Quantcast
Channel: Gabay ng Mag aaral
Viewing all 223 articles
Browse latest View live

Bakit laging nag-aaway ang Aso, Pusa at Daga

$
0
0
Bakit laging nag-aaway ang Aso, Pusa at Daga


Noong unang panahon, ang mga hayop ay nakapagsasalita at nagkakaintindihan. Sila ay magkakaibigan. Ang daigdig ay napakapayapa at animo’y isang paraiso. Ang mga aso, pusa at daga ay mabubuting magkakaibigan. Sama-sama silang kumakain. Lagi silang nagbibigayan at nagtutulungan sa kani·kanilang mga suliranin. Subali’t ang lahat ng ito ay nasira dahil lamang sa isang pangyayari.

Isang araw, umuwi ang aso na may dala-dalang buto para pagsaluhan nila ng kaniyang mga kaibigang pusa at daga. Wala doon sina pusa at daga dahil naghahanap pa rin ang mga ito ng pagkain. Nakarinig ng ingay ang aso sa pintuan ng bahay. Inilapag ng aso ang buto at tumakbo sa labas upang tingnan kung ligtas ang kaniyang amo.

Sa oras naman na iyon ay dumating ang daga. Malungkot siya dahil wala siyang nakuhang pagkain. Nakita niya ang buto. Kinuha niya ito at dinala sa bubungan ng bahay.

“Mamayang gabi ay may pagsasaluhan kami ng aking mga kaibigang aso at pusa.” bulong ng daga sa sarili.

Pagbalik ng aso sa bahay ay nagulat ito ng makitang walana ang iniwang buto. Naghanap nang naghanap ang aso subalit hindi rin niya makita ang buto. Dumating ang pusa na wala ring dalang pagkain. Tinulungan niya ang aso sa paghahanap ng buto. Nakarating sila sa itaas ng bahay hanggang sa kinaroroonan ng daga. Nagulat ang aso at pusa. Akala nila ay sadyang kinuha ng daga ang buto para masolo niya ito.

Mabilis na lumapit ang pusa sa daga at pinagalitan ito. Nagpaliwanag ang daga nguni’t hindi rin siya pinakinggan ng pusa. Nag-away silang dalawa kaya’t ang buto ay nalaglag. Nasalo ito ng aso at dali-daling tumakbo hanggang sa likods ng bahay.

“Hah..hah.. hihintayin ko na lang sila ditl. Siguro mamaya ay magkakasundo na rin sila at masaya naming pagsasaluhan itong buto.” bulong ng asong humihingal. Dahil sa pagod at matagal-tagal ding paghihintay sa pagdating ng dalawang kaibigan, kinain na ng aso ang ikatlong bahagi ng buto. Itinira niya ang parte ng daga at ng pusa.

Mainit pa ang ulo ng pusa dahil sagalit nang ito ay dumating sa kinaroroonan ng aso. Inabutan niya ang aso na kumakai ng mag-isa. Bigla niyang inangilan ang aso. Nagkasagutan silang dalawa hanggang sa sila ay magkasakitan ng katawan. Narinig ng may-ari ng bahay ang ingay na dulot ng pag-aaway ng aso at pusa. Inawat silang dalawa at pinaghiwalay. Naghiwalay ang aso at pusa na kapwa may tanim na galit sa isa’t isa. Iyon na ang simula ng kanilang pagiging magkaaway.


Magmula noon, sa tuwing makikita ng aso ang pusa ay kinakahulan niya ito. Ang pusa naman ay di padadaig, lagi siyang sumasagot at lumalaban sa aso. At sa tuwi namang makikita ng pusa ang daga ay hinahabol niya ito. Dahil naman sa takot ang daga ay pumapasok sa isang maliit na lungga at lumalabas lamang doon kapag wala na ang pusa. 

Baryo Maligaya

$
0
0
Baryo Maligaya


Sa pusod ng isang malawak na kagubatan matatagpuan ang Baryo Maligaya. Malalaki ang mga puno rito kaya malamig at malinis ang hangin. Marami ring iba’t ibang halamang namumunga at naggagandahang mga ligaw na bulaklak dito. Tahimik at sagana rin sa pagkain ang lugar kaya maligaya ang mga hayop dito. Dahil dito, ang lugar na ito ay tinawag na Baryo Maligaya ng mga naninirahan dito.

Bahagi na ng pamumuhay ng mga nakatira sa Baryo Maligaya ang pagkakaroon ng mga pagdiriwang. Ang bawat isa ay nagdadala ng masasarap na pagkain na masaya nilang pinagsasaluhan pagkatapos ng palatuntunan.

Isang araw ay nagpulong ang mga hayop sa Baryo Maligaya tungkol sa nalalapit na kaarawan ni Haring Leon. Kailangang espesyal ang gagawin nilang pagdiriwang. Tulad ng dati, napagkasunduan ng lahat na magdadala sila ng masasarap na pagkain. Napag-usapan din nilang magkaroon ng paligsahan sa pag-awit upang masiyahan ang haring mahilig sa musika. Ang mananalo ay tatanghaling “Koro ng Baryo Maligaya.”

Apat na grupo ang nagpalista: ang Gintong Tinig na koro ng mga unggoy, ang Kundiman ng mga ibon, ang Tinig Malambing ng mga kuneho, at ang Tunog Makabago ng mga palaka.

Ang apat na pangkat ay dati nang mga mang-aawit. Lahat sila ay mahuhusay at hindi masabi kung sino sa kanila ang talagang mas magaling. Ngayon ay malalaman na kung sino ang tatanghaling “Koro ng Baryo Maligaya.”

Sa apat na pangkat ay ang Kundiman ng mga ibon lamang ang naghahanda. Nagkaisa sila na araw-araw silang magpapraktis. Pinagsama-sama-nila ang mga tinig na mataas, katamtaman, at mababa. Isang kundimang pangkapaligiran ang napili nilang awitin sa paligsahan. Pumili rin sila ng damit na gagamitin na siya namang angkop sa napili nilang awit.

