Quantcast
Channel: Gabay ng Mag aaral
Viewing all 223 articles
Browse latest View live

Pantig

$
0
0
Pantig


Ang pantig ay binubuo ng isang salita o bahagi ng isang salita na binibigkas sa pamamagitan ng isang walang bugso ng tinig.

Ang isang salita ay binubuo ng o ng mga pantig. Ang isang pantig ay binubuo ng mga tunog (pasalita) at letra (pasulat).  Nakaklasifay ang mga letra sa dalawa, mga consonant o katinig "K" at mga vowel o patinig "P".

Sa Tagalog, meron lamang apat na kayarian:

1. P - isang patinig, tulad sa unang pantig ng salitang "aso" (P-KP) [na may dalawang pantig “a” (P) at “so” (KP)]
2. KP - isang katinig at isang patinig, tingnan sa blg. 1
3. PK - isang patinig at isang katinig, tulad sa unang pantig ng salitang “astig” (PK-KPK) [na may dalawang pantig “as” (PK) at “tig” (KPK)]
4. KPK - isang patinig sa gitna ng salawang katinig, tingnan sa blg. 3
Nang pumasok ang mga salitang Spanish, nagkaroon ng “kambal-katinig” (tulad ng BR sa salitang “braso”, PL at TS sa salitang “plantsa” atbp.) o klaster sa Filipino. Nandyan ang KKP (”bra” ng salitang braso) at KKPK (”tren”).
Sa Filipino, tanggap ang paggamit ng mga salitang hiram sa English at binaybay sa Filipino.




Pormasyon ng Pantig

$
0
0
Pormasyon ng Pantig


1. P (Patinig) - pantig na binubuo ng patinig lamang, kaya't tinatawag na payak
Halimbawa:
a-ba-ka   
I-go-rot
a-so
a-wit
e-le-men-tar-ya

2. PK (Patinig/Katinig) - Ito ay pantig na binubuo ng patinig na may tambal na katinig sa hulihan
Halimbawa:
es-trang-he-ro
un-tog  
al-pom-bra
ak-sa-ya
it-log
am-bon

3. KP (Katinig/Patinig) - pantig na binubuo ng pantinig na may tambal na katinig sa unahan, kaya't tinatawag na tambal una.
Halimbawa:
ka–ro     
pu–sa
ba-ta
ma-ta
te-la

4. KPK (Katinig/patinig/katinig) - Ito ay pantig na binubuo ng patinig na may tambal na katinig sa unahan at hulihan kaya tinawag na kabilaan.
Halimbawa:
bas–ton                               
bun-dok
Buk-lat
sam-pal
bi-sik-leta
suk-li
tin-da

5. PKK (Patinig/Katinig/Katinig) - Ito ay pantig na binubuo ng patinig na may tambal na klaster sa hulihan.
Halimbawa:
ins-tru-men-to
eks –tra                          
eks-pe-ri-men-to
obs-truk-syon
blo-awt
ins-pi-ras-yon
eks-per-to

6. KKP (katinig-katinig-patinig) - Ito ay pantig na binubuo ng patinig na may tambal na klaster sa unahan.
Halimbawa:
plo-re-ra
kla-se
pro-tes-ta
tra-ba-ho
bra-so

7. KKPK (Katinig/Katinig/Patinig/Katinig)- Ito ay pantig na binubuo ng patinig na may tambal na klaster sa unahan at katinig sa hulihan.
Halimbawa:
plan-tsa
trak-to-ra           
trum-po
tray-si-kel
kwad-ra

8. KPKK (Katinig/Patinig/Katinig/Katinig)- Ito ay pantig na binubuo ng patinig na may tambal na klaster sa unapan at sa hulihan.
Halimbawa:
nars
kard,
airport
tung-ku-lin
keyk

9. KKPKK (katinig-katinig-patinig-katinig-katinig)- Ito ay pantig na binubuo ng patinig na may tambal na klaster sa unahan at hulihan.
Halimbawa:
trans-por-tas-yon

tsart

Mga Salitang Magkasalungat

$
0
0
Mga Salitang Magkasalungat (Antonyms)


abante   atras
akyat   baba
araw   gabi
ayusin   sirain
babae   lalaki
bago   luma
bagot   tuwa 
baguhan   beterano/dalubhasa
bakante   okupado
basa   tuyo
bata           matanda
batugan    masipag
binuo    tinapyas
buhay   patay
bukang-liwayway takipsilim
bukas   sarado
buo           kulang
dagdagan  bawasan
dating   alis
dito           diyan, doon
gabi     umaga
gutom   busog
harap   likod
hawakan   bitawan
hinog  hilaw
hulihin  pakawalan
ibigay   tanggapin
ikabit/idugtong        ihiwalay/tanggalin
ilalim  ibabaw
itago  ipakita
itapon/ihagis  saluhin
itigil        ituloy
itim         puti
ito          iyan, iyon
kaibigan         kaaway
kalaban          kaibigan
kanan   kaliwa
kongkreto  basal
kulang    sobra 
lahat    wala
lalaki    babae
langit lupa
ligtas   mapanganib
loob           labas
luma   bago
lumalapit          lumalayo
maaga   huli
maaraw   maulan
maasim    matamis
maayos   magulo
mabagal           mabilis
mabait           masama          
mabangis  maamo
mabango   mabaho
mabigat   magaan
mabilis   mabagal
mabuti  masama
madalas   pambihira
madali   mahirap
madulas  magaspang
magalang  bastos/walang galang
maganda   pangit
magaspang  makinis
mag-ipon          gumastos
magtagumpay  mabigo
magtiwala  mag-alinlangan
mahaba   maikli
mahal   mura
mahirap   madali 
mahiyain          agresibo
maiinit            malamig
maingay   tahimik
mainit  malamig 
makapal   manipis
makinis   magaspang
makitid   malawak
makupad   mabilis
malakas   mahina
malaki   maliit
malalim  mababaw
malambot  matigas
malapit   malayo
malapot   malabnaw
malas   mapalad
malawak   makitid
maliit              malaki              
malinaw   malabo
malinis   marumi
maliwanag  madilim
manalo   matalo
mapagbigay  maramot
maputi          maitim
marami   kaunti
masaya   malungkot
masigla   matamlay
masigla           matamlay
masikip  maluwag
masipag  tamad
mataas  mababa
mataba   payat
matagal  maigsi
matalas  mapurol
matalim   mapurol
matalino         bobo
matanda   bata
matao   kakaunti
matapang  maamo
mayaman  mahirap
minsan   madalas
nakaraan          hinaharap
natural  artipisyal
ngiti           simangot
oo             hindi
pag-alis         pagdating
pagsilang         pagkamatay
palagi  bihira
panalo  talo
pandak   matangkad
pareho   iba
patay   buhay
piksyon   di-piksyon
posible  imposible
puno   walang laman
puti          itim
sang-ayon  hindi sang-ayon/kontra
sapat  kulang
sarado  bukas
sariwa   bulok/bilasa
sigurado        di-tiyak
simple   komplikado/masalimuot
simula   wakas
sobra   kulang
suwerte   malas
taas          baba
tahimik   maingay
takot  matapang
tama   mali
tandaan   kalimutan
tanong   sagot
tapat   sinungaling
tulak   hila
tulog   gising
tunay   peke/huwad
tuwid baluktot
una          huli
umpisa    katapusan

