang asawa niya kay Jenny dahil napansin nilang nagkakamabutihan na si Jenny at Mang Estong lalo na noong kukamain sila sa isang restoran at nakatagong nagmamasid ang mag-asawa. Makalipas ang isang buwan, dumating na ang araw ng pagpupulong ng KAPILING at balak na sana ng narrator na kausapin si Mang Estong ukol sa relasyon nila ni Jenny ngunit hindi sila dumating na tunay namang ikinatakot ng narrator. Ibinalita ito ng narrator sa kanyang asawa at nagpasiya silang puntahan si Mang Estong sa kanyang tahanan ngunit sabi ng kapitbahay niya ay isinugod raw ang matanda sa ospital at laking gulat ng mag-asawa nang makita nilang naroon sa ospital si Jenny sa labas ng ICU (Intensive Care Unit), umiiyak nang malamang may kanser sa atay si Mang Estong at may taning na ang kanyang buhay. Laki sa Lola si Jenny at hiwalay ang kanyang mga magulang. Ang nanay niya’y nakahanap ng iba ngunit namatay sa isang motor accident at ang tatay naman niya’y naglayas at nagpakalayu-layo. Namatay sa ospital si Mang Estong na labis namang idinamdam ni Jenny at muling nagtaka ang kaibigan  nila sa pagmamalasakit ni Jenny. Sa huli ay inamin na rin ni Jenny na si Mang Estong ay ang kanyang tatay na iniwan siya sa kanyang Lola.


Buhay Pa Ba Ang Nationalismo?

$
0
0
BuhayPa Ba Ang Nationalismo?

Isa sa pinakamahalagang ugali nang tao sa isang bansang umuunlad ay ang nationalismo. Ngunit ano ba ang nationalismo? Ito ba’y ang pag sasakripisyo nang sariling buhay para sa bansang kinamulatan. Kung ganyan ang iniisp nang karamihan ay kokonti na lang ang magiging nationalista sa ating bayan. Ang tunay na kahulugan nang nationalismo ay hindi ang pag sasakripisyo kundi ang pag mamahal sa sariling bansa. Kung tatanungin ko kayo ngayon ikaw ba’y makabayan? Isang filipinong may nationalismo? Isa ka sa mga Pilipinong walang pake sa pinag mulan? Oras na para mamulat ang mga mata nang bawat isa. Kung walang mag mahal sa ating sariling lupa pano na ang mga pinaglaban nang ating mga ninuno? Muli ba itong mababali wala? Mga kamag-aral ko, mga kababayan ko, mga kapwa Pilipino, tayo na at mag kaisa. Isa sa paraan upang ipakita natin ang pag mamahal sa bayan ay ang pag bili natin at pag tangkilik nang mga lokal na produkto. Nakakatawang isipin pero ang dayuhan kumikita samantalang tayo ay lumulubog sa kahirapan. Sa bawat pag bili natin nang mga imported na produkto. Panahon na upang ihaon ang ating bansang Pilipinas sa kahirapan sa pamamagitan ng nationalismo. May kasabihan nga “ang kabataan ay ang pag-asa ng inang bayan”.Tayo raw ang maghahatid sa kanya sa langit ng kasaganaan at karangalan,o hihila sa kanya sa putik ng kahirapan at kahihiyan.Ang tunay na pag-ibig sa bayan, ang tunay na nasyonalismo, ay wala sa tamis ng pangarap, wala rin sa pag pag ng dila. Ang tunay na pag-ibig ay nasa pawis at gawa. Pagsikapan nating mapaunlad ang sariling bansa. Ang panahon ng pagkilos ay ngayon, hindi bukas, hindi sa isang taon. Kung sa murang edad pa lang ay malaman na natin ang kahalagaan nang pagiging taong may pag mamahal sa sariling bayan, marahil sa kinabukasan ay masasabi na nang lahat nang nakataas ang noo “ako ay Pilipino”.

Ang Mahabang Martsa ni Emmanuel Lazo

$
0
0
Ang Mahabang Martsa ni Emmanuel Lazo
ni Ricardo Lee


Mga Tauhan:

Emmanuel Lazo o Manny - Ang nanguna sa Protesta.
Mang Delyo- Tatay ni Manny .
Kuya Edel- Ang nakakatandang kapatid ni Manny  sa pangalawang asawa.
Amor- Kaklase ni Manny .
Danilo o Danjun-Ang nagligtas kay Manny  kahit hindi nya kaano-ano ito.

Tagpuan:

Nueve Vizcaya- Dito nakatira ang mga kasama ni Manny  at pati na rin siya.
Monumento- Dito nila nahabol ang rally
Agrifina Circle- Dito sila nagpahinga upang mag-ipon ng lakas para bukas.
Kanto ng Taft at Ayala- Dito nagsimula ang malagim na pangyayari.
PHG (Philippine General Hospital)- Dito dinala si Manny  ngunit patay na, at dito limang araw nakipaglaban upang mabuhay bago namatay
UP Chapel- dito unang ibinurol si Manny  at dito siya nadatnanng ng kanyang ama.
Malate Church- Dito inilipat ang bangkay ni Manny .
Baliwag Church- Dito nagtagpo ang dalawang bangkay ng mga estudyante na namatay sa rally.

Tunggalian:

Sa rally ang pinaka mahirap na tunggalian laban sa mga nakaupo sa Pamahalaan.

Buod:

Ang disisyete ay puno ng buhay, abala sa goodtime at paporma, yugyugan sa disco at sounds.hindi para kay Emmanuel Lazo. Sa gulang na disisyete ay nakaburol na siya sa malate church, nang mamaga ang noo dahil ang balang pumasok sa ulo ay di na nakalabas, putok ang labing nasubsob sa kalsada, duguan ang knapsack. kagaya siya ng karaniwang bangkay na pina-pangit ng kamatayan pero ang kamatayan niya'y dobleng pinapangit ang pangyayaring ang pumatay sa kanya'y maaaring di na matagpuan kailanman. Siya ang pinakahuling biktima sa mahabang listahan ng mga estudyanteng napatay sa rally. Ang rally na sinalihan ni Emmanuel Lazo o Manny , ay ang pinakamahabang martsa ng magsasaka't kapanalig noong oktubre 17-20. Galing sa pamilya ng mga magsasaka si Manny , ngayo'y namatay siya para sa mga magsasaka.
Si Manny  ay tahimik na tao, elematarya pa lamang ay kinakantyawan nang bakla dahil hindi ito lumalaban. Di nagtagal ay unti-unting nakaamoy ng pagbabago si Mang Delyo sa anak. Noong mga bata pa ay nag-uuling ang mga magkakapatid. sa high school ay lalong nahasa sa pakikitungo sa kapwa si mMaanny, mahilig siyang makipagdebate at gustong gustong matuto. Pero nung grumadweyt sa high school ay kinapos sila sa pera. Isinanla ni Mang Delyo ang kaisa-isa nilang lupa upang ipantustos sa pag-aaral ni Manny  dahil gusto niya talagang makatapos. Tumigil naman sa pag-aaral ang kapatid niyang si Elmer upang pumunta ng Saudi, dahil dito isinanla ni Mang Delyo ang kanilang pastulan.Matagal nang sumasama ni Manny  o rambo (ang tawag kay Manny  nina Amor at ng mga ka-dorm niya dahil maitim siya ang mahilig sa body building) sa rally at sa wakas ay natupad na. May 29 silang bumiyahe, puro galing Nueva Ecija, ang ilang miyembro. Ang dala ni Manny sa knapsack niya ay para sa good for one night lamang dahil di niya inaasahan na magtatagal sila sa Maynila. Gusto ni Manny  makapag uwi ng shield ng riot police bilang souvenir. Kinagabihan matapos ang maghapong martsa'y sa agrefina circle sila nagpahinga upang mag ipon ng lakas para sa martsa kinabukasan. Hindi makatulog si Manny at biniro niya si Amor. Kinaumagahan ay giniginaw si Manny  maski di naman maginaw. nagpapraktis ng kakantahin nila sa rally. Ang kanilang kinakanta ay ang alerta katipunan ang paboritong kanta ni Manny . Tungkol ito sa pagpapakasakit para sa bayan maski buhay handang ialay.

Nasa kanto ng taft at ayala ang mga nagra-rally nang pasukin sila ng mobile cars. Napunit ang mga streamers tumalsik ang mga bato at sumangin ang mga bala, at ang isang pulis na nakasumbrero ng magsasaka at nagpapaputok. Si Manny  ay sumigaw ng Nueva Ecija, mga Nueva Ecija, h’wag kayong maghihiwalay ngunit siya pala ang mapapahiwalay. Ayon sa mga pinagtagni-tagning kwento’y napatakbo si Manny  sa unahan nang nagkagulo. Isang baal ang tumagos sa ulo niya at siya’y bumagsak. Isang estudyante ang patakbong dumalo upang ilayo si Manny  sa crossfire, si Danjun; hindi sila magkakilala at hindi na magkakakilala pa. tinamaan din ng bala si Danjun. Inihamba ng mga estudyante ang katawan nila sa kalsada upang maisakay sina Manny  at Danjun at tumigil ang sasakyan ng DZRH. Ito ang naghatid sa dalawa sa ospital. Bandang ala una’y nabalitaan nila na may dalawang unidentified sa PGH. Nagpapunta sila ng kasamahan. Nang matiyak nilang si Manny  nga ang namatay gininaw sila at nagyakapan. Samantala limang araw namang nakipaglaban si Danjun upang mabuhay bago mamatay.

Walang kamalay-malay si Elmer sa mga pangyayari. Paalis siya kinabukasan papuntang Saudi. Hindi ito alam ni Manny  dahil gusto ni Elmer na sorpresahin siya. Pasado alas onse nabaril si Manny . Bandang alas dose doon sa eksaktong lugar ay napadaan si Elmer, umuwi siya sa bahay wala pa ring nalalaman. Kinaumagahan habang nag-eempake siya ay narinig niya sa radio si Doy Laurel, binabatikos ang administrasyon, binggit na may estudyante na namang napatay, Emmanuel Lazo. Natatakot man umaasa siya na kapangalan lang ng kapatid niya ang nasa balita. Nagpunta siya ng crame, doon ay nakibasa siya ng diyaryo at natiyak niya na ang kapatid niya ang napaslang. Nang narating na niya ang burol ay pinabuksan niya ang kabaong at kapatid nga niya ang napaslang. Nabalitaan naman ni Mang Delyo ang lahat sa pamamagitan ni Tata Kandong. Nangako si Tata Kandong ng tulong kaya nakahiram siya kay Vangie na may dalang pera. Alas tres ng madaling araw ng makarating siya sa Maynila. Nagpatulong siya upang tawagan si Mrs. Silipan at nakausap niya ito. Tinulungan si Mang Delyo ni Mrs. Silipan upang mahanap ang labi ng kanyang anak. Nagulat si Mang Delyo dahil napakaraming tao sa burol ng kanyang anak .lumapit si Mang Delyo sa bangkay ng anak sa at ibabaw ng kabaong ay may nakasulat

Sa bawat pagsubok ng araw ay may pagpanaw
Isang pag-aalsang di mo natatanaw
Sa muling pagsikat nito’y kumikilos ka
Taglay mo ang isang bagong pag-asa.
MABUHAY, KA MANNY !

Lalong bumaha ang tao nang ilipat ang bangkay ni Manny  sa malate church.May mga dumating na mga estudyante. Bumyahe pa mula Central Luzon. Nilapitan siya ng mga tao at kinamayan matapos ang minsang-parangal. Nang pumunta si Mang Delyo sa harapan ay nagtayuan ang lahat bilang pagpupugay at binigyan siya ng plake na kauna-unahang nagtanggap niya. Sa pangyayaring ito nagising si Mang Delyo at bigla niyang naunwaan ang lahat. Bukas ay uuwi na sila sa CagayanValley kinaumagahan ay dumaan sila sa western police district bilang funeral march at dumating sila sa baliwag kina hapunan. Sa isang seremonya ay magsasalubong ang dalawang bangkay, dalawang kabataan sa isang napakaikling panahon ay pinagsama ng kapalaran at simulain, nagkatulungan kahit hindi magkakilala. Pagkatapos na pinagsama ay naghiwaly uli ang dalawang bangkay upang tuluyan nang umuwi si Manny sa Nueva Ecija.



Article 0

Malalalim na Salitang Filipino

$
0
0
Malalalim na Salitang Filipino

1. aab - hugpong o paghuhugpong ng dalawang putol o piraso ng kahoy sa pamamagitan ng
    mitsa at butas na kahugis ng buntot ng kalapati

2. abalabal - maliliit na piraso ng dala-dalahan: abubot, kargada
    Halimbawa:
          Hindi siya magkandadala dahil sa samut-saring abalabal.

3. abuab - kamandag o lason na ipinapahid sa talim ng palaso; yungib sa ilalim ng tubugan,
    lawa, o dagat

4. agiw - maruming sapot ng gagamba (cobweb)
    Halimbawa:
         Darating ang mga kaanak ng Nanay kaya siya nag-alis ng mga agiw sa kisame.

5. akukabkab - tinalupan

6. alalaong baga - sa ibang salita; samakatwid

7. alapot - limahid; damit na marumi at sira
    Halimbawa:
         May sakit daw sa pag-iisip ang nakita niyang babae sa kalsada na nakasuot ng alapot.

8. alibadbad - pagsusuka dulot ng pagkain, masamang pakiramdam o allergy; liyo; lula

9. alimuom - singaw na galing sa lupa pagkatapos ng ulan o ambon
    Halimbawa:
          Para huwag sumakit ang tiyan, uminom ng tubig kapag may alimuom.

10. alimusom - halimuyak; samyo
      Halimbawa:
           Mabango ang alimusom ng cadena de amor kagabi.



(Hango sa UP Dikiyonaryong Filipino)