Ang ibang pangkat ay hindi naghanda. Masyado silang tiwala sa kanilang mga sarili. Ang katwiran nila ay sanay na sila at kabisado na ng isa’t isa ang timbre ng kanilang boses. Hindi na rin sila namili ng kanta. Iyong dating inaawit na lamang nila sa mga nakaraang pagdiriwang ang aawitin nila para hindi na sila magpagod sa pagpapraktis.

Dumating ang araw ng pagdiriwang. Tulad ng dati, naroon ang lahat ng mga hayop. Bawat isa ay may dalang pagkain. Punung-puno ng pagkain ang mga mesa. Ang tanghalan ay maganda ang pagkakaayos at nakaupo na rito ang mga huradong sina Bayawak, Agila, at Tigre. Ang may kaarawang si Haring Leon at ang asawa nito ay nakaupo na rin sa isang bahagi ng tanghalan.

Di-nagtagal, sinimulan na ang paligsahan. Unang tinawag ang Tinig Malambing. Hindi mapakali ang mga kuneho. Hindi magkakapareho ang kanilang mga suot at kitang-kitang ninenerbyos sila. Dahil hindi naghanda, maraming itinagubilin ang lider na si Kunita sa kanyang mga kasama. Sa nerbyos, hindi lubos na naunawaan ng mga kasamahan ang mga sinabi niya.

Nang umakyat na sila sa tanghalan, nag-uunahan ang mga kuneho sa likuran ni Kunita. Bawat isa ay ayaw mapunta sa harapan. Dating sanay sila sa pag-awit sa harapan ng karamihan ngunit ngayon ay nakaramdam sila ng matinding kaba. Dahil sa nerbyos at hindi sila handa, hindi naging maganda ang ipinakita ng mga kuneho.

Sumunod na tinawag ang Gintong Himig ng mga unggoy. Tulad ng mga kuneho ay hindi rin sila handa. Natawa ang mga manonood. May nauuna at may nahuhuli sa pagkanta at tila minamadali nila na matapos ang kanilang awitin.

Ang Tunog Makabago ang ikatlong tinawag. Humanga ang mga nanonood nang umakyat sa tanghalan ang mga palaka. Maganda at makabago ang kanilang kasuotan. Iba’t ibang instrumento rin ang kanilang dala. Sumayaw sila sa saliw ng mga instrumentong tinugtog nila bilang panimula. Nagpalakpakan ang mga manonood. Ngunit nang sila’y umawit, natawa rin ang mga manonood. May pumiyok at may sintunado. Ito’y dahil sa hindi rin sila nagpraktis. Hindi nila naiayos ang boses nila sa bagong awitin. Dahil dito, ang iba’y hindi na umawit at sumayaw-sayaw na lamang.

Ibang-iba naman ang ipinakita ng pangkat Kundiman. Pare-pareho ang kanilang kulay berdeng kasuotan at makikita sa anyo nila ang kahandaan. Humanga ang mga manonood sa istilo ng kanilang pag-awit at sa bagong awiting pangkapaligiran na inawit nila. Masigabong palakpakan ng mga nagsitayong hayop ang narinig matapos ang kanilang pag-awit.

Masayang-masaya ang mga ibon. Dahil sa kanilang sipag at pagkakaisa, sila ang nagwagi sa paligsahan. Sila ang tinanghal na “Koro ng Baryo Maligaya.”


Mula noon, ang pangkat ng mga ibon ang umaawit sa lahat ng pagdiriwang na ginagawa ng mga hayop.

Mga Pusa Laban Sa Mga Daga

$
0
0
Mga Pusa Laban Sa Mga Daga


Matagal nang magkaaway ang mga Pusa at ang mga Daga. Lagi at laging nananalo sa labanan ang mga Pusa. Una, malalaking di hamak ang mga Pusa. Pangalawa, nakuha raw nila ang husay sa pakikidigma ng mga Tigreng kalahi nila.

Nagpulung-pulong ang mga Daga.

“Wala sa laki yan,” sabi ng mga Dagang Siyudad.

“Nasa tapang at bilis yan,” giit ng mga Dagang Lalawigan.

“Nasa istratehiya ng pakikidigma ang susi,” diin ng mga Dagang Kosta.
“Tama. Tama. Kailangan ang preparasyon sa labanan!” dugtong ng mga Bubuwit.
“Maghanda! Maghanda!” sigaw ng lahat sa Dagalandia.

Naghanda nga ang mga Daga. Napagkaisahan nilang pumili ng apat na heneral na mangunguna sa pakikidigma. Naniniwala ang mga Daga na dapat unahin ang mga kasuotang pandigma upang mapaganda ang porma ng mga lalaban. Kaunting panahon lang ang ginawa nila upang mapabuti ang sistema ng pagsalakay sa mga kaaway. Binuo nila ang loob upang magtagumpay.

Ang apat na heneral ay binigyan ng sapat na awtoridad upang pamunuan ang apat na batalyong Daga. Tiniyak ng mga Daga na ang mga heneral ay nabihisan ng kagalang-galang na kasuotan na napapalamutian ng nagkikinangang medaiyong pandigmaan.

Pinagsikapan din ng mga Dagang masuotan ang mga heneral ng mga sumbrerong panlaban na may plumahe at makikinang na adornong kaakit-akit sa nagliliwanag na putukan.

Nang magsimula ang pagsalakay ay nawalan ng panimbang ang mga sundalo ng Dagalandia. Malaking problema sa apat na heneral ang sumbrero nila na sa taas ng plumahe at kinang ng mga adornong nagliliwanag sa putukan ay inaasinta ng mga kalaban.

Naging problema rin ng mga heneral ang mga medalyong pandigmaang nakakabit sa kanilang mga kasuotan. Ang malalapad na medalyon ay sumasabit sa mga kamay ng mga heneral. Problema ang mga medalyon kapag itinuturo na kung sinu-sino ang dapat paputukan at kung kailan dapat pasabugin ang kanyon sa mga kalaban.