Mga Salitang Magkasingkahulugan

$
0
0
Mga Salitang Magkasingkahulugan (Synonyms)


A
Abalahingambalain, guluhin
Abantesulong
abilidadkakayahan
abogadomanananggol
abusokalupitan
aghamsiyensiya
agosdanak
akitbighani
aklatlibro
aksidentesakuna
alaalagunita
alambatid
alambrekawad
alapaapulap
alertoalisto
alilautusan
alkaldemeyor
almusalagahan
amatatay, itay, papa
ambisyonpangarap, mithi, adhika, hangad
amoyhalimuyak
anaksupling
angalreklamo
angkopakma, bagay
anunsiyoabiso
anwaltaunan
anyayaimbita, kumbida
anyoitsura, hitsura
aralinleksiyon
arugakalinga, lingap
asalugali
asulbughaw
awaylaban, sigalot, basag-ulo
awitkanta
B
bagyounos, sigwa
bahagharibalangaw
bahagiparte
bahagyakaunti
bahalamananagot
balapunlo
balat-sibuyasmaramdamin
baliktadtiwarik, saliwa
balitaulat
bandilawatawat
banggitsambit
bansanasyon, bayan
bantaanbalaan
bantogtanyag
bantayogmonumento
barkobapor
basahantrapo
bastontungkod
batamusmos, paslit
batayanbasehan
benepisyopakinabang
berdeluntian
bigattimbang
bihiramadalang
bilangnumero
bilanggopreso
bilangguanpiitan, kulungan
bilogsirkulo
bintangparatang
bisitapanauhin
biyahelakbay
biyayagrasya
bosestinig
brasobisig
bukod-tanginaiiba
bulokpanis
bumagsaklumagpak, natumba
bungaresulta
buodlagom
butilbuto, binhi
D
dahan-dahan hinay-hinay
dahilansanhi
dala hatid
dalampasigan baybayin
damdamin  saloobin
damibilang
dasal dalangin
dayuhan  banyaga
dekorasyon  palamuti
depekto deperensiya, sira
deretso  tuwid
desisyon pasiya
digmaan gera
diksiyonaryo talahuluganan
dilat mulat
diyaryopahayagan
doktor manggagamot
dudaalinlangan
dulohangganan
duwag bahag-buntot
E
ebidensiya katibayan
edadgulang
ehekutibo tagapagpaganap
eksamenpagsusulit
eksperto dalubhasa
empleado kawani
epekto resulta
eskultor manlililok
G
Gaodsagwan
gayahin tularan
giba wasak
gising pukaw
gitna sentro
gobyerno pamahalaan
gramatika balarila
grupopangkat
gumaling maghilom
gurotagapagturo, maestra/maestro
gusto ibig, hilig, nais
H
Hadlangbalakid, sagabal
haka  hinala
halalan eleksiyon
halimbawaehemplo
hampas palo
hanapbuhay trabaho, okupasyon
handog alay, regalo
hangadlayon, nasa, nais
haranghadlang
hardinhalamanan
hatol  husga
hatsingbahin
henerasyon salinlahi
hila higit, hatak
hiling pakiusap
himala milagro, mirakulo
himigtono
hinto tigil, humpay
hinuli  dinakip
hiram utang
hiwaga misteryo
hugis korte
hukom huwes
hurno  pugon
huwaranmodelo
I
ibotoihalal
ihiwalay ibukod
imahinasyonguniguni
imbestigasyonpagsisiyasat
ina nanay, inay, mama
inis suya, yamot
iniwannilisan, pinabayaan
insultoalipusta
isagawaisakatuparan
istatwarebulto
K
kaakit-akitmaalindog
kadamaykasangkot
kagawarandepartamento
kahulugandepinisyon
kaibigankatoto
kalagayankondisyon
kalayaankasarinlan
kalbopanot
kalihimsekretarya
kaluluwaespiritu
kalyekalsada
kamahigaan, katre
kamukhakahawig
kapalitpamalit, panghalili
kaposkulang
karamdamansakit
karaniwanordinaryo
kargadala
kasabaykasama
kasalikalahok
katarunganhustisya
katasdagta
kathalikha, akda
katibayanprueba, patunay
katuladkawangis, kapareho
kilosaksyon
kinabukasanpanghinaharap, hinaharap
kirothapdi, sakit
kislapningning
kitatubo
konsensiyabudhi
kopyahuwad, palsipikado
kriminalsalarin
kulturakalinangan
kusasadya
kusinera/kusinerotagapagluto, tagaluto
kuwartosilid
kuwebayungib
kuwentosalaysay, istorya
kuyogkawan
L
labagilegal
lakbaybiyahe
lakisukat
lalawiganprobinsiya
landasdaan
lansangankalye
lasonkamandag
libingansementeryo, kamposanto
lihamsulat
lihimsikreto
likasnatural
likhagawa
liyabalab, lagablab
lolaimpo, lelang
loloingkong, lelong
lubosganap
lugarpook
lunasremedyo
lundaglukso
lungkotlumbay
lustaywaldas
M
maaaripuwede, posible
maalagamaaruga
maawainmahabagin
mabagalmakupad, makuyad
mabagsikmalupit, mahigpit
mabahomaalingasaw
mabangomahalimuyak
mabilismatulin
mabuntismagdalang-tao
mabutimainam
madalasmalimit
madaldalmasalita, masatsat
madungismadusing
magalangmapitagan
magalingmahusay
magandamarikit, kaakit-akit
magastosmagugol
mag-isip-isipmagmuni-muni