Lupain ng Taglamig

$
0
0
Lupain ng Taglamig
Ni Yasunari Kawabata
Salin ni Rogelio Sicat


“NOON”: lipas na ang panahon ng panganib dahil sa mga pagguho ng yelo, dumating na ang panahon ng pag-akyat sa bundok sa kaluntian na tagsibol.
Sa ngayon, mawawala ang mga sariwang gulay sa mesa.
Si Shimamura, na nabubuhay sa kawalan ng magawa, ay nakatuklas na kung minsa’y nawawala ang katapatan niya sa sarili, at malimit siyang nagpupuntang mag-isa sa bundok upang mabawi rito ang kung anong bahagi nito. Bumaba siya sa nayon ng mainit na bukal pagkaraan ng pitong araw sa hangganan sa bundok. Nagpatawag siya ng isang geisha. Gayunman, sabi ng katulong na babae, sa kasawiang-palad ay may selebrasyon nang araw na iyon bilang pasinaya ng isang bagong kalsada; napakaraming tao sa pagdiriwang kung kaya ang pinagsamang bodega ng cocoon at teatro ay inokupa, at hindi magkandatuto ang labindalawa o labintatlong geisha sa pagsisilbi sa mga tao. Ngunit baka sakaling makapunta ang babaeng nakatira sa titser ng musika. Kung minsan, tumutulong ito sa mga pagtitipon ngunit umuuwi na pagkaraan ng dalawa o tatlong sayaw lamang. Nang mag-usisa pa si Shimamura, nagkuwento ang katulong tungkol sa babaeng nakatira sa titser: ang titser ng samisen at ng sayaw ay may kasamang isang babae, hindi geisha, ngunit kung minsa’y napapakiusapang tumulong sa malalaking pagtitipon. Dahil walang bata sa bayan na nagsasanay para maging geisha, at dahil karamihan sa mga lokal na geisha ay nasa gulang na ayaw nang sumayaw, mahalaga ang serbisyo ng babae. Hindi siya kailanman dumarating na mag-isa para aliwin ang isang bisita sa otel, ngunit hindi rin naman siya matatawag na baguhan – sa pangkalahata’y ganito ang ikinuwento ng katulong.
Kakatwang istorya, sabi ni Shimamura sa sarili, at ito’y kinalimutan niya. Gayunman, pagkaraan ng may isang oras, dumating ang babaeng nakatira sa titser ng musika, kasama ang katulong. Tumayo si Shimamura. Paalis na ang katulong ngunit tinawag ito ng babae.
Nagbigay ang babae ng impresiyon ng lubos na kalinisan at kasariwaan. Palagay ni Shimamura ay malinis ito hanggang sa gilit ng mga daliri ng paa. Napakalinis nito kaya naisip niyang baka dinadaya siya ng kanyang mata nasanay ito sa katitingin sa maagang tag-araw sa kabundukan.
May bagay sa pananamit ng babae na nagpapahiwatig ng isang geisha, ngunit hindi nito suot ang mahabang saya ng geisha. Sa halip, suot nito ang malambot at pantag-araw na kimono na nagbibigay ng anyong kagalang-galang. Mukhang mamahalin ang obi, hindi bagay sa kimono, at lihim siyang nalungkot.
Tahimik na lumabas ang katulong nang magsimula silang mag-usap tungkol sa mga bundok. Hindi tiyak ng babae ang pangalan ng bundok na nakikita mula sa otel, at dahil hindi ganadong uminom ng alak si Shimamura na maaari niiyang maramdaman kung kasama ang isang oardinaryong geisha, sinimulang isalaysay ng babae ang nakaraan nito sa isang nakagugulat na paraang basta pakuwento lamang. Ipinanganak siya sa lupaing ito ng yelo, ngunit siya’y kinontra bilang geisha sa Tokyo. Di nagtagal, nakatagpo siya ng patron na nagbayad ng kanyang mga utang at nag-alok na tutulungan siyang maging titser ng sayaw, ngunit sa kasawiang-palad, namatay ito pagkaraan ng isa’t kalahating taon. Nang dumating sa punto ng kung ano ang nangyari mula noon, sa bahaging pinakamalapit dito, bantulot itong magkuwento ng kanyang mga sikreto. Sinabi ng babae na siya’y disinuwebe anyos. Akala ni Shimamura ay beinte uno o beinte dos ito at dahil ipinalagay niyang hindi ito nagsisinungaling, ang kaalamang maaga itong tumanda ay nagdulot sa kanya ng bahagyang kapanatagang inaasahan niyang madama sa piling ng isang geisha. Nang simulan nilang pag-usapan ang Kabuki, natuklasan niyang mas maraming alam ang babae tungkol sa mga aktor at estilo kaysa kanya. Nagkuwento ang babae na parang sabik sa isang tagapakinig, at di nagtagal, naging panatag ang loob nito na sa wakas ay naglantad dito bilang tagapaghatid ng aliw. At sa pangkalahatan, parang alam nito ang lahat ng dapat malaman tungkol sa mga lalaki. Gayunman, insip ni Shimamura na ito’y baguhan, at, pagkaraan ng isang linggo ng pag-akyat sa bundok na wala siyang nakausap kahit isa, natagpuan niya ang sariling naghahanap ng isang kasama. Pakikipagkaibigan, samakatuwid, at hindi ano pa man ang naramdaman niya sa babae. Lumawak ang naging damdamin niya sa kabundukan upang sakupin pati ang babae.
Habang papunta sa banyo nang sumunod na hapon, iniwan ng babae ang tuwalya at sabob sa bulwagan at pumasok sa kanyang kuwarto upang kausapin siya.
Kauupo pa lamang ng babae nang hilingin niya ritong ikuha siya ng isang geisha.
“Ikuha ka ng geisha?”
“Alam mo ang ibig kong sabihin.”
“Hindi ako pumasok dito para utusan ng ganyan.” Bigla itong tumayo at lumapit sa bintana, namumula ang mukha habang nakatingin sa kabundukan. “Walang ganyang babae rito.”
“Huwag mo na akong lokohin.”
“Iyan ang totoo.” Mabilis itong bumaling upang humarap sa kanya, at pagkaraa’y naupo sa pasimano ng bintana. “Walang nakakapilit sa geisha na gawin ang ayaw niya. Bahala ang geisha mismo. Serbisyo iyan na hindi maibibigay sa iyo ng otel. Sige, kung gusto mo’y ikaw ang tumawag. Ikaw mismo ang makipag-usap.”
“Ikaw ang tumawag para sa akin.”
“Bakit ako ang gusto mong gumawa niyan?”
“Itinuturing kitang kaibigan. Kaya nga tinatrato kitang mabuti.”
“At ganito ang ipagagawa mo sa isang kaibigan?” Gumagaya sa kanyang pamamaraan, ang babae’y tila naging nakakatuwang bata. Ngunit pagkaraan ng ilang saglit, bumulalas ito: “Ang galing mo naman, at ako pa ang hinilingan mong gumawa ng gayong bagay!”
“Ano’ng masama ro’n? Masyado lang akong lumakas pagkaraan ng isang linggo sa kabundukan, iyan lang. Mali-mali tuloy ang naiisip ko. Ni hindi ako makaupo rito para makipag-usap sa iyo sa paraang gusto ko.”
Tahimik ang babae, nakatingin sa sahig. Umabot na si Shimamura sa puntong alam niyang ipinaparada lamang niya ang kawalanghiyaan ng isang lalaki, ngunit mukhang sanay na rin dito ang babae at hindi nasisindak. Tiningnan niya ito. Marahil, ang malantik na pilikmata ng nakababang mata ang nagdudulot sa mukha nito ng init at tukso. Umiling ng bahagya ang babae, at muli, isang mapusyaw na pamumula ang kumalat sa mukha nito.
“Kunin mo ang geisha na gusto mo.”
“Di ba iyan nga mismo ang hinihingi kong gawin mo? Ngayon lamang ako nakarating dito, at wala akong ideya kung sinong geisha ang pinakamaganda.”
“Ano ba ang maganda sa iyo?”
“Iyong bata. Hindi ka masyadong magkakamali kapag sila’y bata. At iyong hindi gaanong madaldal. Malinis, at hindi gaanong mabilis. Kung gusto kong may kausap, maaari kitang kausapin.”
“Hindi na ako babalik dito.”
“Huwag kang gaga.”
“Sabi ko’y hindi na ako babalik. Bakit pa ako babalik?”
“Di ba sinabi ko na sa iyo na gusto kong makipagkaibigan sa iyo kaya tinatrato kitang mabuti?”
“Tama na’ng sinabi mo.”
“Halimbawang sumobra ako sa pakikitungo sa iyo, malamang na bukas lang ay hindi na kita gustong kausapin. Hindi na kita gusto pang makita. Pupunta ako sa bundok upang muling magustuhang makipag-usap sa tao, at iiwan kita para makausap ko. At ikaw mismo, paano ka? Hindi ka maaaring magpakaingat sa mga nagpupunta rito.”
“Totoo.”
“Talagang totoo. Isipin mo ang sarili mo. Kung siya’y isang babaeng hindi mo gusto, hindi mo na hahangaring makita pa ako pagkaraan. Mas mabuti para sa kanya kung siya’y babaeng iyong pinili.”
“Tama na, tama na.” Biglang bumaling ang babae, ngunit mayamaya’y idinagdag nito: “Mayroon kang ibig ipakahulugan sa iyong sinabi.”
“Isang panandaliang relasyon, iyon lang. Walang maganda rito. Alam mo iyan – hindi nagtatagal.”
“Totoo. Laging ganyan sa lahat ng nagpupunta rito. Ito’y isang bukal at napaparito ang tao ng isa-dalawang araw, at pagkaraa’y aalis na.” Prangka ang kanyang pananalita – napakabilis ng kanyang pagbabago. “Karaniwang mga nagbibiyahe ang napapairto. Bata pa ako pero narinig ko na ang lahat ng usapan. Ang bisitang hindi nagsasabi sa iyo na gusto ka niya, gayong alam mo namang gusto ka – siya ang mas magiliw mong natatandaan. Hindi mo siya malilimutan, kahit matagal ka na niyang iniwan, sabi nila. At siya rin ang nagpapadala ng sulat sa iyo.”
Mula sa pagkakaupo sa pasimano, tumayo ang babae at naupo sa banig sa ibaba nito. Para itong nabubuhay sa nakaraan, ngunit tilla napakalapit din niya kay Shimamura.
Taglay ng boses ng babae ang tono ng malapit na damdamin at bahagyang nakonsensiya si Shimamura. Parang napakadali niyang napaglalangan ang babae.
Gayunma’y hindi siya nagsisinungaling. Para sa kanya’y baguhan ang babaeng ito. Ang kasabikan niya sa isang babae ay hindi iyong mag-uudyok sa kanya na gustuhin ang partikular na babaeng ito – kasabikan iyong kailangang idaos ng walang pananagutan. Napakalinis ng babaeng ito. Mula nang ito’y kaniyang makita, inihiwalay na niya ang babaeng ito sa iba pa.
Bukod dito, nang pinag-iisipan na niya kung saan pupunta para takasan ang init ng tag-araw, naisip niyang maaari niyang dalhin ang kanyang pamilya sa bukal na ito sa bundok. Sa kabutihang-palad, ang babae ay baguhan. Puwede itong mabuting kasama ng kanyang maybahay. Maaari pa niyang paturuan ng sayaw ang kanyang maybahay upang huwag itong mainip. Medyo seryoso siya rito. Sinabi niyang pakikipagkaibigan lamang ang nararamdaman niya sa babae, ngunit may dahilan siya sa paglusong sa mababaw na tubig nang hindi nagpapakabasa.
At walang dudang may bagay na katulad ng panggabing salamin sa pangyayaring ito. Ayaw niyang isipin ang mahabang komplikasyon ng relasyon sa isang babaeng alanganinan ang katayuan; ngunit bukod dito, nakita niya ang babae na parang hindi totoo, tulad ng mukha ng babae sa panggabing salamin.
Gayon din ang panlasa niya sa sayaw na kanluranin, parang hindi totoo. Lumaki siya sa distrito ng komersiyo sa Tokyo, at mula sa pagkabata ay pamilyar na pamilyar na siya sa teatro ng Kabuki. Bilang estudyante, nabaling ang kanyang interes sa sayaw na Hapon at sayaw-dula. Hindi nasisiyahan hangga’t hindi niya natutuhan ang lahat ng gusto niyang pag-aralan, nagsaliksik siya sa mga lumng dokumento at pinuntahan ang mga puno ng iba’t ibang eskuwelahan sa sayaw, at di nagtagal, naging kaibigan niya ang mga sumusikat na personalidad sa daigdig ng sayaw at nagsulat siya ng maaaring tawagin mga pananaliksik at mapanuring sanaysay. Natural lamang, kung gayon, na mabuo sa kanya ang malalim na pagtutol sa nahihimbing na matandang tradisyon at sa mga repormador na ang gusto lamang ay bigyang-kasiyahan ang kanilang mga sarili. Nang ipasiya na niyang wala nang ibang dapat gawin kundi lubusang ilahok ang sarili sa kilusan ng sayaw, at dahil hinihimok siya ng ilan sa mga batang personalidad sa daigdig ng sayaw, bigla siyang lumipat sa sayaw ng kanluranin. Tumigil siya sa panonood ng sayaw na Hapones. Nagtipon siya ng retrato at deskripsiyon ng ballet ng kanluran, at matiyagang nangolekta ng mga programa at poster mula sa ibang bansa. Hindi lamang ito simpleng pagkahalina sa eksotiko at sa bagay na hindi pa nalalaman. Ang totoo, ang natuklasan niyang aliw sa bagong hilig ay nagmula sa kawalan niya ng kakayahang makapanood mismo ang mga kanluraning artista sa kanluraning ballet. Patunay nito ang matigas niyang pagtangging pag-aralan ang ballet na itinatanghal ng mga Hapon. Wala nang sasarap pa kundi sumulat tungkol sa ballet mula sa kaalamang nakuha sa libro. Ang ballet na hindi niya kailanman nakikita ay sining sa ibang daigdig. Isang pangarap na walang kaparis mula sa malayo, isang liriko mula sa paraiso. Tinawag niyang pananaliksik ang kanyang trabaho, ngunit ang totoo, iyo’y malaya at hindi mapigilang pantasya. Minabuti niyang huwag lasapin ang ballet sa aktuwal na panonbood; sa halip, napatangay siya sa pananaginip ng kanyang sumasayaw na imahinasyon na pinupukaw ng mga kanluraning libro at retrato. Katulad nito ang umibig sa isang hindi pa niya nakikita kailanman. Ngunit totoo rin na si Shimamura, na wala talagang trabaho, ay nasisiyahan sa pangyayaring mula sa manaka-naka niyang pagkatuklas sa kanluraning sayaw ay nasumpungan niya ang sarili sa bingit ng daigdig ng panitikan – kahit nagtatawa siya sa sarili at sa kanyang trabaho.
Maaaring masabi na sa kauna-unahang pagkakataon, nagagamit niya ngayon nang husto ang kanyang kaalaman, pagkat ang usapan sa sayaw ay nakatulong upang lalong mapalapit ang babae sa kanya; ngunit posible rin, bagamat hindi niya halos namamalayan, na tinatrato niya ang babae gaya ng mismong pagtrato niya sa kanluraning sayaw.
Bahagya siyang nagsisi, na parang dinaya niya ang babae nang makita niyang ang pambobola ng manlalakbay na aalis bukas ay sumanggi sa isang bagay na malalim at seryoso sa buhay ng babae.
Ngunit nagpatuloy siya: “Maaari kong dalhin ang pamilya ko rito, at magiging magkakaibigan tayo.”
“Naiintindihan ko ang ibig mong sabihin.” Ngumiti ang babae, bumaba ang boses, at lumutang ang bahagyang mapaglarong himig ng isang geisha. “Mas gusto ko pa nga ang gayon. Mas magtatagal kung magiging magkaibigan lamang tayo.”
“Itatawag mo ako ng iba kung gayon?”
“Ngayon?”
“Ngayon.”
“Pero ano ang masasabi mo sa isang babae e araw na araw?”
“Kung gabi, napakadelikadong may matirang latak na di gusto ng sinuman.”
“Akala mo’y mababang klaseng bukal ang bayang ito tulad ng iba. Parang alam mo na pagkakita mo pa lang.” Naging seryoso na naman ang tono ng babae, na para bang ito’y lubos na minta. Inulit nito nang may diing tulad ng dati na walang babae rito tulad ng kanyang kursunada. Nang ayaw maniwala ni Shimamura, nagsiklab ang babae, at pagkaraa’y umurong ng isang hakbang. Depende sa babae kung mananatili siya sa gabi o hindi. Kapag nanatili siya nang walang permiso mula sa kanyang bahay, sariling responsibilidad niya iyon. Kung siya’y may permiso, malaki ang responsibilidad ng bahay, anuman ang mangyari. Iyon ang pagkakaiba.
“Buong responsibilidad?”
“Kung magkakaanak, o magkakaroon ng anumang sakit.”
Bahagyang napangiwi si Shimamura sa kamalian ng kanyang tanong. Sa isang nayon sa bundok, gayunman, ang kasunduan ng geisha at ng kanyang kostumer ay maaari ngang gayon pa kasimple.
Marahil, dahil sa ugali ng isang walang magawa na magpalit ng kulay para sa sariling proteksiyon, may natural na pakiramdam si Shimamura sa takbo ng buhay sa mg lugar na kanyang pinupunthan, at naramdaman niya ang pagbaba sa kabundukan na, sa kabila ng hubad na kasimplehan, may bagay na komportable at makakawilihan sa nayon. Narinig niya sa otel na ito’y isa sa mga nayong talagang masarap puntahan sa malupit na lupaing ito ng taglamig. Nang hindi pa ito inaabot ng riles, na kailan lamang nalatag, nagsilbi itong bukal na nakagagaling para sa mga nakatirang magsasaka. Sa pangkalahatan, ang bahay na nagmamantini ng geisha ay may kupas na kurtinang nag-aanunsiyo na ito’y restawran o inuman ng tsa, ngunit isang sulyap lamang sa lumang estilong dumudulas na pinto, na ang mga panel na papel ay nangingitim sa kalumaan, ay sapat na para magsuspetsa ang nagdaraan na kakaunti ang kostumer. Ang tindahang nagbebenta ng kendi o sari-saring gamit pang-araw-araw ay may isang geisha, at ang may-ari ay mayroong kapirasong bukid, bukod pa sa tindahan at sa geisha. Marahil, dahil nakatira ang babae sa titser ng musika, tila walang pumupunta sa pangyayaring hindi pa siya lisensiyado bilang geisha ay tumutulong na siya paminsan-minsan sa mga pagtitipon.
“Ilang lahat mayroon?”
“Ilang geisha?” Labindalawa o labintatlo, palagay ko.”
“Sino ang irerekomenda mo?” Tumayo si Shimamura upang kulilingin ang katulong.
“Maaari na ba akong umalis?”
“Huwag. Maiwan ka.”
“Hindi ako maaaring magpaiwan.” Nangusap ang babae na parang binabawi ang pagkapahiya. “Aalis na ako. Huwag kang mag-alala. Babalik din ako.”
Nang pumasok ang katulong, gayunman, naupo ang babae parang walang nangyari. Makailang itananong ng katulong kung sinong geisha ang tatawagin, ngunit tumanggi ang babaeng magbigay ng pangalan.
Isang tingin lamang sa disiotso anyos na geisha na pinapasok sa kuwarto ay naramdaman na ni Shimamura na nawala ang pangangailangan niya sa isang babae. Ang mga kamay nito, na makutim sa ilalim, ay hindi pa hustong nagkakalaman, at may bagay ritong nagpapahiwatig ng isang mabuting batang hindi pa nahuhubog ng husto. Nahirapan si Shimamura na itagong wala na siyang interes, at kunwa’y maginoo niya itong hinarap ngunit hindi niya maiwasang mas tumingin sa sumisibol na kaluntian sa bundok ng likuran nito. Nahirapan siyang magsalita. Tagabundok talaga ang geishang ito. Natahimik siya. Samantala, nais magmagandang-asal sa akmang paraan, tumayo ang babae at lumabas, at lalo nang nahirapan si Shimamura na makiharap sa geisha. Gayunman, nagawa niyang palipasin ang isang oras. Naghahanap ng dahilan para ito’y madispatsa, naalala niyang may pera nga pala siyang ipinatelegrama mula sa Tokyo. Kailangan niyang pumunta sa opisina ng koreo bago ito magsara, sabi niya, at silang dalawa ng geisha ay lumabas ng silid.
Ngunit sa pinto ng otel, tinukso siya ng bundok. Matindi ang amoy ng mga bagong sibol na dahon. Patakbo siyang umakyat dito.
Pagkaraa’y nagtawa siya nang nagtawa, na sarili niya mismo’y hindi niya alam kung ano ang nakakatawa.
Pagod na ngunit nasisiyahan, bigla siyang luminga, at hinihigpitan ang obi ng kanyang kimono, patakbo at pasugod siyang bumaba sa dalisdis. Dalawang dilaw na paruparo ang lumipad sa kanyang paanan.
Paikut-ikot ang mga paruparo, at lumipad paitaas sa linya ng hangganan ng bundok, ang dilaw na kulay ay naging puti sa malayo.
“Ano’ng nangyari?” Nakatayo ang babae sa ilalim ng mga punong cedar. “Masayang-masaya ka siguro dahil panay ang tawa mo.”
“Suko na ako.” Tumalikod ang babae at marahang lumakad sa kulumpon ng mga puno. Tahimik na sumunod si Shimamura.
Isang templo ang nasa loob ng kakahuyan. Naupo ang babae sa isang malapad na bato. Sa tabi ay may mga asong nililok sa bato na nilulumot na.
“Laging malamig dito. Malamig ang hangin maski sa kalagitnaan ng tag-araw.”
“Gano’n ba’ng lahat ng geisha?”
“Halos magkakatulad sila, palagay ko. Ilan sa medyo may-edad ang nakaaakit, kung isa sa kanila ang nagustuhan mo.” Nakatingin ang babae sa lupa at malamig ang kanyang pagsasalita. Humuhugis sa kanyang leeg ang matingkad na kaluntian ng mga cedar.
Tiningala ni Shimamura ang sanga ng mga cedar. “Tapos na. Naubos na ang lakas ko – nakakatawa pero totoo.”
Mula sa likod ng malaking bato, tuwid na tuwid ang mga katawan ng matataas na cedar, sobra ang taas kaya nakikita lamang ni Shimamura ang mga taluktok kung liliyad siya. Tinatakpan ng maiitim na dahon ang langit, at ang katahimika’y tila pabulong na umaawit. Ang punong sinandalan ni Shimamura ang pinakamatanda sa lahat. Sa kung anong dahilan, lahat ng sanga sa hilagang panig ay tuyo na, at dahil ang mga dulo’y bali na at nalaglag, para itong mga istaka na isinaksak sa puno, ang matatalim na dulo’y nakausli upang bumuo ng isang nakakikilabot na sandata ng isang diyos.
“Nagkamali ako. Nakita kita pagbabang-pagbaba ko mula sa bundok, at inisip kong lahat ng geisha ay katulad mo.” Tumawa siya. Ngayo’y naalala niya ang ideyang ibig niyang ilabas agad ang lahat ng lakas ng pitong araw sa kabundukan ay una niyang naisip nang makita niya ang kalinisan ng babaeng ito.
Tumitig ang babae sa ilog sa ibaba, malayo sa sikat ng panghapong araw. Medyo hindi nakatitiyak si Shimamura sa kanyang sarili.
“Nalimutan ko pala,” biglang sabi ng babae, pinipilit pagaanin ang pagsasalita.”Dinala ko ang tabako mo. Bumalik ako sa iyong kuwarto kani-kanina at nalaman kong umalis ka. Inisip ko kung saan ka maaaring nagpunta at nakita kitang patakbong umaakyat sa bundok. Pinanood kita mula sa bintana. Nakakatawa ka. Eto.”
Dinukot nito ang tabako sa manggas ng kimono at nagsindi ng posporo para sa kanya.
“Hindi maganda ang ipinakita ko sa kawawang batang iton.”
“Kung tutuusin naman, depende sa bisita kung gusto na niyang paalisin ang geisha.”
Sa katahimikan, umabot sa kanila ang dagundong ng ilog nang may supil na kalambutan. Lumalatag ang anino sa mga puwang ng bundok sa kabilang ibayo ng lambak, ikinukuwadro ng mga sanga ng cedar.
“Kung hindi rin lang kasimbuti mo, naiisip kong nadaya ako kapag nakita kita pagkaraan.”
“Huwag mong sabihin sa akin iyan. Ayaw mo lang tanggapin na natalo ka. Gano’n kasimple.” May pagkutya sa boses ng babae, ngunit nagkaroon ng isang bagong uri ng pagtatanggi sa kanilang pagitan.
Nang maging malinaw kay Shimamura na ang babaeng ito lamang ang gusto niya sa umpisa pa lamang, tulad ng dati’y nagpaikut-ikoy pa siya sa pagsasabi nito, nagsimula siyang mapoot sa sarili, at ang babae’y higit na gumanda. May bagay sa mahinahong babaeng ito na tumagos sa kanya matapos siyang tawagin nito sa lilim ng mga cedar.
Bahagyang malungkot, tila naninimdim, ang mataas at manipis na ilong ng babae, ngunit ang buko ng kanyang mga labi ay bumubuka at madulas na sumasara tulad ng isang maliit at magandang sirkulo ng mga linta. Maging kung ito’y tahimik, ang mga labi nito’y waring kumikibot. Kung ito’y may kulubot o bitak, o kung ang mga ito’y hindi na sariwa, hindi ito nanaisin ng sinuman, ngunit ang mga ito’y sadyang madulas at kumikislap. Ang gilid ng kanyang mga mata ay hindi umaangat o bumababa. Tila may isang espesyal na dahilan, tuwid itong nakaguhit sa kanyang mukha. May bagay na bahagyang nakatatawa rito, ngunit mabining nakalaylay ang maikli at makapal niyang kilay upang pinidong takpan ang guhit. Walan katangi-tangi sa hubog ng kanyang bilog at may bahagyang tulis na mukha. Sa kanyang balat na tila porselana na pinatungan ng mapusyaw na rosa, at sa kanyang leeg na tila sa bata pa, hindi pa husotng nagkakalaman, ay nagingibabaw ang impresyon ng kalinisan, hindi ng tunay na kagandahan.
Ang dibdib niya’y matambok para sa isang babaeng nasanay sa mataas at mahigpit na obi ng isang geisha.
“Naglalabasan na ang mga langaw,” sabi ng babae, na tumayo at pinagpag ang saya ng kanyang kimono.
Nag-iisa sa katahimikan, wala silang anumang maisip na sasabihin.
Alas diyes na marahil nang gabing iyon. Mula sa bulwagan, malakas na tumawag ang babae kay Shimamura at isang sandali pa, bumagsak ito sa kanyang kuwarto na parang may nagsalya. Bumagsak ito sa harap ng mesa. Inihahampas ang lasing na kamay sa anumang nagkataong naroon, nagsalin ito ng isang basong tubig at sunud-sunod na lumagok.
Nang gabing iyon, lumabas ang babae upang sumalubong sa ilang manlalakbay na bababa mula sa bundok, mga lalaking naging kaibigan niya noong panahon ng aking nang nakaraang taglamig. Inimbitahan siya ng mga ito sa otel, na pinagdausan nila ng magulong parti, kompleto hanggang geisha, at ito’y nalasing.
Pabaling-baling ang ulo nito, at tila hindi titigil sa kasasalita. Mayamaya’y natauhan ito. “Hindi ako dapat narito. Babalik na lang ako. Hahanapin nila ako.” Sumuray ito palabas sa kuwarto.
Pagkaraan ng may isang oras, nakarinig si Shimamura ng di pantay na hakbang mula sa mahabang bulwagan. Parang niyang hahapay-hapay ang babae, Bumabangga sa dingding, natatalisod sa sahig.
“Shimamura, Shimamura,” malakas ang tawag ng babae. Hindi ako makakita. Shimamura.”
Ang tawag na iyon, na walang pagtatangkang magkunwari, ay hayag na puso ng isang babaeng nagpapatulong sa lalaking itinatangi. Nagitla si Shimamura. Ang mataas at matinis na boses ay tiyak na umaalingawngaw sa buong otel. Dagli siyang bumangon. Binutas ng daliri ng babae ang panel na papel, kumapit ito sa balangkas ng pinto, at mabigat na napasadlak sa kanya.
“Narito ka,” sabi ng babae. Yumayakap sa kanya, napaupo ito sa sahig. Sumandal ito sa kanya habang nagsasalita. “Hindi ako lasing. Sino’ng may sabing lasing ako? A, ang sakit, ang sakit. Talagang masakit. Alam ko’ng aking ginagawa. Bigyan mo ako ng tubig, gusto ko ng tubig. Pinaghalo ko ang aking ininom, nagkamali ako. Iyonang pumapasok sa ulo. Masakit. May bote sila ng murang wiski. Pa’no ko malalamang mura iyon?” Pinunasan nito ng mga kamao ang noo.
Biglang-biglang lumakas ang ingay ng ulan sa labas.
Tuwing luluwagan ni Shimamura ang kanyang yakap, kahit bahagya lamang, nagmumuntikanang bumagsak ang babae. Mahigpit na nakapulupot ang kanyang braso sa leeg ng babae kaya nagulo ang buhok nito sa kanyang pisngi. Ipinasok niya ang isang kamay sa leeg ng kimono nito.
Idinagdag niya ang mga salitang pang-alo, ngunit hindi ito sumagot. Parang harang na itiniklop nito ang braso sa ibabaw ng dibdib na kanyang hinihinging luwagan.
“Ano ka ba?” Mabangis na kinagat ng babae ang sariling braso na parang galit sa pagtanggi nitong humarang. “Putang ‘na mo, putang ‘na mo. Tamad. Inutil. Inutil. Ano ba’ng nangyayari sa iyo?”
Gulilat na napaurong si Shimamura. May malalalim na marka ng ngipin sa braso ng babae.
Ngunit hindi na ito tumutol. Nagpapaubaya sa kanynag kamay, nagsimula itong sumulat sa pamamagitan ng dulo ng daliri. Sasabihin nito sa kanya ang mga tao nitong gusto, anang babae. Pagkaraang maisulat ang pangalan ng may dalawampu o tatlumpung aktor, isinulat nito, “Shimamura, Shimamura,” nang paulit-ulit.
Ang katakam-katam na alon sa ilalim ng palad ni Shimamura ay uminit.
“Ayos na ang lahat.” Mahinahon ang kanyang boses. “Ayos na naman ang lahat.” Nakaramdam siya ng bagay na parang sa isang ina sa babae.
Ngunit bumalik na naman ang sakit ng ulo nito. Nag-alumpihit at namilipit ang babae, at naupos sa sahig sa sulok ng kuwarto.
“Ayaw maalis. Ayaw maalis. Uuwi ako. Uuwi .”
“Palagay mo ba’y makakalakad ka nang gayon kalayo? Pakinggan mo’ng ulan.”
“Kung kailanga’y tapak akong uuw. Gagapang ako hanggang bahay.”
“At akala mo ba’y hindi delikado iyan? Kung kailangan mong umuwi ihahatid kita.”
Ang otel ay nasa isang burol, at matarik ang kalsada.
“Subukan mong luwagan ang damit mo. Mahiga ka sandali nang mapahinga ka bago umuwi.”
“Hindi, hindi. Ito ang daan. Sanay ako rito.” Tuwid na naupo ang babae at huminga nang malalim, ngunit malinaw na nahihirapan itong huminga. Para raw itong masusuka, sabi nito, at binuksan ang bintana sa likod, ngunit hindi makasuka. Tila pinipigil nito ang sarili na bumagsak nang namimilipit sa sahig. Maya’t maya’y natatauhan ito. “Uuwi ako, uuwi ako,” at di nagtagal ay pasado alas dos na.
“Mahiga ka na,” sabi nito kay Shimamura. “Mahiga ka kapag may nagsasabi sa iyo.”
“Pero ano’ng gagawin mo?” tanong ni Shimamura.
“Mauupo ako rito. Ganito. Kapag bumuti-buti ang pakiramdam ko, uuwi ako. Uuwi ako bago mag-umaga.” Paluhod itong gumapang at hinila siya. “Matulog ka na. Huwag mo akong pansinin, sinasabi ko sa iyo.”
Nahiga uli si Shimamura. Dumuhapang ang babae sa mesa at muling uminom ng tubig.
“Bangon. Bangon kapag may nagsasabi sa iyong bumangon.”
“Ano ba talaga ang gusto mong gawin ko?”
“Sige, matulog ka na.”
“Alam mo, hindi kita maintindihan.” Hinatak ni Shimamura ang babae sa kama pagkaraan niyang mahiga.
Kalahati ng mukha nito’y nakatalikod, nakakubli sa kanya, ngunit hindi nagtagal, marahas nitong ibinaling ang mga labi sa kanya.
At pagkaraan, parang nagdedeliryong sinasabi nito ang kanyang sakit, inulit-ulit ng babae, hindi malaman ni Shimamura kung ilang beses: “Hindi, hindi. Hindi ba sabi mo’y gusto mong magkaibigan tayo?”
Ang halos napakaseryosong tono nito ay nakapagpalamig sa kanyang gana, at habang nakikita niya ang pagkulubot ng noo nito sa pagtatangkang kontrolin ang sarili, naisip niyang panindigan ang binitiwang pangako.
Ngunit sinabi ng babae: “Hindi ako magsisisi. Hindi ako kailanman magsisisi. Pero hindi ako ganoong babae. Hindi magtatagal. Hindi ba’t ikaw mismo ang may sabi niyan?”
Halos litang pa ang babae sa alak.
“Hindi ko kasalanan ito. Kasalanan mo. Talo ka. Ikaw ang mas mahina. Hindi ako.” Tila nahihibang na parang nilalabanan ang kaligayahan.
Ilang sandaling tumahimik ang babae, sa malas ay naubusan ng sasabihin. Pagkaraan, tila ang pagkaalala’y dumating dito mula sa isang sulok ng gunita, nang-uusig ito: “Nagtatawa ka, ano? Pinagtatawanan mo ako.”
“Hindi.”
“Sa sarili mo’y pinagtatawanan mo ako. Kung hindi man ngayo’y pagkaraan.” Hindi ito makapagsalita sa pag-iyak. Tumalikod ito sa kanya at ibinaon ang mukha sa mga kamay.
Ngunit ilang sandali pa’y kalmante na naman ito. Mahinahon at maamo na tila ipinauubaya ang sarili, bigla itong naging masuyo, at sinimulang ikuwento ang lahat tungkol sa kanyang sarili. Parang nalimutan na nito ang ang sakit ng ulo. Wala itong sinabi tungkol sa nangyari lamang kanina.
“Aba, salita ako nang salita’y umaga na pala.” Bahagya itong ngumiti na tila napahiya. Kailangan niyang umalis bago lumiwanag, sabi nito. “Madilim pa. Pero maagang gumigising ang mga tao rito.” Tuwi-tuwina’y tumatayo ito upang dumungaw. “Hindi pa nila ako mamumukhaan. At umuulan. Walang lalabas papuntang bukid ngayong umaga.”
Tila bantulot pa itong lumakad bagamat naaaninaw na, kahit umuulan, ang mga hugis ng bundok at mga atip sa dalisdis nito. Di nagtagal, oras na upang gumising at magtrabaho ang mga katulong. Inayos ng babae ang buhok at tumakbo, halos patakas mula sa kuwarto, hindi pinansin ang alok ni Shimamura na ihatid siya hanggang pinto. Baka may makakita sa kanilang dalawa na magkasama.
Nagbalik si Shimamura sa Tokyo nang araw na iyon.
“NATATANDAAN mo ba ang sinabi mo noon? Nagkamali ka. Sino’ng luku-luko ang pupunta sa gayong lugar sa Disyembre” Hindi kita tinatawanan.”
Iniangat ng babae ang ulo. Ang pisngi nito, mula mata hanggang tulay ng ilong na dumagan sa kamay ni Shimamura, ay namumula sa ilalim ng makapal na polbo. Nagpaalala kay Shimamura ng lamig sa lupain ng yelo, ngunit dahil sa kaitiman ng bundok ng babae, may tanging init dito.
Banayad na nguniti ang babae, tila nasisilaw sa isang matinding liwanag. Marahil, nang siya’y ngumiti, nagunita niya ang “noon”, at pinamula ng mga kataga ni Shimamura ang buong katawan nito. Nang yumuko ang babae,nang may bahagyang katigasan, nakita ni Shimamura na pati ang likod nito sa ilalim ng kimono ay matingkad na namumula. Naiiba dahil sa kulay ng buhok, parang hubad na inilatag sa harap niya ang mamasa-masa at nakatutuksong balat. Ang buhok nito’y hindi naman masasabing makapal. Kasintigas ng sa lalaki, at nakapusod pataas ayon sa estilo ng buhok ng Hapon, wala ni isang naligaw na buhok at nagniningning itong tila isang mabigat at maitim na bato.
Minasdan ni Shimamura ang buhok at inisip kung ang lamig na labis na gumitla sa kanya – kailanma’y hindi siya nakahipo ng gayon kalamig na buhok, sabi niya – ay hindi dahil sa lamig ng taglamig sa lupain ng yelo kundi dahil sa isang bagay sa buhok mismo. Nagsimulang magbilang ang babae sa mga daliri. Ilang sandali itong nagbilang.
“Ano’ng binibilang mo?” tanong ni Shimamura. Nagpatuloy pa rin ang pagbibilang.
“Noo’y ikadalawampu’t tatlo ng Mayo.”
“Binibilang mo pala ang araw. Huwag mong kalilimuta, ang Hulyo at Agosto ay dalawang magkasunod na mahahabang buwan.”
“”Ikaisandaan at siyamnapu’t siyam na araw. Eksaktong ikaisandaan ay siyamnapu’t siyam na araw.”
“Paano mo natandaang iyo’y ikadalawampu’t tatlo ng Mayo?”
“Titingnan ko lang ang diary ko.”
“Nagda-diary ka?”
“Masarap basahi ang lumang diary. Pero wala akong itinatago kapag sumusulat ako sa aking diary. Kung minsa nga’y nahihiya pa akong basahin ito.”
“Kailan mo sinimulan?”
“Noong bago ako magpunta ng Tokyo bilang geisha. Wala akong pera, at ang binili ko’y simpleng notebook, na aking ginuhitan. Napakatulis siguro ng lapis ko noon. Maayos at pantay-pantay ang linya, at bawat pahina’y punung-puno mula itaas hanggang ibaba. Nang magkaroon ako ng pambili ng diary, hindi na katulad ng dati na napakaingat ko. Sinimulan kong ipagwalang-bahala ang mga bagay. Gano’n din sa pagpapraktis kong sumulat. Dati nagpapraktis muna akong sumulat sa diyaryo bago ko subukin sa mahusay na papel, pero ngayon, sa mahusay na papel na mismo ako nagsisimula.”
“At hindi ka tumigil sa paggawa ng diary?”
“Oo. Mula noong disisais ako, pero ang pinakamaganda’y ngayong taong ito. Sumusulat ako sa aking diary pagdating ko mula sa isang parti bago mahiga, at kapag binasa ko uli, nakikita ko ang mga lugar kung saan ako nakatulog sa pagsulat… Pero hindi ako sumusulat araw-araw. May mga araw na nakakaligtaan ko. Sa bundok na ito, pare-pareho ang mga parti. Sa taong ito, wala akong makita liban sa isang diary na may bagong araw bawat pahina. Mali ito. Pero kapag nagsimula akong sumulat, gusto kong sumulat lang nang sumulat.”
Ngunit higit pa sa diary, nagulat si Shimamura sa sinabi ng babae na maingat nitong itinatala ang bawat nabasang nobela at maikling kuwento mula nang ito’y kinse o disisais anyos. Sampung notebook na ang napuno nito.
“Isinusulat mo rin ang iyong kritisismo?”
“Hindi ko kailanman kayang gawin iyon. Isinusulat ko lamang angawtor at ang mga tauhan at kung ano ang relasyon nila sa isa’t isa. Iyon lang.”
“Pero ano’ng napapala mo?”
“Wala.”
“Pagsasayang lang ng oras.”
“Pagsasayang lang talaga ng oras,” masayang tugon nito na parang bale-wala ang gayong pagtanggap. Mataman itong tumitig kay Shimamura, gayunman.
Lubos na pagsasayang ng oras. Sa kung anong dahilan, ibig idiin ni Shimamura ang puntong ito. Ngunit naaakit siya sa babae nang sandaling iyon at naramdaman niyang umaagos sa kanya ang isang katahimikang katulad ng boses ng ulan. Alam niyang para sa babae ay hindi ito pagsasayang ng oras, ngunit kahit gayon, ang pagpapasiyang ito nga’y pagsasayang ay nagkaroon ng epektong patiningin at dalisayin ang karanasan nito.
Ang kuwento nito tungkol sa mga nobela ay tila walang kinalaman sa “panitikan” sa pang-araw-araw na kahulugan ng salitang ito. Ang tangi nitong karanasan sa pakikipagkaibigan sa mga nakatira sa nayon ay pakikipagpalitan ng mga magasing pambabae, at pagkaraa’y mag-isa na lamang itong nagbabasa. Hindi ito gaanong pihikan at kakaunti ang naiintindihan sa panitikan, at hinihiram nito maging mga nobela at magasing nakita sa kuwarto ng mga panauhin sa otel. Di iilan sa mga bagong nobelistang nabasa nito ang walang kahulugan kay Shimamura. Sa pagkukuwento’y parang ibinibida nito ang malayo at banyagang literatura. May bagay na malungkot dito, may bagay na nakapanghihinayang, may bagay na nagpapahiwatig ng isang pulubing naubos na ang lahat ng pagnanasang. Nagunita ni Shimamura na ang sarili niyang malayong pantasya sa kanluraning ballet, na nakasalalay sa mga salita at litrato sa mga banyagang libro, ay hindi rin gaanong naiiba sa sarili nitong paraan.
Masaya ring nagkuwento ang babae ng mga pelikula at dulang hindi nito napanood kailanman. Halatang sa mga nagdaang buwan ay labis itong nasabik sa isang taong makikinig. Nalimutan n kaya nito na isandaan at siyamnapu’t siyam na araw na ang nakararaan, ganitung-ganito ring klase ng usapan ang nagsilbing udyok upang isadlak nito ang sarili kay Shimamura? Muli, natangay ang babae sa kuwentuhan, at muli, ang mga kataga nito’y tila nagpapainit sa sariling katawan.
Ngunit ang pagnanasa nito sa lunsod ay nagmistulang isang mapaghanap na pangarap, nababalot ng simpleng pagpapaubaya sa kapalaran, at ang himig ng nasayang na panahon ay higit na matingkad kaysa anumang pahiwatig ng matinding pagkabigo ng isang nanirahan doon. Sa sarili’y tila hindi gaanong malungkot ang babae, ngunit sa tingin ni Skimamura, may kakatwang bagay tungkol dito na nakakaawa. Kung pababayaan niya ang sariling patangay sa isipin ng nasayang na panahon, palagay ni Shimamura ay mahahatak siya sa isang malayong emosyonalismo at masasayang din ang sarili niyang buhay. Ngunit nasa harap niya ngayon ang maliksi, buhay na mukha ng babae, namumula sa hangin ng kabundukan.
Ano’t anuman, binago niya ang pagtingin sa babae, at natuklasan niya, nakapagtataka, na ang pagiging geisha nito ay lalong nagpahirap sa kanya para maging malaya at bukas dito.
Lasing na lasing nang gabing iyon, mabangis na kinagat ng babae ang kamay na dahil sa pamamanhid ay ayaw gumalaw sa kanyang utos. “Ano ka ba? Putang ‘na mo, putang ‘na mo. Tamad. Inutil. Ano ba’ng nangyayari sa iyo?”
At hindi makatayo, pabiling-biling itong gumulong. “Hindi ako kailanman magsisisi. Pero hindi ako gayong babae. Hindi ako gayong babae.”
“Biyaheng hatinggabi papuntang Tokyo.” Tila namalayan ng babae ang kanyang pagbabantulot, at nangusap ito na parang iyo’y itinataboy. Sa silbato ng tren, tumayo ito. Pahaltak nitong binuksan ang pintong may panel na papel at ang bintanang nasa likod, naupo sa pasimano at inihilig ang katawan sa barandilya. Rumaragasang palayo ang tren, ang alingawngaw ay naglaho at naging isang tunog na katulad ng panggabing hangin. Bumaha ang malamig na hangin sa kuwarto.
“Nasisiraan ka ba ng ulo?” Humakbang din si Shimamura patungo sa bintana. Tahimik sa labas, walang pahiwatig ng hangin.
Walang kagalaw-galaw ang panggabing tanawin. Ang tunog ng bumabagsak na yelo ay tila humuhugong sa kailaliman ng lupa. Walang buwan. Ang mga bituin, na napakarami upang mapaniwalaan, ay napakaningning na bumababa na parang nalalaglag sa bilis ng kawalan. Habang lumalapit ang mga bituin, paurong nang paurong ang langit sa kulay ng gabi. Ang kabundukan sa hangganan, na wari’y nagkakapatung-patong at magkakamukha, ay naghahanay ng kanilang bigat sa saya ng mabituing langit, maitim at solido ngunit hindi tumitinag na nagbabadya ng kanilang kalakihan. Nagsama-sama ang panggabing tanawin sa isang malinaw at payapang kaisahan.
Nang maramdaman ng babae ang paglapit ni Shimamura, yumakap ito sa barandilya. Walang pahiwatig ng kahinaan sa ganitong posisyon. Manapa, sa dilim ng gabi, ito ang pinakamalakas at pinakamahigpit na pag-iwas na maaari niyang gawin. Narito na naman tayo, naisip ni Shimamura.
Maitim man ang mga bundok, nang mga sandaling iyo’y maningning ito dahil sa kulay ng yelo. Kay Shimamura, ang mga bundok ay tila tagusan, tila mapanglaw. Nawala ang kaisahan ng langit at bundok.
Sinalat ni Shimamura ang lalamunan ng babae. “Masisipon ka. Nakita mo nang malamig dito.” Tinangka niyang hilahin ang babae ngunit ito’y kumapit sa barandilya.
“Uuwi ako.” Impit ang boses nito.
“Sige, umuwi ka.”
“Bayaan mo muna akong ganito.”
“Mananaog ako para maligo.”
“Hindi samahan mo ako rito.”
“Kung isasara mo ang bintana.”
“Bayaan mo lang akong ganito.”
Kalahati ng nayon ang nagtatago sa likod ng kulumpon ng cedar sa templo. Sa istasyon ng tren, walang sampung minuto sa taksi, umaandap-andap ang ilaw na parang ito’y naglalamat dahil sa lamig.
Ang buhok ng babae, ang salamin ng bintana, ang manggas ng kanyang kimono – ang lahat ng kanyang hipuin ay malamig, malamig na kailanma’y hindi pa niya naranasan.
Maging ang banig sa kanyang paa ay tila malamig. Humakbang siyang pababa sa banyo.
“Sandali. Sasama ako sa iyo.” Mabait na sumunod ang babae.
Nang inaayos na nito ang mga damit na inihagis ni Shimamura sa sahig sa labas ng banyo, isa pang panauhin, isang lalaki, ang pumasok. Yumuko ang babae sa harap ni Shimamura at itinao ang mukha.
“Aba, may tao pala.” Umurong ang lalaki.
“Sandali,” mabilis na tawag ni Shimamura. “Lilipat kami sa kbilang pinto.” Dinampot niya ang mga damit at humakbang sa banyo ng babae. Sumunod sa kanya ang babae na parang sila’y mag-asawa. Lumusong si Shimamura sa banyo nang di lumilingon. Naramdaman niyang lumabas ang isang malakas na tawa sa kanyang labi nang malaman niyang kasama niya ito. Inilapit niya ang mukha sa gripo ng mainit na tubig at maingay na nagmumog.