Tulad ng dapat asahan, maraming mga Daga ang naging talunan. Ang apat na heneral na maganda ang porma sa pakikipagdigmaan ay nasawi sa kakulangan sa sistema ng pakikipaglaban.

Ilan lamang ang nakabalik sa kani-kanilang lunggang pinagtataguan. Mabuti na lamang at hindi sila inabutan ng mga Pusang handa ring pumatay.



Aral: Sa anumang laban, bigyang tuon ang pinakamahahalagang bagay na ikapapanalo ng koponan. 

Si Dagang Bayan at si Dagang Bukid

$
0
0
Si Dagang Bayan at si Dagang Bukid


May dalawang dagang magkaibigan, sina Dagang Bayan at Dagang Bukid. Magkalayo ang kaniiang mga tirahan subalit patuloy pa rin ang kanilang pagkakaibigan.

Isang araw, dinalaw ni Dagang Bayan si Dagang Bukid.

“Napakalayo ng lugar mo. Nagutom ako sa pagod. Kumain na tayo,” ani Dagang Bayan.

“Wala akong pagkain dito. Halika, maghanap tayo,” sagot ni Dagang Bukid.
“Ano? Maghahanap pa tayo?” di-makapaniwalang tanong ni Dagang Bayan.

“Oo, ganyan talaga rito sa bukid. Hahanapin mo muna ang iyong kakainin,” malumanay na sagot ni Dagang Bukid.

Naglakad silang dalawa. Sa may daan, nakakita sila ng supot. Dali-dali nila itong binuksan.

“Tinapay! Masarap na tinapay!” sabi ni Dagang Bayan.

“Teka, akin ‘yan. Ako ang unang nakakita r’yan,” sabi naman ni Dagang Bukid.

“Para walang away, hati na lang tayo,” mungkahi ni Dagang Bayan. Tango lamang ang tugon ng kanyang kaibigan.

Hinati ni Dagang Bayan ang tinapay. Iniabot niya ang maliit na bahagi kay Dagang Bukid.

“Naku, hindi pantay ang pagkakahati mo,” reklamo ni Dagang Bukid.

“Oo, nga ‘no? Bawasan natin,” sagot ni Dagang Bayan, at pagkatapos ay kinagatan niya ang mas malaking bahagi.

“Naku, lumiit naman itong isa,” sabi ni Dagang Bukid.

Kinagatan naman ni Dagang Bayan ang kabilang bahagi ng tinapay.

“Naku, lumiit nang pareho,” himutok ni Dagang Bukid.

“Para walang problema, akin na lang lahat ito. Ang susunod nating makikita ay sa iyo naman,” sabi ni Dagang Bayan sabay subo sa lahat ng tinapay.

Dito nakahalata si Dagang Bukid.

“Niloko mo ako! Paano kung wala tayong makitang pagkain?” pagalit niyang wika kay Dagang Bayan.


Dahil dito, nag-away ang magkaibigang daga, at ang kanilang pagkakaibigan ay tuluyang naglaho. 

Si Jupiter at ang Tsonggo

$
0
0
Si Jupiter at ang Tsonggo


Isang araw ay ipinakalat ni Jupiter ang balitang magkakaroon ng timpalak na magtatampok sa pinakamagandang anak ng hayop sa kapaligiran.

Nang dumating ang araw ng laban ay nagtipun-tipon ang lahat ng hayop sa paanan ng kabundukan. Dala-dala ng lahat ng inang hayop ang kani-kanilang anak na ipanlalaban. Kahit malalayong gubat, bundok, lambak, ilog at kuweba ang pinanggalingan ay nawala ang pagod nila makasali lang sa timpalak.

Tuwang-tuwa ang lahat nang ihudyat ng dagundong at malalakas na kulog ang pagbukas ng langit. Nagbunyi ang lahat nang matanawan nilang pababa sakay ng gintong karwahe niya ang Bathalang si Jupiter. Nagyukuan sila bilang pagbibigay galang sa Bathala ng Kalikasan.

Inikot ni Jupiter ang paanan ng kabundukan. Sinusuri niya ang lahat ng dala-dalang anak ng bawat inang hayop sa kapaligiran. Papanhik na sana siya sa ituktok ng bundok upang sabihin ang nagwagi nang malingunan niya ang inang Tsonggo. Nilapitan ito ni Jupiter at inaninag ang anak na mahigpit na yakap-yakap. Napaurong ang Bathala nang matanaw na pangung-pango ang ilong ng batang Tsonggo at pagkakapal-kapal pa ng maitim na nguso nito.

“Anong klaseng nilalang ito? Pagkakapal-kapal ng buhok, sunug na sunog ang kulay at pagkapangit-pangit.”

Kahit pabulong ay narinig pala ng Inang Tsonggo ang pintas ng Bathala.

Tinitigan ng Inang Tsonggo ang anak. Lalong hinigpitan ang yakap, masaya itong hinagkan bago pabulong na nagsabing, “Wala akong pakialam kung ano man ang sabihin ni Jupiter o ng sinumang huhusga sa iyo. Para sa akin ikaw at ikaw lamang ang pinakamagandang nilalang sa sandaigdigan.”



Aral: May iba’t ibang pamantayan ang paghusga sa kagandahan.

Si Leon at si Kambing

$
0
0
Si Leon at si Kambing


Isang kambing ang napahiwalay sa kanyang mga kasama. Sa paghahanap sa kanyang mga kasama, napagod sa kalalakad ang kambing. Uhaw na uhaw rin ito kaya nang makakita ng sapa ay lubha siyang natuwa.

“Sa wakas ay makaiinom na rin ako,” wika niya sa kanyang sarili.

Iinom na sana siya nang biglang dumating ang isang leon.