magkagalitmagkaaway
magkalabanmagkatunggali
magkasinggulang magkasintanda
magmadalimag-apura
magmukmokmagmaktol
magtatagmagbuo, magtayo
magtiismagdusa
magtiramagtabi
magulatmabigla
magusotmalukot
mag-utosmag-atas
mahalagaimportante
mahigpitistrikto
mahirapmaralita, dukha, pobre
mahiyainkimi
maigimalusog, mabuti
maiklimaigsi
mainitmaalinsangan
makasarilisakim, makamkam, maramot
makatapoeta
makingdinggin
makintabmakinang
makitidmakipot
makuhamakamit, matamo
malakasmatibay
malamigmaginaw
malassawi, kapus-palad
maliitmunti
malinawmaliwanag
malubhamalala
mananahimodista
manggagawatrabahador, obrero, anak-pawis
mapagbigaybukas-palad
mapaladmasuwerte
mapanganibdelikado, peligroso
marahanbanayad
masarapmalinamnam
masipagmatiyaga, masikap
masayamasigla
matagalmalaon
matalimmatalas
matalinomarunong, maalam
matamomakamit
matapangmagiting
matipidmaimot
maulapkulimlim
mayabangmakuwarta, masalapi, mariwasa
mayamanhapag
mesahiwaga
misteryopulong
mitingkasapi
miyembromakabago
modernobuhat, galing
mulaaswang
multodaigdig
mundosuhestiyon, panukala
mungkahi
N
nagbagonag-iba
nagtagumpaynagwagi
naintindihannaunawaan, natanto
 nakalilibangkawili-wili
nakaraannakalipas
nakatagonakakubli
nakatalinakagapos
nakawdambong
nalokonalinlang
namataysumakabilang-buhay, yumao, namayapa
napakaramisangkatirba, sangkatutak, katakut-takot
napansinnapuna, nahalata
nawalanawaglit
ngayonkasalukuyan
nortehilaga
O
obserbahanpagmasdan, magmasid
operasyonpagtistis (surgical)
opinyonpalagay, kuru-kuro
opisinatanggapan
oradormananalumpati
ospitalpagamutan
P
paaralaneskuwelahan
pahintulotpermiso
pag-ibigpagmamahal
pagkakataontsansa, oportunidad
pagtatanghaleksibisyon
pakiusapsamo
palayawbansag, tawag, alyas
palengkepamilihan
paligsahantimpalak
palingun-lingonpalinga-linga
pamayanankomunidad
pamaypayabaniko
pamilyamag-anak
pangarapmithi
pangulopresidente
paninginpananaw
panitikanliteratura
pantalonsalawal
parihabarektanggulo
pasikut-sikotpaliguy-ligoy
patung-patongsapin-sapin
payatbuto't balat
perakuwarta, salapi
pilahanay
pilitinpuwersahin
pinsalakapahamakan
pirmalagda
platopinggan
premyogantimpala, gawad
preparasyonpaghahanda
preskomaaliwalas
problemasuliranin
prutasbungang-kahoy
puhunankapital
puloisla
pumalithumalili
pumuntatumungo
pumutoksumabog
pursiyentobahagdan
puwersalakas
puwestoposisyon, kinalalagyan
R
rasondahilan, katwiran
reklamodaing, sumbong
relasyonkaugnayan
relihiyonpananampalataya
remedyolunas, gamot
repormapagbabago, pagpapabuti
respetopaggalang
responsibilidadpananagutan
rutadaan
S
sabi-sabitsismis
sadyalayon, pakay
sagisagsimbolo
sagottugon
sakaylulan
sakopsaklaw
saksitestigo
sakunaaksidente, disgrasya
salungattutol, kontra
sanay
sandatabihasa
sang-ayonarmas
saranggolaguryon
sari-sariiba't iba, samut-samot
sawibigo
saysaykabuluhan, kahalagahan
serbisyopaglilingkod
sibilisasyonkabihasnan
sidhitindi
sigawhiyaw
silbigamit
simotsaid
simplepayak
simulaumpisa, bungad
sinasaadsinasabi
siningarte
sobralabis
suboktangka
suklampoot, muhi
sumpapanata
sundalokawal
sundintumalima
suntoksapok
suwailsutil
suweldosahod
suwertebuenas
T
taastayog, layog, tangkad
tadhanakapalaran
tagubilinpayo, rekomendasyon
taguritawag, ngalan
tahimikpayapa, tiwasay
takotpangamba, sindak
taksiltraidor
talabituin, estrelya
talaanlistahan
talakayandiskusyon
talambuhaybiyograpiya
talasalitaanbokabularyo
tamatumpak, wasto
tamadbatugan
tambadhantad, lantad
tangkiliktaguyod
tanodguwardiya, bantay
tapanglakas-loob
tatsuloktriyanggulo
tibokpintig
tirahantahanan, bahay
titikletra
tiyaksigurado
totalkabuuan
tsismisbali-balita, bulung-bulungan
tsoktisa, yeso
tuktokrurok, tugatog
tulongsuporta, ayuda
tunaytotoo
tungkulinresponsibilidad
tuwagalak, saya, lugod
tuwinalagi, palagi, parati
U
ulamputahe
umakoumamin
umiwasumilag
unaprimero
unibersidadpamantasan
uparenta, arkila
upuansilya
uriklase
utosatas
W
wakaskatapusan, sukdulan
wikalengguwahe
Y
yakapyapos
yangamasetera, paso
yatabaka, siguro
yumaoumalis, mamatay
yutasandaanlibo