PAGKABALIK sa kuwarto, iniangat ng babae ang ulo mula sa unan at itinaas ang buhok sa gilid sa pamamagitan ng maliit na daliri.
“Labis akong pinalulungkot nito,” anang babae. Iyon lamang ang sinabi nito. Ilang sandaling naisip ni Shimamura na medyo nakadilat ang mata ng babae, ngunit nakita niyang likha ng makapal na pilikmata ang ilusyong iyon.
Ang babae, na laging hindi mapalagay, ay buong gabing hindi nakatulog.
Marahil ay ingay ng itinataling obi ang gumising kay Shimamura.
“Ikinalulungkot ko, nagising kita. Pinabayaan na sana kitang matulog. Madilim pa. Tingnan mo – nakikita mo ba ako?” Pinatay nito ang ilaw. “Nakikita mo ba ako? Hindi?”
“Hindi. Napakadilim pa.”
“Hindi, hindi. Tingnan mo akong mabuti. Ayan. Nakikita mo na ako?” Binuksan nito ang bintana. “Masama ito. Nakikita mo ako. Uuwi na ako.”
Muling nabigla sa lamig ng umaga, iniangat ni Shimamura ang ulo mula sa unan. Kulay pa rin ng gabi ang langit ngunit sa kabundukan, umaga na.
“Pero hindi bale. Hindi gaanong abala ang mga magsasaka sa panahong ito, at walang lalabis nang ganito kaaga. Pero palagay mo ba’y may aakyat ngayon sa bundok?” Kinakausap ng babae ang sarili at lumakad-lakad, nahihala nito ang nakalawit na dulo ng itinataling obi. “Walang dumating na panauhin sa biyaheng alas singko mula sa Tokyo. Wala pang gaanong trabaho ang mga tao sa otel.”
Kahit naitali na ang obi, tumayo ito at umupo, at tumayo uli, at naglakad-lakad sa kuwarto, sa bintana nakatingin. Hindi ito mapakali, tulad ng isang alumpihit na hayop panggabi na natatakot sa pagdating ng umaga. Tila napapaibabawan ng isang kakatwa at may mahikang kabaliwan.
Mayamaya’y napakaliwanag na sa kuwarto kaya nakikita na ni Shimamura ang pula sa pisngi ng babae. Pumako ang kanyang mata sa napakatingkad at nangingislap na kapulahang ito.
“Nagliliyab ang pisngi mo. Ganyan kalamig ngayon.”
“Hindi ito dahil sa lamig. Tinanggal ko lang ang aking polbo. Magkulubong lamang ako sa kama’y iinit na akong tulad ng isang pugon.” Lumuhod ang babae sa salaming nasa tabi ng kama.
“Araw na. Uuwi na ako.”
Sinulyapan siya ni Shimamura, at dagling itinungo ang tingin. Yelo ang putting nasa nasa kalaliman ng salamin, at lumulutang sa gitna nito ang mapula at nangisngislap na pisngi ng babae. May hindi mailarawang sariwang kagandahan sa pagkakaiba.
Sikat na nga ba ang araw? Mas matindi ngayon ang liwanag ng araw, tila malamig itong nasusunig. Sa harap nito, lalong naging maitim ang buhok ng babae, pinpatungan ng matingkad at makislap na pula.
MARAHIL, para mapigil ang pagtambak ng yelo, ang tubig sa mga banyo ay pinaaagos sa paligid ng pader ng otel sa pamamagitan ng isang pansamantalang kanal, at sa harap ng entrada, kumalat itong tila isang mababaw na bukal. Isang malaki at itim na aso ang nakatayo sa bato sa tabi ng pinto at dumidila-dila sa tubig. Ang mga ski para sa mga panauhin ng otel, na inilabas marahil mula sa bodega, ay inihilera para patuyuin, at ang bahagyang amoy ng amag ay pinatamis ng singaw. Ang yelong nalaglag sa atip ng pampublikong banyo sa mga sanga ng cedar ay nababasag sa mainit at walang hugis na anyo.
Sa pagtatapos ng taon, ang kalsadang ito’y hindi na makikita dahil sa bagyo ng yelo. Sa pagdalo sa mga parti, kakailanganin ng babae na magsuot ng mataas na botang goma, ng lawlaw na “pantalong pambundok” sa ibabaw ng kanyang kimono, magbabalabal ito ng isang kapa, at tatakpan ang mukha ng isang belo. Sa panahong iyon, mga sampung talampakan marahil ang kapal ng yelo – bago mag-umaga’y dinungaw ng babae ang matarik na kalsada sa gulod, at ngayon, bumababa na si Shimamura sa kalsada ring ito. Sa gilid ng kalsada, nakasabit sa matataas na sampayan ang mga pinatutuyong lampin. Sa ilalim ng sampayan, nakalatag ang tanawin ng hangganan ng bundok, ang yelo sa taluktok ay banayad na kumikinang. Ang mga berdeng sibuyas sa maliliit na hardin ay hindi pa natatabunan ng yelo.
Sa mga bukid, nag-i-ski ang mga batang-nayon.
Nnag papasok na si Shimamura sa parte ng nayon na kaharap ng haywey, nakarinig siya ng isang tunog na tila mahinang ulan.
Sa mga medya-agwa, mabining kumikislap ang naglawit na piraso ng nagyeyelong tubig.
“Nasimulan mo na rin lang e baka puwedeng palahin mo na rin nang kaunti ang sa amin?” Nasisilaw sa matinding araw, isang babaeng pauwi mula sa pampublikong banyo ang nagpupunas ng mukha sa pamamagitan ng isang mamasa-masang tuwalya habang nakatingala sa isang lalaking nagpapala ng yelo sa atip. Marahil, isa siyang weytres na napadpad sa nayon nang mas maaga kaysa panahon ng pag-i-ski. Ang kasunod na pinto ay isang kapihan na lundo ng atip, ang pintura sa bintana’y natutungkab na sa kalumaan.
Hile-hilerang bato ang nakadagan sa atip ng mga bahay para huwag iyong tangayin ng hangin. Tanging sa parteng nakalantad sa araw makikita ang kaitiman ng mga bilog na bato, na may mas malatintang kaitiman dahil sa parang yelong hangin at bagyo kaysa mamasa-masang kaitiman na likha ng natutunaw na yelo. Ang mababang medya-agwa na nakayakap sa yelo ay tila nagpapakita ng kaluluwa mismo sa lupain sa hilaga.
Binabasag ng mga bata ang yelo mula sa kanal at ang mga piraso’y ibinabalibag sa gitna ng kalsada. Pinagkakatuwaan nila ang kislap ng tumatalsik na yelo habang nadudurog. Habang nakatayo sa liwanag ng araw, hindi makapaniwala si Shimamura na gayon kakapal ang yelo. Sandali siyang tumigil para manood.
Isang dalagita, mga dose anyos, ang nakatayong hiwalay sa iba, nakasandal sa isang pader, at may ginagantsilyo. Sa ibaba ng lawlaw na “pantalong pambundok”, hubad ang mga paa nito liban sa sandalyas, at nakikita ni Shimamura na namumula at bitak-bitak ang talampakan nito dahil sa lamig. Katabi ng kabataang ito ang isang paslit na babae, mga dalawang-taong-gulang, nakatayo sa isang bigkis ng kahoy na panggatong at matiyagang hinahawakan ang isang rolyo ng sinulid. Maging ang kupas at abuhing sinulid mula sa paslit ay tila mainit at makislap na nakaikid.
Naririnig ni Shimamura ang kagat ng katam ng karpintero sa isang gawan ng ski mga pito o walong pinto pababa sa kalsada. Mga lima o anim na geisha ang nagdadaldalan sa lilim ng kaibayong medya-agwa. Sa mga ito, natitiyak ni Shimamura, ay kabilang ang babae, si Komako – nalaman niya ang pangalan nito bilang geisha sa isang katulong nang umagang iyon. At totoo nga, nroon ito. Sa malas, napansin siya nito. Inihihiwalay ito ng napakaseryosong mukha sa ibang geisha. Mangyari pang mamumula ito, at sana makapagkunwari man lamang itong walang nangyari -- ngunit bago pa masundan ni Shimamura ang naiisip, nakita niyang namumula na ito hanggang lalamunan. Mas mabuti pa sanang ibinaling nito ang tingin sa malayo, ngunit dahan-dahang luminga ang ulo nito para sundan siya, habang ang mga mata’y nakapako sa lupa, talagang hindi mapalagay.
Nag-aapoy din ang mga pisngi ni Shimamura. Mabilis siyang lumampas sa mga geisha, ngunit dagli siyang sinundan ni Komako.
“Sandali,” habol nito, “hinihiya mo ako sa paglalakad sa ganitong panahon.”
“Ipinahiya kita – at akala mo ba’y hindi rin ako napapahiya, nariyan kayong lahat para abangan ako? Halos hindi ako makaraan dito. Ganito ba lagi?”
“Oo, sa ganitong oras. Sa hapon.”
“Pero palagay ko’y lalo kang mapapahiya kung ganyang namumula ka’t naghahabol sa akin.”
“Ano kung mapahiya ako?” Malinaw at tiyak ang mga salita, ngunit namumula na naman ito. Tumigil ito at ipinupulupot ang isang kamay sa isang punong persimmon sa gilid ng kalsada. “Hinabol kita dahil naisip kong baka maaari kitang imbitahan sa aking bahay.”
“Malapit ba rito?”
“Napakalapit.”
“Pupunta ako kung ipababasa mo sa akin ang iyong diary.”
“Susunugin ko ang aking diary bago ako mamatay.”
“Pero hindi ba mayroong may-sakit na lalaki sa inyong bahay?”
“Paano mo nalaman?”
“Sinalubong mo siya sa istasyon kahapon. May suot kang pang matingkad na asul. Malapit sa kanya ang upuan ko sa tren. At may kasama siyang babae, napakabait na inaalagaan siya. Asawa ba niya? O isang sumundo para siya’y iuwi? O isang taga-Tokyo? Para talagang siyang ina. Humanga ako.”
“Bakit hindi mo man lang binabanggit kagabi? Bakit napakatahimik mo? May bagay na bumabalisa sa rito.
“Asawa ba ng lalaki?”
Hindi sumagot si Komako. “Bakit wala kang sinabi kagabi? Nakapagtataka kang tao.”
Hindi nagustuhan ni Shimamura ang ganitong katalasan. Wala siyang nagawa at walang nangyaring anuman para sa ganitong usapan, at iniisip niyang baka may bagay na likas sa babae na itinatago nito at ngayon lumilitaw. Gayunman, nang puntahan siya nito sa ikalawang pagkakataon, tinanggap niyang tinatamaan siya sa isang marupok na bahagi. Ngayong umaga, nang sulyapan niya si Komako sa salaming kinakikitaan din ng yelo, mangyari pang nagunita niya ang babaeng nasa bintana ng panggabing tren. Bakit wala siyang sinabing anuman?
“E ano kung meron mang may-sakit na lalaki? Wala sinumang nakakapasok sa kuwarto ko.” Lumusot si Komako sa bukas na bahagi ng isang mababang pader na bato.
Sa kanan nila ay may isang maliit na bukid, at sa kaliwa, naghilera ang mga punong persimmon sa pader na hangganan ng katabing bukid. Tila may hardin ng bulaklak sa harap ng bahay, at lumalangoy ang mga pulang larpa sa lawa-lawaang may lotus. Binasag ang yelo sa lawa at itinambak sa pampang. Matanda na at nabubulok ang bahay, tulad ng tuoyt nang puno ng isang persimmon. May patse-patse ng yelo sa atip, nakalundo ang mga kilo na alun-along nakaguhit sa m,edya-agwa.
Kulob at malamig ang hangin sa sahig na lupa ng pasilyo. Inakay ni Komako si Shimamura paakyat sa hagdan bago nasanay ang kanyang mata sa dilim. Matatawag nga iyong hagdan pagkat ang kuwarto ni Komako ay nasa attic, sa ilalim mismo ng bubong.
“Ang kuwartong ito’y dating alagaan ng uod na kinukunan ng seda. Nagulat ka ba?”
“Masuwerte ka ‘ka mo. Sa lakas mong uminom, mabuti’t hindi ka nahulog.”
“Nahulog na ako. Pero, karaniwan, kapag sumobra ang nainom ko, gumagapang ako sa kotatsu sa ibaba at doon natutulog.” Tinantantiyang ipinasok nito ang kamay sa kotatsu, pagkaraa’y bumaba upang kumuha ng uling. Luminga-linga si Shimamura sa kakatwang kuwarto. Kahit iisa lamang ang mababang bintana, sinasangga ng bagong palit na papel sa pinto ang sikat ng araw. Ang mga dingding ay matiyagang dinikitan ng papel, kaya ito’y natulad sa loob ng isang kahong papel: sa itaas, ang naroon lamang ay ang hubad na atip na bumababa sa bintana, parang isang kulimlim na kalungkutang nakalatag sa silid. Iniisip kung ano ang maaaring nasa likod ng dingding, naramdaman ni Shimamura ang alumpihit na pakiramdam na parang siya’y nabibitin sa kawalan. Ngunit kahit dukha ang mga dingding at sahig, wala iyong kadumi-dumi.
Sa ilang sandali, naguni-guni ni Shimamura na sa silid na ito, tumatagos marahil ang liwanag kay Komako, tulad ng pagtagos nito sa maninipis na balat ng mga uod.
Ang kotatsu ay natatakpan ng isang makapal na kumot katulad ng magaspang at guhitang telang koton ng karaniwang “pantalong bundok.” Luma na ang aparador ngunit ang hilatsa ng kahoy ay pino at tuwid – naipundar marahil ni Komako noong ito’y nasa Tokyo. Hindi ito katerno ng mumurahing tokador; samantalang ang pulang kahong panahi ay kumikinang sa pulidong barnis. Ang mga kahong nakasalansan sa dingding sa likod ng manipis na kurtinang lana ay tila ginagamit na estante ng mga libro.
Nakasabit sa dingding ang kimono nang nagdaang gabi. Bukas ito at nakikita ang matingkad na pulang kamison.
Paluksong umakyat ng hagdan si Komako, may dalang uling.
“Galing ito sa silid ng maysakit. Huwag kang mag-alala. Ang apoy daw ay hindi nagkakalat ng mikrobyo.” Halos sumagi sa kotatsu ang bagong-ayos nitong buhok nang haluin nito ang uling. May tuberkulosis sa bituka ang anak ng titser sa musika, aniya, at umuwi sa kinagisnang bahay para mamatay.
Pero hindi tamang sabihing ito’y “umuwi sa kinagisnang bahay.” Ang totoo, ni hidni ito ipinanganak dito. Bahay ito ng kanyang ina. Nagturo ng sayaw ang kanyang ina sa baybayin maging nang ito’y hindi na geisha, ngunit inatake ito sa puso noong nasa edad kuwarenta, at kinailangang bumalik sa bukal na ito para magpagaling. Ang anak, ang ngayo’y maysakit, ay mahilig sa makina maging noong bata pa, at nagpaiwan upang magtrabaho sa isang pagawaan ng relo. Hindi nagtagal, lumipat ito sa Tokyo at nagsimulang mag-aral sa gabi, at hindi ito nakaya ng kanyang katawan. Beinte singko anyos pa lamang ito.
Lahat ng ito’y walang anumang isinalaysay ni Komako, ngunit wala itong sinabing anuman tungkol sa babaeng nag-uwi ng lalaki, at wala rin kung bakit mismo’y nakatira sa bahay na ito.
Sa sinabi ni Komako, gayunman, lubos na hindi mapalagay si Shimamura. Nakabitin sa kawalan, parang nagsalaysay si Komako sa apat na direksiyon.
Nnag lumabas sa pasilyo si Shimamura, may napansin siyang bagay na mamuti-muti sa sulok ng kanyang mga mata. Kahon ito ng samisen, at napuna niyang mas malapad ito at mahaba kaysa nararapat na sukat. Hindi niya mapaniwalaan na nadadala ni Komako ang ganito kahirap dalhing bagay sa mga pagtitipon. Bumukas ang madilim na pinto sa loob ng pasilyo.
“Puwede ko bang tapakan ito Komako?”
Iyo’y malinaw na boses, napakaganda kaya halos malungkot. Hinintay ni Shimamura na bumalik ang alingawngaw.
Boses iyon ni Yoko, ang boses na tumawag sa station master sa kabila ng makapal na yelo nang gabing nagdaan.
“Sige lang.”
Magaang na tumapak si Yoko sa kahon ng samisesn, hawak ang isang krista na orinila.
Sa pamilyar na paraan ng pagkausap nito sa station master nang gabing nagdaan, at sa paraan ng pagsusuot nito ng “pantalong bundok,” malinaw na ito’y katutubo sa lupaing ito ng yelo, ngunit ang lutang na burda ng obi nito, na kalahati’y kita sa ibabaw ng pantalon, ay nagpasariwa at nagpasaya sa magaspang na mapulang kayumanggi at itim na guhit ng pantalon. Sa ganito ring dahilan, ang mahabang manggas ng lanang kimono nito ay nagkaroon ng isang natatangi at mapanuksong halina. Ang pantalon, na biyak sa ibaba ng tuhod, ay humakab sa balakang, at ang makapal na telang koton, kahit natural na matigas, ay tila numipis at lumambot.
Pinukulan ni Yoko ng mabilis at matalim na sulyap si Shimamura pagkaraa’y tahimik na humakbang sa lupnag sahig at lumabas.
Maging nang makaalis na siya ng bahay, binabagabag pa rin si Shimamura ng sulyap na iyon, na nagliliyab sa harap mismo ng kanyang noo. Kasinlamig ito ng isang napakalayong liwanag, pagkat ang hindi mailarawang kagandahan nito ay nagpasikdo ng kanyang puso nang gabing nagdaan, nang ang liwanag na iyon sa bundok ay tumawid sa mukha ng babae sa bintana ng tren, at sandaling tinaglawan ang mga nito. Muling nagbalik ang impresiyon kay Shimamura, at kahalo nito ay ang gunita ng isang salaming puno ng yelo, at lumulutang ang namumulang pisngi ni Komako sa gitna.
Binilisan niya ang lakad. Bilugan at mataba ang kanyang hita, ngunit saklot siya ng isang natatanging sigla habang lumalakad na nakatitig sa mga bundok na labis niyang kinagigiliwan. Bumilis ang kanyang hakbang kahit ito’y halos hindi niya namamalayan. Laging nakahandang patangay sa gising na pangangarap. Hindi niya mapaniwalaan na ang salaming lumulutang sa panggabing tanawin at ang isa pang salamin na puno ng yelo ay sadyang likha ng tao. Ang mga ito’y bahagi nhg kalikasan, at bahagi ng isang tila napakalayong daigdig.
At ang kuwartong nilisan niya ngayon lamang ay naging bahagi na rin ng napakalayong daigdig na iyon.
Nagitla sa sarili, at nangailangan ng isang bagay na makakapitan, tumigil siya sa harap ng isang bulag na masahista sa tuktok ng burol.
“Puwede mo ba akong masahihin?”
“Sandali. Anong oras na ba?” Kinipkip ng masahista ang tungkod at pagkadukot sa isang may takip na pambulsang relo sa obi, ay kinapa ng kaliwang kamay nito ang oras. “Alas dos treinta’y singko. May nagpapamasahe sa akin sa makalampas ang istasyon nang alas tres medya. Pero puwede naman siguro akong mahuli.”
“Ang galing tumingin ng oras.”
“Walang salamin, kaya nakakapa ko ang mga kamay.”
“Nakakapa mo ang mga numero?”
“Hindi mga numero.” Muli nitong inilabas ang relo na yari sa pilak, malaki para sa isang babae, at pinitik ang takip. Inilatag nito ang mga daliri sa mukha, ang isa’y sa alas dose at ang isang sa alas sais, at ang pangatlo, sa gitna, sa alas tres. “Tumatama rin naman ang pagbasa ko ng oras. Maaaring huli ako nang isang minuto, pero hindi ako kailanman pumapaltos nang hanggang dalawang minuto.”
“Hindi ka ba nadudulas sa kalsada?”
“Sinusundo ako ng anak kong babae kapag umuuln. Sa gabi, mga tao sa nayon ang minamasahe ko at hindi ako nakakarating nang ganito kalayo. Nagbibiruang lagi ang mga tao sa otel, sabi’y ayaw daw akong palabasin ng asawa ko kung gabi.”
“Malalaki na ba’ng anak mo?”
“Dose anyos ang panganay kong babae.” Narating nila ang kuwarto ni Shimamura, at sandali silang ntahimik nang magsimula na ang pagmamasahe. Mula sa malayo, umabot sa kanila ang tunog ng isang samisen.
“Sino kaya iyon?”
“Nahuhulaan mo ba kung sinong geisha sa tunog lang?”
“Iyong iba. Ang iba’y hindi. Hindi ka dapat magtrabaho. Tingnan mo, ang kinis-kinis at ang lambut-lambot mo.”
“Wala akong matigas na masel.”
“Matigas dito sa may puno ng leeg. Pero tamang-tama ka lang, hindi masyadong mataba, hindi masyadong payat. Hindi ka umiinom, ano?”
“Alam mo kung umiinom?”
“May tatlo akong kostumer na katulad ng katawan mo.”
“Karaniwang katawan.”
“Pero kung hindi ka iinom, hindi mo naman malalaman kung paano mo talaga mpapasarap ang buhay mo – ang makalimutan ang lahat ng nangyayari.”
“Umiinom ang asawa mo, ano?”
“Sobra.”
“Pero kung sino man iyon, hindi siya gaanong mahusay tumugtog.”
“Mahina talaga.”
“Noong bata pa ako. Mula noong ako’y walo hanggang maglabingwalo. Labinlimang taon na akong hindi tumutugtog. Mula nang mag-asawa ako.”
Lahat kaya ng bulag ay mukhang mas bata kaysa kanilang itsura? Naisip ni Shimamura.
“Pero kapag natuto ka nang bata pa, hindi mo na malilimutan.”
“Nasira ang kamay ko sa trabahong ito, pero magaling pa ang aking tainga. Hindi ako mapalagay kapag naririnig ko sila. Pero palagay ko’y hindi rin ako kuntento sa sarili kong pagtugtog noong bata pa ako.” Sandaling nakinig ang masahista. “Si Fumisiguro sa Izutsuya. Pinakamadaling malaman ang pinakamagaling at pinakamahina.”
“May magagaling?”
“Napakagaling ni Komako. Bata pa siya, pero alam mo naman, hindi masyadong mataas ang pamntayan namin dito sa bunmdok.”
“Hindi ko siya talagang kilala. Pero nakasakay sa tren kagabi ang anak ng titser ng musika.”
“Gumaling na uli?”
“Mukhang hindi.”
“Siyang? Matagal siyang nagkasakit sa Tokyo, at sinasabi nilang naging geisha si Komako noong nakaraang tag-araw para makatulong sa pagbabayad sa doktor. Ewan ko kung nakatulong.”
“Si Komako ma ‘ka mo?”
“May kasunduan pa lamang sila. Pero palagay ko, gumagaan ang kalooban ng isang tao kapag ginawa ang lahat ng makakaya niya.”
“Kasunduan ba ‘ka mo?”
“Sabi nila. Ewan ko, pero iyan ang balita.”
Napakakaraniwang bagay ang makarinig ng tsismis tungkol sa geisha mula sa isang masahista ng bukal, ngunit kabaligtaran at lalong nakakagulat ang naging epekto nito; ang pagpasok ni Komako bilang geisha para tulungan ang nobyo niya ay karaniwang kuwentong nakaiiyak kaya natagpuan ni Shimamura ang sarili na halos hindi ito matanggap. Marahil, ilang konsiderasyong moral – mga kuwestiyon kung tama o maling ipagbili ang sarili bilang geisha – ang nakadagdag sa pagtanggi.
Iniisip ni Shimamura na gusto niyang halukayin pa ang kasaysayan ni Komako, ngunit hindi na nagsalita ang masahista.
Kung may kasunduan na ang lalaki at si Komako, at kung si Yoko ang bago nitong kalaguyo, at ang lalaki’y malapit nang mamatay – muli na namang nagbalik kay Shimamura ang ekspresyong “nasayang na pagsisikap”. Kung magiging tapat sa pangako si Komako hanggang wakas, at ipagbibili pa nito ang sarili para makabayad lamang sa doktor – ano pa ba ito kundi na nasayang na pagsisikap?
Tatapatin niya si Komako sa katotohanang ito, ipamumukha niya kapag nagkita uli sila, sabi niya sa sarili; gayunman, ang buhay nito’y tila naging mas dalisay at mas malinis dahil sa bagong pagkaalam nito.
Namamalayan ang nakakahiyang panganib sa kanyng manhid na pakiramdam sa kung ano ang huwad at hungkag, nakahigang pinatuunan ito ng isip ni Shimamura, sinisikap madama ito, kahit matagal nang nagpaalam ang masahista. Nanlalamig siya hanggang sa kalaliman ng kanyang sikmura – ngunit may nakaiwan sa bintana nang bukas na bukas.
Lumatag na ang kulay ng gabi sa lambak ng bundok, maaga itong nalibing sa mga anino. Sa takipsilim, na ngayo’y nanganganinag pa sa liwanag ng lumulubog na araw, tila lumalapit ang malayong bundok.
Di nagtagal, nang ang mga pagitan ng bundok ay nagiging malayo at malapit, mataas at mababa, ang mga anino nito ay nagsimulang lumalim, at pumula ang langit sa taluktok ng bundok na mayelo, na ngayo’y napapaliguan na lamang ng isang maputlang liwanag.
Nangingitim na nakatayo ang mga kulumpon ng cedar sa pampang ng ilog, sa laruang ski, sa paligid ng templo.
Tulad ng isang mainit na liwanag, bumuhos si Komako sa hungkag na pagkabalisang buamabagabag kay Shimamura.
May miting sa otel para pag-usapan ang mga plano sa panahon ng pag-I-ski. Ipinatawag si Komako para sa parti pagkaraan. Pinainit nito ang kamay sa kotatsu, pagkatapos ay maliksing tumayo at sinalat ang pisngi ni Shimamura.
“Maputla ka ngayong gabi. Nakapagtataka.” Hinila nito ang malambot na laman sa pisngi niya na parang ibig iyong bakbakin. “Pero ikaw din ang may kasalanan.”
Lasing na ng kaunti si Komako. Nang bumalik mula sa parti, bumagsak ito sa harap ng salamin, at halos nakakatawa ang kalasingang ipinakita ng mukha nito. “Wala akong alam doon. Wala. Masakit ang ulo ko. Ang sama ng pakiramdam ko. Masama. Gusto kong uminom. Bigyan mo ako ng tubig.”
Pinagdaop nito sa mukha ang dalawang palad at gumulong nang hindi iniintindi ang maingat na pagkakaayos ng kanyang buhok. Mayamaya, bumangon uli ito at sinimulang tanggalin ang makapal na polbo sa pamamagitan ng malamig krema. Matingkad na pula ang nasa ilalim. Mukhang nasisiyahan ito sa kanyang sarili. Kay Shimamura, nakagugulat ang gayon kabilis na paglipas ng kalasingan. Kumikinig ang balikat ni Komako sa lamig.
Buong Agosto’y halos muntik na itong bumagsak. Sa matinding nerbiyos, sabi nito kay Shimamura.
“Akala ko’y mababaliw ako. Laging akong nag-iintindi sa isang bagay, na hindi ko alam kung ano. Nakakatakot. Hindi ako mapagkatulog.Nakokontrol ko lamang ang sarili ko kapag pumupunta ako sa isang parti. Kung anu-ano ang napapanaginipan ko, at nawalan ako ng ganang kumain. Uupo ako at kung ilang oras n dadagok sa sahig, kahit sa kainitan ng araw.”
“Kailan ka unang naging geisha?”
“Noong Hunyo. Inisip ko noong una na pumunta sa Hamamatsu.”
“Para mag-asawa?”
Tumango si Komako. Hinahabol siya ng lalaki para pakasalan ngunit hindi niya ito magustuhan. Matagal bago siya nakapagdesisyon.
“Pero kung ayaw mo sa kanya, ano ang mahirap sa desisyon?”
“Hindi gayon kasimple.”
“Masarap ang may-asawa?”
“Tumigil ka. Mas malamang na gusto kong malinis at maayos ang lahat ng nasa paligid ko.”
Umungol si Shimamura.
“Alam mo, napakahirap mong kausaping tao.”
“May relasyon ba kayo ng lalaking taga-Hamamatsu?”
Isinigaw ni Komako ang sagot: “Kung mayroon, palagay mo ba’y magdadalawang-isip pa ako? Pero sinabi niyang hangga’t narito ako, hindi niya ako papayagang mag-asawa ng iba. Gagawin niya ang lahat para huwag matuloy.”
“Pero ano’ng magagawa niya mula sa malayong Hamamatsu?” Iyon ba ang inaalala mo?”
sandaling nag-inat si Komako, nilalasap ang init ng sariling katawan. Nang muli itong magsalita, kaswal na ang kanyang tono. “Akala ko’y buntis ako.” Humagikhik ito. “Nakakatawa kapag naaalala ko ngayon.”
Namaluktot itong tila isang bata, at pagkaraa’y dalawang kamay na sinunggaban ang leeg ng kimono ni Shimamura.
Sa malago nitong pilikmata, muli na namang naisip ni Shimamura na kalahati lamang nakadilat ang mga mata nito.
NAKAUPO sa tabi ng painitang-bakal, may isinulat si Komako sa likod ng isang lumang magasin nang gumising si Shimamura kinbukasan.
“Hindi ako makakauwi ngayon. Bumangon ako nang magdala ng uling ang katulong, pero maliwanag na. Pumapasok na ang araw sa pinto. Nalasing ako ng kaunti kagabi, at napasarap ang tulog ko.”
“Anong oras na?”
“Alas otso.”
“Halika, maligo tayo.” Bumangon si Shimamura.
“Hindi ako puwedeng sumama. Baka may makakita sa akin sa bulwagan.” Napakaamo na nito ngayon. Nang bumalik si Shimamura mula sa paliligo, inabutan niya si Komako na matiyagang naglilinis ng kuwarto, may panyong masining na nakatakip sa ulo.
Napakaingat na nitong napunasan ang mga paa ng mesa at ang gilid ng painitang-bakal, at ngayo’y hinahalo nito ang uling ng sanay na kamay.
Kontentong nakaupo si Shimamura, nagsisigarilyo habang ang paa’y nasa kotatsu. Nang malaglag ang abo sa kanyang sigarilyo, dinampot ito ni Komako sa pamamagitan ng isang panyo at dinalhan siya ng isang ashtray. Napatawa si Shimamura, tawang kasinsaya ng umaga. Tumawa rin si Komako.
“Kung may-asawa ka, lagi mo sigurong kagagalitan.”
“Hindi. Pero pagtatawanana aako dahil tinitiklop ko maging maruming damit ko. Hindi ko mapigilan. Talagang ganito ako.”
“Sinabing mahuhulaan mo raw ang lahat sa isang babae tingnan mo lamang ang loob ng kanyang aparador.”
“Kay ganda ng araw.” Nag-aalmusal sila at bumabaha ang pang-umagang araw sa kuwarto. “Maaga sana akong nakauwi para magpraktis ng samisen. Iba ang tunog sa araw na tulad nito.” Tumingala si Komako sa kristal na langit.
Malambot at krema ang yelo sa malayong bundok, parang may belong manipis na usok.
Naalala ang sinabi ng masahista, iminungkahi ni Shimamura na sa kuwarto na niya magpraktis ng samisen si Komako. Dagli itong tumawag sa bahay upang humingi ng kopya ng musika at pamalit na damit.
Kung gayo’y may telepono pala sa bahay na nakita niya nang nagdaang araw, naisip ni Shimamura. Ang mata ng isa pang babae, si Yoko, ay lumutang sa kanyang gunita.
“Dadalhin dito ng batang iyon ang iyong musika?”
“Maaari.”
“May kasunduan kayo ng anak na lalaki, di ba?”
“Aba! Kailan mo nasagap iyan?”
“Kahapon.”
“Kakatwa ka talaga. Kung nabalitaan mo kahapon, bakit hindi mo sinabi sa akin?” Ngunit ang tono nito’y di nagpakita ng katalasang tulad nang araw na nagdaan. Ngayon, may malinis na ngiti lamang sa mukha nito.
“Madaling ungkatin ang bagay na iyon kung hindi kita iginagalang.”
“Ano ba talaga ang iniisip mo? Kaya ayaw ko sa mga taong galing ng Tokya.”
“Binabago mo ang usapan. Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko.”
“Hindi ko binabago ang usapan. At pinaniwalaan mo naman?”
“Oo.”
“Nagsisinungaling ka na naman. Alam kong hindi ka naniniwala.”
“Katunaya’y hindi ko mapaniwalaan ang lahat. Pero sabi nila’y naging geisha ka para tumulong sa pagbabayad sa doktor.”
“Parang kuwento sa isang mumurahing magasin. Pero hindi totoo. Wala kaming kasunduan kailanman. Naiisip lang ng tao na gano’n. Hindi dahil ibig kong tumulong kaninuman kung bakit ako naging geisha. Pero malaki ang utang-na-loob ko sa kanyang ina, at kailangang gawin ko ang aking makakaya.”
“Matalinghaga kang magsalita.”
“Sasabihin ko sa iyo ang lahat. Pakalilinawin ko. Para ngang may panahon na inisip ng kanyang ina na magandang ideya kung pakakasal kami. Pero inisip lamang niya ito. Hindi niya sinabi kahit kanino. Parang alam lang namin pareho ang nasa isip niya, pero hanggang doon lang. At iyan lamang ang nangyari.
“Magkaibigang magkababata.”
“Tama. Pero matagal kaming nagkahiwalay. Nang ipadala nila ako sa Tokyo para maging geisha, siya lang ang naghatid sa akin. Isinulat ko iyon sa pinakaunang pahina ng aking pinakalumang diary.”
“Kung nagkasama kayong dalawa, kasal na siguro kayo ngayon.”
“Ewan.”
“Pakakasal ka kanya.”
“hindi mo siya dapat alalahanin. Hindi magtatagal ay mamamatay na siya.”
“Pero tama bang lumalabas ka ng bahay kung gabi?”
“Hindi mo dapat itanong iyan. Paano ako mapipigil ng isang malapit nang mamatay para gawin ang gusto ko?”
Walang maisip si Shimamura.
Bakit kaya ni isang salita’y hindi nababanggit ni Komako ang batang si Yoko?
At si Yoko, na nag-alaga sa may-sakit na lalaki sa tren, maaaring katulad ng pag-aalaga rito ng ina nito noong siya’y musmos pa – ano ang mararamdaman nito pagpunta sa otel, dala ang pamalit na kung ano – ng lalaking kasabay na umuwi ni Yoko?
Natagpuan ni Shimamura ang sarili na ginugunita ang mga dati niyang malayong pantasya.
“Komako, Komako.” Mababa ngunit malinaw ang magandang boses ni Yoko.
“Maraming salamat.” Lumabas si Komako papunta sa silid-bihisan. “Ikaw pa mismo ang nagdala. Nabigatan ka siguro.”
Dagling umalis si Yoko.
Nalagot ang pang-itaas na kuwerdas ng samisen nang tentatibo itong kalabitin ni Komako. Habang pinapalitan nito ang kuwerdas at itinotono ang instrumento, nakita ni Shimamura na may tiyak at tiwala itong salat. Dinampot nito ang makapal na balutan at binuksan iyon sa ibabaw ng kotatsu. Sa loob ay may ordinaryong libro ng mga awit at mga dalawampung piyesa ng musika. Nagtatakang sumulyap si Shimamura sa huli.
“Nagpapraktis ka mula rito?”
“Kailangan. Walang iba rito na makapagtuturo sa akin.”
“Iyong babaeng kasama mo sa bahay?”
“Paralisado siya.”
“Kung nakapagsasalita siya, maaari pa siyang makatulong sa iyo.”
“Pero hindi siya makapagsalita. Nagagamit pa niya ang kaliwang kamay para ituro ang mga mali sa sayaw, pero naiinis lang siya sa pakikinig sa samisen nang hindi maituro ang tama.”
“Naiintindihan mo talaga ang musika sa pagbasa ng piyesa?”
“Naiintindihan ko talaga.”
“Matutuwa ang ginoong naglathala niyan kapag natuklasan niyang may isang tunay na geisha – hindi ordinaryong baguhan lamang – na nagpapraktis sa kanyang kopya sa malayong bundok na ito.”
“Sa Tokyo, inaasahan nilang sasayaw ako, at binigyan nila ako ng mga leksiyon sa sayaw. Pero halos wala akong natutuhan sa pagtugtog ng samisen. Kung makakalimutan ko pa ito, wala nang makapagtuturo sa akin. Kaya gumagamit ako ng piyesa.”
“At ang pagkanta?”
“Ayokong kumanta. Natuto ako ng ilang kanta mula sa aking pagsayaw, at nakakaya ko naman, pero ang mga bago’y kailangang matutuhan ko sa radyo. Hindi ko alam kung gaano ako katama. Sa aking sariling estili – tatawa ka lang, alam ko. Bumubigay ang boses ko kapag kumakanta ako sa isang taong kilala ko. Lagi itong malakas at matapang sa mga estranghero.” Sandali itong nagmukhang tila mahiyain, pagkaraa’y pumanatag uli at sumulyap kay Shimamura na parang isineseyas na kumanta na ito.
Napahiya si Shimamura. Sa kasamaang-palad ay hindi siya mang-aawit.
Sa pangkalahata’y pamilyar siya sa musikang Nagauta ng teatro at sayaw sa Tokyo, at alam niya ang titik ng karamihan sa mga awit. Pero wala siyang pormal n pagsasanay. Katunayan, iniuugnay niya ang musikang Nagauta hindi sa pribadong pagtatanghal ng isang geisha kundi sa aktor na nasa entablado.
“Pinahihirapan ako ng kostumer na ito.” Kasabay ng mabilis na pagkagat sa pang-ibabang labi, ikinalang ni Komako ang samisen sa tuhod, at, nang tila naging ibang tao siya, taimtim niyang binalingan ang mga titik na nasa harap.
“Pinapraktis ko na ang isang ito mula pa noong nakaraang taglagas.”
Humagod ang lamig kay Shimamura. Tila tumaas ang kanyang balahibo hanggang pisngi. Binuksan ang mga unang nota ang isang nananagos na kahungkagan sa kanyang kaibuturan, at sa kahungkagang ito’y tumaginting ang tunog ng samisen. Nagitla siya – o manapa’y napaurong siya na parang nasapol ng isang tamang-tamang suntok. Nabalot ng damdaming halos pagsamba, sinasabayan ng mga alon ng pagsumbat sa sarili, walang pananggol, parang pinagkaitan ng lakas – wala siyang nagawa kundi patangay sa agos, sa sarap ng pagpapatianod saan man siya gustong dalhin ni Komako.
Geishang bundok ito, nasabi ni Shimamura sa sarili, wala pang beinte anyos, at hindi maaaring gayon siya kagaling. At kahit na nasa isang maliit na kuwarto, hindi kaya nito hinahablot ang instrumento na parang nasa entablado? Siya mismo’y natatangay ng sarili niyang emosyonalismong bundok. Sinadya ni Komako na basahin ang mga kataga sa iisang tono, minsa’y bumabagal at minsa’y nilalampasan ang isang napakahirap na pasada; ngunit unti-unti, tila ito nilukuban ng isang engkanto. Habang tumataas ang boses nito, nagsimulang makaramdam si Shimamura ng bahagyang pagkatakot. Hanggang saan siya tatangayin ng makapangyarihan at tiyak na himig nito? Bumiling siya at iniunan ang ulo sa isang braso, na parang bagot sa naririnig.
Para siyang nakawala nang matapos ang awit. A, umibig sa akin ang babaeng ito… ngunit nayamot siya sa sarili sa ganitong isipin.
Tiningala ni Komako ang maliwanag na langit sa ibabaw ng yelo. “Iba ang tono sa araw na ito.” Ang tono’y naging kasingyaman at kasintaginting, tulad ng ipinahiwatig ng tinuran nito. Iba ang paligid. Walang mga dingding ng teatro, walang manonood, walang alikabok ng lunsod. Kristal na lumulutang ang mga nota sa malinis na umaga ng taglamig, upang umabot ang tunog sa malayo at nagyeyelong taluktok ng bundok.
Habang nagpapraktis na mag-isa, hindi marahil namamalayan sa sarili kung ano ang nangyayari, at ang tanging kapiling ay ang malawak na lambak na ito sa bundok, tila naging bahagi ito ng kalikasan upang magkaroon ng ganitong espesyal na kapangyarihan. Ang kalungkutan niya’y naghahatid ng dalamhati at pinapanday ang isang ligaw na lakas ng determinasyon. Walang dudang ang pagtugtog niya’y tagumpay ng determinasyon, at ipalagay mang nagkaroon siya ng kaunting pagsasasanay, natutuhan niya ang mga komplikadong awit mula sa mga kopya, at ngayo’y inaawit ang mga ito mula sa alaala.
Kay Shimamura, isang nasayang na pagsisikap ang ganitong paraan ng buhay. Naramdaman din niya rito ang isang pangungulilang nanawagan sa kanya at humihingi ng simpatiya. Ngunit ang buhay at takbo ng buhay ay walang dudang dumadaloy nang ganito kadakila mula sa samisen, nang may panibagong halaga kay Komako mismo.
Si Shimamura, na hindi sanay sa pasikut-sikot na teknik ng samisen, at emosyon lamang sa tono ang naiintindihan, ang siya marahil ideyal na tagapakinig ni Komako.
Nang simulan ni Komako ang pangatlong awit – sensuwal na kalambutan ng musika marahil ang sanhi – nawala ang panlalamig at pagtaas ng balahibo, at si Shimamura, na panatag at matamang nakikinig, ay tumitig sa mukha ni Komako. Isang matinding pagkakalapit na pisikal ang lumukob sa kanya.
Ang mataas at manipis na ilong ay karaniwan nang bahagyang malungkot, bahagyang namamanglaw, ngunit ngayon, kasabay ng malusog at matingkad na pamumula ng pisngi, para nitong ibinubulong: Narito rin ako. Parang ipinakakahulugan ng makikinis na labi ang isang nagsasayaw na liwanag kahit na ang mga ito’y parang talulot na nakatikom; at kung sa isang saglit ay nababanat ang mga ito, gaya ng hinihingi ng pagkanta, mabilis itong tumitikom uli sa isang nakahahalinang maliit na talulot. Ang bighani ng labi ay katulad na katulad ng bighani ng kanyang katawan mismo. Dahil sa mga mata niyang mamasa-masa at kumikislap, nagmukha siyang isang batang-batang babae. Wala siyang polbo, at sa ningning ng isang geishang lunsod ay sumapi ang kulay ng bundok. Ang kanyang balat, na nagpapahiwatig ng kasariwaan ng isang bagong talop na sibuyas o ng puno ng lila marahil, ay bahagyang namumula hanggang lalamunan. Higit sa lahat, ito’y malinis.
Matigas at tuwid na nakaupo, tila mas mahinhin siya at mukhang dalag kaysa dati.
Ngayon, habang nakatingin sa isang bagong piyesa, kinanta niya ang isang awit na hindi pa niya naisasaulo. Nang matapos ito ay tahimik niyang isinuksok ang pangkalabit sa ilalim ng mga kuwerdas at binayaan mapahinga ang sarili sa mas maginhawang posisyon.
Ang pagbago niya ng upo’y mabilis na naghatid ng anyong nakakatukso at nanghihikayat.
Walang maisip sabihin si Shimamura. Hindi pansin ni Komako kung ano ang palagay niya sa pagtugtog. Parang wala siyang pakialam na nasisiyahan sa kanyang sarili.
“Mahuhulaan mo ba lagi kung sino ang geisha sa tono ng kanyang samisen?”
“Madali. Wala pa kaming dalawampu rito. Depende iyan sa estilo. Ang pagiging indibiduwal ay higit na lumalabas sa ilang estilo kaysa iba.”
Muli nitong dinampot ang samisen at inilipat ang bigat ng katawan kaya ang mga paa ay nakahilig sa isang panig at ang instrumento ay nakapatong sa kalamnan ng binti.
“Ganito ang paghawak kung maliit ka.” Yumuko ito sa samisen na parang napakalaki nito para sa kanya. “I-ti-im na buhok . . .” Nagboboses-bata si Komako at parang nag-aaral na kinalabit ang mga nota.
“Itim na buhok ba ang una mong natutuhan?”
“O-o.” Parang batang ipinilig nito ang ulo, walang alinlangang tulad ng ginawa nito noong araw na napakaliit pa niya para mahawakan nang husto ang samisen.
HINDI na tinatangkang umuwi ni Komako bago mag-umaga kapag nagpapaiwan ito sa gabi.
“Komako,” mula sa bulwagan sa dulo ay tatawag ang dalawang-taong gulang na anak na babae ng tagapangasiwa ng otel, ang boses ay tumataas sa punto ng salitang bundok. Silang dalawa’y masayang maglalaro sa kotatsu hanggang sa bago tumanghali, at pagkaraa’y sabay silang mananaog para maligo.
Pagkagaling sa paliligo, sinuklay ni Komako ang buhok. “Tuwing makakikita ng geisha ang bata, tumatawag ito, “Komako” sa nakakatawa niyang punto, at kapag nakakita siya ng retrato ng iba na lumang estilo ang buhok, si “Komako” rin iyon. Alam ng mga bata kung mahal mo sila. “Halika, Kimi. Maglaro tayo kina Komako.” Tumayo si Komako upang umalis, pagkaraa’y tinatamad na naupo sa beranda. “Mga sabik na taga-Tokyo, nag-I-ski na.”
Ang kuwarto’y nakatunghay sa mismong dausdusan ng ski sa paanan.
Mula sa kotatsu, sumulyap si Shimamura. Patse-patse na ang yelo sa bundok, at lima o anim na taong nakaitim na damit pang-ski ang nagpaikut-ikot sa may pilapil ng bakod. Parang sira ang mga ulo. Banayad ang dalisdis, at ang mga pilapil ay hindi pa natatakpan ng yelo.
“Mga estudyante yata. Linggo ba ngayon? Ano’ng mapapala nila?”
“Magagaling din naman sila,” ani ni Komako, na parang sarili ang kinakausap. “Laging nagugulat ang mga panauhin dito kapag binabati sila ng isang geisha sa iskihan. Hindi siya nakikilala dahil sunog siya sa tindi ng lamig. Sa gabi, tinatakpan ito ng polbo.”
“Nagsusuot ka rin pang-ski?”
Nagsusuot daw siya ng “pantalong bundok” sabi nito. “Pero malaking abala ang panahon ngayon ng ski. Malapit na naman. Makikita mo sila sa gabi sa otel, at sasabihin nila, magkikita tayo uli kinabukasa habang nag-i-ski. Dapat sigurong itigil ko na ang pag-i-ski sa taong ito. Sige, aalis na ako. Halika na, Kimi. Uulan ng yelo ngayong gabi. Malamig lagi ang gabi bago umulan ng yelo.”
Lumabas si Shimamura sa beranda. Inaakay ni Komako si Kimi sa matarik na daan sa ibaba ng dausdusan ng ski.
Nagsisimula nang mag-ulap ang langit. Nagtutumayog ang mga bahagi ng bundok na naaarawan sa kabila ng mga bahaging naliliman. Bawat sandali’y nagbabago ang laro ng liwanag at anino, iginuguhit ang isang napakalamig na tanawin. Mayamaya, maging ang laruan ng ski ay madidiliman na rin. Sa ibaba nakikita ni Shimamura ang tila mga karayom na yelo, parang puting buhangin sa mga lantang chyrsanthemum, kahit tumutulo pa ang yelo mula sa atip.
Hindi umulan ng yelo nang gabing iyon. Bumagyo ng buu-buong yelo na naging ulan.
Muling ipinatawag ni Shimamura si Komako nang gabing iyon bago siya umalis. Aliwalas ang gabi at maliwanag ang buwan. Pagdating ng alasonse, nanigid ang lamig ngunit nagpumilit si Komako na sila’y maglakad-lakad. Hinatak siya nito mula sa kotatsu.
Nagyeyelo ang kalsada. Tahimik na nakahimlay ang nayon sa illaim ng malamig na langit. Itinaas ni Komako ang laylayan ng kimono at ipinaloob ito sa kanyang obi. Kumikislap ang buwan na parang patalim na asul na yelo.
“Pupunta tayo sa istasyon,” sabi ni Komako.
“Gaga. Mahigit isang milya iyon. Pa’no pa ang pagbalik?”
“Malapit ka nang bumalik sa Tokyo. Tingnan lang natin ang istasyon.”
Namamanhid si Shimamura mula sa balikat hanggang pigi.
Pagbalik sa kuwarto, malungkot na napalupasay si Komako. Yuko ang ulo at ang mga kamay ay malalim na nakapasok sa kotatsu. Kakatwa, tumangi itong sumama sa kanya sa paliguan.
Nakahanda na ang higaan, na ang paa ng kutson ay nakapaloob sa kotatsu. Malungkot na nakaupo sa gilid si Komako nang bumalik si Shimamura mula sa paliligo. Walang sinabi si Komako.
“Ano’ng nangyari sa iyo?”
“Uuwi na ako.”
“Huwag kang gaga.”
“Mahiga ka na. Bayaan mong umupo muna ako rito sandali.”
“Bakit gusto mong umuwi?”
“Hindi ako uuwi. Mauupo lang ako rito hanggang umaga.”
“Hindi kita maintindihan.”
“Hindi ako mahirap intindihin.”
“E, bakit . . .?”
“Masama . . . ang pakiramdam ko.”