“Hoy, Kambing, ako muna ang iinom!” wika ng leon sa kambing.

“Nauna ako rito kaya dapat mauna akong uminom,” ganting sagot ni Kambing.

“Ako ang hari ng kagubatang ito. Ako ang dapat maunang uminom,” mariin namang wika ni Leon.

“E, ano kung hari ka? Kayang-kaya ka ng sungay ko!” mayabang na tugon ni Kambing.

“Hoy, Kambing! Walang magagawa ang sungay mo sa matatalas kong ngipin,” pagmamalaki ni Leon.

Mag-aaway na sana ang dalawa nang mapatingin ang leon sa itaas. Nakita niya ang mga bwitreng lumilipad.

“Naku! Kambing, alam mo ba ang ibig sabihin ng mga bwitreng iyon?” tanong ni Leon.

“Hinihintay nila tayong magpatayan para kainin nila ang ating bangkay,” sagot ni Kambing.

Biglang nawala ang galit nila sa isa’t isa.

“Sige, Kambing, ikaw na ang maunang uminom,” mungkahi ni Leon.

“Hindi, ikaw ang hari kaya dapat mauna ka na,” wika naman ni Kambing.

“Sabay na lang kaya tayong uminom,” sabi ni Leon.


“O sige,” mahinahong sagot ni Kambing. 

Sino Ang Magtatali ng Kuliling?

$
0
0
Sino Ang Magtatali ng Kuliling?


May isang malaking Pusa na lagi nang aali-aligid upang makahuli ng Daga. Marami-rami na rin itong nabibiktima. Aabangan niyang lumabas ang Daga at saka ito sasakmalin at gugutay-gutayin.

Sa sobrang takot ng mga Daga ay nagpulung-pulong sila. Pinag-usapan nila kung paano nila maiiwasan ang mapanganib na Pusa.

Naging sobra sa ingay ang mga Daga habang nagpupulong. Ang ingay ay nauwi sa katahimikan nang wala isa mang makaisip ng paraan kung paano maiiwasan ang Pusa. Sa pagkakataong iyon, nagpakitang gilas ang mayabang na Daga. Tumindig ito at mayabang na nagsalita.

“May suhestiyon ako upang maiwasan nating lahat ang Pusa.”

Umaatikabong bulungan ang naganap.

“Tumahimik kayo!” utos ng mayabang na Daga. “Maiiwasan lang natin ang ating kaaway kung tatalian natin ito ng kuliling sa leeg. Kung may kukuliling, alam nating ang Pusa ay papalapit sa atin.”

“Oo nga. Kung maririnig natin ang kalansing ay makalalayo tayo sa kinatatakutan natin,” natutuwang sabat ng Dagang Lalawigan.

Kunwaring nakayuko ang mayabang na Daga.

“Pe… pero… sino ang magtatali ng kuliling?” tanong ng Matandang Daga.

“Hindi ako!” gumagaralgal ang boses na sabi ng Dagang Lungsod. “Tiyak na sasakmalin ako ng Pusa.”

“Lalo namang hindi ako,” nanginginig ang tuhod na sabi ng Dagang Bukid. “Palapit pa lamang ako ay nangangalmot na ang nasabing Pusa. Tiyak na papatayin ako noon kapag nilapitan ko!”

Sa katanungang sino ang magkukulyar sa Pusa ay walang sinumang nangahas na sumagot at gumawa. Lahat ay nabingi sa tawag ng kabayanihan. Pati na ang mayabang na Daga ay wala ring narinig na anuman.



Aral: Ang tao ay nasusukat hindi sa salita kundi sa gawa. 

Ang Puti at Itim na Kambing

$
0
0
Ang Puti at Itim na Kambing


Sa isang makitid na tulay ay nagkasalubong ang dalawang Kambing. Sapagkat hindi maaaring magkasabay ang dalawa, kinakailangang bumaba muna sa pinanggalingan ang isa.

“Napakakitid ng tulay. Maaari bang bumalik ka muna at paraanin ako?” pakiusap ng Itim na Kambing.

“Bakit hindi ikaw ang magmagandang loob. Higit na mabuti ang nagbibigay kaysa tumatanggap.” sagot ng Puting Kambing.

“A basta. Nauna ako sa gitna ng tulay kaya ako ang dapat na makadaan.”
“Mali ka kaibigan. Sabay lang tayong nakarating sa ating kinatatayuan kaya pareho lang tayong may karapatang makatawid.”

“Kung ayaw mong magparaan ay iitim ang balahibo mo sa init ng araw.”
“Umitim na kung umitim pero ako ang dapat na makagamit sa daan.”

“Hindi kita mapapayagan.”

“Talagang di ka papayag. Hindi lang pala maitim ang balat mo. Pati pala kalooban mo ay kasing-itim din ng anyo mo.”

“Aba! Pati panlabas na kulay ko ay dinamay mo. Maputi ka nga sa tingin ng tao pero burak pala ang kalooban mo.”

“Hindi kita dapat paraanin.”

“A basta. Dadaan ako.”

Parehong nagpilit dumaan sa makitid na tulay ang dalawa. Walang nagparaya. Kapwa sila naging gahaman sa kani-kanilang karapatan. Pero ano ang kanilang kinauwian? Pareho silang nahulog at nalunod sa ilug-ilugan.

Sa sobrang kasakiman, inihatid ang dalawang gahaman sa kani-kanilang kamatayan.



Aral: Nasa pagbibigayan, ang pagsasama nang matagalan. 

Ang Tigre at ang Leopardo

$
0
0
Ang Tigre at ang Leopardo


Minsang naghahanap ng makakain ang Tigre at Leopardo ay natanawan nila sa damuhan ang naglalarong Kuneho.

“Akin ang Kuneho. Ako ang unang nakakita rito!” sigaw ng Leopardo.

“Hindi. Ako ang unang nakaamoy sa Kuneho kaya may karapatan ako dito.”