Mga Uri ng Kantahing Bayan

$
0
0
Mga Uri ng Kantahing Bayan


1. Kundiman  - noong unang panahon nanliligaw ang mga binata sa pamamagitan ng 
    harana.
2. Oyayi / Hele - ito'y awiting bayan para sa pagpapatulog ng bata, ito rin ay naglalaman ng 
    bilin
3. Dalit o Imno -  ay isang awit ng papuri, luwalhati, kaligayahan o pasasalamat.
4. Talindaw - ang talindaw ay awit sa pamamangka o pagsagwan
5. Kumintang o Tagumpay - ito ay awit sa pakikidigma.
6. Diona - awit  sa mga ikinakasal
7. Soliranin - awit ng mga mangingisda
8. Sambotani  - awit pag nagtagumpay
9. Balitaw - awit ng pag-ibig  (kundiman sa Tagalog)
10. Dung-aw - awit sa patay ng Ilokano
11. Kutang-Kutang - awit sa lansangan
12. Maluway - awit sa sama-samang gawa
13. Tigpasin - awit sa paggaod



Tatlong dahilan ng kahalagahan ng pag-aaral ng mga Kantahing-bayan:


1. Ang mga kantahing-bayan ay nagpapakilala ng diwang makata.
2. Ang mga kantahing-bayan natin ay nagpapahayag ng tunay na kalinangan ng lahing 
    Pilipino.
3. Ang mga kantahing-bayan ay mga bunga ng bulaklak ng matulaing damdaming galing sa 
    puso at kaluluwang bayan.

Mga halimbawa ng kantahing bayan

$
0
0
Mga halimbawa ng kantahing bayan


Ako'y Kampupot
Alembong
Anak dalita
Ang Dalagang Pilipina
Ang tapis mo inday
Bakya Mo Neneng
Bayan ko
Buhat
Carinosa
Dahil sa iyo
Dalagang Pilipina
Dungawin mo hirang
Gaano ko Ikaw Kamahal
Hahabol-habol
Halina sa kabukiran
Ikaw ang mahal ko
Katakataka
Kundiman ng lahi
Lambingan
Leron, Leron, Sinta
Maalaala mo kaya
Madaling araw
Mutya ng pasig
Nasaan ka irog
O maliwanag na buwan
Pahiwatig
Pakiusap
Pamaypay ng maynila
Pobreng alindahaw
Sa gabing mapanglaw
Sa Libis ng Nayon
Sa lumang simbahan
Sa Ugoy ng Duyan
Sampaguita
Sarung-Banggi
Silayan
Sinisinta kita
Sit-si-rit-sit


Paraan ng Pagsulat ng Talambuhay

$
0
0
Paraan ng Pagsulat ng Talambuhay


Payak na paraan na pagsulat

1. Unang linya: pangalan

2. Ikalawang linya: 2-4 na pang-uri na naglalarawan sa sarili o sa taong inilalahad

3. Ikatlong linya: mga magulang

4. Ikaapat na linya: mga kapatid

5. Ikalimang linya: mga hilig at gusto

6. Ikaanim na linya: mga kinatatakutan

7. Ikapitong linya: mga pangarap

8. Ikawalong linya: tirahan

9. Ikasiyam na linya: apelyido


Kontrobersyal na paraan ng pagsulat na gaya ng isang ordinaryong pagpapakilala sa paraang pasalita.


1. Unang talata - pangalan, araw ng kapanganakan, lugar ng kapanganakan, tirahan, 
    magulang, kapatid
2. Ikalawang talata - mga katangian, mga hilig, paborito, libangan, mga bagay na natuklasan 
    sa sarili
3. Ikatlong talata - mga pananaw sa mga bagay-bagay, pangarap, ambisyon, inaasahan sa 
    darating na panahon, mga gawain upang makamit ang tagumpay

Extreme Maths


Math Attack

Parking Algebra

Match 10

Calculate Genius

Slice Food

Maths Quiz

Julian Felipe

$
0
0
Julian Felipe

May mga dakilang Pilipinong nag-aalay ng buhay para sa kalayaan; may mga dakilang Pilipino na naghandog ng talino upang magbigay inspirasyon sa rebolusyon. Isa sa gumamit ng talino ang dakilang kompositor na si Julian Felipe.

Si Julian ay ipinanganak sa Cavite noong Enero 28, 1861. Pinakabunso siya sa mga anak nina Justo Felipe, panday at Victoria Reyes, maybahay. Ang pagkahilig niya sa musika ay motibasyon ng kaniyang ama na isang miyembro ng Koro ng Simbahan.

Sa publikong eskwelahan sa Cavite unang nag-aral si Julian. Sa larangan ng musika, una niyang naging guro si Leandro Cosca. Si Padre Pedro Catalan namang kura paroko ng Cavite ang nagturo sa kaniyang tumugtog ng piyano.

Naging organista siya ng San Pedro Church at guro ng musika sa paaralang La Sagrada Familia. Naipamalas ni Julian ang husay sa musika nang maipanalo niya ang mga komposisyong Amorita Danza, Cintas y Flores Rigodones at Matete al Santisimo sa “Regional Exposition” na ginanap sa Maynila noong 1895.

Sa tagumpay na tinanggap ay inimbitahan siyang maging miyembro ng kilalang Santa Cecilia Musical Society.

Sa pagmamahal sa bayan, ang sikat na tulang Un Recuerdo na isinulat ni Balmori ay nilapatan ni Julian ng musika. Ang nabanggit na musika ay handog niya sa labintatlong martir ng Cavite na pinatay ng mga mapang-aping Kastila noong Setyembre 12, 1896.