Andito ang Buod:

Gabay HangARoo


Mga Talumpati na Pang Edukasyon

$
0
0
Mga Talumpati na Pang Edukasyon

Mayroon lamang akong itatanong sa inyo
Kung maari lamang ay pansinin niyo ito.
Kung kayo’y hihingan ng talumpati tungkol sa edukasyon
Paano niyo ba sasabihin ito.

Ano nga ba ang kahalagahan ng Edukasyon?
Ito nga ba ang siyang tanging yaman ng bawat tao?
Maging sa eskwelahan man na Pribado o pam-Publiko.
Ang Edukasyon na tanging yaman ba ay ang pagtatapos ng Kolehiyo?

Bakit sobrang mahal na ngayon magpa-aral?
Ang pagtatapos sa kolehiyo ba ay responsibilidad ng mga magulang?
Basta makakuha ng titulo ang pinakamamahal nilang mga anak
Ayos lang ba na ang ibang magulang ay malubog sa pagkakautang?

Paano kung di kaya ng magulang niyo na pag-aralin kayo?
Ipipilit niyo pa rin ba ito?
O hahayaan mo na lamang na di ka makapagtapos?
Dahil marami ding nakatapos na hindi makakuha ng trabaho.

Marami din naman ang nakakatapos na may trabaho.
Ang iba pa nga ay nakakapunta pa sa iba’t ibang panig ng mundo.
Para makatulong magbayad sa mga utang ng magulang.
At makaipon ng pera sa kanilang magigigng anak.

Sa inyong mga talumpati na pang edukasyon
Sana’y masagutan niyo ang mga katanungan kong ito.
Walang tama o mali sa mga tugon ninyo
Ang bawat isa ay may kanya kanyang opinyon.

Ibong Adarna Script

$
0
0
Ibong Adarna Script for Play
by jhulie_nyx 


Tauhan: Fernando, Valeriana, Pedro, Diego, Juan, Matanda, Manggagamot, Ermitanyo, Ibong Adarna, Juana, Higante, Leonora, Serpyente, Agila, Maria, Salermo, Negrito, Negrita,

Scene 01:

Reyna: Ano ang sinapit ng aking mahal na hari?

Mangagamot: Ikinalulungkot ko pong sabihin sa inyo mahal na reyna ngunit nasa kritikal na kondisyon na ang sakit ng hari.

Reyna: Bakit? Ano ang naging sanhi ng kanyang hindi maipaliwanag na sakit?

Mangagamot: Ang sakit ng hari ay dulot ng isang masamang panaginip kaya napuno siya kalungkutan at pag-aalala.

Reyna: Ano ang dapat naming gawin upang malunasan ang ganitong sakit?

Mangagamot: Isa lamang ang maaaring lunas at iyon ang awit ng isang mahiwagang ibon, ang Ibong Adarna. Ang Adarna ay makikita sa punong Piedras Platas sa kabundukan ng Tabor.

Don Pedro: Amang Hari at Inang Reyna, bilang panganay sa tatlong magkakapatid, nagkukusa ko pong hinihingi ang inyong bendisyon upang ako'y payagang maglakbay, hanapin at dalhin sa Ibong Adarna sa inyong tabi.

Scene 02:

Reyna: Mahigit ilang buwan na ang nakalipas ngunit wala pa ring balita sa aking panganay na si Pedro. Ako at ang inyong amang hari ay lubusang nag-aalala sa kung anumang pwede niyang sinapit.

Diego: Inang Reyna, huwag kang mag-alala. Bilang pangalawang panganay ay susundan ko't hahanapin ang aking kapatid na si Pedro, gayundin ang Ibong Adarnang kailangan ninyo.

Scene 03:

Juan: Amang Hari at Inang Reyna, tatlong taon na ang nakalipas ngunit hindi pa rin nakakabalik ang aking mga kapatid. Kung inyo pong mararapatin, ako po'y pahintulutan ninyong sumunod at hanapin ang Ibong Adarna na siyang maglulunas sa sakit ng amang hari.

Hari: O, aking bunsong anak, kung ikaw ay mawawala sa aking tabi at paningin at tiyak kong ikakamatay.

Juan: Ngunit, amang hari, kahit po ako'y pigilan, kahit anong mangyayi ako'y aalis pa rin upang hanapin ang Ibong Adarna kahit pa palihim.

Hari: Wala na talaga akong magagawa kung ang desisyon mo ay buo na.

Juan: Bendisyon mo, aking ama, babaunin kong sandata.

Scene 04:

Matanda: Maawa po kayo sa akin, Ginoo. Kung may pagkain kayo riyan ay pwede ko bang mahingi? Kahit kaunti lamang ay sapat na. Ilang araw na akong hindi nakakain. Pangako ko sa iyo na papalitan ko ng kahit ano ang iyong maibibigay.

Juan: Ako nga po ay mayroong natitirang isang tinapay na baon sa aking paglalakbay. Ito po at tanggapin ninyo at ako'y busog pa naman.

Matanda: Salamat. Salamat. Maraming salamat, Ginoo. Sana'y ikaw ay ipagpala. Kung hindi man ninyo mamasamain ay maaari ko bang tanungin kung ano ang inyong pakay sa inyong paglalakbay at baka kayo ay aking matulungan.

Juan: Ako po ay naglalakbay papunta sa kinaroroonan ng Ibong Adarna. Ang sabi ng manggagamot ng aming kahariang Berbanya, tanging ang awitin ng ibong Adarna ang makakalunas sa sakit na taglay ng aking amang hari.

Matanda: Mahabaging Diyos! Kung gayon ay malaki pang kahirapan ang iyong pagdaraanan. Kaya, ngayon ang bilin ko ay itanim sa inyong puso. Tandaan mo, mag-ingat ka upang ika'y hindi maging bato. Sa pook na natatanaw mo ay maroon kang punong madadatnan na tiyak na kawili-wiling tingnan ngunit huwag ka doong tumigil. Sa ibaba noon ay bahay ng isang ermitanyo na mayaman sa kaalaman tungkol sa Adarna. Itong limos mong tinapay ay dalhin mo na dahil mas kakailanganin mo iyan sa iyong malayong paroroonan kaysa sa akin.

Juan: Hindi ko po matatanggap ang tinapay. Naibigay ko na po iyan at ang bawiin pa ay hindi ko magagawa.

Matanda: Salamat, Ginoo.

Scene 05:

Ermitanyo: Ano ba't mayroong naligaw sa aking lugar? Ano ang sadya mo, Ginoo?

Juan: Ang pangalan ko po ay Juan, dumanas ng pagod, puyat, gutom, uhaw at hirap sa aking paglalakbay upang makamit ang matamis na awitin ng Adarna na siyang lunas sa sakit ng aking ama. Ikinababahala ng aking kalooban nab aka ikamatay ng aking ama ang sakit nito kapag hindi agarang malunasan. Kaya ngayon po ay humihingi sa inyo ng pangaral tungkol sa ibong aking sadya.

Ermitanyo: Kung gayon, Ginoong Juan, ika'y makinig sa aking sasabihin. Ang Ibong Adarna ay may kahiwagaang taglay kaya't hindi pa ito nadadakip ninuman. Naninirahan ito sa isang punong-kahoy na makinang na kung tawagin ay Piedras Platas. Tuwing hatinggabi dumadating at namamahinga ang Adarna mula sa kanyang paglipad sa iba't ibang lugar. Bago ito tuluyang maidlip at pitong awit na maganda ang kanyang aawitin. Kapag narinig mo itong awitin ay tiyak na ikaw ay aantukin. Upang malabanan ang antok, heto at dalhin mo ang labaha't pitong dayap. Sa bawat awit nito, ang iyong palad ay hiwaan at agad mong pigaan ng dayap. Pagkatapos ng pitong awitin, ang Adarna ay magbabawas kaya ito ay iyong ilagan upang ika'y hind imaging bato tulad ng ibang mga sumubok bihagin ang ibong Adarna. Kaya ngayon, ikaw ay pumanhik na't lumalalim na ang gabi.

Juan: Salamat sa inyong bigay na labaha't pitong dayap gayundin sa inyong babala. Tiyak na sa pagbabalik, Ibong Adarna ay akin nang nahuli.

Scene 06

(no script; just actions and expressions; singing of Ibong Adarna) Page 33-34

Scene 07:

Juan: Nabihag ko nga ang Ibong Adarna! Pero papano ang aking mga kapatid?

Ermitanyo: Heto ang banga. Punuin mo ito ng tubig at ibuhos sa dalawang bato upang bumalik bilang tao ang mga ito.

Scene 08:

Diego: Salamat, bunsong kapatid na Juan! Sa iyo ay utang ko ang aking buhay!

Pedro: Nasaan na ang Adarna, Juan? Nagtagumapay ka ba sa paghuli sa kanya kaya't hindi kami ngayon bato? Tayo na't humayo papuntang Berbanya upang mabigyan lunas ang amang hari.

Ermitanyo: Ginoong Juan, kunin mo itong hawla at ang adarna at kayo'y magmadali at baka kung napano na inyong amang hari.

Juan: Salamat sa inyong naging tulong. Kung inyong mararapatin ay bendisyon ninyo ay hihingin sa aking pag-alis.

Ermitanyo: Ngunit ako'y hamak na ermitanyo lamang.

Juan: Utang namin sa inyo ang aming buhay.

Ermitanyo: Kung iyan ang iyong kagustuhan. Ikaw ay aking benibendisyunan na maging mapayapa at malayo sa panganib ang inyong paglalakbay pabalik sa Berbanya.

Scene 09

Pedro: Aking kapatid na Don Diego, kailangan nating makuha ang Adarna mula kay Juan.

Diego: Ngunit utang natin sa kanya ang ating buhay. Kung hindi dahil kay Juan ay baka naging bato na tayo habambuhay.

Pedro: Gugustuhin mo bang mapahiya sa harap ng amang hari kapag nalaman niyang si Juan ang nag-iisang nakahuli ng ibong Adarna at tayong nakakatanda ay nabigo? Mag-isip ka Diego, kahihiyan ito na kakalat sa buong kaharian.

Diego: Ayokong mapahiya.

Pedro: Kaya ngayon dapat nating patayin si Don Juan upang hindi na siya makatuntong pa sa Berbanya!

Diego: O, Mahabaging Diyos! Hindi ko magagawang patayin ang sarili kong kapatid. Dugo at laman, tayo'y magkaparehas. Tayo ay magkakapatid.

Pedro: Kung ayaw mo ay ako ang gagawa. Huwag mo akong pipigilan at baka pati ikaw ay isama ko sa kanya. At pagdating sa Berbanya, ika'y manahimik sa nakita!

(*insert fight scene here)

Scene 10:

Pedro: Kami'y nakabalik na at dala namin ang Ibong Adarna.

Reyna: Maligayang pagbabalik!

Hari: Nasaan ang aking bunsong si Juan? Nasaan si Juan?!

Reyna: Aking mahal, ika'y huminahon. Makakasama sa iyo ang sobrang pag-aalala. Ito nga ba ang Ibong Adarna iyong sinadya? Kung ito nga ay aba! Kay pangit pala. Sabi ng manggagamot, ito ay mayroong pitong balahibong likha ng engkanto.

Pedro: Inang Reyna, ito nga po ang Ibong Adarna.

Hari: Bakit parang nagdurusa ang Ibong Adarna? Kung tutuusin ay mukha pa itong maysakit kaysa sa akin. Kung ang ibong ito ay ganyan din lamang ay tiyak at lalo kong kamatayan.

Scene 11:

Don Juan: Inang birhen, ako po'y nananalangin. Ngayon pong ramdam ko na ang malapit kong kamatayan, ang hangad ko lamang ay ang kaginhawaan ng pakiramdam ng aking ama. Sana'y siya ay mabuhay pa ng mahaba at maligaya. Siguro po ay naging mabuti naman ako, hindi man sa pagsusumbat ngunit ang kabutihan ng kalagayan ng aking mga magulang ay ang aking tanging hiling. At sana po'y patawarin ng Diyos ang aking mga kapatid na siyang nagtaksil. Ah, kay ganda ng langit. Bituin ay maririkit. O, Inang mapagmahal, kung ako ngayo'y iyong makikita, tangis at paghihinagpis ang tiyak mong madarama dahil ang aking katawan at bugbog na at puno ng sugat at pasa. May pag-asa pa kaya akong ika'y makita? Sino ang mag-aakala na ganito ang kahihinatnan ng iyong bunsong anak na anak mo rin ang may gawa? Aking amang magiliw sa anak, kumusta na ang iyong kalagayan? Dalangin ko kay Bathala na ika'y gumaling na at sana'y madatnan kitang masayang-masaya na. Nariyan na ang Ibong Adarna. Kahit hindi man ako ang may dala ay sana ika'y nasa ayos na.

Matanda: O, Mahabaging Diyos! Ano ang nangyari sa inyo, Ginoo? Ang inyong kalagayan ay mukhang kalunos-lunos. Halika't ika'y aking gagamutin. O, Prinsipe. Konting tiis na lamang at ginhawa ay iyong mararamdaman.

Juan: Isang himala! Ang pakiramdam ko ay ayos na. Maraming salamat po. Sinagip niyo ang aking buhay na nasa pangil na ng kamatayan! Ano po ang maaari kong gawin upang mabayaran ang kabutihang inyong nagawa.

Matanda: Ang layon ng kawanggawa ay hindi nangangailangan ng kabayaran. Ika'y aking tinulungan sapagkat tiyak ako'y iginayak dito ng Diyos upang ika'y matagpuan. Hala, humayo ka na at ang Berbanya sa'yo ay naghihintay na.

Juan: Salamat. Kayo po sana ay ipagpala.

Scene 12:

Juan: Amang Hari at Inang Reyna! Ako'y nagbabalik na.

Hari: O, aking bunso. Ako'y lubos na nag-alala sa iyong kalagayan.

Reyna: Aking Mahal na Hari, tingnan mo ang Ibong Adarna at nag-iba na ng anyo.

Ibong Adarna: (song at Page 45-46 and page 48 of the book; at ang pitong pagpapalit balahibo)

Scene 13:

Hari: Ang pakiramdam ko ay magaan na. Isa nga talagang himala.

Reyna: Ito ay isang magandang balita, aking mahal.

(Ibong Adarna ay lumapit kay Don Juan at yinakap ito na para bang mag-ama)

Hari: Pedro, Diego! Totoo ba ang sinasabi ng Ibong Adarna?! Sumagot kayo!

Diego: Opo, mahal na hari.

Hari: Ipatapon ang dalawang ito at bawian ng lahat ng karapatan. Hindi mapapantayan ng kapatawaran ang ginawa ninyong pagtataksil sa inyong kapatid, sarili niyong dugo't laman! Dapat kayo'y hindi na pamarisan! Umalis na kayo at ayaw ko na kayong makita pa.
Juan: O, aking amang ginigiliw, ang kanilang ginawa ay tapos na at ngayon ako'y buhay pa. Wala rin ngang pagbabago sa samahan naming tatlo. Normal lamang na pag-aaway iyong ng magakakapatid. Sila ay aking minamahal karugtong ng aking buhay. Sila rin po ay mga anak ninyo, sana po'y sila'y kaawaan.

Hari: Tama ka, aking bunso. Sila nga ay aking mga anak kaya't kakalimutan ko ang hatol na ito, kapalit ng pangakong hindi na uulitin pa ang kanilang ginawa. Ngunit, magkasala silang muli ay hindi ko na papatawarin at kamatayan ang magiging kapalit. Nagkakaintindihan ba tayo?!

Pedro at Diego: Opo, amang hari.

Scene 14:

Pedro: Hindi ko ito matatanggap! Maghihiganti ako sa kahiyaang ibinigay ni Juan sa atin! Ngayong aliw na aliw ang amang hari sa Adarna, ito ang mabisang gamitin upang hatulan si Juan.

Diego: Don Pedro, ngunit hindi ka ba natatakot sa maaaring mangyari kapag nalaman ito ng amang hari?

Pedro: Bakit ako matatakot? Ang isang magiting na Don ay hindi dapat matakot kaya ikaw ay sumunod na lamang sa aking iuutos. Gisingin mo si Juan at siya ang ipagbantay mo sa Ibong Adarna. Pagdating dito ay iwan mo siyang mag-isa ay huwag mo siyang halinhinan. Kapag ito'y nakatulog na, ang Adarna ay ating pakakawalan.

Scene 15

Diego: Juan! Ikaw na ang magbabantay sa Adarna. Hintayin mo na lamang si Pedro na halinhinan ka pagkatapos.

Scene 16

Juan: (inaantok sa pagbabantay at tuluyan na itong nakatulog)

(Habang sina Pedro at Diego ay pinakawalan na ang Adarna!)

Scene 17

Juan: Nasaan na ang Ibong Adarna? Hindi kaya ako'y nilinlang ulit ng aking mga kapatid? Hindi ba sila natatakot sa maaaring gawin ng amang hari kapag nalaman ang kasamaang nagawa nila sa akin? Ngunit ako ay may pagkukulang rin, kaya ngayon, ang dapat kong gawin ay magtago na lamang upang mapagtakpan ang nagawang kasalanan ng aking mga kapatid.

Scene 18

Hari: Pedro, Diego, Juan! Nasaan ang Adarna?! Bakit wala ito sa kanyang hawla?!

Diego: Ama, ewan, ang bantay po kagabi ay si Don Juan.

Hari: Nasaan si Juan? Hanapin niyo si Juan ngayundin!

Pedro: Ama, bakit kailangan pa naming hanapin ang taong taksil at sumuway ng iyong utos na bantayan ang Adarna?

Hari: Tumahimik ka, Pedro! Ang utos ko ay hanapin niyo si Juan at ibalik sa Berbanya! Umalis na kayo sa aking harapan!

Scene 19

Pedro: Huwag kang ganyan, Diego. Ang iyong takot at hiya ay dapat ilihim kay Juan. Lakasan mo ang iyong loob. May naisip ako upang tayong mga kapatid niya ay makabawi man lang sa kanya.

Diego: Ano iyon?

Pedro: Huwag na tayong bumalik sa Berbanya. Tayo'y sumama na kay Juan at makipagsapalaran sa ibang kaharian.

Diego: Iyan nga ay isang magandang ideya.

Pedro: O, siya at lapitan na natin si Juan.

Pedro: Juan! (niyakap ang kapatid) (group hug with Diego) Kami ay nagkasundong lisanin ang Berbanya at maglakbay sa malayo. Ibig sana naming imbitahan kang sumama sa aming paglalakbay?

Juan: (still hesitating) O, sige. Ako'y pumapayag.

Scene 20

Diego: Tingnan niyo isang balong marmol ay may mga gintong nakaukit!

(nilapitan nilang tatlo ang balon)

Juan: Ang balong ito ay mahiwaga. Subukan nating bumaba at tuklasin ang nasa loob nito. Ngayon din ako ay inyon talian at ihugos nang dahan-dahan. H'wag ninyo itong bibitiwan hangga't hindi ko sinasabi.

Diego: Ako'y mas matanda sa iyo kaya ako muna ang mauunang bumaba. Tiyak na ang natatagong lihim ng balon ay malalaman.

Pedro: Aba! Wala ka ring karapatan sapagkat ako ang panganay kaya ako ang may karapatang unang sumubok.

Juan: Kung gayon, ikaw na ang mauna.

(tinalian si Pedro at pumasok na ito sa balon)

Diego: Narating mo ba ang hangganan? Ano ang iyong nakikita?

Pedro: Maghintay muna kayo! Ako'y kinukulang pa ng hininga. Hindi ko natagalan ang loob ng balon. Sindak at takot ang aking nadarama para akong sinasakal.

Diego: Takot? Sabi mo ang isang Don ay dapat walang kinakatakutan.

Pedro: Tumahimik ka Diego. Sige nga, ikaw nga ang sumubok at tingnan natin kung ika'w di matakot.

(tinalian si Diego at pumasok na ito sa balon)

Juan: O, anong balita? May natuklasan ka ba?

Diego: Ewan ko..Wala! Wala! Sa lalim na parang walang hangganan, ang takot ko ay umiral. Sa tingin ko kung ako ay nagtagal pa doon, tiyak ang aking kamatayan.

Juan: Kung iyan rin lamang ay ako na ang susubok. (tinalian ang sarili at pumasok sa sa balon)

Scene 21

Juan: O, hiwaga! Mala-engkanto nga ang balong ito. Mayroong palasyong kumikinang sa loob nito.

(Naglalakad-lakad siya at nakita nito si Donya Juana)

Juan: Magandang araw sa iyo, O marilag na prinsesa. Don Juan ang aking pangalan.

Juana: Magandang araw rin sa iyo, ginoo. Ako'y manghang-mangha at ikaw ay narito. Ang aking ngalan ay Donya Juana.

Juan: Sadyang ang tadhana ang nagdala sa akin dito upang ika'y makita. (lumuhod at hinalikan ang kamay ni Donya Juana, ngunit si Donya Juana ay hindi ngumingiti, ang mukha nito'y nababalot ng galit)

Juan: Kung walang pagmamahal na ika'y nadarama, kitilin mo na lamang ang aking buhay. Ano pa ang halaga nito kung ikaw ay hindi rin lang makakamtan? Tinahak ang balong kasindak-sindak upang ika'y masilayan lamang. Ngunit, ngayo'y ikaw ay nasilayan, sawi pa rin ang aking buhay.

Juana: (hinipo ang mukha ni Juan) Tanggapin mo ang aking puso. Kapag ito'y naglaho, patunay na ikaw ay nagtaksil sa pangako.

Juan: O, aking prinsesa. Ako'y kailanman hindi magtataksil. Panahon ang siyang magsasaysay.

Juana: Ngunit, ngayon. Saan kita itatago laban sa Higanteng malupit na nagbabantay sa akin? Kapag ika'y makita nito, tiyak na kamatayan ang ang iyong aabutin.