Nang malaman ng Kunehong siya ang pinagtatalunan ng dalawang may matutulis na mga kuko ay hinimatay na ito.

Habang nakalatag sa damuhan ang Kunehong pinag-aawayan ay lalong ginutom ang dalawang gahaman.

“Sa akin dapat mapunta ang Kuneho!” pagmamatigas ng Leopardo.

“Humakbang ka muna sa katawan ko kapag namatay na ako!” pagyayabang ng Tigreng handa nang makipagsakmalan upang masagot lang ang tinding kagutuman.

“Gutum na gutom na ang Leopardong dapat na saluduhan mo. Akin ang Kunehong tatanghalian ko!”

“Huwag ka nang magsalita pa. Tigre akong handang makipagtagisan ng lakas sa lakas, ng tapang sa tapang.”

Dali-daling sinakmal ng Leopardo ang leeg ng Tigre. Nagdadamba ang Tigre na kumagat sa mga mata ng Leopardo. Pinagkakalmot ng Leopardo ang Tigre sa ilong, sa tenga at sa braso. Parehong duguan ang dalawa. Kuko sa kuko. Pangil sa pangil. Pagulung-gulong sila sa damuhan. Ingungudngod ang Leopardo sa batuhan. Ilalampaso naman ang Tigre sa buhanginan.

Parehong sugatan ang Leopardo at Tigre sa labanang matira ang matibay. Humihingal na sila. Ang mga mukha nila ay pawisan at duguan. Pero patuloy sila sa tunggalian.

Lingid sa dalawang mandirigma ay nagising na ang hinimatay. Nang malamang hindi pa pala siya ginagawang pananghalian ay dali-daling tumayo ang Kuneho. Kumaripas ito nang takbo palayo sa naglalaban.

“Mag-away na sila hanggang kamatayan pero kailangang pangalagaan ko ang sariling kaligtasan.”



Aral: Ang kapalaluan ay dapat na iwasan. 

Ang Mag-amang Palaka

$
0
0
Ang Mag-amang Palaka


Isang hapon ay nagpapatalun-talong namamasyal ang Bunsong Palaka sa ilug-ilugan nang biglang makaharap niya ang matangkad na Tikling na nakatungtong sa batuhang inaagusan ng tubig.

“Naku po! Pagkalaki-laking palaka!” sigaw ng nahintakutang Palaka.

“Kokak! Koooookak! Koooookak!” pananakot ng Tikling.

Nagtatalong paalis ang Bunsong Palaka.

Ilang sandali lang ay humihingal na nagsumbong ang Bunsong Palaka sa Amang Palaka.

“Naku, Tatay! Nakakita po ako ng malaking Palaka sa ilug-ilugan. Natakot po ako at nagtatalong paalis.”

“Malaki ba ika mo?”

“Opo. Malaking-malaki.”

“Kasinlaki ko ba?”

“Malaki pa po sa inyo!”

Pinahanginan ng Amang Palaka ang tiyan at mayabang na tumindig.

“Ganito ba kalaki?”

“Malaki pa po!”

Pinahanginan pa ng Ama ang tiyan na ikinabundat nito. “Ganito ba kalaki?”

“Higit pa pong malaki diyan at nakakatakot kung tumindig. Parang higante!”

Wala nang hihigit pa sa laki ng Amang Palaka. Sa pagkakaalam niya, siya ang pinakamalaking Palaka sa tubigan at batuhan. Hindi siya makapapayag na may hihigit pa sa kaniyang laki at lakas.

Sapagkat ayaw patalo kaya pinahanginan pa niya ng doble ang tiyan.

“Kasinlaki ko na ba siya?”

“Malaki pa po.”

Sa nais ng Ama na baka mahigitan siya ng palakang nakita ng Bunsong Palaka ay pinalaki niya nang pinalaki ang tiyan. Pinalaki niya ito nang pinalaki nang pinalaki hanggang sumabog. Ito ang ikinasawi ng Amang Palaka.



Aral: Makuntento sa biyayang sapat. Hindi natin dapat higitan ang bigay ng kalikasan. 

Elemento Ng Sanaysay

$
0
0
Elemento  Ng Sanaysay

1. Tema at Nilalaman  -  anuman ang nilalaman ng isang sanaysay ay itinuturing na paksa dahil sa layunin sapagkakasulat nitoat kaisipang ibinahagi.

2. Anyo at Istruktura  -  ang anyo at istruktura ng sanaysay ay isang mahalagang sangkap sapagkat nakaaapekto ito sa pagkaunawa ng mga mambabasa, ang maayos na pagkakasunud-sunod ng edeya o pangyayari ay makatututlong sa mambabasa sa pagkaunawa sa sanaysay.

3. Kaisipan- Mga ideyang nabanggit na kaugnay o panlinaw sa tema.

4. Wika at Istilo - ang uri at antas ng wika at istilo ng pagkakagamit nito ay nakaapekto rin sa pagkaunawa ng mambabasa, higt na mabuting gumamit ng simple, natural at matapat na mga pahayag.

5. Larawan ng Buhay - Nilalarawan ang buhay sa isang makatotohanang salaysay, masining na paglalahad na gumagamit ng sariling himig ang may akda.

6. Damdamin -Naipapahayag ang isang magaling na may-akda ang kaniyang damdamin nang may kaangkupan at kawastuhan sa paraang may  kalawakan at kaganapan.

7. Himig - naipapahiwatig ng kulay o kalikasan ng damdamin. Maaaring masaya, malungkot, mapanudyo at iba pa.

Ang Pilosopo

$
0
0
Ang Pilosopo
(Kuwentong Maranao)

Noong unang panahon, may isang bayan na ang naninirahan ay mga taong sunudsunuran na lamang dahil sa takot na masuway ang batas na umiiral sa nasabing bayan. Isang araw, namamasyal ang kanilang pinunong si Abed sa mga kabahayan ng kanyang mga tauhan upang tiyakin kung sino sa kanyang mga tauhan ang mga naghihirap upang mabigyan ng pagkain.