Nang sumiklab ang Rebolusyon ay itinabi muna ni Julian ang paglikha ng musika at matapang na sumapi sa mga Rebolusyonaryo.

Sinamang palad na nahuli si Julian kasama ng maraming nagtatanggol sa bayan. Una siyang ikinulong sa Fort San Felipe, Cavite. Kahit hindi napatunayang aktuwal na lumaban sa mga Kastila, ang musikero ay ipinadala sa Maynila at ikinulong din ng ilang buwan sa Fort Santiago.

Noong kasagsagan ng digmaang Espanya-Amerika, nakipagkita si Julian kay Heneral Emilio Aguinaldo upang magprisintang gumawa ng isang marchang pandigmaan. Ang unang pyesang tinugtog ni Julian ay hinangaan ng Heneral pero isang pyesang punung-puno ng pagmamahal sa bayan ang hinahanap nito. Hinamon ng Heneral ang musikero na gumawa ng isang kakaibang musikang pandigma. Ang hamon ay tinanggap ni Julian. Anim na araw lamang ay dinala na ng musikero ang pyesa. Tuwang tuwa ang Heneral nang napakinggan ang “Marcha.” Nagpalakpakan ang mga rebolusyonaryo sa bago nilang musikang pandigma.

Nang iproklama ni Heneral Aguinaldo ang kalayaan ng Pilipinas noong Hunyo 12, 1898 sa Kawit, Cavite ay tinugtog ng Banda San Francisco de Malabon ang “Marcha Nacional Filipina” ni Julian. Nangilid ang luha sa mga mata ng rebolusyonaryo nang mapakinggan ang Marchang punung-puno ng pag-ibig sa bayan.

Sa malaking tulong na ibinigay ng nasabing Marcha upang mabuhayan ng loob ang mga Pilipinong nagsilaban sa digmaan, hinirang na Direktor ng Pambansang Banda ng Republika si Julian na may ranggong Kapitan.

Matapos ang digmaan, nagbalik sa lalawigan si Julian upang harapin ang pagtuturo ng musika. Nahalal siyang Konsehal ng Cavite noong 1902.

Namatay ang dakilang kompositor at rebolusyonaryong Pilipino noong Oktubre 2, 1944.

Ang talino sa musika at ang pagmamahal sa bayan ay inialay ni Julian Felipe sa ating bansa upang lalong magningning ang kalayaan natin sa oras ng pakikidigma.


Teodora Alonzo

$
0
0
Teodora Alonzo

May kasabihang ina ang tuwirang humuhubog sa kaugalian ng isang anak. Kung ang anak ay mapagmahal sa bayan, asahan mong ang ina ay mapagmahal din sa lupang tinubuan.
Si Teodora Alonzo na ina ni Jose Rizal ay ipinanganak sa Maynila noong Nobyembre 9, 1827. Siya ay isa sa limang anak nina Lorenzo Alonzo at Brigida de Guintos na kapwa mayaman at may mataas na pinag-aralan.

Si Orang ay nag-aral sa Colegio de Santa Rosa. Gustung-gusto niyang matutuhan ang lahat na may kinalaman sa sining at syensiya, literatura at matematika.

Beinte anyos si Teodora nang sagutin ang iniluluhog na pag-ibig ni Francisco Mercado. Matapos makasal ay napagkasunduan ng dalawang manirahan sila sa Calamba, Laguna. Ang mag-asawa ay biniyayaan ng labing-isang anak. Si Jose na pampito, ang tanging nagpahirap sa pagdadalangtao ni Teodora. Sinasabing malaki ang ulo ng Pambansang Bayani.

Bilang asawa, masikap na kabiyak ng puso ang dakilang ina. Lagi siyang tumutulong sa pagpapalago ng kanilang kabuhayan. Bukod sa masikap na paghawak ng mga gastusing pang-araw-araw, siya rin ang direktang namamahala ng kanilang pataniman ng mais, palay at tubo. Upang hindi masayang ang bakanteng oras, nagbukas din siya ng tindahan sa silong ng kanilang bahay.

Kahit marami-rami rin namang gawaing pangkabuhayan, hindi kinakalimutan ni Teodora ang mga obligasyong kalakip ng pagiging ina niya. Sinikap ni Orang na maging modelong gabay sa maraming anak niya. Sapagkat labis na mausisa si Jose nang kabataan niya, lagi at laging may laang sagot si Teodora.

Maraming sakripisyong isinabalikat ang ina ni Jose. Una rito ang pagpapalakad sa kaniyang nakayapak mula Calamba hanggang Sta. Cruz. Pinagbintangan siya ng mga Dominiko na kinamkam daw niya ang sariling lupa. Ikalawa rito ang di makatarungang pagpapakulong sa kaniya ng alkalde ng Binan na naniwala sa sabi-sabing pakikialam niya sa suliraning pampamilya ng isang malapit na kamag-anak. Pangatlo rito na sakripisyo ng mga sakripisyo ay nang barilin sa Bagumbayan ang anak niyang si Jose sa bintang na rebelyon at pag-oorganisa ng mga ipinagbabawal na samahan.

Matapos ang digmaan at makamit ng Pilipinas ang kapayapaan ay nagtangkang maghandog ang ating pamahalaan ng pensiyong pinansiyal kay Teodora. Tinanggihan ito ng “Dakilang Ina” na nagpahayag na hindi raw mababayaran ng materyal na bagay ang sakripisyo nilang mag-ina na kapwa nagmahal sa bayan. Si Jose na nag-alay ng buhay alang-alang sa kalayaan at si Teodora na humugis sa kadakilaan ng isang pambansang bayani ng sangkapuluan.

Namatay si Teodora Alonzo noong Agosto 16, 1911.

Ang dignidad na kalakip ng pagiging Ina ni Teodora ay ipinagmamalaki ng lahat ng inang Pilipina na nagmamahal din sa mga anak nila.