Juan: Aking mahal, ang matakot ay hindi bagay sa iyo. Hayaan mong labanan ko ang Higante upang makamtan mo ang iyong kalayaang inaasam.

Scene 22

Higante: Juana!! Amo'y ibang tao! May ibang taong naparito! Nasaan ang taong iyon?!

Juana: Hindi ko alam.

Higante: Kung sinuswerte ka nga naman, (tawa) hindi ko na kailangan pang mamundok upang makahanap ng makakain, gayong may kusang lumapit.

Juan: Higante! Tumahimik ka! Ako'y hindi mo makakain!

Higante: Kung ikaw man ay kilabot sa iyong kaharian. Dito ay hindi kaya ikaw ay magiging aking pagkain!

(insert fight scene here)

Juan: Aking mahal na prinsesa, ika'y malaya na.

Juana: (niyakap si Juan) Salamat, Juan! Salamat!

Juan: Kaya, halika na at umalis na tayo sa lugar na ito.

Juana: Sandali, Juan. Hindi ko maiiwan ang aking kapatid na si Leonora. Nandoon siya sa loob ng palasyo at bantay niya'y isang serpyente. Ang aking hiling ay sana siya ay iyong iligtas din.

Juan: Kung iyan ang iyong kagustuhan, prinsesa kong nililiyag.

Juana: Ngunit, ako'y natatakot. Baka ikaw ay masawi at ako'y maiiwang mag-isa.

Juan: Pangako. Magbabalik ako sa iyong tabi. (hug)

Scene 23

Leonora: Pangahas! Sino ka? At bakit ka naparito?

Juan: Humihingi ako ng kapatawaran sa aking kapangahasan. Ang ngalan ko'y Juan.

Leonora: Hindi mo ba alam na kamatayan lamang ang iyong makakamtan sa pagparito. Kaya bago pa dumating ang serpyente, ika'y umalis na!

Juan: Hindi gaanong masaklap mamatay kung ito'y sa iyong harap lamang.

Leonora: Nagbibiro ka ba? Hindi kita kailangang mamatay sa aking harapan. Umalis ka na at manghinayang sa makikitil mong buhay.

Juan: Ano ba ang iyong ikinagagalit? Kung ako man ay marahil na nagkasala, ito lang ay dahil sa pagsinta. Kaya't susundin ko kahit ano man inyong iuutos ngunit ang umalis sa iyong paningin ay hindi ko magagawa. Dahil kapag ako'y lumayo sa iyo ng titig, ang hininga ko ay tiyak na mapapatid. Sa gipit kong kalagayan, ikaw na Prinsesang mahal ang magbigay ng hatol. Ikaw ba'y sasama sa aking paalis sa lugar na ito o hahayaan ang aking kamatayan sa iyong harapan?

Leonora: (nilapitan si Juan) Hindi rin ako nakatiis. Don Juan, hindi ko nais na ika'y habagin, kung sa iyo man ay nagalit, pagsubok lamang iyon ng pag-ibig.

Juan: Naiintindihan ko, aking prinsesa.

(nagtitigan sila with LOVE! Then hug!)

(biglang dumating ang serpyente with 7 heads)

Serpyente: Leonora, bakit ikaw ay may taong ikinaila sa akin?! Ikaw, tao! Ang buhay mo ay aking kikitilin!

Juan: (binunot ang espada) Hindi, ang buhay mo serpyente ay aking kikitilin!

Serpyente: Magsisisi ka sa iyong pagparito.

(insert fight scene here)

Leonora: Don Juan, narito ang mabagsik na balsamo. Sa bawat ulong mapuputol, ibuhos mo ito upang ito'y hindi na muling mabuhay pa.

(insert fight scene here. One head left)

Serpyente: Di ko kayo huhumpayan hanggang hindi mamamatay ang ulo ko, iisa man ako'y magtatagumpay!

(insert fight scene here)

Juan: Aking prinsesa, tapos na ang iyong pagdurusa. Halika at tayo'y umalis na.

Scene 24

(lumabas na sina Juan, Juana at Leonora sa balon)

Juan: Aking mga kapatid na Pedro at Diego, sila ang magkapatid na sina Juana at Leonora, mga prinsesa ng kaharian sa loob ng balon.

Diego: Ito nga ay isang hiwaga.

Pedro: Ikinagagalak namin kayong makilala, Donya Juana at Donya Leonora. (sabay halik sa kamay)

Leonora: Naku!

Juan: Bakit? Ano 'yun?

Leonora: O, Juan. Ang akin dyamanteng singsing na pamana pa ng aking ina ay naiwan sa palasyo.

Juan: Kung gayon ay dapat ko itong balikan. Maghintay kayo dito at kukunin ko ang naiwan.

Leonora: Salamat, giliw ko.

Juan: (tinalian ang sarili)

(Ngunit habang bumababa si Juan ay bigla na lamang pinutol ni Pedro ang lubid.)

Leonora: JUAN!!!! Lapastangan! Kapatid mo iyon! Bakit mo pinutol ang lubid? Ibig mo ba ang kanyang kamatayan?

Pedro: Oo! Kung ito rin lamang ang paraan upang ika'y mapasaakin rin lamang.

Juana: Kawalang-hiyaan! Hindi nababagay si Leonora sa iyo!

Pedro: Kayong dalawang prinsesa ay aming dadalhin sa Berbanya at doon ay ipapakilala bilang aming magiging asawa.

Leonora: Lubayan mo ako. Gusto kong mapag-isa.

Scene 25

(mayroong lumitaw na lobo)

Leonora: (kinakausap ang lobo) Puntahan mo si Don Juan. Kung siya man ay nasaktan, gamutin mo ang kanyang mga sugat. Sabihin mong hindi ko kagustuhang iwan siya dito sa balon. Kami ay pinilit lamang ng kanyang mga taksil na kapatid.

Scene 26

Pedro: Aming amang hari, kami'y nagbalik na.

Hari: Nasaan na si Juan? Nasaan na ang inyong kapatid?

Pedro: Ikinalulungkot namin pero hindi po namin matagpuan si Juan. Ilang bundok at burol ang aming nilakbay ngunit wala kaming Juang nasumpungan at sa aming kapaguran, ito ang aming natagpuan. Sila ay ang magkapatid na prinsesang sa kaharian sa loob ng isang balon nakatira. Ang ngalan nila ay Donya Juana at Donya Leonora. Napagdesisyunan naming iuwi ang mga prinsesa nang aming mapangasawa at mapabilang sa Berbanya.

Hari: O, sa Diyos, pasalamat kayong lubos. Sino sa kanila ang ibig mong pakasalan, aking anak na si Pedro?

Pedro: Kung ako po'y tatanungin, si Leonora ang sa akin at ang kay Diego ay kay Donya Juanang butihin.

Leonora: (lumuhod at napaiyak) Ako po'y di sumusuway ngunit may isa lamang akong kahilingin at ito ay iliban muna ang kasal. Mula po kasi noong ako'y maulila sa aking ama't ina, pitong taon kung panata ng mamuhay na mag-isa.Sana po'y mahintay ninyong matapos ko muna ang aking panata bago pakasalan ang prinsipe ng berbanya.

Hari: Kung iyan ang iyong kagustuhan, Donya Leonora. Ikaw naman, Donya Juana, sa anak kong pangalawa, ang kasal ninyo ay ihahanda na pati na ang gagawing pista.

Scene 27

(Wolf's actions: page 76)

Juan: Salamat. Maraming salamat, lobo.

Scene 28

(natutulog si Juan)

Ibong Adarna: (song on the book)

Juan: Tila ako ay nasa langit na.

Ibong Adarna: (song on the book page 80)

Scene 29

Juan: Tanda, ako po'y inyong kaawaan. Kung meron man po kayong dalang pagkain diyan, maaari niyo ba akong limusan?

Matanda: Heto, ginoo. Kahit ito'y durog durog lamang na tinapay, tiyak na ika'y mabubusog. Heto rin ang tubig at pulot-pukyutan upang ika'y masiyahan.

Juan: Salamat sa pagkain. Hindi man ako ngayon makaganti pero tiyak na sa tayo'y magkita muli, baka makatulong ako sa huli.Ngunit, pasensya na po sa kawalan ng paggalang, may isa pa po akong kahilingan. Nais ko pong malaman kung saan ang daan patungo sa de los Cristal. Ako po ay tatlong taon nang naglalakbay ngunit ito ay hindi ko pa rin matagpuan.

Matanda: Aba, ako'y wala ring alam tungkol riyan ngunit may alam akong taong makakatulong sa iyo na magtuturo kung nasaan ang de los Cristal. Mula rito, tandaan mong nasa ikapitong hanay na bundok ang hahanapin mong Ermitanyo. Heto, kapirasong baro ay iyong ipakita sa kanya kapag kayo'y nagksalubong. Kaya ngayon ay humayo ka na at malayo pa ang iyong lalakbayin.

Juan: Maraming salamat sa iyong tulong. Ikaw sana'y ipagpala.

Scene 30

(lumapit ang prinsipe sa ermitanyo)

Ermitanyo: Lumayo ka sa aking tabi. Sa katagalan ng aking pag-iisa, wala pang taong naparito kaya siguro ay ikaw ay engkanto.

Juan: Huwag po kayong mag-alala. Totoong tao po akong ipinadala ng matanda. Heto, ang barong ito ang katibayan.

Ermitanyo: Totoo nga! Ano ngayon ang iyong sadya?

Juan: Marangal na ermitanyo, tinutunton ko pong pilit ang Reyno delos Cristales.

Ermitanyo: Wala akong alam sa hanap mong kaharian. Maging ang sakop kong mga hayop ay di rin nakakaalam. Baka ang kapatid ko ay may alam. Sa ikapitong bundok na iyan, may matanda kang madaratnan. Itong baro ko ay iyong dalhin upang maging katibayan. Heto, ang Olikornyo at iyong sakyan. Ika'y ihahatid niyan patungo sa iyong dapat patunguhan.

Scene 31

Ermitanyo: Sino ka at ano ang iyong pakay? Matagal na akong walang nakikitang tao rito.

Juan: Ako po'y ipinadala g iyong kapatid upang masagot ang aking hiling na katanungan. Heto, ang kanyang kapirasong baro para katibayan na ako'y nagsasabi ng katotohanan.

Ermitanyo: Ito nga ay sa aking kapatid. Ngayon, ano ang iyong katanungan?

Juan: Sadya ko po ay malaman ang daan patungo sa Reyno delos Cristales.

Ermitanyo: Walong daang taong paninirahan ko rito ngunit wala akong nalalamang ganyang kaharian. Maghintay ka at magtatanong ako sa aking sakop na mga ibong nasa bundok.

Ermitanyo: Sa mahabang paglalakbay, sino ang nakakaalam sa Reyno ng delos Cristal?
(walang sumasagot sa mga ibon at biglang dumating ang isang agila)

Ermitanyo: Agila, bakit ika'y nahuli ng dating? Parang hindi mo pa nauunawan kung para saan itong kampana.

Agila: Panginoon naming mahal, sana po ako'y iyong mapatawad. Hindi ko hangad na suwayin ang tunog ng kampana ngunit ako po ay nanggaling sa napakalayong lupain. Paglipad ko man ay binilisan, ngunit ako ay huli na sa kahalatan nang dahil sa sobrang kalayuan ng aking pinanggalingan.

Ermitanyo: Kung gayon, ngayon din ay sabihin mo ang pangalan ng lupaing iyong pinanggalingan.

Agila: Isang lupaing marikit, ang Reyno de los Cristales.

Ermitanyo: Ito'y isang hiwaga! Don Juan, narinig mo na ang balita ng Agila, kaya ngayon ay ikaw ay humanda na. Agila, ikaw ay maghanda rin sapagkat ikaw ang magdadala kay Juan patungo sa Cristalino.

Scene 32

Agila: Tayo'y narito na, mahal na prinsipe. Dito na kita iiwanan. Ikaw ay mangubli sa halamanan nang hindi ka mamalayan. Asahang sa ikaapat ng madlaing araw na oras, dito ay darating na tiyak ang hanap mong prinsesa. Ngayon, ako ay magpapaalam na. Ang loob mo ay tibayan at ang bilin ko'y tandaan nang matiyak ang iyong tagumapay.

Juan: Maraming salamat, Agila.

Scene 33

Juan: Siya nga may tagalay na mala-engkantong kagandahan.

Maria: (narinig ang ingay) Sino ang nariyan?

Juan: (tahimik lamang)

Maria: Alam kong may tao riyan. Kaya kung ayaw mong ipatawag ko pa ang aking ama ay magpakita ka na lamang.

Juan: (goes out from hiding) Ako sana'y patawarin sa pagtatagong nagawa. Ako'y natulala lamang sa iyong taglay na kagandahan, o mahal na prinsesa. Kung ako man ay may nagawang mas malalang kasalanan, kahit anong kaparusahan ay tatanggapin sapagkat ako, sa iyo ay may pagsinta.

Maria: Galit ko'y nag-aapoy dahil sa iyong pagpasok dito ng walang pahintulot.

Juan: Galit mo man kung nag-aapoy, ganoon rin ang puso ko para sa iyo. (grabs the princess hand and put it on his chest to feel his beating heart)

Maria: Batid at nadarama ko ang iyong sensiridad kaya ang galit ko ay nawala at natunaw na parang bula.

Juan: (knelt down) O, aking prinsesa. Ako si Prinsipe Juan, anak ng Berbanya at hindi ko mawari kung ako ba ay makakabalik sa kaharian ng aking mga magulang. Ang inyong kaharian ay aking nilakbay ng ilang taon pa upang ikaw lamang ay masilayan.

Maria: Tumayo ka, Don Juan. Tanggapin mo ang aking kanang kamay. Ito ay tanada ng pagsinta kong panghabambuhay. Sa ating pagmamahalan, maglihim ay kataksilan.

Juan: (kisses the princess right hand and stands)

Maria: Aking mahal na prinsipe, marami na ang naghangad ng aking kamay mula sa aking ama ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring nagtagumpay, ngunit dahil batid kong naiiba ka sa kanilang lahat at tayo ay nagsumpaan na ng pag-iibigan, pinapangako kong ikaw ay tutulungan para sa iyong ikakatagumpay.

Juan: Salamat, aking mahal na Maria.

Scene 34

Salermo: Isang panauhin! Ano ang sadya mo sa aking kaharian?

Juan: Bati ko ay magandang hapon sa Hari kong panginoon. Ako si Prinsipe Juan ng Berbanya. Ang inyong kaharian ay nilakbay mula sa kalayuan upang masilayaan at mahingi mula sa inyo ang anak niyong aking iniibig.

Salermo: Kung iyan ang ating pag-uusapan, halika ka at pumanhik sa loob ng palasyo.

Juan: Huwag na po kayong mag-abala, mahal na hari. Ako po ngayon ay handa na sa kahit anumang ibibigay niyong kautusan.

Salermo: Pwes, ngayon din ay kumuha ka ng trigo at itanim sa lupa. Kailangang bukas na bukas rin ay may gawa nang tinapay mula sa iyong itinanim na trigo.

Scene 35

Salermo: Hindi ito maaari. Pitong kahilingan ko ay walang hirap niyang nagawa. Anong klaseng prinsipe ito? Mula sa isang gabing paggawa ng tinapay patungo sa pagpapaamo ng aking kabayo, nakakamangha man pero hindi ko kayang ibigay sa kanya ang isa sa aking mga anak lalung-lalo na si Maria. Ngunit, sa araw ng pagpili, hindi rin niya malalaman kung sino sa tatlo ang aking Maria.

Scene 36

Salermo: Nang dahil sa iyong tapat na pagsunod sa aking mga kahilingan, ikaw, Prinsipe Juan, ay aking pinapayagang pumili sa aking tatlong anak upang gawing asawa. Ngunit ang kanilang kamay lamang ang iyong makikita mula sa mga pinto. Kapag nakapili ka na, kahit sino man ang iyong napili, ay papayagan kong kayo ay ikasal na.

Juan: (naglalakad-lakad sa mga pinto) Mahal na hari, narito ang aking prinsesang iniibig.

Maria: (lumabas) O, aking mahal!

Salermo: (speechless, in shock) Hindi pwede!! (so much anger here!)

Maria: Ngunit Ama, ika'y nangako!

Salermo: Hindi! Hindi ako makakapayag. Kunin mo na ang lahat sa akin, huwag lang ang anak kong si Maria!

Juan: Ngunit siya ang aking iniibig.

Maria: Mahal ko, ako'y ilayo mo ngayon din sa lugar na ito.

Juan: (tumakbo habang hawak si Maria)

Salermo: (hinawakan si Maria) O, aking bunsong prinsesa, huwag mong iwan ang iyong ama. Pabayaan mo na ang prinsipeng estrangherong iyan, dumidito ka sa tabi ng iyong ama.

Maria: (iwinaksi ang kamay ng ama at itinulak ito) Hindi, ama! Magulang man kita ngunit mahal ko si Juan. Ako sana'y patawarin.

(And they're gone)

Salermo: (Umiiyak) Maria!!! Isinusumpa kita! Ang iyong minamahal na si Don Juan ay tiyak na malilimutan ka kapag dumating na siya sa Berbanya! Siya'y ikakasal unang babaing kanyang makikita sa kaharian ng Berbanya at ikaw ay habambuhay na mag-iisa!! (faints/dies)

Scene 37

Juan: Aking prinsesa, ikaw muna ay aking iiwan, pangako ako'y babalik agad. Haharapin ko lamang ang galit ng aking ama ng mag-isa.

Maria: Pangako mo ay babalik ka agad. Akin iyang panghahawakan. (hugs)

Scene 38

(Juan naglalakad papasok sa kaharian)

Leonora: (hugs) O, aking Juan! Hindi nga ako namamalik-mata. Ikaw nga itong aking nakikita.

(and the rest of the monarch appeared)

Hari: Juan, ika'y nagbalik na.

Juan: Mahal na hari, sana ako'y patawarin sa nagawa kong hindi dapat.

Leonora: Kamahalaan, dinggin mo ang aking sasabihin. Hiningi ko po sa inyo ang pitong taong pagbabanal upang maiwasang ikasal kay don Pedrong taksil. Ang totoong nagligtas sa akin ay si Don Juan. Siya lamang ay pinagtaksilan ng dalawa nitong kapatid upang kami'y maisama sa Berbanya bilang kanilang mapapangasawa.

Hari: (tiningnan si Pedro at Diego with anger; nagyuko lang ang ulo ang dalawa) Leonora, sinuman kina Don Pedro at Don Juan, ikaw na ang bahala kung kanino ka magpapakasal. At ang pag-iisang dibdib ninyo ay gagawin sa linggong ito.

Hari: Ngayon, naghihintay na ang parusa para sa inyong dalawa.

Juan: Ngunit, ama. Tunay nga ang sinasabi ni Leonora pero sana ang parusa ay ipataw na lamang pagkatapos na ng kasal.

Hari: Tama nga naman ang iyong mungkahi.

Scene 39

(wedding music cue~)

Hari: Itigil muna ang kasalan. May dumarating na emperatris.

(grand entrance ni Maria)

Maria: Naakit po akong tumigil at dumalo sa kasalan. Ngunit, parang ako ay nahuli na ng dating.

Reyna: Emperatris na marilag, hindi pa huli ang iyong hangad sapagkat ang kasal ay itinigil para ikaw ay matanaw. Tradisyon na ng kaharian na parangalan muna ang bisita bago ang sarili.

Maria: Ganoon po ba? Kung ganun ay mayroon akong regalo sa inyong mga taga-Palasyo. Isang palabas na bagay sa kasalang magaganap.

Hari: Emperatris, ipakita ang palabas. Ako'y sadyang nasisiyahan nang dahil sa iyong bigay na regalo.

Scene 40

Negrito at Negrita

(play starts here: page 123-126)

Scene 41

Maria: Hindi mo ba talaga matandaan ang iyong tunay na minamahal, Don Juan? Kung gayon ay mas mabuti na lamang na mamatay tayong lahat dito! Ang praskong ito ay naglalaman ng nalalabi kong kapangyarihan na siyang gugunaw sa buong Berbanya! (Babasagin na ang prasko nang bigla siyang niyakap ni Juan)

Juan: Maria! Ikaw nga ang prinsesang aking hirang na naiwan sa nayon. Ikaw nga at hindi iba ang aking sinisinta. Kasalanan ko ang lahat. Ang iyong lungkot at kalumbayan ay aking kasalanan. Hindi ko naiwasan ang sumpa ng iyong ama. Ako ang tunay na maysala. Kung ikaw ay may galit pa sa akin, sana'y patawarin.

Juan: Ama, (hinawakan ang kamay ni Maria) Sa kanya ako magpapakasal, hindi kay Leonora.

Leonora: Hindi ako makakapayag! Ako ang nauna, ako ang mas may karapatan! At sa pangalan ng Bathala, ang nauna ang may pala.

Maria: Inayawan ko ang lahat para kay Juan. Naging taksil ako ng aming kaharian at sa ama ay naging suwail para lamang sa pagmamahal ko kay Juan. Isinakripisyo ko ang lahat para sa kanya dahil totoo kaming nagmamahalan. Ano ba ang punto kung may nauna man kung hindi naman ito ang naglalabis na nagmamahal at minamahal?

Hari: Ngunit, utos ito ng simbahan at batas ng Kalangitan, ang una'y may karapatan sa pag-ibig ni Don Juan.

Maria: Ganito ba talaga ang batas ng mga tao? Sa mali ay anong amo, sa tumpak ay lumalayo?

Reyna: O, Diyos sa Kalangitan, kami'y iyong liwanagan.

Maria: Sa puri kaya ng tao, ano kaya ang katimbang nito?

Juana: Tumahimik ka na. Ngayon ay wala ka ng daan, si Leonora ang katipang tinatanggap ng simbahan at siya ang ikakasal sa prinsipe, hindi ikaw!

Maria: (hinarap si Juana at sinampal)

(inawat naman siya agad ni Juan)

Juan: Huminahon ka, aking mahal. Ama, Ina at sa lahat na nandirito, si Donya Maria ang tunay na nasa puso ko. Kung nahandugan ko man si Leonora ng pagsinta, inaamin kong mas matimbang ang aking pagmamahal kay Maria. At kapag pinakasalan ko si Leonora, ako'y mapupuno lamang ng lumbay. Hindi lang dahil sa nawala sa akin ang totoo kong minamahal ngunit dahil din sa magkakalayo kami ng loob ni Don Pedro. Siya ang tunay na nagmamahal kay Leonora, hindi ako.

Leonora: Ngunit Juan,

Juan: Hindi mo lang nakikita ngayon ang pag-ibig na ibinibigay ng aking kapatid sapagkat hindi mo pa binubuksan ang iyong puso't isipan sa iba. Mayroong mas may karapat-dapat sa iyo, Leonora at hindi ako iyon. Lubhang ma-inggitin man si Pedro pero pagdating sa babaeng kanyang minamahal siya'y naiiba.

Juan: (humarap sa ama) Kaya ama, sana'y iyong maintindihan ang aking pasya. Sana'y basbasan mo kami ni Maria na maikasal na.

Hari: Naiintindihan ko ang nais mong iparating, aking anak. Hindi nga lahat ng nauuna sa pag-ibig ay an gating tunay na iniibig. Kaya ibinibigay ko ang basbas ko sa inyo ni Maria. Ngunit, sino ang magmamana ng aking trono?

Juan: Sino pa ba, ama? Kundi ang iyong panganay na anak.

Maria: H'wag po kayong mag-alala, mayroon pong naghihintay na kaharian kay Juan at iyon ang Reyno de los Cristales.

Hari: Kahit man nagkasala ang aking panganay, siya pa rin ang may karapatan at karapat-dapat sa trono. Kaya ngayon aking tagapagmana ay ipinapangalanang si Don Pedro! O, hala. Sige, ipagpatuloy ang pista.

(music cue~)

Juan: Maligayang bati sa magiging hari ng berbanya! (shakes hands with Pedro)

Pedro: Ikaw din, Juan. Sana ako ay iyong patawarin sa lahat ng aking nagawa.

Juan: Normal lang sa magkakapatid ang nag-aaway. (walks away)

Leonora: Maligayang bati, susunod na hari.

Pedro: Salamat, Leonora.

Leonora: Bukas pa ba ang trono bilang maging iyong Reyna?

Pedro: Ha? (shock!!)

Leonora (natawa) Kung ayaw mo akong pakasalan ay ayos lang.

Pedro: Talaga! Pumapayag ka nang tayo'y magpakasal na?

Leonora: Napag-isip isip ko ang sinabi ni Juan. Tama nga ang kanyang sinabi. Gusto kong subukang magmahal ng iba.

Pedro: Hindi ka magsisisi sa iyong naging desisyon. (hug)

Scene 42

Mga tao: BIBA! Biba! Hari nati'y matagumpay! Reyna natin ay matagumpay!

(coronation of Don Juan at Donya Maria)





Julie Anne Bordones Bolivar. Ibong Adarna Script. Retrieved from
https://www.wattpad.com/249257616-ibong-adarna-script-for-play-ibong-adarna-script

Ibong Adarna Comics

ANG ORTOGRAPIYA NG WIKANG PAMBANSA

$
0
0
UNANG BAHAGI


ANG ORTOGRAPIYA NG WIKANG PAMBANSA
Komisyon sa Wikang Filipino
Agosto 1, 2007



PANIMULA: Ang ortograpiya ng wikang pambansa ng Pilipinas ay ang kabuuan ng ipinapalagay na pinakamaunlad at pinakatumpak na mga kalakaran kung paano inililipat ng mga Pilipino ang sinasalitang wika sa anyong pasulat. Ang ortograpiyang ito ay tumutukoy sa istandardisadong set ng mga grapema (o pasulat na mga simbolo) at ng mga tuntunin sa paggamit ng mga simbolong ito, kapag sumusulat sa wikang pambansa.

I. MGA GRAPEMA. Ang mga grapema o pasulat na simbolo sa praktikal na ortograpiya ng wikang pambansa ay binubuo ng:

A. Letra (na kung tawagi’y ang alpabeto). Ito ay binubuo ng dalawampu’t walong (28ng) simbolo:

Aa Bb Cc Dd Ee Ff Gg Hh Ii Jj Kk Ll Mm Nn Nn NGng Oo Pp Qq Rr Ss Tt Uu Vv Ww
Xx Yy Zz.

B. Di-Letra. Ang mga di-letra ay binubuo ng:

1. wala ( ) at gitling (-), na parehong sumisimbolo sa impit na tunog.
2. tuldik: wala ( ), pahilis ( ΄ ), paiwa ( `) at pakupya (ˆ )
3. bantas: tuldok (.), pananong (?), pandamdam (!), kuwit (,), tuldukkuwit(;), tutuldok (:),
at kudlit ( ’ ).

Tatalakayin sa hiwalay na papel ang gamit ng mga bantas.

II. TAWAG SA MGA LETRA AT PASALITANG PAGBAYBAY.

A. Tawag sa mga letra. May dalawang paraan sa pagtawag ng mga letra:

1. Tawag - abaseda o ponetiko:
“a”, “ba”, “se”, “da”, “e”, “fa”, “ga”, “ha”, “i”, “ja”, “ka”, “la”, “ma”, “na”, “nya”, “nga”, “o”, “pa”, “kwa”, “ra”, “sa”, “ta” “u”, “va”, “wa”, “eksa”, “ya”at “za”.

2. Tawag - Ingles:
“ey”, “bi”, “si”, “di”, “i”, “ef”, “ji”, “eych”, “ay”, “jey”, “key”, “el”, “em”, “en”, “enye”, “en", "ji”, “ow”, “pi”, “kyu”, “ar”, “es”, “ti”, “yu”, “vi”, “dobolyu”, “eks”, “way”, “zi”.

3. Ang pagtawag sa mga di-letra ay alinsunod sa I, (B).

B. Dalawang paraan ng pasalitang pagbaybay.

1. Baybay-abaseda (a-ba-se-da) o ponetiko:
“Rizal” = “malaking ra”- “i”-“za”- “a”-“la”
“pag-asa = “pa”-“a”-“ga”-“gitling”-“a”-“sa”-“a”
“buko” = “ba”-“u”-“ka”-“o”
“bait” = “ba”-“a”-“i” - “ta”
“luto” = “la”-”u”-“ta”- “o”
“basa” = “ba”-“a”-“sa”- “a”

2. Baybay-Ingles (ey-bi-si-di):
“Rizal” = “kapital ar”-“ay”-“zi”- “ey”-“el”
“pag-asa” = “pi”-“ey”-“ji”-“gitling”-“ey”-“es”-“ey”
“buko” = “bi”-“yu”-“key”-“ow”
“bait” = “bi”-“ey”-“ay”-“ti”
“luto” = “el”-‘yu”-“ti”- “ow”
“basa” = “bi”-“ey”-“es”- “ey”

3. Ipinapayong ituro muna ang baybay-ponetiko lalo na sa panimulang pagbasa at pagsulat, at isunod na ituro ang baybay-Ingles.

C. Mga katwiran sa pagtuturo ng dalawang paraan ng pagbabaybay.

1. Ang mga kalakasan ng dalawang pagbabaybay ay ang sumusunod:

a) Pagsasarili. Maipapakita na magkaiba ang wikang sarili at ang wikang Ingles sa pamamagitan ng magkaibang paraan ng pasalitang pagbabaybay.

b) Madaling matutuhan. Kumpara sa tawag-Ingles, ang tawag-abaseda ay higit na malapit sa aktuwal na tunog na kinakatawan ng mga letra.
Inaasahang makapagpapadali ito sa pagkakatuto ng mga nagsisimulang bumasa’t sumulat sa wikang pambansa.

c) Episyente. Sa ortograpiyang ito ay nababaybay hindi lamang ang katutubong mga salita sa wikang pambansa at sa iba pang mga wika sa Pilipinas kundi pati ang mga hiram na salita buhat sa mga banyagang wika.

d) Tumpak. Ang pagsusulat ng mga letra at di-letra gaya ng mga tuldik at ng gitling ay nagpapatingkad sa pangangailangan na maging eksakto at tumpak, lalo pa’t ang mga tuldik at gitling ay kumakatawan sa mga makahulugang tunog sa wikang pambansa.

e) Madaling ituro. Kabisado pa rin ng mga guro ang tawag-abakada, kung kaya’t inaasahang hindi na mahihirapan ang mga ito kapag bumalik sa pagbabaybay ponetiko. Kapag walang mga tuldik, nahihirapan kapwa ang guro at mag-aaral sa pag-alam kung ano ang tamang bigkas at tamang ibig sabihin ng mga nakasulat na salita.

f) Maililipat sa ibang mga wika.Makatutulong ang ortograpiyang ito para mas madaling maunawaan at matutuhan hindi lamang ang mga lokal na wika kundi pati ang mga wika para sa mas malawak na komunikasyon (i.e. Ingles).

g) Para sa lahat. Ang pagtuturo ng pagbabaybay ay para sa kapakinabangan ng mga nagsisimulang bumasa’t sumulat at ng mga hindi katutubong tagapagsalita ng Tagalog.
Tandaan na karamihan ng mga Pilipino ay nagsasalita ng wikang pambansa (at ng Ingles)
bilang pangalawang wika.


2. Tutol ang iba sa dalawang paraan ng pagbabaybay sapagkat “nakasanayan na raw ng mga tao ang baybay-Ingles.” Kahit totoo ito, dapat tandaan na ang kasanayan sa baybay- Ingles ay nakamtan sa eskuwelahan. Ibig sabihin, maaari ring ituro at makasanayan ang baybay-abaseda.






Mga Sanggunian:

e-filipino101. Retrieved from
http://e-filipino101.blogspot.com/2009/04/ang-ortograpiyang-ng-wikang-pambansa.html

Retrieved from
wika.pbworks.com/f/ORTOPDF.pdf






ANG ORTOGRAPIYA NG WIKANG PAMBANSA

$
0
0
IKALAWANG BAHAGI


MGA TUNOG, HABA AT DIIN

A. Mga Katinig

1. Ang mga letrang pangkatinig ay: Bb, Cc, Dd, Ff, Gg, Hh, Jj, Kk, Ll, Mm, Nn, Nn, NGng, Pp, Qq, Rr, Ss, Tt, Vv, Ww, Xx, Yy at Zz

2. Sa pagbabaybay ng karaniwang katutubong salita sa wikang pambansa, gamitin lamang ang sumusunod na mga letrang pangkatinig: Bb, Dd, Gg, Hh, Kk, Ll, Mm, Nn, NGng, Pp, Rr, Ss, Tt, Ww at Yy. Ang mga letrang ito ay sumisimbolo sa 15 sa 16 na katutubong katinig sa wikang pambansa: [b], [d], [g], [h], [k], [l], [m], [n], [ŋ], [p], [r], [s], [t], [w], at [y]. Ang bawat letra ay representasyon ng isang katinig lamang. Ang panglabing-anim na katutubong katinig—ang impit—ay kinakatawan ng wala ( ), gitling (-), paiwa ( ` ) at pakupya ( ˆ ) .

3. Sa pagbabaybay ng mga salitang buhat sa iba pang mga katutubong wika sa Pilipinas, panatilihin ang orihinal na anyo ng mga ito batay sa palabaybayan at/o palatunugan ng pinagkunang wika.