Nang mapansin ni Subekat na lumilibot araw-araw si Abed upang mamigay ng pagkain sa mga naghihirap ay kaagad kumuha ng bato at isinalang sa kalan para mabigyan ng pagkain. Nang marating ni Abed ang kubo, binati siya ni Subekat. Luminga-linga si Abed at nakita niya ang kaldero na may nilagang bato. Nung mapansin niya, sinabi ni Subekat na kunin kinaumagahan ang kanyang parte dahil may inilaan sa kanya.

Isang araw nagtipon ang mga tao upang magdasal ng dhubor (pantanghaling pagdarasal). Nang makatapos sila ay nagtanong si Abed kung sino ang wala sa kanyang mga tauhan. May nakapagsabi na si Subekat ang wala. Samantala, ipinaalam ni Abed sa mga tao na aalis sila para magsuri ng lupa dahil kakaunti na lamang ang lupa para sa susunod na henerasyon. Nang papaalis na sila, saka pa lamang dumating si Subekat na hindi sumali sa pagdarasal at sinabing sasama siya. Sinabi ni Abed na maaaring sumama si Subekat kahit na hindi niya siya nakita sa pagdarasal ngunit sa pag-alis nilang ito ay matatanto niya kung tunay ba na kasama si Subekat o hindi. Bago umalis ang pangkat, hinabilin ni Abed sa bawat isa na magdala ng bato na tamang-tama lang ang bigat sa kanila. Nagdala si Subekat ng batong
sinlaki lang ng kanyang hinlalaking daliri.

Nang mapagod na sila sa walang humpay na paglalakbay, nagpahinga sila at naghugas upang magdasal. Hindi pa rin sumali si Subekat. Nang matapos ang pagdarasal, ipinag-utos ni Abed na buksan ang kanilang baon. Nang mabuksan na nila, naging tinapay ang lahat ng dala nilang bato. Si Subekat na ang dala ay sinlaki lamang ng hinlalaki ay nagutom dahil sa liit ng kanyang tinapay.

Nang paalis na naman sila, sinabi uli ni Abed sa bawat isa na magdala ng maliit lamang na bato. Sumunod lahat ang mga tao maliban kay Subekat na ang dinalang bato ay ang pinakamalaki dahil magiging tinapay raw ito. Nang dumating na sila sa pupuntahan nila, sinabi ni Abed na bawat isa sa kanila ay ihagis sa abot ng kanilang makakaya ang kanilang bato dahil ito na rin ang lawak ng lupang matatamo ng bawat isa. Samantalang, si Subekat na may pinakamalaking bato ay sinlaki lamang ng bilao ang nakuhang lupa dahil sa hindi niya kayang ihagis ang kanyang dalang bato. Doon lamang sa nahulugan ng bato ang kanyang makukuhang lupa. Nalungkot si Subekat sa kanyang makukuhang lupa. Nang makita ni Abed ang liit ng kanyang nakuhang lupa sinabi niya kay Subekat na hindi ito sumusunod sa mga patakaran. Sinabi pa sa kanya na dahil siya ay hindi marunong sumunod sa mga alintuntunin,
wala siyang magandang kinabukasan.

Sipi mula sa Mga Piling Kuwentong Bayan ng Mga Maguindanaon at Maranao

Ang Kataksilan Ni Sinogo

$
0
0
Ang Kataksilan Ni Sinogo
Kwentong Bayan ( Mindanao )


MARAMING MARAMING taon sa nakaraan, nuong si Maguayan pa ang panginuon sa dagat, at ang mapusok na Kaptan ang naghahagis ng kidlat mula sa kanyang kaharian sa langit, pulos mga halimaw ang lumalangoy sa tubig at lumilipad sa himpapawid. Malalaki ang ipin at matatalas ang kuko ng mga halimaw

sa himpapawid. Subalit kahit ano ang bangis nila, sama-sama silang nabubuhay nang tahimik dahil takot sila sa galit at lupit ni Kaptan. Kaiba ang lagay sa dagat sapagkat dambuhala (higantes, giants) ang mga halimaw na lumalangoy at malakas ang luob nila sa kanilang laki at lakas. Pati si Maguayan ay sindak sa kanilang laki at dahas kaya hindi siya sinunod, ni hindi iginalang ng mga halimaw. Balisa araw-araw si Maguayan na baka siya ang balingan ng mga ito.

Sa wakas, nawalan siya ng pag-asa at humingi ng tulong kay Kaptan. Inutusan ng diwata ng langit ang mga pinaka-matulin niyang mga tagahayag (escuderos, messengers) na tawagin lahat ng mga halimaw upang magpulong sa isang munting pulo ng Kaweli, sa gitna ng dagat ng Sulu, sa lalong madaling panahon. Agad namang nagdatingan ang mga halimaw hanggang nagdilim ang langit sa dami ng mga lumilipad, at kumulo ang dagat sa
dami ng mga lumalangoy.

May mga dambuhalang buaya mula Mindanao, mababangis na tikbalang mula Luzon, mga ligaw na sigbin mula Negros at Bohol, daan-daan ng mga ungloks mula Panay at Leyte, malalaking uwak-uwak at iba pang nakakatakot na halimaw - lahat ay nagsiksikan sa munting pulo na halos natakpan sa dami nila. Nakaka-bingi, tilian at hiyawan silang lahat habang hinihintay ang atas nina Kaptan at Maguayan mula sa kanilang gintong luklukan (trono, throne).

Pagtagal-tagal, itinaas ni Kaptan ang isa niyang bisig (brazo, arm) at biglang tumahimik lahat ng halimaw. Nuon hinayag ni Kaptan ang kanyang utos. Si Maguayan ay kapwa niya diwata, sabi ni Kaptan, at dapat siyang igalang ng mga halimaw tulad ng paggalang na inilalaan sa kanya. Inutos niya sa lahat na sumunod at igalang si Maguayan.