Miguel Malvar

$
0
0
Miguel Malvar

Pinakahuling heneral na sumuko sa mga Amerikano si Miguel Malvar.

Ang matapang na bayani ay ipinanganak noong Septiyembre 27, 1865. Sina Maximo Malvar at Tiburcia Carpio ang mga magulang niya.

Si Miguel ay unang nag-aral sa pribadong eskwelahan ni Padre Valerio Malabanan. Sapagkat maagang nahiligan ang pagnenegosyo, ang malawak niyang lupaing malapit sa Bundok Makiling ay ginawa niyang manukan at babuyan. Naging inspirasyon niya ang kaniyang asawang si Paula Maloles na anak ng isang capitan municipal.

Iginagalang na lider si Miguel kaya nahalal siyang gobernadorcillo noong 1892.

Sa sobrang pang-aapi ng mga Kastila ay nagdesisyong sumapi si Miguel sa Katipunan. Pinamunuan niya ang pakikipaglaban sa Talisay, Batangas. Nang kulungin ang matandang Malvar sa isang walang basehang krimen ay pilit itong pinakawalan ng anak na Katipunero. Nang maulinigang pinaghahanap ng mga Kastila, napilitang lumikas sa Cavite si Miguel. Sa nasabing lalawigan isinabak ni Heneral Emilio Aguinaldo ang Batangueno upang mamuno sa mga tunggalian sa Zapote, Indang, Bailen, Magallanes at Alfonso. Sa bawat labanan, napansin ng lahat ang kagitingan ni Miguel. Sa husay niyang humawak ng mga tauhan at sumunod sa mga ipinag-uutos ni Pangulong Aguinaldo, naging Commanding General siya ng Batangas, Mindoro at Tayabas.

Nang nagsimula ang Digmaang Filipino-Amerikano, nahirang siyang Brigadier General. Kung gaano siya katapang na lumaban sa mga Kastila ay ganoon din siya kagiting na nakitunggali sa mga Amerikano. Pinatunayan niya ito sa pamumuno niya sa mga labanan sa Muntinglupa, San Pedro, Tunasan, Calamba at Cabuyao.

Matapos madakip ng mga Amerikano si Aguinaldo sa Palanan, Pangasinan noong Marso 23, 1901, si Miguel Malvar ang naging Commander-in-Chief ng mga militar na Pilipino.

Nanawagan si Heneral Aguinaldo na isuko na ng mga heneral ang kani-kanilang tauhan bilang pagtanggap sa kapayapaang inihaharap ng mga Amerikano. Sa panawagan, sumuko si Heneral Tinio ng Nueva Ecija noong Mayo 8, 1901; si Heneral Tomas Mascardo ng Cavite noong Mayo 15, 1901; si Heneral Cailles ng Laguna noong Hunyo, 1901.

Sa sobrang hirap na dinanas ng kaniyang pamilya at ng mga tauhan niya ay inihinto ni Miguel ang pakikidigma at sumuko kay Heneral Franklin Bell noong Abril, 1902.

Bilang paghanga sa katapangan niya, hindi ipinakulong o ipinatapon si Miguel. Binigyan siya ng pagkakataong magbalik sa asawa niya at mga anak. Ibinigay sa kaniya ang panungkulan bilang Gobernador ng Batangas pero hindi niya ito tinanggap.

Kwarenta’y sais lamang nang mamatay si Miguel sa Maynila noong Oktubre 13, 1911. Nagkaroon siya ng komplikasyon sa atay. Isang libing na may parangal militar ang inihandog sa labi ng magiting na heneral.

Ipinanganak sa maliit na bayan ng San Miguel sa Santo Tomas, Batangas si Heneral Miguel Malvar. Dito rin siya inihatid ng mga kababayan sa huli niyang hantungan.

Josefa Llanes Escoda

$
0
0
Josefa Llanes Escoda

Isang tunay na girl scout si Josefa Llanes Escoda na nagbigay ng sarili alang-alang sa ikabubuti ng kapwa.

Si Josefa na lalong kilala sa tawag na Pepa ay ipinanganak noong Setyembre 20, 1898 sa Dingras, Ilocos Norte. Pinakamatanda siya sa pitong anak nina Gabriel Llanes at Mercedes Madamba.

Mula pa sa pagkabata ay kinakitaan na si Pepa ng sigasig sa pag-aaral. Tinapos ni Josefa ang elementarya sa Dingras at ang hayskul sa Laoag. Upang mapalawak ang kaisipan, pinili niyang sa Maynila na magpatuloy ng kolehiyo. Nakilala ng mga kamag-aral niya sa Philippine Normal College ang mataas na antas ng liderato ni Pepa. Dito niya tinapos ang Elementary Teacher’s Certificate na may karangalan.

Beinte anyos lang si Pepa nang maulila sa ama. Upang mabigyan ng magandang kinabukasan ang ina at mga kapatid, ipinagsama niya ang mga ito sa Maynila. Pinilit niyang matapos sa taong 1922 ang Secondary Teacher’s Certificate sa Unibersidad ng Pilipinas. Sa dahilang matalino at masigasig na estudyante, nabigyang pagkakataon siyang makapagturo sa ilang kilalang kolehiyo at unibersidad sa kamaynilaan.

Nang mabigyang pagkakataong magpalit ng bukasyon, pinili ni Pepang maging isang boluntaryong social worker sa American Red Cross (Philippine Chapter). Sa pagpapamalas ng sinserong serbisyo publiko ay nabigyan siya ng pagkakataong makapag-aral ng social work sa Amerika. Taong 1925 nang ipagkaloob kay Pepa ng New York School of Socal Work ang kaniyang sertipiko.

Tinapos din niya sa taong ding yon ang Masters in Social Work sa Columbia.

Sa Estados Unidos ay naging kahanga-hanga ang aktibismo ni Pepa bilang modelong Pilipino sa larangan ng internasyonalismo. Naniniwala siyang wala sa kulay ng balat ang husay ng isang tao kundi nasa layunin at gawa tungo sa ikauunlad ng daigdig.