4. Sa pagbaybay ng mga hiram na salita buhat sa banyagang wika, may dalawang paraang ginagamit: una, panatilihin ang orihinal nitong anyo batay sa palabaybayan ng pinagkunang wika, at ikalawa, baybayin ito ayon sa katutubong sistemang nakasaad sa III A, 2. Kung aling paraan ang gagamitin ay matutunghayan sa ikalimang bahagi ng patnubay na ito.

5. Ang impit na tunog ay kinakatawan ng mga sumusunod na di-letrang pangkatinig: wala ( ), gitling (-), tuldik na paiwa (`) at pakupya (ˆ).

Kumplikadong mga simbolo ang mga tuldik. Ang pakupya (^) ay binubuo ng markang pahilis (΄) sa kaliwa, at ng markang paiwa ( ` ) sa kanan. Ang pahilis ay simbolo ng diin sa dulong pantig; ang paiwa, sa impit na tunog sa dulo ng salita. Gayon din, ang paiwa ( ` ) ay may dalawang bahagi. Ang kaliwa ay kakikitaan ng malumay na marka na sinisimbolo ng wala ( ) at ang kanang bahagi nito, ng tuldik na paiwa. Ang wala ( ) ay sumisimbolo sa diin sa penultimang pantig at ang paiwa ( ` ) ay sumisimbolo sa impit na tunog sa dulo ng salita.

a. Ang impit na nasa unahan ng salita at nasa pagitan ng mga patinig ay hindi isinusulat: “aso” /' a . so/, at “kain” /'ka . in/.

b. Ang impit na nasa pagitan ng katinig at patinig ay kinakatawan ng gitling: “pang araw” /paŋ.' a .raw/

c. Ang impit na nasa dulong pantig ng salitang may diin sa penultima ay kinakatawan ng tuldik na paiwà sa ibabaw ng patinig ng dulong pantig: “batà” / ba .ta /

d. Ang impit na nasa dulo at may diing pantig ng salita ay kinakatawan ng tuldik na pakupya sa ibabaw ng patinig ng dulong pantig: “likô” /li. ko /. Ang impit na tunog sa pinal na pusisyon ng salita ay hindi nabibigkas ng ilang tagapagsalita. Ang dahilan nito ay sapagkat sa unang wika nila ay walang impit na matatagpuan sa naturang pusisyon. Naililipat nila ang ganitong nakagawian sa kanilang pangalawang wika: “likô” /li. ko / > /li. ko/.

e. Para sa ilang tagapagsalita, ang impit na nasa dulo ng salita ay napapalitan ng haba, kapag ang salita ay nasundan ng ibang mga salita: “matandâ” /ma.tan.'da / pero “matandá na siya” /ma.tan.da:. na. si.yá/. Para naman sa ibang tagapagsalita, nananatili ang impit kahit ang salita ay nasundan ng ibang salita: “matandâ na siya” /ma.tan. da . na. si.yá/.

B. Mga Patinig:
1. Ang mga patinig sa wikang pambansa ay kinakatawan ng mga letrang: Aa, Ee, Ii, Oo at Uu.

2. Sa pagbigkas ng katutubong salita, hindi makabuluhan ang pagkakaiba ng “i” vs. “e” at ng “o” vs. “u”. Katulad ng “sakít” = /sa. kit/ ~ /sa. ket/, “kurót” = /ku. rot/ ~ /ku. rut/, “lalake” = /la. la:.ki/ ~ /la. la:.ke/ pero: “kalalakihan” = /ka.la.la. ki .han/.

3. Kahit hindi kontrastibo sa bigkas, may nakagawian nang gamit ang “e” at “i”. gayon din ang “o” at “u”. Ginagamit ang “e” at “o” sa dulong pantig ng mga katutubong salita at ang “i” at “o” sa ibang kaligiran. Katulad ng “babae” pero: “kababaihan” hindi “kababaehan”, “buhos” pero: “buhusan” hindi “buhosan”.

4. Nagiging makabuluhan lamang ang letra at tunog na “e” at “o” kapag ikinukumpara ang mga hiram na salita sa mga katutubo o kapwa hiram na salita. Katulad ng “mesa”: “misa”, “oso” : “uso”.

5. Gaya ng mga katinig, maaari ring gamitin ang mga letrang patinig ng wikang Filipino sa pagbabaybay ng mga hiram na salita sa orihinal nilang anyo. Pero ang patinig ng hiram na salita ay maaaring kumatawan sa mahigit na isang tunog. Katulad ng “table” = /'tey.bol/, at “ballet” = /ba.'ley/.

C. Haba at Diin:

1. Ang diin ay kinakatawan ng sumusunod na simbolo: wala ( ) at pahilis ( ΄ ).

2. Ang diin sa isang bukas na pantig (i.e. isang pantig na nagtatapos sa patinig) maliban sa ultima ay binibigkas na mahaba ( ). Katulad ng tao / ta . o/, mahaba ang may diing ta pero: isá / i. sa/, walang habà ang may diing sa; sa tukóy /tu. koy/, walang habà ang may diing koy.
3. Ang diin sa penultima ay hindi isinusulat. Katulad ng tao / ta . o/; lumà / lu .ma /

4. Ang diin sa iba pang pantig maliban sa penultima ay minamarkahan ng pahilis ( ΄ ) sa ibabaw ng patinig na may diin. Katulad ng taním [ta.'nim], tániman /ta .'ni .man/, at pátániman /pa .ta .'ni .man/.

5. Ang katutubong salita na may saradong penultima ay may awtomatikong diin sa dulong pantig.[5]
Katulad ng bantáy /ban. tay/.

6. May awtomatikong diin sa dulong pantig ang katutubong salita na sa pasulat na anyo ay may magkatabing magkaparehong patinig sa penultima at sa dulong pantig. [6]
Katulad ng biík /bi.' ik/ at suót /su.' ot/.

7. May awtomatikong diin sa dulong pantig ang katutubong salita na may uw o iy sa pagitan ng penultima at dulong pantig.
Katulad ng tuwíd /tu. wid/ at tiyák /ti. yak/.
Nakakaltas ang “u” at “i” sa mga salitang ito sa aktuwal na pagsasalita:
katulad ng tuwíd / twíd/ at tiyák / tyák/.

May ilang kataliwasan dito: “pinsan”, “minsan” at “bibingka” na may diin sa saradong
penultima. Sa Sebwano, ang mga salitang may saradong penultima ay may
awtomatikong diin sa penultima..

Ang naturang salita, sa ponetikong transkripsiyon, ay (a) may impit na tunog sa
unahan ng dulong pantig; (b) may bukas na penultimang pantig; at (c) may
magkaparehong patinig sa dulo at penultimang pantig. Ang eksepsiyon dito ay ang
salitang “oo”.






Mga Sanggunian:

e-filipino101. Retrieved from
http://e-filipino101.blogspot.com/2009/04/ang-ortograpiyang-ng-wikang-pambansa.html

Retrieved from
wika.pbworks.com/f/ORTOPDF.pdf


ANG ORTOGRAPIYA NG WIKANG PAMBANSA

$
0
0
IKATATLONG BAHAGI


MGA PANTIG

Katutubong pantig

1. Dalawa lamang ang kayarian ng pantig sa katutubong palapantigan: KP (katinig patinig) at KPK (katinig patinig katinig).

2. Walang di pinal na pantig ng katutubong salita na nagtatapos sa impit na tunog / /. Ang isang salitang gaya ng: “bâgo” /ba .'go/ ay hindi pangkaraniwan sa wikang pambansa, sapagkat ang unang pantig nito ay nagtatapos sa impit na tunog.

3. Walang di pinal na pantig ng katutubong salita na nagtatapos sa tunog na “h”. Ang isang salitang gaya ng: “kahkah” /'kah.kah/ ay hindi rin pangkaraniwan, sapagkat ang dalawang pantig nito ay nagtatapos sa “h”.

4. May mga nagsasabi na ang dulong pantig ng isang katutubong salita ay laging nagtatapos sa katinig. Halimbawa, ang salitang gaya ng “sabi” ay nagtatapos raw sa tunog na /h/.

A. May ilang ebidensyang sumasalungat sa ganitong pusisyon:
a. Hindi distintibo o hindi naririnig ang [h] na ito kumpara sa mga wikang may /h/ sa dulo ng pantig, gaya ng Kakilingan Sambal; Kakilingan Sambal “lotò / lo .to / `luto’ “lotoh / lo .toh/ `pagsabog (ng bulkan)’

b. Ang salitang gaya ng “sabi” kapag sinundan ng “daw”, ay nagiging ['sa .bi. raw] hindi */'sa .bih. raw/ o */'sa .bih.daw/. Ibig sabihin, walang naririnig na /h/ bago ng /r/ o /d/; at

c. Malamang na nagtatapos sa patinig ang “sabi”, sapagkat nagiging “raw” ang “daw“. Ang tuntunin ay ginagamit ang “raw” kapag ang salitang sinundan o nasa unahan nito ay nagtatapos sa patinig.

B. Mayroon din namang ebidensya na nagpapahiwatig na mayroong /h/ sa dulo ng “sabi”. Kapag kinabitan ito ng hulaping “ an”, nagiging distintibo at naririnig ang /h/. / sa .bih/ + / an/ > /sa. bi .han/ “sabihan”.

C. Alinman sa pagsusuring ito ang gamitin, malinaw na hindi sinusulat ang [h] sa dulo ng isang pantig ng isang katutubong salita.

Hiram at dayuhang pantig

1. Dahil sa panghihiram, nadagdagan ang kayarian ng pantig sa wikang pambansa. Bukod sa KP at KPK, ang mga hiram na pantig ay: KKP, KKPK, KKPKK at KPKKK. Katulad ng tra po / tra .po/ (KKP KP), plan ta / plan.ta/ (KKPK KP), trans por tas yon /trans.por.tas. yon/ (KKPKK KPK KPK KPK), at ispórts /is.ports/ (KPK KPKKK).

2. Isang palaisipan sa maraming Pilipino ang tamang pagpapantig sa mga salitang hiram na may kambal katinig gaya ng “sobre” ( “sob re” o “so bre”?); ng “tokwa” (“tok wa” o “to kwa”?) at ng “pinya” (“pin ya” o “pi nya”?). May dalawang tuntunin na sinusunod kaugnay nito:

a. Ang tamang pagpapantig ay umaayon sa katutubong kayarian na KP at KPK. Ang “sob ra”, “tok wa” at “pin ya” ay sumusunod sa katutubong kayarian na KP at KPK. Mas malayo sa aktuwal na bigkas at mas malapit sa hiram o dayuhang pantig ang “so bra”, “to kwa” at “pi nya.” Ang totoo’y tama ang huling paraan ng pagpapantig sa pinanghiramang wika.
b. Ang tamang pagpapantig ay umaayon o mas malapit sa aktuwal na bigkas. Ang bigkas ng mga Pilipino sa nasabing mga salita ay mas malapit sa / sob.bre/ ~ / sob.bre/, / tok.kwa/ ~ / tok.kwa/, at / pin.nya/ ~/ pin.nya/. Ibig sabihin, sumasama ang huling katinig ng penultima sa bigkas ng dulong pantig. Kung ang tamang pagpapantig ay “sob re”, “tokwa” at “pin ya”, mas madaling ipaliwanag ang pagsasama ng huling katinig ng penultima sa dulong pantig. Mas mahirap ipaliwanag ang ganitong pangyayari kung ang istandard na pagpapantig ay: “so bre”, “to kwa” at “pi nya”, gaya ng sa pinanghiramang wika.

3. Palaisipan din sa maraming Pilipino ang tamang pagbabaybay at pagpapantig ng mga salitang may kambal patinig sa orihinal na baybay. Ang ilang halimbawa ay: “provincia” (“pro bín si yá” o “pro bin sya”?), “infierno” (“im pi yer no” o “im pyer no”?), “violin” (“bi yo lín” o “byo lín”?), “guapo” (“gu wa po” o “gwa po”?), cuénto” (“ku wen to” o “kwento”?) at “acción” (“ak si yón” o “ak syón”?). Mayroon ding ilang tuntuning sinusunod kaugnay nito:

a. Ang namamayaning pagbabaybay (at pasulat na pagpapantig) ay umaayon sa katutubong kayarian na KP at KPK. Mas malapit ang pagpapantig ng unang anyo (i.e. “pro bín si yá”, “gu wa po”, “im pi yer no”, “bi yo lín”) sa katutubong kayarian na KP at KPK. Ang ikalawang anyo (i.e. “pro bin sya”, gwa po. “im pyer no”, “byo lín) ay may mga pantig na binubuo ng KKP na itinuturing dito na hiram o dayuhang pantig.

b. Ang namamayaning bigkas (at pasalitang pagpapantig) ay umaayon sa aktuwal na bigkas at kung gayo’y mas malapit sa ikalawang anyo (i.e. “pro bin sya”, “gwa po,” “im pyer no”, “byo lín). Samakatwid, mas malapit sa namamayaning bigkas ang ikalawang anyo, pero mas malapit sa namamayaning baybay ang unang anyo.

c. Iwasan ang tatlong magkakasunod na katinig sa loob ng isang salita. Ang baybay na “probínsiyá”, “impiyerno” at “aksiyón” ay hindi lamang umaayon sa katutubong kayarian ng pantig kundi nakaiilag din sa tatlong magkasunod na katinig (i.e. “aksyón”). Totoo lamang ang tuntuning ito (*KKK) sa mga hiram na salita na may orihinal na kambal patinig pero hindi sa iba pang mga kaso (i.e. “eksklusibo”).

d. Piliin ang anyo na maaaring paghanguan ng iba pang anyo. Halimbawa: maaaring sabihin na sa anyong “ku wen to” nagmula ang “kwen to”. Nakuha ang maikling anyo nang kaltasin ang “u”.

PANGHIHIRAM

Tuntunin sa panghihiram

1. Huwag manghiram. Ihanap ng katumbas sa wikang pambansa ang konsepto. Katulad ng rule = tuntunin, hindi “rul”.

2. Huwag pa ring manghiram. Ihanap ng katumbas sa mga lokal na wika ang konsepto. Katulad ng tarsier = máomag, málmag (Bol anon), whale shark = “butandíng” (Bikol)

3. Kapag walang eksaktong katumbas, hiramin ang salita batay sa sumusunod na kalakaran:

a. Kung wikang Espanyol ang pinanghiraman, baybayin ang salita ayon sa katutubong sistema.

b. Kung wikang Ingles at iba pang wikang dayuhan, panatilihin ang orihinal na anyo. Ingles na psychology = psychology hindi saykoloji; Kastilang psicología = sikolohiya. Ang katwiran dito ay ang kawalan ng kakumpetensiyang anyo ng baybay Espanyol.
Sa kuwento ay mahahango ang tatlo pang deribasyon: nagkúkuwento (inuulit ang “ku”); nagkwékwento (pagkatapos kaltasin ang u, inuulit ang kwe) at nagkékwento (pagkatapos kaltasin ang u, inuulit ang unang katinig at unang patinig). Kung ang pangunahing anyo ay “kwento”, mahahango lamang ang huling dalawang anyo ng reduplikasyon. Mahalagang banggitin din dito na ang biswal na ispeling ng nagkwékwento ay hindi nagkakaloob ng palatandaan para sa bumabasa kung paano ang tamang pagpapantig (nag kwé kwen to o nag kwék wen to). Walang ganitong problema sa nagkuwento at nagkukuwento.

4. Sumunod sa opisyal na pagtutumbas. Sa pana panahon ay naglalabas ang KWF, kasabay ng ibang ahensya ng pamahalaan, ng mga opisyal na pagtutumbas sa mga termino sa likas na agham, agham na panlipunan, sining at panitikan. Mangyaring sumunod sa mga opisyal na pagtutumbas o salin buhat sa mga ahensyang ito. Katulad ng Repúbliká ng Pilipinas, hindi Repúbliká ng Filipinas; aghám panlipunan, hindi sosyal sayans.

Pagbabaybay ng hiram na salita

Ito ang mga mungkahi sa pagbabaybay ng hiniram na mga salita:

1. Maaaring panatilihin ang orihinal na baybay ng lahat ng mga salitang pantangi, panteknikal at pang agham. Katulad ng Manuel Luis Quezon, Ilocos Norte, chlorophyll, at sodium chloride.

2. Maaaring baybayin alinsunod sa katutubong sistema ang lahat ng hiram na salita buhat sa Espanyol maliban sa mga salitang pantangi. Katulad ng cebollas na katumbas ng sibuyas, socorro na katumbas ng saklolo, componer na katumbas ng kumpuní, pero na katumbas ng pero.

3. Maaaring panatilihin ang orihinal na baybay ang lahat ng salitang galing sa ibang katutubong wika sa Pilipinas. Katulad ng vakul, hadji, ifun, at cañao.

4. Maaaring panatilihin ang orihinal na baybay ng lahat ng hiram na salita buhat sa Ingles maliban kung taliwas sa nakasaad sa ikalimang mungkahi. Mga halimbawa: daddy, boyfriend, sir, at joke.

5. Maaari nang baybayin alinsunod sa katutubong sistema ang lahat ng hiram na salita na naiba na ang kahulugan sa orihinal: Katulad ng stand by na binabaybay na istambay, up here na naging apír, hole in na naging holen, caltex na naging kaltek (tabò).

6. Gamitin ang baybay ng salitang hiram na matagal na o lagi nang ginagamit, tulad ng teléponó (hindi teléfonó), pamilya (hindi familiá o familya), epektibo (hindi efektibo o efektivo).

7. Kailangang tandaan na ang bawat tunog sa bawat wika ay may kanya kanyang partikularidad alinsunod sa sistemang pamponolohiya nito. Kahit magkakahawig ang bigkas (at letra) ng mga salita sa nanghihiram at sa orihinal na wika ay hindi pa rin masasabing magkakatumbas ang mga tunog ng mga ito. Halimbawa, may ilang nagmumungkahi na gamitin ang mga salitang “deskriptiv” at “narativ” (sa halip ng nakagawiang “paglalarawan” at “pasalaysay”). Ayon sa mga ito, ang “v” ay katutubong tunog daw sa mga wika sa Pilipinas kung kaya’t maaari na raw gamitin ito sa karaniwang mga salita. Ang baybay daw sa “deskriptiv” at “narativ” ay bahagi raw ng leksikal na elaborasyon ng Filipino at bahagi ng intelektwalisasyon. Hindi ito tamang katwiran, sa sumusunod na kadahilanan:

a. Ang “v” sa mga wika sa Pilipinas ay iba sa “v” ng Ingles. Panlabi ang artikulasyon ng “v” sa Pilipino; “labiodental” naman ang sa Ingles. Bukod dito, natatagpuan lamang ang “v” na Pilipino sa pagitan ng dalawang patinig; hindi ito nakikita sa dulo ng isang karaniwang salita at pantig.

b. Ang ispeling na “narativ” at “deskriptiv” ay nakikipagkumpetensya sa “narrative” at “descriptive” ng Ingles, at mababansagang maling ispeling.

c. Sa lumang tuntunin sa panghihiram, maaaring hiramin ang salita sa orihinal na anyo. Hindi na kailangang “isakatutubo” ang ispeling ng salita.

d. Ang intelektwalisasyon at modernisasyon ng wikang pambansa ay hindi lamang nakasandig sa pagkakaroon ng mga terminong magagamit sa diskursong pangkapantasan. Mas importante pa rito ay ang kahandaan ng mga Pilipinong gamitin ang sarili nilang wika upang lumikha at magpalitan ng bago, orihinal at makabuluhang mga kaalaman.

Pagbigkas sa mga hiram na salita

Ito ang mga mungkahi sa pagbigkas sa mga hiram na salitang nasa orihinal na baybay:

1. Sa pagpapanatili ng hiram na salita sa orihinal na anyo, ang mga letra, ma katinig man o ma patinig, ay maaaring kumatawan sa mahigit sa isang tunog, gaya ng ipinakikita ng sumusunod na halimbawa:

a. Ang “c” ay maaaring kumatawan sa tunog na /k/, /s/ o /č/; Kastilang casa = /'ka.sa/; Ingles na ice = /' ays/; Italayanong cello = /'če.low/

b. Ang “j” ay maaaring kumatawan sa tunog na /j/ o /h/; Ingles na jack /'jak/; Kastilang jai alai /'hay a.'láy/
           
c. Ang “x” ay maaaring kumatawan sa tunog na /s/ o /ks/; Ingles na extra /' eks.tra/; Ingles na xylophone = /'say.lo.fown/

2. Kahit pinanatili sa orihinal na anyo, ang mga salitang dayuhan ay binibigkas pa rin ng maraming Pilipino sa katutubong paraan gaya ng sumusunod:

a. Ang /f/ ay binibigkas na parang /p/; father / fa. r/ > / pa .der/

b. Ang /v/ ay binibigkas na parang /b/; visa / vi.sa/ > / bi.sa/

c. Ang /z/ ay binibigkas na parang /s/; zoo /zu ] > /su/

d. Ang /æ/ ay nagiging simpleng /a/; map /mæp/ > /map/

e. Ang /ow/ ay nagiging /o/; goal /gowl/ > [gol]

f. Ang /i / ay nagiging [i]; brief /bri f/ > /brip/

g. Ang /u / ay nagiging /u/; shoot /šu t/ > /šut/

PANGWAKAS.

Ang ortograpiyang ito ay ginawa alinsunod sa prinsipyo ng makabagong lingguwistika. Subalit ginawa rin ito upang tugunan ang praktikal na pangangailangan ng mga gumagamit ng wikang pambansa —mga nagsisimulang bumasa’t sumulat, at mga bihasa nang sumusulat at nagbabasa sa wikang pambansa; mga Pilipinong ang unang wika ay Tagalog, at ang mas maraming Pilipino na ang unang wika ay di-Tagalog; mga dayuhang gustong matuto ng Filipino bilang wikang dayuhan, at ang mga Pilipinong gustong gawing tulay ang kanilang wikang sarili upang matuto ng wikang dayuhan. Hindi sapat na maging siyentipiko ang isang ortograpiya. Kailangan din itong matanggap ng publiko. Sa puntong ito, kailangang linawin na walang ganap na bagong kalakaran at kumbensyon sa patnubay na ito. Ang marami rito ay dati nang mga kaalaman at tuntunin na naipahayag, naimungkahi o naiharap na sa nakaraan, subalit sa di malamang dahilan ay naiwaksi at nakalimutan. Sa ganang amin, ang muling pagpapahayag ng mga subok na at nakagawian nang tuntunin ay hindi masama kundi mabuting bagay.



Mga Sanggunian:

e-filipino101. Retrieved from
http://e-filipino101.blogspot.com/2009/04/ang-ortograpiyang-ng-wikang-pambansa.html

Retrieved from
wika.pbworks.com/f/ORTOPDF.pdf





Ibong Adarna Script

$
0
0
Ibong Adarna Script
John Paul Canlas Solon


Narrator: Sa kaharian ng Berbanya, may isang haring nagngangalang Haring Fernando ang nagkasakit dahil sa isang masamang panaginip. Ang kanyang anak na bunso na si Don Juan ay pinatay at tinapon sa isang balon. Dahil sa panaginip na iyon, inisip ito ng hari at hindi nakatulog kaya'y ito'y nagkasakit. Tumawag na sila ng mangagammot pero hindi malaman ng manggamot ang kanyang sakit.

Manggamot: Hindi ko malaman kung ano ang sakit ni Haring Fernando. Pero baka mapagaling sya ng awit ng Ibong Adarna. Ang ibong Adarna ay nakatira sa Bundok Tabor pero tuwing gabi lang ito umuuwi sa kanyang tahanan. Ang kanyang bahay ay tinatawag na Piedras Platas, ito’y isang napakagandang puno.

Don Pedro: Ako na ang kukuha sa Ibong Adarna. Paalam mahal na Reyna at Hari at sa aking mga kapatid.

Narrator: Kinuha ni Don Pedro ang kanyang Kabayo at nagsimula na kaagad sa paglalakbay. Tatlong buwan na ang nagdaan ng namatay ang kanyang kabayong sinasakyan kaya naisipan ni Don Pedro na maglakad at sa di kalaunan nakakita sya ng isang puno na ang mga sanga't dahon ay tulad ng diyamante.

Don Pedro: Napakagandang puno naman nito pero pagod na pagod na ako kaya dito muna ako magpapahinga hanggang sumapit ang gabi. Baka ito na ang tirahan ng Ibong Adarna!

Narrator: Nang dumating na ang takipsilim ang mga ibon ay dumating. Walang pinalagpas si Don Pedro na ibong sa mga nakita nya. Ngunit wala doon ang Ibong Adarna kaya sya ay nagtaka. Naghintay si Don Pedro hanggang mainip pero parang ang Ibong adarna ay may engkanto, nang papaalis na si Don Pedro ito'y dumating. Ang ibong Adarna ay kumanta kaya nabighani si Don Pedro at sa awit nito'y nakatulog at naging bato siya. Dahil napakatagal ng umuwi ni Don Pedro, si Don Diego ay nagpasyang sumunod.

Reyna Valeriana: Saan ka pupunta aking anak?

Don Diego: pupuntahan ko po ang Ibong Adarna at baka may nangyari na sa aking kapatid na si Don Pedro.

Reyna Valeriana: Sige aking anak mag-iingat ka.

Narrator: Limang taon ang nagdaan ng namatay ang kabayong sinasakyan ni Don Diego. Hindi alam ni Don Diego na sya'y nasa bundok Tabor pero nalaman nya ito ng nakita nya ang napakagandang punong Piedras platas kaya't si Don Diego ay naghintay hangang ang gabi'y dumating.

Don Diego: Dumating na nga ang Ibong Adarna gaya ng sabi ng Manggagamot. Napakagandang ibon sa kamay ko lang mapaparoon. (Kumanta ang Ibong Adarna) Napakagandang awitin (At siya'y nakatulog napatakan ng ipot kaya naging Bato.)

Narrator: Iisa na lang ang pag-asa, ang nakababatang kapatid na lang na si Don Juan. Kaya't inutusan at nagmadali pero bago yumaon sa Birheng Mariya'y pumaroon, nagdasal at humingi ng proteksiyon sa paglalakbay niya sa Bundok Tabor. Si Don Juan ay naglakad sa paglalakbay at nag baon ng limang tinapay. Kada isang buwan ang nagdaan doon lamang kinakain ni Don Juan ang kanyang tinapay kaya't sya ay di madaling nagutom. Apat na buwan na ang nakalilipas apat na tinapay din ang kanyang nakain kaya't sya'y nagdasal sa Birheng Mariya.

Don Juan: Ako'y iyong kahabagan, Birheng kalinis-linisan, nang akin ding matagalan itong matarik na daan.

Narrator: Habang sya'y naglalakad nakakita sya ng isang matandang sugatan at ang itsura'y kaawa-awa. Pagkakita ni Don Juan ay binigay nya ang natitirang tinapay.

Matandang Ermitanyo : Ano ang iyong pakay kaya't ika'y naririto at baka matulungan ko po kayo?

Don Juan: Kung gayon po ay salamat ako po'y naghahanap ng isang lunas ang awit po ng Ibong Adarna at isa pa po hinahanap ko po ang dalawa ko pong kapatid dahil 3 taon na po ang nakalilipas nang sila'y pumunta dito at hindi pa po umuuwi .

Matandang Ermitayo: Sa aba ko Don Juan, malaking kahirapan ang iyong pagdaraanan kaya ngayon ay bilin kong mag-ingat ng totoo ng di maging bato. Sa pook matatanaw ay may kahoy kang daratnan dikit ay ano lamang kawili-wiling tignan. Doo'y wag kang titigil at sa ganda'y mahumaling sapagkat ang darating ang buhay mo'y magmamaliw. Sa ibaba tumanaw ka at ika'y makakakita ng isang bahay na magtuturo sayo kung paano makukuha ang ibong adarna. Itong tinapay ay dalhin mo na para baunin mo sa iyong paglalakbay.

Don Juan: Maginoo, bakit nyo po to isasauli gayong ibinigay ko na sa iyo itong tinapay? Ugali ko pagkabata na maglimos na sa kawawa ang naipagkawanggawa bawiin pa'y di magawa.

Narrator: Pinilit ni Don Juan na ibigay ang tinapay at kinuha ito ng matanda a't umalis ang matanda na ang paglakad ay gaya ng ibong lumilipad. Pinagpatuloy ni Don Juan ang paglalakad ng makita ang bahay ng Ibong Adarna na pagkaganda ganda kaya't si Don Juan ay nabighani pero sa tulong na Mahal na Birhen namulat ang kanyang isipan at naalala ang bilin ng matanda kaya sya'y tumanaw sa baba at nakita ang isang matandang gaya ng tumulong sa kanya. Inanyayahan nito ang Prinsipe na pumunta sa kanyang tirahan at sya'y pinakain ngunit nagtaka ng makita ang kanyang tinapay na binigay sa matanda.

Don Juan: Ito'y isang talinghangang kayhirap na maunawa. Yaong aking nilimusan ang isang matanda saka dito'y iba nama'y ang Ermitanyo ang nag-alay? Hindi kaya baga ito ay sa diyos sikreto? Anaki't si Kesukristo ang banal na Ermitanyo!

Matandang Ermitanyo 2: Don Juan iyong sabihin ang layon mo'y nang maligning.

Don Juan: Matagal na pong di hamak ang aking paglalagalag walang bundok o gubat ang hindi ko yata nalakad dumanas ng kahirapan pagod, puyat, gutom, uhaw sa hirap ng mga daan palad ko ang di mamatay. Lahat na po ay binata nang dahilan sa Adarna ibong matamis kakanta na lunas sa aking ama.

Ermitanyo 2: Don Juan yang hanap mo'y pinaghirapang totoo ngunit ang Adarna ay may engkantong wala pang nakakatalo. Don Juan masusubok ko katibayan ng loob mo kung talaga ako'y tutulong sa iyo. Punongkahoy na makinang na iyo nang daraanan ay doon namamahay ang Adarnang iyong pakay. Ibong ito'y dumarating tuwing hatinggabi, ang pagkanta'y malambing katahimikan kung gawin. Pitong awit ang ilalabas ng Adarna pito rin at iba-ibang itsurang ilalabas ng Adarna. Itong pitong dayap ang tutulong sa iyo sa isang Engkantada at bawat kantang pakikinggan ang palad mo ay sugatan at ito'y pigaan ng dayap ang hilaw na laman. Pagkatapos ang Adarna ay maglalabas ng dumi at ikaw'y mag-ingat na hindi maapakan at kung maapakan mo ikaw ay magiging bato at matutulad ka sa dalawa mong kapatid. Dalhin mo rin itong sintas pagkaginto ay matingkad, itali mo paghawak sa Adarnang mag-aalpas. Kaya't ika’y humayo bago sumapit ang hatinggabi at ika'y mag-ingat at tandaan ang mga sinabi .

Narrator: Naghintay si Don Juan sa Ibong Adarna ng hanggang nakadating. Ginawa ang sinabi ng Matandang Ermitano                                                                                                                                
Don Juan : nahuli ko na rin ang ibong adarna.                                                                                      
Narrator: bumalik si Don Juan sa Ermitanyo at nagpasalamat                                                                                    
Don Juan: maraming salamat po at nahuli ko ang ibong adarna.

Ermitanyo: walang anuman sa iyo , dahil sa iyong kabutihang loob  kaya nahuli mo ang adarna. Nakita mo ba ang dalawang bato malapit sa puno ng piedras platas? iyon ang iyong mga kapatid, magtungo ka roon at buhusan mo ang mga bato ng tubig na ito upang magbalik sa dati ang iyong mga kapatid                                                                                                                                                        
Don Juan: maraming salamat, ako na po ay tutungo doon.                                                                     
Narrator: niligtas ni Don Juan ang kanyang dalawang kapatid nang buhusan  nya ito ng tubig ayon sa utos ng Ermitanyo . nagtungo sila sa Ermitanyo upang magpaalam na. 

Don Juan: kami po ay lilisan na upang gumaling na ang aming ama. muli ay maraming salamat sa inyo pong pag tulong upang mahuli ko ang adarna                                                                                                               
Ermitanyo: mag iingat kayo sa inyong paglalakbay, at Don Juan mag iingat ka dahil ang inggit ay nakasisira ng pagiging magkakapatid.                                                                                                                           
Narrator: nag lakbay ang magkakapatid at sa pag lalakad nila ay pinag kasunduan nila Don Pedro at Don Diego na bugbugin si Don Juan hanggang sya ay mawalan ng malay. At nagtagumpay sila sa masamang plano, iniwan nila si Don Juan na duguan at nag patuloy sila maglakbay patungo sa berbanya.                                                                                                                                                                   
Don Pedro: narito na kami at dala na ang ibong adarna.                                                                                                            
Don Fernando: sino ang nakahuli ng adarna?                                                                                                                   
Don Pedro: ako!                                                                                                                                   
Don Fernando: totoo ba iyon Don Diego?                                                                                                      
Don Diego: totoo ang sinambit ni Don Pedro sya ang nakahuli ng adarna.                                                                 
Don Fernando: kung gayon, nasan si Don Juan? hindi nyo ba sya nakita?                                                                  
Don Pedro: hindi namin nakita si Don Juan. maaring naglalakbay pa sya ngayon.                         
Donya Valeriana:  simulan mo ng paawitin ang adarna upang gumaling na ang inyong  ama.                                                            
Narrator: pilit pinapaawit ni Don Pedro ang adarna ngunit ayaw nitong umawit.                                                                                    
Donya Valeriana: bakit ayaw umawit ng adarna?                                                                          
Manggagamot: maaaring may hinihintay pa sya na dumating. sino ba ang wala sa inyo?            