“Hahagisan ko ng kidlat at papatayin,” babala ni Kaptan, “ang sinumang sumuway sa utos kong ito.”

Pina-uwi na niya ang mga halimaw at muling puma-ilanglang ang mga tili at hiyawan nang sabay-sabay at mabilis nag-alisan ang mga mababangis na nilalang. Dagli lamang, walang naiwan sa Kaweli maliban kina Kaptan at Maguayan, at ang 3 pinaka-matulin sa mga tagahayag - si Dalagan, ang pinaka-mabilis, si Gidala, ang pinaka-matapang, at si Sinogo, ang pinaka-makisig at pinaka-mahal ni Kaptan.

Silang 3 ay mga dambuhalang mala-diwata na may malalaking pakpak (alas, wings) kaya mabilis lumipad. May sandata silang mahahaba at matatalim na mga sibat (lancias, spears) at kampilan (espadas, swords) na walang kiming ginagamit nilang pamatay, sa utos ni Kaptan.

Nagpasalamat si Maguayan kay Kaptan. “Walang anuman,” tugon sa kanya, “tinupad ko lamang ang aking tungkulin sa isang kapatid.” Tapos, ibinigay ni Kaptan kay Maguayan ang isang gintong kabibi (almeja dorado, gold shell ). “May mahiwagang kapangyarihan ito, bulong niya kay Maguayan. Isubo mo lamang at ang anyo mo ay magbabago sa anumang naisin mo.” Kaya raw kung may mangahas na halimaw, kailangan lamang maging halimaw din siya, subalit mas malaki at mas mabangis, upang talunin at patayin ang pangahas!

Nagpasalamat uli si Maguayan at inilagay sa tabi niya ang gintong kabibi. Tapos, pinakuha ni Kaptan ng pagkain at inumin ang 3 tagahayag at, mabilis pa sa lintik (relampago, lightning), nag-piging na ang 2 diwata. Hindi nila napansin, nasa likod si Sinogo, narinig lahat ng ibinulong ni Kaptan at ibig ngayong makamit ang gintong kabibi. Kahit na marami na siyang tinanggap na biyaya (ventajas, favors) at karangalan (honors) mula kay Kaptan, ninais niya ang higit pang kapangyarihan. Maaari siyang maging tunay na diwata at mag-hari sa lupa, at magtago upang hindi maparusahan ni Kaptan. Kaya paghain niya ng pagkain kay Maguayan, lihim niyang dinampot ang kabibi. Tapos, tahimik siyang tumalilis.

Matagal bago namalayang wala si Sinogo, at ipinahanap siya ni Kaptan kay Dalagan. Kasing bilis ng lintik, bumalik si Dalagan at hinayag na wala na sa pulo si Sinogo. Nataon namang napansin ni Maguayan na naglaho ang gintong kabibi kaya nahulaan ni Kaptan na ninakaw ito ni Sinogo at tumakas. Sumisigaw sa galit, inutos ni Kaptan kina Dalagan at Gidala na habulin at bihagin ang talipandas.

“Papatayin ko siya!” sigaw ni Kaptan.

Agad at walang puknat na lumipad patungo sa hilaga (a norte, northward ) sina Dalagan at Gidala, at sa banda ng pulo ng Guimaras, namataan nila si Sinogo. Napansin din sila ni Sinogo na lalong minadali ang paglipad, subalit mas mabilis kaysa sa kanya ang mga humahabol, lalo na si Dalagan, kaya unti-unti siyang inabutan.

Humugot ng sandata sina Gidala, susunggaban na sana nila si Sinogo. Biglang isinubo ni Sinogo ang gintong kabibi at, sa isang kisap-mata, naging
dambuhalang buaya siya at sumisid sa dagat. Habol pa rin, pinagta-taga siya nina Dalagan at Gidala subalit hindi tumagos sa kapal at tigas ng balat ng buaya. Patuloy ang hagaran sa lusutang (estrecho, strait) Guimaras.

Sa kaskas ni Sinogo, at sa laki ng anyo niyang buaya, sumambulat ang tubig na dinaanan hanggang, pag-ikot sa dalampasigan ng Negros, natakpan ng tubig ang munting pulo ng Bacabac, binakbak ang mga bundok duon at naging pantay ang lupa sa dagat.

Papunta na sa pulo ng Bantayan ang habulan nang biglang lumihis si Sinogo at sumingit sa makitid na pagitan ng Negros at Cebu. Iniwan ni Dalagan si Gidala na humabol nang nag-iisa upang makabalik siya sa pulo ng Kaweli. Duon, ibinalita niya kina Kaptan at Maguayan kung saan lumalangoy si Sinogo bilang isang buaya. Natantiya ni Kaptan na matatambangan nila si Sinogo sa makitid na tubig. Lumipad siya pasilangan (a oriente, eastward) at tumatag sa
kabilang dulo ng tinatawag ngayong Tanon Strait, hawak ang isang malakas na kidlat.

Kaskas dumating si Sinogo, panay na tinataga pa rin ni Gidala, nang umalingawngaw ang malakas na kulog (trueno, thunder) at biglang tumama ang kidlat sa likod ng dambuhalang buaya. Tuluy-tuloy na lumubog si Sinogo na buaya, tulak-tulak ng kidlat hanggang bumaon ito sa lupa sa ilalim ng dagat.

Nakatuhog sa kidlat, hindi naka-alpas si Sinogo at sa pagpu-pumiglas niya, nailuwa niya ang gintong kabibi. Nahulog sana sa putik ang kabibi subalit sinalo ito ng isang isda, tapos dinala kay Kaptan. Samantala, nanatiling buwaya si Sinogo at patuloy na palag nang palag sa ilalim ng dagat.

Ang walang tigil na palag ni Sinogo na dambuhalang buaya ang sanhi ng mga ipu-ipu sa bahaging iyon ng Pilipinas, bahaging laging iniiwasan ng mga namamangka, sa takot nila sa panganib.