Sa tuwing naiimbitahan si Pepang magsalita sa International House na pulungan ng mga estudyante, lagi siyang nakadamit Pilipino na ikinahanga ng marami. Ang kaniyang kahusayang magsalita ay pinag-uusapan din ng lahat. Kagalang-galang na Pilipina ang dating ni Josefa.

Sa pagbabalik sa Pilipinas balik-turo si Pepa bilang propesora sa UP at UST. Naniniwala siyang wala nang dadakila pa sa pagiging guro kung saan nagagabayan ang kaisipan at kamulatan ng mga kabataan.

Pinasok niya ang paglilingkod sa pamahalaan sa sumusunod na mga ahensiya: Tuberceulosis Commission ng Bureau of Health, Textbook Board ng Bureau of Public Schools at Board of Censors for Moving Pictures.

Bilang kalihim ng General Council of Women, si Pepa ay nanindigan sa malawakang kalayaang dapat tanggapin ng kababaihan kalakip ng karapatan niyang maghalal at mahalal sa eleksiyong publiko ng bansa. Naniniwala siyang katuwang ng kalalakihan ang kababaihan sa lahat ng kalakaran. Ang kababaihan, ayon kay Josefa, ay hindi lamang dapat ituring na tagamasid lamang.

Nang maging bukambibig sa malalayang bansa ang “girl scouting,” si Pepa ay ipinadala ng Pilipinas upang magsanay sa Amerika. Nang magbalik siya noong 1937 ay itinatag niya ang Girl Scout of the Philippines. Bagama’t maraming problemang kinaharap si Pepa sa pagtatatag ng organisasyon, inaprubahan ni Presidente Quezon ang Commonwealth Act 542 na nagtatalaga sa GSP bilang pambansang organisasyon.

Sa ngalan ng serbisyo publiko, hindi makakalimutan si Pepa sa kaniyang mga nagawa. Siya ang nagtatag ng Boys Town para sa mga dahop na kabataang lalaki. Siya rin ang humingi ng mga pribilehiyo ng mga kababaihang manggagawa. Siya ang kumampanyang mabigyan ng mga benepisyo ang mga matatandang kumukuha ng adult education.

Ang pinakataluktok ng serbisyo publikong ginawa niya ay naganap noong panahon ng digmaan.

Sumapi siya sa Volunteer Social Aid Committee. Isa siya sa mga palihim na tumulong sa mga bilanggong Pilipino at Amerikano na mabigyan ng pagkain, damit at gamot.

Inaresto siya ng mga Hapon noong Agosto 27, 1944 at ikinulong sa Karsel 16 sa Fort Santiago. Tiniis niya ang lahat ng hirap alang-alang sa bayan. May nagsasabing inilabas si Pepa sa Fort Santiago at dinala sa Far Eastern University na isa sa mga gusaling okupado ng mga Hapon.

Sapagkat hindi na nakita pa ang bangkay ni Pepa, walang tiyak na nakapagsabi kung saang lugar siya pinatay.

Isang bagay lamang ang natitiyak ng mga Pilipino na nagdusa si Josefa Llanes Escoda alang-alang sa mga kababayan at sa bansang kanyang pinarangalan at pinaglingkuran.

Jose Abad Santos

$
0
0
Jose Abad Santos

Ang tunay na kabayanihan ay matapat na paghahandog ng sariling buhay alang-alang sa ikararangal ng bayan. Iyan ang ginawa ng dating Chief Justice of the Supreme Court na si Jose Abad Santos nang kailanganing magdesisyon siya noong Panahon ng Hapon.

Si Jose ay ipinanganak noong Pebrero 19, 1886 sa San Fernando, Pampanga. Sina Vicente Abad Santos at Toribia Basco ang mga magulang niya.

Nag-aral siya ng elementarya sa Pribadong Paaralan ni Roman Velez sa Bacolor at ng sekundarya sa Paaralang Publiko ng San Fernando.

Noong 1904 ay ipinadala si Jose bilang pensionado sa Amerika. Nag-aral siya sa Kolehiyo ng Santa Gara. Ang abugasya ay pinasimulan niya sa University of Illinois at tinapos sa Northwestern University noong 1908. Sa kahusayang mag-aral, tinanggap niya ang Master of Laws sa George Washington University noong 1909.

Upang makapagsilbi sa mga kababayan, pagkabalik niya ay nagtrabaho siya sa pamahalaan. Naging pansamantalang klerk siya sa Archives Division at nataas bilang klerk sa Bureau of Justice. Matapos makapasa sa Philippine Bar noong 1911 ay naging court interpreter siya.

Sa husay na ipinakita ay nagsimula siyang maging special attorney sa Philippine National Bank.

Ang magandang pagkakataon ay dumating kay Jose nang mapili siyang isa sa anim na tagapayong teknikal ng unang Parliamentary Independence Mission sa Estados Unidos.

Sa nasabing misyon, kinakitaan ng husay at talino sa liderato si Jose. Ito ang dahilan kaya sa pagbabalik sa Pilipinas ay pinili siyang maging Undersecretary of Justice ni Gobernador Heneral Leonard Wood noong 1922. Sa sistematikong pamamaraan sa paghawak ng hustisya, tatlong ulit siyang nahirang na Secretary of Justice.

Ang oras ng pagtaas niya sa pusisyong Justice of the Supreme Court ay ipinagbunyi ng lahat nang manumpa siya sa tungkulin noong Disyembre 24, 1941.

Bukod sa pagiging Chief Justice, ibinigay din sa kanya ang mga katungkulang Secretary of Justice at Acting Secretary of Finance, Agriculture and Commerce sa Pamahalaang Quezon.

Nang ilikas si Pangulong Quezon sa Washington DC upang itayo ang Commonwealth Government in Exile naging pangkalahatang tagapamahala siya ng pamahalaan.

Sa kasamaang palad ay hinuli si Jose ng mga Hapon nang magtungo siya sa Cebu. Pinipilit siyang patalikurin sa Estados Unidos at makipag-usap kay Heneral Manuel Roxas.