Donya Valeriana: ang aming bunsong hanggang ngayon ay hindi pa rin sya umuuwi.                 

Manggagamot: maaari nga sya ang hinihintay.                                                                                   
Narrator: maya maya  ay laking gulat nila Don Pedro at Don Diego , dahil biglang dumating si Don Juan at nagsimulang umawit ang adarna                                                                                                                            
Donya Valeriana: anak buti at dumating kana, dahil lalong lumubha ang karamdaman ng iyong ama nang ikaw ay wala.                                                                                                                                               
Narrator: naging masaya ang lahat dahil sa pagbalik ni Don Juan, kinwento ni Don Juan ang lahat ng nangyari, at sila Don Pedro at Don Diego ay pinalayas ng kaharian dahil sa kanilang pagtataksil.



Mga Sanggunian:

John Paul Canlas Solon. April 19, 2015. Script Ibong Adarna. Retrieved from
http://docslide.net/documents/script-ibong-adarna.html



Ibong Adarna Script

$
0
0
Ibong Adarna
Bea Bernardo Jose

Scene I
(Palacio ni Haring Fernando)

Manggamot: Hindi namin masabi kung ano ang kanyang naging karamdaman.
(Biglang may dumating na ermitanyo.)
Ermitanyo: Ang tanging makakapagalaing sa kanya ay ang pagawit ng Ibong Adarna na mahahanap sa puno ng Piedras Platas sa bundok Tabor.
Don Pedro: Ako ang huhuli sa Ibong Adarna.

Scene II
(Bundok Tabor)

(Naglalakbay si Don Pedro kasama ang kanyang kabayo.)
Don Pedro: Sa wakas at natagpuan ko na ang puno ng Piedras Platas.
(Nakatulog si Don Pedro sa pagawit ng Ibong Adarna)                               
(Nataihan ng Ibong Adarna si Don Pedro at naging bato siya)
***
(Sa Palacio)
Don Diego: Ilang buwan na ang nakakalipas ngunit hindi pa bumabalik ang aking kapatid na si Don Pedro.
Don Diego: Ako ang huhuli sa Ibong Adarna para gumaling na ang aking ama.
(Naglalakbay si Don Pedro kasama ang kanyang kabayo.)
Don Diego: Sa wakas at natagpuan ko na ang puno ng Piedras Platas.
(Nakatulog si Don Diego sa pagawit ng Ibong Adarna)                               
(Nataihan ng Ibong Adarna si Don Pedro at naging bato siya)

***
(Sa Palacio)
Don Juan: Ilang taon na ang nakakalipas ng umalis ang aking mga kapatid ngunit kahit anino nil ay walang dumating.
Don Juan: Ako ang huhuli sa Ibong Adarna.
Reyna Valeriana: Hindi pwede Juan. Kaya nagkasakit ang iyong ama dahil nagaalala siya sayo.
Rayna Valeriana: Napaginipan kasi niya na mayroon daw nagtaksil sayo at itinapon ka sa isang balon.
Don Juan: Magiging maayos lang ako. Hindi niyo kailangan mag alala magiingat ako.
(Naglakbay si Don Juan ngunit walang dalang kabayo)

Scene III
(Paglalakbay ni Don Juan sa Gubat)

Ketongin: Iho, pwede bang makahingi kahit kaunting pagkain lang.
Don Juan: Ito po.
Ketongin: Salamat.
(Paalis na ang ketongin)
Don Juan: Sindali lang po, alam niyo po ba kung paano huhulihin ang Ibong Adarna?
Ketongin: Mayroon isang maliit na bahay malapit sa bundok, kung saan nakatira ang isang ermitanyo.
Ketongin: Siya ang magbibigay sayo  ng kaalaman kung paano mo mahuhi ang ibon. At huwag na huwag kang matutulog sa isang magandang puno doon.
Don Juan: Maraming salamat po.

Scene IV
(Sa bahay ng Ermitanyo)

(Kumatok si Don Juan)
Ermitanyo: Pumasok sa iho. Kumain ka muna.
(Iaalok ng ermitanyo ang tinapay na binigay ni Don Juan sa ketongin, Nagtaka si Don Juan)
Don Juan: Paano kop o ba mahuhuli ang Ibong Adarna
(Inabot ng ermitanyo ang isang dayap, matalim na labaha, at gintong sintas.)
Ermitanyo: Tuwing kakanta ang Ibong Adarna, kailangan sugatan mo sugatan ang iyong katawan at patakan ng katas ng dayap ang sugat upang hindi ka makatulog. Kailangan mo ding umiwas kung ang ibon ay umipot pagkatapos umawit ng pitong awit. At kapag nahuli mo na ang Ibong Adarna, dapat talian mo ito ng gintong sintas.
Don Juan: Salamat po.
(Umalis si Don Juan.)
Scene V
(Pagkahuli sa Ibon)

(Sinunod ni Don Juan ang utos ng ermitanyo.)
Don Juan: Kailangan kong bumalik sa bahay ng ermitanyo
(Bumalik sa bahay ng ermitanyo.)
(Kinulong ang Ibon)
Don Juan: Paano kop o maililigtas ang aking mga kapatid?
Ermitanyo: Buhusan mo sila ng mahiwagang tubig.
(Nagbigay ang ermitanyo ng tubig sa bote)
Scene VI
(Niligtas ang mga kapatid)

(Binuhusan ng mahiwagang tubig ang mga kapatid)
Don Pedro at Don Diego: Salamat Juan at niligtas mo kami.
Don Juan: Halika at maglakbay na tayo pabalik ng Berbanya.
(Pagsapit ng Gabi)
Don Juan: Magpahinga muna tayo dito.
(Natulog na si Don Juan)
Don Pedro: Hindi pwedeng makuha nanaman ni Juan ang karangalan. Lagi na lang siya ang magaling. May plano ako para tayo naman ang mapansin ng hari.
(binulong si Don Pedro ang kanyang plano kay Don Diego)

Scene VII
(Pagtataksil)

(Binogbog nila si Don Juan hangang mawalan ito ng malay)
Don Pedro: Kunin mo na ang ibon at umalis na tayo dito.
(Pagkadating sa berbanya)
Don Pedro: Nakuha ko na ang Ibong Adarna.
Reyna Valeriana: Buti na lang nakabalik na kayo. Asan si Don Juan?
Don Pedro: Hindi po naming siya nakita.
(Dinala ang ibon sa hari ngunit hindi ito kumanta)

Scene VIII
(Si Don Juan)

Matanda: Naku! Iho,anong nangyari sayo. Sumama ka sa akin at gagamutin kita.
Don Juan: Salamat po.
Matanda: Walang ano man.
Scene IX
(Bumalik si Don Juan sa Berbanya)

Reyna Valeriana: Juan! Salamat naman at nakauwi ka na.
(Yakap)
(kumanta na ang ibon)
(Bigla itong nagpalit ng anyo at sinabi kung ano ang nangyari kay Don Juan)
Ibong Adarna: Binugbog nila si Don Juan para sila ang makakuha sa akin at sa karangalan.
Haring Fernando: Dapat kayong parusahan.
Don Juan: Huwag na po ama. (nagmamakaawa)

Scene X
(Nakalaya ang Ibong Adarna)

Don Juan: (Hikab)
(Nakatulog si Don Juan sa kakabantay sa Ibong Adarna)
(Pinakawalan ito ng kanyang mga kapatid at ito ay nakawala)
Don Juan: Naku! Kailangan kong umalis at baka ako pa ang pagkamalang nagpakawala sa Ibong Adarna.

Scene XI
(Paghahanap kay Don Juan)

Haring Fernando: Nawawala ang inyong kapatid na si Juan. Kailangan niyo siya hanapin.
Magkapatid: Opo, Ama.
(Naghanap na ang dalawa)
Don Diego: Mabuti naman at nahanap ka na namin.
Don Pedro: Bumalik na tayo sa Berbanya.

Scene XII
(Ang Balon)

Don Pedro: Ano kaya ang nasa balong iyon.
(Bumaba si Don Pedro, natakot at umakyat pabalik)
Don Diego: Ako naman ang susubok
(Bumaba si Don Diego, natakot at umakyat pabalik)
Don Diego: Napakalalim naman ng balong iyan
(Bumaba si Don Juan)
Don Juan: Ang ganda naman dito. Sindali ano yun.
(Dona Leonora binabantayan ng Serpyenteng may pitong ulo.)
Don Juan: Kailangan ko siyang iligtas

Scene XIII
(Dona Juana)

Dona Leonora: Salamat sa pag sagip mo sa akin pwede mo rin bang tulungan ang akingkapatid nasi Juana. Bihag siya ng isang higante.
(Tinulungan ito ni Don Juan)
Dona Juana: Salamat sa pagligtas mo sa aming dalawa.
(Umakyat na sila)

Scene XIV
(Singsing)

Dona Leonora: Naku! Naiwan ko ang aking singsing.
Don Juan: Ako na ang kukuha
(Bumaba ulit si Don Juan ngunit pinutol ng kanyang mga kapatid ang lubid)
(Nahulog si Don Juan)

Scene XV
(Pagbabalik sa Berbanya)

(Bumalik sa sila sa Berbanya)
(Nagpakasal si Don Diego at si Dona Juana)
Don Pedro: Dapat na rin tayong ikasal Dona Leonora
Dona Leonora: Bigyan mo muna ako ng pitong taon.

Scene XVI
(Muling paglalakbay ni Don Juan)

Don Juan: Magpapahinga muna ako sa may puno.
(Nagpahinga) (Dumating ang Ibong Adarna)
Don Juan: Hindi ako pwedeng makatulog
(Nagpalit anyo ang Ibon)
Ibong Adarna: Mayroong isang magandang prinsesa na si Maria Blanca na anak ni Haring Salermo ng kaharian ng Delos Cristales.
Don Juan: Kailangan ko siyang hanapin.

Scene XVII
(Ang tatlong ermitanyo)

(Maynatagpuan siyang Ermitanyo)
Don Juan: Alam niyo ho ba kung saan ang Kaharian ng Delos Cristales?
Ermitanyo: Hindi, ngunit baka alam ito ng aking nakakatandang kapatid.
(Nagbigay ng pirasong tela)
Ermitanyo: Ipakita mo ito sa kanya at itanong mo sa kanya iyan.
(Maglakbay si Don Juan)
(Nakita niya ang Ermitanyo at ipinakita ang tela)
Don Juan: Pinapunta po ako dito ng inyong nakababatang kapatid, Alam niyo ho ba kung saan ang Kaharian ng Delos Cristales?
Ermitanyo 2: Hindi, ngunit baka alam ito ng aking mas nakakata pang kapatid.
(nagbigay muli ng kapirasong tela)
Ermitanyo 2: Ipakita mo ito sa kanya at itanong mo sa kanya iyan.
(Naglakbay muli si Don Juan)
(Nakita niya ang Ermitanyo at ipinakita ang tela)
Don Juan: Pinapunta po ako dito ng inyong nakababatang kapatid, Alam niyo ho ba kung saan ang Kaharian ng Delos Cristales?
Ermitanyo 3: Hindi ngunit alam ng agila ko ang lugar na iyan.
Don Juan: Pwede po ba niya ituro kung asan ito.

Scene XVIII
(Dona Maria)

Agila: Pagnaligo na si Dona Maria kunin mo ang kanyang damit at itago ito. Kapag hinanap na niya ito. Magpakita ka na sa Princessa.
(Ginawa ni Don Juan ang utos ng agila)
(Sinabi ni Don Juan ang kanyang malinis na intension at hindi naman nagalit ang Princessa)

Scene XIX
(Mga utos ni Haring Salermo)

(Sinubukan ni Haring Salermo si Don Juan)
(Flashback ng mga pagsubok)* Medyo fastforward ng kauti:
Ang unang pagsubok ay ang pagtibag ng bundok, pagpapatag nito at pagtatanim ng trigo na kinakailangan kinabukasan ay may mainit na tinapay na magagawa kaagad si Juan at maibibigay sa hari. Ang ikalawa ay ang paghuli sa 12 negrito na pinakawalan sa karagatan. Ang ikatlo ay ang paglalagay ng bundok sa gitna ng dagat at gagawing kastilyo, na banding huli ay kanya ring pina- alis ang kastilyong ito upang makita ang nahulog na singsing ng hari sa karagatan. Ang pinakamahirap ay ang paghahanap nito ng singsing ng hari na kanyang pinaghati-hati ang katawan ni Maria upang hanapin ang singsing ng hari, dahil dito nawala ang isa sa mga daliri ni Maria. Gayunpaman, lagi nitong napagtatagumpayan ang lahat ng pagsubok ng hari sa tulong na rin ng Mahika Blanka ni Donya Maria.
Haring Salermo: Dahil natapos mo lahat ng aking pagsubok ay papayagan kitang pakasalan ang isa sa aking mga anak.
(Ang napili ni Juan ay si Maria kahit hindi ipinakita sa kanya ang mukha ng prinsesa. Dahil na rin sa naputol na daliri ni Maria bilang naging palatandaan ni Juan sa kanya.)
Haring Salermo: Bakit kilala ninyo ang isat-isa. Matagal nab a kayo magkakilala?
Dona Maria: Opo.
Haring Salermo: Dahil sa kataksilan mo sa akin isusumpa kita makakalimutan ka ni Don Juan at magpapakasal siya sa iba.

Scene XX
(Ang Kasal)

Don Juan: Iiwan muna kita dito Maria. Pangako ko babalik ako.
***
Dona Leonora: Don Juan! Buti na lang at nakabalik ka na.
(Nakalimutan na ni Juan si Maria)
Don Juan: Nais ko pong pakasalan si Dona Leonora
Haring Fernando: O sige, pumapayag ako.
(Ikakasal na ang dalawa) (Biglang dumating si Dona Maria)
(Isang negrito at negrita ang inilabas ni Maria. Sa tuwing papalo ang negrita, hindi nasasaktan sng negrito. Ang nasasaktan ay si Don Juan. Unti unting naalala ni Don Juan si Dona Maria)
Don Juan: Ama! Naalala ko na si Dona Maria talaga ang gusto kong pakasalan.
(Gulat na gulat si Dona Leonora)
Haring Fernando: Si Leonora na ang niyaya mong pakasalan dapat panindigan mo iyon.
Don Juan: Dona Leonora, hindi ako karapatdapat sayo. Hindi ko masusuklian ang pagmamahal mo dahil mahal ko talaga si Dona Maria. Ang totoong nagmamahal sayo ay si Don Pedro.
Dona Leonora: Pumapayag na ako.
(Nagpakasal na ang dalawang pares)

The End J



Mga Sanggunian:


Bea Bernardo Jose. October 28, 2014. Ibong Adarna Script. Retrieved from
http://docslide.net/documents/ibong-adarna-script.html

Ibong Adarna Script

$
0
0
“IBONG ADARNA”
(I – Attalia / Arimathea 2011-2012)
Iwinasto at Iniayos ni: Kevin yee


Scene 1
(Palace)


(Read prayer in book)

Narrator: Sa isang payapang kaharian na ang ngalan ay Berbanya, namumuno ang isang magaling at maginoong hari, Si Haring Fernando. Kasama nyang namumuno ang kanyang kabiyak na si Reyna Valeriana, isang mapagmahal at minamahal na reyna nang Berbanya. Silang dalawa ay biniyayaan nang tatlong binatang matitikas na sa paglaon nang panahon ay naging mga pantas.
Si Don Pedro na panganay ay may tindig na pagkainam, si Don Diego naman ay malumanay habang si Don Juan naman ay may pusong ginintuan.
Don Fernando: Ngayo’y panahon na upang kayong tatlo ay mamili sa dalawa. Kayo ba ay magpapari, o magrereyno at mamumumno sa kaharian nang Berbanya?
Don Pedro, Diego at Juan: Ang paghawak ng kaharia’t bayan upang mga ito’y paglingkuran ay aming naiibigan.
Don Fernando: (cries proudly) Ipinapagmalaki ko kayo mga anak… Mabuhay ang tatlong prinsipe! (MABUHAY!)

Scene 2
(Don Fernando’s room)

Narrator: Isang gabi nang mahimbing na natutulog si Don Fernando, napanaginipan niyang kanyang bunsong anak na si Don Juan. Diumano, ito’y nililo at pinatay ng dalawang tampalasan.

(a short re-enactment of the king’s dream)
(Sa sususnod na araw)…
(Don Fernando’s wife and sons worriedly gathered to see the ill king)

Donya Valeriana: Naku, mahal ko, ano ba ang nangyari sa iyo?(looks at husband sadly)
Manggagamot: Sakit mo po, Haring Mahal ay bunga ng pangimpan, mabigat man at maselan, may mabisang gamutan. May isang ibon na ang pangalan ay Adarna, pag ito’y narinig mong kumanta, ang sakit mo ay mawawala. Ito ay tumatahan sa kabundukang Tabor kung saan makikita ang Piedras Platas, punong tirahan ng ibong Adarna.
Don Fernando: Pedro, anak, hanapin mo ang ibong adarna para ako’y gumaling na. Huwag mong dalhin ang iyong kabayo sa paglalakbay sapagkat ito’y…. Sundin mo ako.

Scene 3
(Mountain)

Narrator: Sa kasamaang palad, sumuway sa utos ni Don Fernando si Don Pedro. Siya’y nagdala nang kabayo papunta sa kabundukan nang Tabor. Siya’y naglakbay sa kabundukan na higit sa tatlong buwan bago narating ang Bundok Tabor kung saan makikita ang Piedras Platas, punong tirahan ng ibong Adarna, siya ay dumaan sa mga iba’t ibang pahamak sa kanyang paglalakbay upang makuha lang ang lunas para sa kanyang amang mahal .
Don Pedro: (Climbs Tryingly) Malas naman nito, namatay ang kabayo ko…
Narrator: Hanggang sa…
Don Pedro: Natanaw ko na ang Piedras Platas… Ang ganda ng kapaligiran lalong-lalo na ang punongkahoy na ginto…(Breathing Heavily)…(Walks toward the tree)….(sits under the tree)

(Ibong Adarna came, lands on the tree and begins to sing)

Don Pedro: (yawns, (count1234 silently) and sleeps)

(Ibong adarna drops on Don Pedro)
(Don Pedro becomes stone)

Scene 4
(Palace)

Narrator: Nainip ang mga tao sa kaharian sa tagal ng paghihintay kay Don Pedro kaya minabuting hanapin naman ito ni Don Diego.
Mga tao (group of commoners): Nasaan na kaya si Don Pedro? May pag-asa pa ba kayang gumali ang mahal na hari? Don Diego, matagal na tayong naghihintay para sa pagbabalik ng iyong nakatatandang kapatid na si Don Pedro kaya panahong ika’y pupunta sa bundok ng Tabor upang hanapin ang iyong kapatid at ang Ibong makapaggagaling sa iyong ama
Don Diego: (confidently says): Hindi ko po kayo bibiguin… Kayang-kaya ko ito.

Scene 6
(Mountain)

Narrator: Naglakbay si Don Diego patungo sa bundok Tabor na hindi nagpaalam sa kanyang mga magulang. Inabot ng limang buwan ang paglalakbay ni Don Diego bago nakarating sa patutunguhan. Dumaan muna siya sa hirap bago nakarating sa Piedras Platas.
Don Diego: Ano bang laking hiwaga, punong ganda’y nakakaakit sa mata!… Lumalalim na ang gabi, ako’y mamahinga muna(sits on a rock).

(Ibong Adarna comes and sings)

Don Diego: (sleeps)

(Ibong Adarna drops on the prince, then he becomes a rock.)

Narrator: Tulad rin sa nangyari kay Don Pedro’y naging bato din si Don Diego.

Scene 7
(King’s room)

Donya Valeriana: (paces back and forth) Mahal ko, masama ang kutob ko sa nangyayari kina Don Pedro’t Don Diego. Ano ba ang dapat gawin natin?(worried)
Don Fernando: (looks at Don Juan) Anak, ikaw nalang ay ang aking pag-asang ako’y gumaling na sa pamamagitan ng paghahanap sa mahiwagang Ibong Adarna.
Don Juan: Ama, gagawin ko po ang aking makakaya… Paalam po sa inyo.
(walks out of the king’s room)

Scene 8
(Mountain)

Narrator: Masakit man sa kalooban nina Don Fernando’t Donya Valeriana na mawalay ang pinakamamahal nilang anak ay wala silang magawa dahil sa paghahangad ni Don Juan. Kababaan ng loob at pagpapala ng Diyos ang tanging naging baon niya sa kanyang paglalakbay.

(Don Juan tryingly hikes)

Ermitanyo: Tulungan mo ako, ako’y gutom na gutom…
DonJuan: (Gets bread) Ito ho, isang tinapay na baon para sa aking paglalakbay.
Ermitanyo: Salamat! Ano po ba ang aking ipaglilingkod ko sa iyo?
DonJuan: Paano ko po makukuha ang Adarnang napakaganda?
Ermitanyo: Pagdating mo sa punon nang Piedras Platas, ika’y pumunta sa isang dampang maliit. Ika’y kumatok at ang iyong kasaguta’y masasagot.
Don Juan: Maraming salamat po.
Ermitanyo: (Holds Don Juan) Ako’y may isa pang bilin, isapuso mo ang pag-iingat, upang ika’y hindi maging isang buhay na bato. Tanggapin mo itong tinapay bilang aking pasasalamat.
Don Juan: Hindi ko maaring bawiin ang isang bagay na akin nang ibinigay.
(Refuses the bread) Paalam..

(Hermit disappears)

Narrator: Nagdaan pa ang ilang oras bago nya matunton ang punong kanyang hinahanap…
Don Juan: (See Piedras Platas with amazement then sees a small house and knocks)
Ermitanyo: Tumuloy ka, halika’t sumalo sa akin sa pagkain.
Don Juan: May isang matandang ermitanyo ang nakapagsabi sa akin na ako’y pumaroon ditto upang ika’y tanungin.
Ermitanyo: Ano ba ang aking maipaglilingkod sa iyo?
Don Juan: (sits down) Ang aking ama po’y may sakit at ang tanging lunas lamang ay ang Ibong Adarna.
Ermitanyo: Don Juan, ang Ibong Adarna ay may engkanto na wala pang tumatalo.
Don Juan: Titiisin ko ang lahat para lang gumaling ang aking ama.
Ermitanyo: Ang punungkahoy na makinang na iyo nang naraanan, ay doon nga namamahay ang Ibong Adarna. Ang ibon ay dumadating sa hatinggabi, kumakanta ito ng malambing at magpapalit ng itsura ng balahibo hanggang ika’y aantokin. Bawat kantang pakinggan ang palad mo ay sugatan, saka agad mong pigaan ng dayap ang hiwang laman kung hindi mo ito magagawa, ikaw ay magiging bata katulad ng iyong mga kapatid na sina Don Pedro’t Don Diego. Dalhin mo rin itong gintong sintas, itali mo pagkahawak sa Ibong Adarna.
Don Juan: (Saw the bread) Ikaw ba ay isang diyos na sikreto? Ikaw ba’y anak ni Hesus na makapangyarihan, ang mahiwagang ermitanyo!
Ermitanyo: (small smile) Don Juan, ika’y humayo na sapakat ito’y oras na ng pagdating ng Ibong Adarna.
Narrator: Nang nakarating na si Don Juan sa Piedras Platas, sinunod niya ang ipinayo ng matandang ermitanyo.
Don Juan: Nandito na ang ibon…

(Bird sing and changed color)
Don Juan: (does the things that the hermit said and then gets the bird with the rope) Ngayong nasa akin na ang Ibong Adarna, panahon nang aking iligtas ang aking mga kapatid.
Ermitanyo: (appears) Iyang banga ay kunin mo, punin mo ng tubig at dahan-dahan mong ibuhos sa dalawang bato.
Don Pedro’t Don Diego: (hugs Don Juan) Salamat at kami’y binuhay mo…
Ermitanyo: Maghanda kayo sapagkat kayo’y uuwi na. Mag-ingat kayo…
Don Pedro, Diego’t Juan: Salamat po. Hanggang sa muli… (wave at the hermit)
Narrator: Pauwi na ang tatalo sa kaharian, isang masamang balakin ang nabuo sa isipan ng nakatatandang kapatid na sinang-ayunan sa bandang huli ng ikalawang kapatid.
Don Pedro: Bugbugin natin si Juan hanggang siya ay masaktan at mamatay. Nakawin natin ang ibong Adarna, ibigay natin kay ama, ipapagmalaki tayo ni ama at sa huli’y tayo’y magiging hari ng Berbanya, ang lahat ng kapangyarihan upang mamuno ay nasa atin sa huli…
Don Pedro and Diego: (punch Don Juan, grabs the ibong adarna and then run away)

Scene 9
(King’s room)

Don Pedro: Mahal kong ama, kami’y naririto na’t dala ang ibong makakapaggamot sa iyong karamdaman.
Don Fernando: Nasaan si Don Juan?
Don Diego: Ama, hindi po namin alam kung saan ang aming kapatid. Ngunit bumalik kami upang kayo ay gamutin. O ibong adarna, ikaw ay kumanta na.

(Ibong Adarna does not sing and turns ugly)

Don Fernando: Ano ang nangyari?!?!

Scene 10
(Mountain and Hermit’s house)

Ermitanyo:(appears and helps Don Juan lie down) Prinsipe, malubha ang iyong sugat hayaan mong gamutin ko ito.
Narrator:Ilang araw ang nakalipas, maginhawa at handang umuwi na si Don Juan dahil sa tulong ng Ermitanyo.
Don Juan: Salamat po sa lahat. Ako’y babalik na sa Berbanya. (Shakes the hermit’s hand)

Scene 11
(King’s room)

Don Juan: Ama, ako’y nandito na…
Don Fernando: Anak ko, ako’y maligaya sapagakat ikaw na ay dumating.
Narrator: Nang nakita ng Ibong Adarna si Don Juan, ito’y biglang kumanta at gumanda.

(Ibong Adarna sings)

Donya Valeriana: Mahal ko, ano na ngayon ang iyong pakiramdam?
Don Fernando: Ako’y bumuti na! Ang ganda ng aking pakiramdam!
Ibong Adarna: Haring Don Fernando,si Don Juan po’y nagtiis ng madlang hirap, kamatayan ay hinamak at sa utos mo’y tumupad. Siya po’y tinaksil ng iyong mga anak na sina Don Pedro’t Don Diego.
Don Fernando: Don Pedro’t Don Diego, ano ang pumasok sa inyong isipan at nagawa niyo ito sa sarili niyong kapatid. Ito’y hindi katanggap-tanggap! Dahil dyan kayo ay aking tatanggalan nang kapangyarihan dito sa Berbanya at kayo ay ipapatapon sa malayong lugar!
DonJuan: Ama, huwag na po kayong magalit. Mga kapatid ko’y aking pinapatawad at sana’y patawarin ninyo po sila ama. Ako ay nakakasiguradong hindi na muli sila gagawa nang anumang bagay na hindi kanais-nais.
Don Fernando: (nag-isip) Dahil sa iyong kahilingan anak, Don Pedro, Don Diego, kayo ay aking pinapatawad. Pero sa susunod na mangyari ito, kamatayan na ang hatol ko.
Narator: Napagkasunduan nang magkakapatid na babantayan nila ang Adarna. Tig-tatatlong oras sila sa pagbabantay. Maayos na sana ang lahat, pero…

(Don Juan sleeps)

DonPedro: Diego, halika’t sabay tayong magbantay nitong ibong Adarna. Gisingin mo si Don Juan pagdating dito ay iwa’t huwag mo siyang halinhan.
Don Diego: At paano naman siya tatanod nang makalawa?
Don Pedro: Huwag kang mag-alala’tmay magandang plano ako.

(Both exits)
Don Diego: Juan, gumising ka na…
Don Juan: (goes out to see the bird) Hay naku, ang sarap ng tulog ko kagabi, magpapahinga muna nga ako…(sits on the chair and sleeps)
Don Diego at Pedro: (Sneak towards the room and release the bird)
Narrator: Pagkagising ni Don Juan, tumambad sa kanya ang bukas na hawla ng Ibong Adarna.
Don Juan: Naku! Nasaan na ang Ibong Adarna?!?! (nag-isip) Gawa na naman ito nina Don Pedro’t Don Diego, kailangan ko na umalis upang sila’y hindi maparusahan ni haring ama. (runs away)
Narrator: Bago mitak ang umaga, si Don Juan ay umalis na upang pagtakpan ang ginawang kasalanan ng mga kapatid.
Don Fernando: Nasaan na ang Ibong Adarna!?!?!
Don Diego: Ama, hindi po naming alam.
Don Pedro: Ang alam lang naming ay si Don Juan ang huling nagbantay sa Ibong Adarna….
Don Fernando: Mga anak ko, hanapin ninyo ang inyong bunsong kapatid na si Don Juan at iuwi ninyo siya dito sa palasyo…
Don Pedro: Ama, huwag po kayong mag-aalala, aming hahanapin si Don Juan.

Scene 12
(Mountain)

Narrator: Mga bukid, burol at bundok, bawat dako’y sinalugsog upang hanapin si Don Juan, ngunit sila’y walang nakita.
Don Diego: (stops) Wala, wala si Don Juan…Ako’y pagod na pagod, Nasaan na kaya siya?
Narrator: Lakad, tanaw at silip ang kanilang ginawa ngunit wala pa rin nakita si Don Juan. Hanggang sa, nakita na rin nila si Don Juan sa Armenyang Kabundukan. Itong Bundok ng Armenya’yisang pook na maganda at napaliligiran ng tanawing kaaya-aya. Sa Armenya tumahan si Don Juan upang doon pagsisihan ang nagawang pagkukulang
Don Diego: Juan, sa wakas ay natagpuan ka na naming…
Don Pedro: Ang ganda ng lugar na ito, gusto kong tumira dito.
Don Diego: Pedro, ako’y nahihiya na sa ating kapatid na si Juan, ang dami ng mga masasamang bagay ang ginawa natin sa kanya.
Don Pedro: Ikaw sana’y huwag ganyan, lakasan mo ang iyong loob at ang kahihiya’y ipaglihim mo kay Juan.( says it to Don Diego silently)Kung ibig ninyong huwag nang balikan ang ating mga magulang, pabayaan mo na sila sa Berbanya’t dito na tayo tumira sa Armenya. Tuklasin nating tatlo ang ating kapalaran sa ibang kaharian.
Narrator: Masaya silang naninirahan sa Armenya, nang ipasyang akyatin nila ang bundok na hindi pag nila nahahalughog.
Don Juan: Ang balong ito’y may hiwaga, ihugos ninyo ang tali nang dahan-dahan, huwag ninyong bitawan hanggang aking sasabihin.
Don Diego: Ako’y matanda sa iyo, kaya marapat ay ako ang ihugos muna ninyo.
Don Pedro: Wala ka ring karapatan, pagkat ako ang panganay.
Don Juan at Don Diego: Kung gayon, ikaw ang mauna at kami nama’y bahala.
Don Pedro: (Goes inside the well) Hindi ko matagalan ang nakakatakot na dilim para akong sinasakal. (Goes up)
Don Diego: Ako naman…(Goes down and then goes up) Ang lalim at ang dilim ng balong ito…
Don Juan: Handa na akong pumasok sa balon (Goes down)
Narrator: Si Don Jua’y walang takot na binaba ang balon.
Don Pedro: Ang tagal naman nitong si Juan!
Don Diego: Ano na kaya ang nangyari sa kanya?

Scene 13
(Inside the well)

Narrator: Nang nakarating si Don Juan sa loob ng balon, siya ay namangha sa ganda ng palasyong gawa sa ginto at pilak at lalonh-lalo na sa ganda ni Donya Juana.
Don Juan: (looks around and then sees Donya Juana) O, mahal na prinsesa, ang ganda mo’y nakakasilaw, gusto kong ipahayag sa iyo ang aking tunay na pagmamahal.
Donya Juana: Tanggapin mo ang aking puso, pusong iyan pag naglaho’y nagtaksil ka sa akin.
Don Juan: Hinding-hindi kita pagtataksilan sapagkat ikaw ay ang aking buhay.
Donya Juana: May isang higanteng nagbabantay sa akin, kailangan mo siyang matalo bago ako’y mapasayo.
Don Juan: Kung gayon, gagawin mo ang lahat para sa iyo.

(Giant appears)

Higante: Sinong hamak na kutong lupa ang nagtangkang ilabas ang prinsesa!
(Saw Don Juan) Hah! Hindi ko na pala kailangan lumabas upang humanap nang pagkain, ang pagkain na mismo ang lumapit sa akin!
(Don Juan draws his sword and pointed at the giant, angry by what the giant had said.)

Don Juan: Higante, ika’y manahimik at maghanda na sapagkat dito na matatapos ang iyong buhay! (charged at the giant. They clashed and the giant got killed in the process.)
Don Juan: Ngayong natapos ko na ang higanteng bantay, balak kitang iuwi sa aking kaharian.
Donya Juana: Bago mo gawin iyan, ang hiling ko sana’y iyong iligtas ang aking kapatid na si Donya Leonora mula sa serpyenteng nagbabantay sa kanya sa isang palasyo.
Don Juan: Para sa iyo, aking isasakatuparan ang iyong kahilingan. (runs)

Scene 14
(Donya Leonora’s palace)

Donya Leonora: Sino ka ba at ano ang iyong kailangan?
Don Juan: Magandang prinsesa, ako si Don Juan na magliligtas sa iyo laban sa Serpyenteng nagbabantay sa iyo sa palasyong ito.
Donya Leonora: Walang taong matino ang lalaban sa serpyente na nagbabantay sa akin. Kung mahal mo pa ang buhay mo, tumakbo ka na paalis sa palasyong ito.
Don Juan: (Disregards Leonora’s warning and steps forward) Ako’y hindi natatakot sapagkat alam ko na tama ang aking gagawin. (Shouts) Serpyente! Lumabas ka at ako’y harapin!
Serpyente: (hisses at Don Juan)
Donya Leonora: Kung ika’y aking hindi mapigilan, tanggapin mo ito, (gives Don Juan the “Balsamo”), sa bawat ulo na iyong maputol, ibuhos yan upang tiyak ang iyong pagkapanalo.
Don Juan: Maraming salamat
Serpyente: (Attacks Don Juan)

(Don Juan and the serpent fought)

Narrator: Bawat ulong matigpas ni Don Juan ay binubuhusan niya ng balsamo upang ito’y hindi na muling mabuhay.
(Serpent lost all of his heads, eventually dies)

Donya Leonora: Don Juan, ang iyong tapang at lakas ay aking hinahangaan.
Don Juan: Prinsesa kong mahal, halikana’t umalis na tayo dito. Kumapit ka sa akin ng mahigpit at pupunta tayo sa Kaharian ng Berbanya.
Narrator: Umiral na naman ang inggit kina Don Pedro at Don Diego sa kanilang bunsong kapatid nang muli itong magtagumpay sa pakikipagsapalaran sa ilalim ng balon. Dagdag pa rito si Leonorang pagkaganda na bumihag sa puso ni Don Pedro.

(Donya Leonora holds Don Juan tightly)

Narrator: Paalis na sana silang lahat upang magbalik sa Berbanya ngunit…
Donya Leonora: Juan, ang aking singsing ay aking naiwan. Paano na iyan?
Don Juan: Huwag kang mag-alala sapagkat aking kukunin ang iyong singsing. Babalik rin ako. (Goes down)
Narrator:Dahil sa selos, suklam na suklam si Don Pedro sa kanyang bunsong kapatid at nagawa niyang….
Don Pedro: (cuts rope)
Donya Leonora: Huwag!
Don Juan: (falls down and screams)
Narrator:Hinimatay si Donya Leonora pero nagpatuloy pa rin sina Don Pedro’t Don Diego sa kaharian ng Berbanya na kasama ang magkapatid na prinsesa.

Scene 15
(Palace)

Don Fernando: Mga anak! (hugs sons) Matagal ko kayong hinintay, natagpuan ba ninyo si Juan?
Don Pedro: Ama, walang burol, nayo’t bundok na di naming nahalughog, siniyasat naming ang bawat tumok, sapa, batis at ilog, ngunit hindi po naming nakita ang iyong minamahal na si Don Juan.
Donya Valeriana: Nasaan na kaya ang aking minamahal na Juan?
Don Fernando: Hindi ito maaari… (frowns) (says silently)
Don Diego: Ama, sila po’y magkapatid na prinsesang sa balon po tumitira, sila’y aming niligtas mula sa kapahamakan.
Don Pedro: Si Leonora ang aking minamahal at si Don Diego’y nais ikasal din kay Donya Juana.
Donya Leonora: (Startled, then knelt in front of the king, crying) Haring mahal, hiling ko pong ipagpaliban muna ang kasal ng pitong taon sapagkat ito ay aking panata na mamuhay mag-isa simula noong mamatay ang aking mga magulang.
Don Fernando: Ang iyong kahilingan Donya Leonora ay aking tinatanggap. Ikaw naman, Donya Juana, maghanda ka na’t sa ika-siyam na araw ay ika’y ikakasal kay Don Diego. Mga kawal, ituro nyo kay Donya Leonora’t Donya Juana ang silid na kanilang titirhan.





Scene 16
(Donya Leonora’s room)

Donya Leonora: (Summons her wolf) Aking alaga lobo, puntahan mo si Don Juang aking giliw at siya’y gamutin. Siguraduhing sya’y nasa mabuting kalagayan bago umalis.
O, lobo, ika’y humayo na’t magmadali, upang siya’y iyong maabutan. (Wolf leaves) (Donya Leonora cries)


Scene 17
(Mountain)

Narrator: Nanumbalik ang lakas ni Don Juan, matapos siyang gamutin ng lobong alaga ni Leonora.Nang naging mabuti ang pakiramdam ni Don Juan, siya’y iniwanan na.
Ibong Adarna: Mahal na prinsipe, hanapin mo si Maria Blanca sa kahariang Cristalinos at kalimutan mo na si Donya Leonora. Ang payo ko ay para rin sa iyong ikakabuti… (flies away)

(Man goes to Don Juan)

Don Juan: Ginoo, ako’y iyong tulungan. Nais ko sana maglakbay patungo sa kaharian nang Reyno Christalinos, ngunit aking hindi malaman kung ito’y naroon.
Lalaki: Ang bundok na iyong paruroonan ay nasa ikapitong hanay. Doon ay may ermitanyong sasalubong sa iyo, ang baro na ito’y ipakita mo sa kanya. (gives the barong) Kaya humayo ka na’t baka ikaw ay didilimin sa daan.
Don Juan: Salamat po.

Scene 18
(Palace)

Don Pedro: (knocks on Leonora’s door) Leonora, aking giliw, paki-usap buksan mo ang pinto.
Donya Leonora: (crying) Ika’y hindi ko matatanggap bilang aking kabiyak! Ako ay maghihintay kay Don Juan na aking tunay na mahal!
Don Pedro: Kahit ilang taon pa dumaan, ako’y maghihintay na tanggapin mo rin ang aking pagmamahal… (walks away sadly)

Scene 19
(Mountain)

Ermitanyo:Umalis ka dito! Layuan mo ako, hindi ako tumatanggap nang mga istrangero!
Don Juan: Ginoo, ako’y may ibibigay sa inyo (gives the baro)
Ermitanyo: (Cries) Ako’y nagagalak na aking nakita ang baro na ito. Patawad sa aking inasal, ano po ba ang maipaglilingkod ko sa iyo?
Don Juan: Marangal na Ermitanyo, saan ko ba matatagpuan ang kaharian ng Reyno de los Cristales?
Ermitanyo: Ah, ang kaharian na walang kasing ganda!. (Whistles) Kaibigang agila, maari mo bang dalhin ang ating kaibigan sa Reyno de los cristales?
Agila: Masusunod ginoong ermitanyo.

Scene 20
(Lake)

Narrator: Narating ni Don Juan ang kahariang Cristalinos sa tulong ng agilang alaga ng ermitanyo. Unang pagkakita ni Don Juan kay Donya Maria Blanca ay nabihag na ang kanyang puso. Nang pagligo nang marikit na prinsesa, agad nyang kinuha ang damit nito  at niyakap na waring isang sanggol.
Donya Maria: Sinong lapastangan ang kumuha nang aking damit! Sa oras na malaman ko kung sino ka, humanda ka sa parusa na ibibigay nang aking amang hari!
Narrator: Lumabas na nang kusa si Don Juan mula sa kanyang pinagtataguan
Don Juan: Mahal na prinsesa, ako sana’y patawarin mo sa aking nagawang kasalanan. Handa kong tanggapin ang parusang iyong ipapataw sa akin.
Narrator: Nahabag naman ang kalooban nang prinsesa dahil sa ginawang pagpapakumbaba ni Don Juan, at kanya naman itong pinatawad.
Donya Maria: Maginoong prinsipe, ika’y tumayo na sapagkat ika’y aking pinapatawad. Ngunit ika’y magtapat sa akin, sa anong bayan ka nagmula?
Don Juan: O, bathalang walang kasing ganda, kometang tumapak sa lupa. Ako’y si Don Juan na anak nang Berbanya. Ikaw marahil si Donya Maria, ang mutya nang Cristalinos?
Donya Maria: Ako nga si Donya Maria, ang anak hari ditto sa cristalinos, si Haring Salermo. (gets her clothes and wore it)
Narrator: Nang matapos magbihis si Donya Maria, kanyang ipinasyal si Don Juan sa kaharian nang Cristalinos. At sa kalagitnaan nang kanilang paglilibot-libot, sinabi ni Don Juan ang kanyang pakay…
Don Juan: O, Prinsesa Maria, unang tingin ko palang sa iyo, ako’y nabihag mo nang totoo. Ang aking pag-ibig sa iyo ay lubos at walang hanggang. Ito sana’y iyong tanggapin.
Donya Maria: Don Juan, ang aking nararamdaman sa iyo ay ganun din. Ngunit kailangan mo muna dumaan sa mga pagsubok ni ama. (points at a statue) Iyan ang mga taong nagtangkang ako’y pakasalan, pero hindi nila natalo si ama sa talino at karunungan, kaya’t sila’y naging mga bato!
Don Juan: (rose from his seat) Kahit anong pagsubok ay aking haharapin upang ika’y aking makasama.
Donya Maria: Kung ganon ay ika’y maghanda sapagkat papatawag ka ni ama. Lagi mong tandaan na ako’y sa tabi mo lamang, handing umagapay sa iyo…

Scene 21
(Haring Salermo’s palace)

Narrator: Atpinatawag ni Haring Salermo si Don Juan sa kanyang palasyo…
Don Salermo: Ano ang iyong pangalan, nasaan ka nanggaling at ano ang iyong sadya?
Don Juan: Mahal na hari, ang ngalan ko po ay Don Juan, ako’y nanggaling sa kaharian ng Berbanya at nandito po ako upang magpahayag ng pag-ibig sa iyong mahal na anak na si Donya Maria Blanca.
Don Salermo: Hmmm… matagal-tagal na rin nung huling may nagtangkang kunin ang kamay nang aking mahal na anak. Siguro naman ay alam mo na ang mangyayari, Prinsipe Juan?
Don Juan: Ako’y inyong hahamunin sa labanan nang talino at karunungan, kapag ako’y nagtagumpay ay ibibigay mo sa akin ang aking mahal na prinsesa, at kung hindi, ako’y mamamatay….
Don Salermo: Kung gayo’y ihanda mo ang iyong sarili, sapagkat ito ang aking unang pagsubok…
Ang unang hiling ko ay dapat mong patagin ang bundok upang pagtaniman ng trigo, patubuin mo ito, pagkatapos ay anihin at sa aking paggising dapat may tinapay na nakahain sa aking tabi.
Don Juan: Masusunod mahal na hari. (Bows down went out)
Narrator: Ang unang hiling ng hari ay nagtagumpay sa tulong ng kapangyarihan ni Donya Maria Blanca. Pagkagising ni Haring Salermo, tumambad sa kanya ang isang platito na puno nang tumpok-tumpok na tinapay. Agad niyang ibinigay ang pangalawang hamon kay Don Juan.
Haring Salermo: Ang pangalawa mong pagsubok ay kailangan mong hulihin ang labindalawang maliliit na mga negrito na aking pawawalan sa laot ng karagatan at sa huli’y sila ay isisilid mo sa prasko.
Don Juan: Masusunod mahal na hari (bows down and went out)
Narrator: Nagtagumpay na naman ang prinsepe sa tulong ni Donya Maria. Sa pagkakita nang mga negrito kay Prinsesa Maria, sila’y nag unahan na pumasok sa prasko. Pagkapasok nang huling negrito, agad na isinilid ni Prinsesa Maria ang takip nang prasko. Si Haring Salermo, muli, ay hindi makapaniwala sa nangyari…
Narrator: Maraming pagsubok pa ang pinagawa ni Haring Salermo kay Don Juan. Kabilang na ditto ang pagpapausog sa bundok, pagpapatayo nang kastillo sa karagatan, ang pagpapaamo sa isang mabangis na kabayo na paglaon ay napagalaman ni Don Juan na ang hari mismo ang kabayo, at ang huli, paghahanap sa nawawalang singsing ni Haring Salermo. Ang lahat nang ito’y napagtagumpayan ni Don Juan sa tulong in Prinsesa Maria…

Sa huling pagkakataon, ipinatawag ni Haring Salermo si Don Juan upang ibigay sa kanya ang kanyang huling hamon…

Haring Salermo: Don Juan, anak nang Berbanya, ako’y iyong pinahanga sa talino’t karunungang iyong ipinamalas sa akin. Kaya ngayo’y ibibigay ko sa iyo ang aking huling hamon, sa tatlong silid nay an, iyong piliin ang iyong pakakasalan!
Don Juan: (thinks. <12345> ) Ang aking pinipili ay ang silid sa gitna.12345>

(Don Juan points) (Opens door, and hugs Princess Maria) (Holding hands)
Haring Salermo: Hindi ito maaari! Hindi kita gusto para sa aking anak. Meron akong kapatid sa englatera, kasing bata at ganda nya si Maria. Maari kita ipadala doon, ngunit kung ako’y iyong tatanggihan, marapat lang na ika’y mamatay!
Donya Maria: Ama, pabayaan mo na kami, napagtagumpayan ni Don Juan ang iyong mga hamon. Marapat lang na ika’y sumunod sa inyong napagusapan

Haring Salermo: Hindi!

(Don Juan and Donya Maria fled)

Haring Salermo: Habulin at dakpin sila!
Narrator: Tumakas sina Donya Maria’t Don Juan papunta sa kaharian nang Berbanya, ngunit sila’y walang tigil na hinahabol nang kanyang amang malupit kaya’t napilitan si Donya Maria na gamitin ang kanyang mahika. Kanyang itinaas ang kanyang kamay at kaagad nagkaroon nang isang malawag na karagatan na namamagitan kita Donya Maria’t Don Juan kay Haring Salermo. Sa ganitong sitwasyon ay isinumpa ni Haring Salermo sina Donya Maria’t Don Juan…
Haring Salermo: Kayong dalawa’y hindi magkakatuluyan. Pagdating ni Juan sa kanyang bayang sinilangan, si Maria’y makakalimutan at sa iba papakasal!
Narrator: Makalipas ang maraming araw, si Haring Salermo ay nagkasakit at tuluyan nang namatay. Ang buong bayan ay nagluksa, naghihintay sa pagdating nang bagong Hari’t reyna…

Scene 22
(Nayon)

Narrator: Matapos ang matagal na habulan, pansamantalang itinigil ni Don Juan sa isang nayon si Donya Maria.
Don Juan: Mahal ko, ako’y babalik muna sa Berbanya upang magbigay alam sa lahat na tayo’y magpapakasal. Babalikan kita’t pangako’y hindi kita malilimutan…
Donya Maria: Mag-ingat mahal, ako’y maghihintay sa iyong pagbabalik…
Don Juan: Pangako…

Scene 23
(Palace)

Narrator: Ngunit dahil sa sumpa ni Haring Salermo, nakalimot si Don juan sa kanyang pangako kay Donya Maria…
Don Fernando: Don Juan anak, matagal kitang hinanap. (hugs)
Don Juan: Ama. (hugs)
Donya Leonora: Don Juan, aking mahal! (hug) Ako’y maligaya’t ikaw ay bumalik para sa akin…Amang hari, ako po’y magpapakasal kay Don Juan. Siya po ang aking tunay na mahal.
Don Fernando: Kung ganon ay kayo ay aking ikakasal sa makalawa nang linggong ito!
Narrator: Habang nagsasaya ang bayan nang Berbanya, may isang puso ang tumatangis dahil sa hinagpis…

Scene 24
(Palace)

Narrator: Nagsadya sa palasyo si Donya Maria sakay ang isang magarang karosa at suot ang isang kasuotang pang emperatris, at siya ay naghanda ng palabas tungkol sa pag-iibigan nila ni Don Juan upang muli siyang maalala nito.
Donya Valeriana: Maligayang pagdating, Emperatris. Anong galak naming at kayo’y naparito. Ano ang aming maipaglilingkod sa inyo?
Donya Maria: Ako’y nandito upang maghandog nang munting palabas para sa ikakasal na magkasintahan dito sa palasyo. (Brings out bottle, and the play starts)
Narrator: Sa bawat palo nang negrito sa kasama nitong negrito, si Don Juan ang nasasaktan, ngunit kahit anong sakit ay wala pa rin syang maalala…
Kalaunan, nang makita ang pagtangis ni Donya Maria ay biglang nagbalik sa alaala ni Don Juan ang kanyang sumpa kay Donya Maria. Nabali nila ang sumpa ni Haring Salermo!
Don Juan: Maria… ikaw nga mahal ko! (hugs)
Donya Leonora: Hindi! Hindi ito maari! Don Juan, sinabi mo sa akin na ako lamang ang iyong mahal.
Don Juan: Leonora, sana’y iyong maintindihan na dati iyon, pero ang aking tunay na sinisinta ay si Maria. (looks at Haring Fernando and Archbishop) Ama at Dakilang Arsobispo, pahintulutan mo nawa kami ni Mariang aking sinisinta na magpakasal ngayon din.

(Archbishop and the king talk)

Don Fernando: Ako at ang Arsobispo’y nagkasundo. Si Don Pedro’y ikakasal kay Donya Leonora at si Don Juan ay para kay Donya Maria.

Donya Leonora: O’ Don Juan, kung saan ka masaya, doo’y masaya na rin ako. Aking ikinatutuwa na ika’y magpapakasal sa iyong tunay na sinisinta. (looks at Donya Maria) Maria, alagaan mo sana si Juan kong mahal. Alagaan nyo ang isa’t isa at mamuhay nang payapa…

Donya Maria: Maraming salamat, Leonora. (hugs Leonora)
Arsobispo: Don Juan, matatanggap mo ba si Donya Maria bilang iyong asawa?
Don Juan: Opo.
Arsobispo: Don Pedro, matatanggap mo ba si Donya Leonora bilang iyong asawa?
Don Pedro: Opo.
Arsobispo: Don Pedro, tanggapin mo itong setro’t korona bilang bagong hari ng Berbanya at Donya Leonora, tanggapin mo itong dyadema bilang simbolong ikaw na ang bagong reyna ng Berbanya.
Kayo Haring Pedro’t Reyna Leonora, at Don Juan at Donya Maria Blanca simual ngayo’y mag-kabiyak habang buhay at magpakailanman!
Tao: Mabuhay ang bagong ikinasal! Mabuhay!
Don Juan: Mahal kong ama, ina at ang aking mga kapatid, kami ni Maria ay uuwi na sa Cristalinos upang doon manirahan at mamuno ng mapayapa.
Don Juan at Donya Maria: Paalam sa inyong lahat!
Narrator: Naiwan ang Berbanya sa pamumuno ni Don Pedro at nagbalik naman sina Don Juan at Donya Maria sa Kaharing Cristalinos upang doon magsimula ng bagong buhay…

Pinamunuan nila ang kaharian nang Cristalinos nang mapayapa kaya’t ‘di nagtagal ay minahal sila nang mga tao rito. At dyan nagtatapos ang makulay na buhay nang tatlong magkakapatid. Ginawang posible ang pagtatanghal na ito sa tulong nang ating mga kaibigan mula sa ikaunang taon, pangkat Attalia at Arimathea. Maraming salamat po at magandang gabi/umaga/hapon sa inyo.



Mga Sanggunian:
  
Kevin Yee. January 20, 2016. Ibong Adarna Script. Retrieved from
http://docslide.net/documents/ibong-adarna-script-569fbedfea5b6.html

Ibat Ibang Uri ng Teksto

$
0
0
Mga Uri ng Teksto: 

1. Tekstong impormatibo/ekspositori

Deskripsiyon : Ang tekstong ito ay isang anyo ng pagpapahayag na naglalayong magpaliwanag at magbigay ng impormasyon. Kadalasang sinasagot nito ang mga batayang tanong ano, kailan, saan, sino at paano. Pangunahing layunin nito ang magpaliwanag sa mga mambabasa ng anomang paksa na matatagpuan sa tunay na daigdig. Naglalahad ito ng mga kuwento ng mga tunay na tao o nagpapaliwanag ng mga konseptong nakabatay sa mga tunay na pangyayari, mahalaga ang pagbabasa ng mga tekstong nagbibigay ng impormasyon sapagkat napauunlad nito ang iba pang kasanayang pangwika gaya ng pagbabasa, pagtatala, pagtukoy ng mga mahahalagang detalye at pagpapakahulugan ng impormasyon. 

May iba't ibang uri ang tekstong impormatibo depende sa estruktura ng paglalahad nito:

a) Sanhi at Bunga - ito ay estruktura ng paglalahad na nagpapakita ng pagkaka-ugnay ng mga pangyayari at kung paanong ang kinalabasan ay naging resulta ng mga naunang pangyayari. Sa uring ito, ipinaliliwanag ng manunulat ang malinaw na relasyon sa dalawang bagay at nagbibigay ng pokus sa kung bakit nangyari ang mga bagay (sanhi) at ano ang resulta nito (bunga)

b) Paghahambing - ang mga tekstong nasa ganitong estruktura ay kadalasang nagpapakita ng mga pagkakaiba at pagkakatulad sa pagitan ng anomang bagay,konsepto o pangyayari.

c) Pagbibigay-depinisyon - ipinaliliwanag ng ganitong uri ang kahulugan ng isang salita, termino at konsepto. Maaaring ang paksa ay tungkol sa isang konkretong bagay gaya ng uri ng hayop, puno o kaya naman ay mas abstraktong mga bagay gaya ng katarugan o pag-ibig.

d) paglilista ng Klasipikasyon - ang estrukturang ito ay kadalasang naghahati-hati ng isang malaking paksa o ideya sa iba't ibang kategorya o grupo upang magkaroon ng sistema ng pagtalakay. Nagsisimula ang manunulat sa pagtalakay sa pangkalahatang kategorya at pagkatapos ay bibigyang-depinisyon at halimbawa ang iba't ibang klasipikasyon o grupo sa ilalim nito. 


2. Tekstong Deskriptibo: Makulay na paglalarawan

Layunin : Ang tekstong deskriptibo ay may layuning maglarawan ng isnag bagay, tao, lugar, karanasan, sitwasyon at iba pa.

Deskripsiyon : Ang tekstong Deskriptibo ayisang uri ng paglalahad at naisasagawa sa pamamagitan ng mahusay na eksposisyon. Ang uri ng sulating ito ay nagpapaunlad ng kakayahan ng mag-aaral na bumuo at maglarawan ng isang partikular na karanasan. Nagbibigay din ang sulating ito ng pagkakataon na mailabas ng mga mag-aaral ang masining na pagpapahayag.

Mga Katangian ng Tekstong Deskriptibo:

1) Ang tekstong deskriptibo ay may isang malinaw at pangunahing impresyon na nililikha sa mga  mambabasa.

2) Ito ay maaaring maging obhetibo o suhetibo, at maaari ding magbigay ng pagkakataon sa manunulat na gumamit ng iba't ibang tono at paraan sa paglalarawan.

3) Ang tekstong deskriptibo ay mahalagang maging espisipiko at maglaman ng mga konkretong detalye. Ang pangunahing layunin nito ay ipakita at iparamdam sa mambabasa ang bagay o anomang paksa na inilalarawan.


3. Tekstong Persuweysib: Paano kita mahihikayat

Deskripsiyon: Ang tekstong persuweysib ay isang uri ng dipiksiyon na pagsulat upang kumbinsihin ang mga mambabasa na sumang-ayon sa manunulat hinggil sa isang isyu.  Sa pagsulat ng tekstong ito, hindi dapat magpahayag ng mga personal at walang batayang opinyon ang isang manunulat. Sa halip ay gumagamit ang manunulat ng mga pagpapatunay mula sa mga siyentipikong pag-aaral at pagsusuri. 

Ang isang tekstong persuweysib ay naglalaman ng :

1) Malalim na pananaliksik - kailangang alam ng isang manunulat ang pasikot-sikot ng isyung tatalakayin sa pamamagitan ng pananaliksik tungkol dito. Ang paggamit ng mabibigat na ebidensiya at husay ng paglalahad nito ang pinak-esensiya ng isang tekstong persuweysib.

2) Kaalaman sa mga posibleng paniniwala ng mga mambabasa -kailangang mulat at maalam ang manunulat ng tekstong persuweysib sa iba't ibang laganap na pesepsiyon at paniniwala tungkolsa isang isyu.

3) Malalim na pagkaunawa sa dalawang panig ng isyu - ito ay upang epektibong masagot ang laganap na paniniwala ng mga mambabasa.

4. Tekstong Naratibo: Mahusay na Pagkukuwento

Layunin: Layunin ng tekstong naratibo ang magsalaysay o magkuwento batay sa isang tiyak na pangyayari, totoo man o hindi. Layunin din nitong manlibang o magbigay-aliw sa mga mambabasa.

Deskripsiyon: Ang tekstong naratibo ay nagkukuwento ng mga serye ng pangyayari na maaaring piksiyon (hal.: nobela, maikling kuwento, tula) o di-piksiyon (hal.: biyograpiya, balita, maikling sanaysay). Maaaring ang salaysay ay personal na karanasan ng nagkukuwento. Maaari ding ang paksa ng salaysay ay nakabatay sa tunay na daigdig o pantasya lamang.

Mas malalim  na halaga ng tekstong Naratibo: 

- Ayon kay Patricia Melendre-Cruz (1994), kailangang suriin ang malikhaing pagkatha bilang isang siyentipikong proseso ng lipunan. Siyentipiko sapagkat ang mahusay na panitikan para sa kaniya ay kinakailangang naglalarawan sa mga realidad ng lipunan at nagbibigay ng matalas na pagsusuri dito.

Iba't ibang elemento ng Naratibong teksto:

a) Paksa -kailangang mahalaga at nmakabuluhan. 

b) Estruktura - Kailangang malinaw at lohikal ang kabuuang estruktura ng kuwento. 

c) Oryentasyon - nakapaloob dito ang kaligiran ng tauhan, lunan at oras o panahon kung kailan nangyari ang kuwento. 

d) Pamamaraan ng Narasyon - kailangan ng detalye at mahusay na oryentasyon ng kabuuang senaryo sa unang bahagi upang maipakita ang setting at mood. Iwasang magbigay ng komento sa kalagitnaan ng pagsasalaysay upang hindi lumihis ang daloy.

* mga iba't ibang paraan ng narasyon: 

diyalogo
Foreshadowing
plot twist
ellipsis
comic book death
reverse chronology
in media res
deux ex machina (God from the machine)

e) Komplikasyon o Tunggalian - ito ang mahalagang bahagi ng kuwento na nagiging batayan ng paggalaw o pagbabago sa posisyon at disposisyong tauhan.

f) Resolusyon - ito ang kahahantungan ng komplikasyon o tunggalian. Maaaring ito ay masaya o hindi batay sa magiging kapalaran ng pangunahing tauhan.


5. Tekstong Argumentatibo: Ipaglaban ang Katuwiran

Deskripsiyon : Ang tekstong argumentatibo ay isang uri ng teksto na nangangailangang ipagtanggol ng manunulat ang posisyon sa isang tiyak na paksa o usapin gamit ang mga ebidensiya mula sa personal na karanasan, kaugnay na maga literatura at pag-aaral, ebidensiyang kasaysayan, at resulta ng empirikal na pananaliksik.

* nangangailangan ang pagsulat ng tekstong argumentatibo ng masusing imbestigasyon kabilang na ang pangongolekta at ebalwasyon ng mga ebidensiya. 

Mga elemento ng Pangangatuwiran 

1) Proposisyon- ang pahayag na inilalahad upang pagtalunan o pag-usapan.

2) Argumento- ito ang paglalatag ng mga dahilan at ebidensiya upang maging makatuwiran ang isang panig. Kinakailangan ang malalim na pananaliksik at talas ng pagsusuri sa proposisyon upang makapagbigay ng mahusay na argumento.

Katangian at nilalaman ng Mahusay na Tekstong Argumentatibo:

1) Mahalaga at napapanahong paksa

2) Maikli ngunit malaman at malinaw na pagtukoy sa tesis sa unang talata ng teksto.

3) Malinaw at lohikal na transisyon sa pagitan ng mga bahagi ng teksto.

4) Maayos na pagkakasunod-sunod ng talatang naglalaman ng mga ebidensiya ng 
argumento.

5) May matibay na ebidensiya para sa argumento.


6. Tekstong Prosidyural: Alamin ang mga Hakbang 

Deskripsiyon: Ito ay iang uri ng paglalahad na kadalasang nagbibigay ng impormasyon at instruksiyon kung paanong isasagawa ang isang tiyak na bagay. 

Layunin: layunin ng tekstong ito na makapagbigay ng sunod-sunod na direksiyon at impormasyon sa mga tao upang tagumpay na maisagawa ang mga gawain sa ligtas, episyente at angkop na paraa.

Nilalaman: Ang tekstong Prosidyural ay may apat na nilalaman :

1) Layunin o target na awtput - nilalaman ng bahaging ito kung ano ang kalalabasan o kahihinatnan ng proyekto  ng prosidyur. Maaaring ilarawan ang tiyak na katangian ng isang bagay o kaya ay katangian ng isang uri ng trabaho o ugaling inaaasahan sa isang mag-aaral kung susundin ang gabay.

2) Kagamitan - Nakapaloob dito ang mga kasangkapan at kagamitang kakailanganin  upang makompleto ang isasagawang proyekto.

3) Metodo- serye ng mga hakbang na isasagawa upang mabuo ang proyekto.

4) Ebalwasyon- naglalaman ng mga pamamaraan kung paano masusukat ang tagumpay ng prosidyur na isinagawa.

Katangian ng wikang madalas gamitin sa mga tekstong prosidyural:

1) Nasusulat sa kasalukuyang panahunan

2) Nakapokus sa pangkalahatang mambabasa hindi sa iisang tao lamang

3) Tinutukoy ang mambabasa sa pangkalahatang pamamaraan sa pamamagitan ng paggamit ng mga panghalip

4) Gumagamit ng mga tiyak na pandiwa para sa instruksiyon.

5) Gumagamit ng malinaw na pang-ugnay upang ipakita ang pagkakasunod-sunod ng mga bahagi ng teksto

6) Mahalaga ang detalyado at tiyak na deskripsiyon.



Mga Sanggunian:


STem2. December  10, 2016. Mga Uri ng Teksto. Retrieved from

http://uringteksto.blogspot.com/

Pagpapakahulugan

$
0
0
Dalawang Uri ng Pagpapakahulugan


1. Konotasyon - Ang Konotasyon at pagpapakahulugang maaaring mag-iba iba ayon sa Saloobin, Karanasan, at Sitwasyon ng Isang Tao o isang pahiwatig.

2. Denotasyon - ay isang pagpapakahulugan na naglalaman ng pangunahing kahulugan ng salita.


Mga Paraan ng Pagkakahulugan

1. Literal - tunay at pinakamababang kahulugan

Halimbawa:
Ang tinapay ay pagkain

2. Konseptwal - Ang kahulugan ay ang konsepto, totoong impormasyon. Mas detalyado at may siyentipikong pinagbabatayan

Halimbawa:
Ang tinapay ay pinagalihalong harina, asukal, at itlog na minsan ay may palaman.

3. Kontekstwal - nalalaman ang kahulugan batay sa paraan ng pagkakagamit ng salita sa pangungusap. Nnatutukoy ang kahulugan sa tulong ng mga context clues

Halimbawa:
Si Hesus ay ang tinapay ng buhay dahil siya ang gumagabay sa mga tao.

4. Proposisyunal - Ipinapakita ang kahulugan sa pamamagitan ng pagbibigay ng sitwasyon at pagbibigay ng halimbawa

Halimbawa:
Ang tinapay ay ginagamit sa kakulangan ng bigas dahil mas murang umangkat ng harinang ginagamit sa paggawa nito.

5. Pragmatik - Ang kahulugan ay batay sa aktwal na karanasan ng naglalarawan sa ideya. Ibinibigay din ang kahulugan batay sa nangyari sa indibidwal

Halimbawa:
Ang aking baong tinapay ay mas masarap dahil may palaman.

6. Matalinhaga - Hindi lantad ang kahulugan ng salita

Halimbawa:
Kapag binato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay.




Bakit Dapat Pag-aralan ang Panitikang Pilipino

$
0
0
Mga Dahilan Kung Bakit Dapat Pag-aralan ang Panitikang Pilipino


1. Upang makilala ang kalinangang Pilipino, malaman ang ating minanang yaman ng  kaisipan at taglay na katalinuhan ng lahing ating pinagmulan.

2. Upang  matalos natin na tayo ay may marangal at dakilang tradisyon na nagsilbing patnubay sa mga impluwensya ng ibang mga kabihasnang nanggagaling sa ibang mga bansa.

3. Upang mabatid natin ang mga kapintasan sa ating panitikan at makapagsanay upang maiwasto ang mga ito.

4. Upang malaman ang ating mga kagalingan sa pagsulat at mapagsikapang ito ay mapagbuti at mapaunlad.


5. Bilang mga Pilipinong mapagmahal at mapagmalasakitr sa ating sariling kultura ay dapat nating pag-aralan ang ating panitikan sapagkat tayo higit kanino man ang dapat magpahalaga sa sariling atin.




Viewing all 223 articles
Browse latest View live