Pinanindigan ni Joseng mamarapatin pa niyang mamatay kaysa talikuran ang Estados Unidos at Pilipinas.

Hindi nagustuhan ng mga Hapon ang naging paniniwala ni Jose kaya nagplano silang patayin siya sa Lanao del Sur.

Bago patayin ay binigyan ng pagkakataon si Joseng makaharap ang anak niyang si Pepito. Nang makitang umiiyak ang anak ay tinapik ito sa balikat, itinaas ang mukhang basang-basa ng luha at nagwikang:

“Huwag kang umiyak, Pepito. Ipakita mo sa mga taong nakapaligid sa atin na matapang ka at marangal. Magandang pagkakataong iaalay ko ang buhay ko sa bayan. Hindi lahat ay nabibigyan ng dakilang pagkakataong ito.”

Matapos lumuhod at mataimtim na nagdasal ay nagyakap nang mahigpit ang mag-ama.

Makalipas ang ilang sandali ay narinig ni Pepito ang ilang malalakas na putok ng baril. Alam niyang isang dakilang bayani ang binawian ng buhay. Mariing napakagat ng labi ang bata pero nang itaas niya ang mukha ay wala ritong mababakas na luha. Mariing kinagat ni Pepito ang mga labi at tumindig bilang isang marangal na Pilipino.

Alas dos ng hapon noong Mayo 2, 1942 nang mamatay si Jose Abad Santos. Pumanaw siyang sinasaluduhan ng lahat sa nag-uumapaw na pagmamahal sa bayan.

Gregorio del Pilar

$
0
0
Gregorio del Pilar

Si Gregorio del Pilar ang pinakabatang heneral na nag-alay ng buhay upang palayain ang mga Pilipino sa kamay ng mga kaaway.

Siya ay ipinanganak noong Nobyembre 14, 1875 sa San Jose, Bulacan. Sina Fernando del Pilar at Felipa Sempio ang mga magulang niya. Pamangkin siya nina Marcelo del Pilar, propagandistang namalagi sa Espanya at Padre Toribio del Pilar, Pilipinong paring ipinatapon sa Guam.

Kabilang sa mga unang guro ni Gregorio sina Maestro Monico at Pedro Serrano Laktaw. Sa Ateneo niya tinapos ang Bachiller de Artes noong 1896.

Bilang estudyante, nakikitira noon si Gregorio sa bahay ni Deodato Arellano, puno ng mga propagandista, na asawa ng tiyahin niyang si Hilaria del Pilar. Sa pagtulong ni Gregorio sa pamumudmod ng mga polyetong pandigma, nagkaroon siya ng inspirasyong makatulong sa pagpapalaya ng mga Pilipino.

Nagpatala siya bilang pormal na rebolusyonaryo sa edad na beinte dos. Sapagkat naipakita niya ang bilis at ang tapang sa Laban ng Kakaron de Sili madali siyang naitaas ng ranggo bilang tinyente. Iniharap din siya sa Laban Mambog at Laban Paombong na matagumpay din niyang naisagawa. Sa dami ng armas at balang naagaw niya ay naging tinyente koronel siya sa ipinakitang husay sa digmaan. Noong Hunyo 24, 1898 ay napasuko niya ang ika-5 Batalyong Kastila sa Bulacan na naging dahilan upang tanghalin siyang Heneral.

Matapos ang mga Kastila, heto naman ang mga Amerikano. Mapapansing lagi at laging ibinubuhos ni Gregorio ang lahat ng kakayahan kapag nakikipagdigmaan. Naririyan ang Laban sa Guiguinto, ang Laban sa Plaridel at ang Laban sa San Miguel.

Nang tanghalin siyang punong tagapagtanggol ni Heneral Emilio Aguinaldo ay lagi niyang pinangangalagaan ang seguridad ng Pangulo ng Pamahalaang Rebolusyonaryo. Sinasabing kung nasaan ang Pangulo ay naroon ang bansang pinamumunuan nito. Nang masukol na ng mga Amerikano ang Pampanga ay mabilis na nagpunta si Aguinaldo sa Nueva Ecija patungong Tarlac tapos ay sa Nueva Viscaya. Habang papunta sa Cagayan at sa Isabela, pinagsikapan ni Gregoriong bantayan ang Pasong Tirad sa lalawigang Bulubundukin upang hindi masundan ang Presidente.

Ang 60 kataong sundalo ni Gregorio ay hindi katapat ng 300 sundalo ni Major March pero nagpakatatag si Gregorio sa pagbabantay sa Lagusan.

Sa kasamaang palad, isang espiyang Pilipino ang nagturo sa isang makitid na daan. Nakaakyat dito ang mga Amerikanong nakasilip sa kinaroroonan ni Gregorio.

Sa isang kisapmata ay bumagsak sa hagdanang bato ang malamig na bangkay ng batang-batang sundalo. Sa matapat na pangangalaga sa pinuno, isang bayani ang nag-alay ng buhay alang-alang sa kalayaan ng sambayanan.

Sa animnapung sundalong Pilipino, walo lang ang nabuhay upang makapag-ulat kay Aguinaldo.

Sinasabing ninakaw ng mga puti ang lahat ng kasuotan ng pinatay na Heneral.

Salamat kay Tinyente Dennis Quinlan na nakakita sa hubad na bangkay matapos ang ikalawang araw. Pinabihisan niya ito, ipinalibing at pinarangalan sa isang lapida na nagsaad na si Gregorio del Pilar ay dapat daw tanghalin bilang “Isang Opisyal at Isang Ginoong Dapat na Igalang.”

Ang mortal na katawan ni Heneral Gregorio del Pilar ay nawalan ng buhay noong Disyembre 2, 1899. Sa araw na ito lalong nagningning ang kabayanihan at katapatan ng isang batang-batang Heneral na dati-rati’y tinatawag na Goyo ng kaniyang mga kababayan.

Viewing all 223 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>