Sina Adlaw at Bulan

$
0
0
Sina Adlaw at Bulan
Ito ay isang kuwentong bayan ng Tinggiyan

Noong unang panahon ay may mag-asawang may mabuting pagpapasunuran at pagmamahalan. Sila'y sina Adlaw at Bulan. Nagkaanak sila ng maraming bituin. Napansin ni Adlaw na lubha ng masikip sa kanilang bahay sapagkat patuloy na nag-aanak si Bulan.

Kinausap ni Adlaw si Bulan at sinabi sa asawa na pagpapatayin nila ang iba nilang mga anak upang lumuwag ang kanilang tirahan.Tinutulan ni BUlan ang mungkahi ni Adlaw at ito ang naging dahilan ng mainit nilang pagkakagalit. Wala nang katahimikan sa kanilang bahay sapagkat halos araw-araw ay nag-aaway sila. Hindi na nakatiis si Bulan at ipinasya niyang makipaghiwalay sa asawa na lalo namang ikinagalit ni Adlaw. Hindi nagtagal ay pumayag na rin si Adlaw na makipaghiwalay sa kasunduang isasamang lahat ni Bulan ang mga anak na bituin at hindi na pakikita sa kanya ang mag-iina.

Kaya mula noon, makikitang nag-iisang sumusikat si Adlaw (Araw) sa araw at sa gabi naman ay lumilitaw si Bulan (Buwan) kasama ang mga anak na bituin. Kapag ang dating mag-asawa'y nagkakatagpo ay lalong tumitindi ang poot ni Adlaw kay Bulan kaya hinahabol niya ito na nagiging dahilan ng eclipse.

Si Mariang Mapangarapin

$
0
0
Si Mariang Mapangarapin


Magandang dalaga si Maria.  Masipag siya at masigla.  Masaya at matalino rin siya.  Ano pa't masasabing isa na siyang ulirang dalaga, kaya lang sobra siyang pamangarapin.  Umaga o tanghali man ay nangangarap siya.  Lagi na lamang siyang nakikitang nakatingin sa malayo, waring nag-iisip at nangangarap nang gising.  Dahil dito, nakilala siya sa tawag na Mariang Mapangarapin.  Hindi naman nagalit si Maria bagkos pa ngang ikinatuwa pa yata niya ang bansag na ikinabit sa pangalan niya.

Minsan niregaluhan siya ng isang binata ng isang dosenang dumalagang manok.  Tuwang-tuwa si Maria!  Inalagaan niyang mabuti ang alaalang bigay sa kanya ng iisang manliligaw niya.  Nagpagawa siya sa kanyang ama ng kulungan para sa mga manok niya.  Higit sa karaniwang pag-aalaga ang ginawa ni Maria.  Pinatuka niya at pinaiinom ang mga ito sa umaga, sa tanghali at sa hapon.  Dinagdagan pa ito ng pagpapainom ng gamot at pataba.  At pinangarap ni Maria ang pagdating ng araw na magkakaroon siya ng mga inahing manok na magbibigay ng maraming itlog.

Lumipas ang ilang buwan hanggang sa dumating ang araw na nag-itlog ang lahat na inahing manok na alaga ni Maria.  Labindalawang itlog ang ibinibigay ng mga inahing manok araw-araw.  At kinuwenta ni Maria ang bilang ng itlog na ibibigay ng labindalawang alagang manok sa loob ng pitong araw sa isang linggo.  Kitang-kita ang saya ni Maria sa kanyang pangarap.

At inipon na nga ni Maria ang itlog ng mga inahing manok sa araw-araw.  Nabuo ito sa limang dosenang itlog.  At isang araw ng linggo ay pumunta sa bayan si Maria.  Sunong niya ang limang dosenang itlog.  Habang nasa daan ay nangangarap nang gising si Maria.  Ipagbibili niyang lahat ang limang dosenang itlog.  Pagkatapos, bibili siya ng magandang tela, ipapatahi niya ito ng magandang bistida at saka lumakad siya ng pakendeng-kendeng.  Lalong pinaganda ni Maria ang paglakad nang pakendeng-kendeng at BOG!

Nahulog ang limang dosenang itlog!  Hindi nakapagsalita si Maria sa kabiglaan.  Saka siya umiyak nang umiyak.  Naguho ang kanyang pangarap kasabay ng pagbagsak ng limang dosenang itlog na kanyang sunung-sunong.

Mensahe: Gawing makatotohanan ang layunin o adhika upang ito ay maisakatuparan.


Sanggunian:



Aragon, Angelita L. Mga Alamat at iba pang mga Kuwento (Legends and other Stories). Quezon City: Tru-Copy Printing Press, 1986, pp.84-85.


Kung Bakit Umuulan

$
0
0
Kung Bakit Umuulan


Noong unang panahon, wala pang mundo, wala pang araw at buwan, wala pang oras, at wala pang buhay o kamatayan. Mayroon lang dalawang diyos, si Tungkung Langit, at ang kaniyang kabiyak na si Alunsina.

“Tingnan mo, mahal, lilikhain ko ang santinakpan para sa iyo!” pagmamalaking sabi ni Tungkung Langit.

“Hayaan mong tulungan kita, kaya ko ring lumikha,” ang sabi ni Alunsina.

“Huwag kang mag-alala, mahal, ito ang regalo ko sa iyo: ang mga bituin, ang mga planeta, ang buwan, ang mga ulap, at ang hangin.”

“Pero makapangyarihan din naman ako, dahil isa akong diyosa,” bulong ni Alunsina. Ngumiti lang si Tungkung Langit at niyakap si Alunsina. Pagkatapos, tumindig siya nang matikas, huminga nang malalim, at sumigaw nang pagkalakas-lakas sa kawalan. Lahat ng sabihin ni Tungkung-Langit ay nagkatotoo. Kumalat ang sinag ng bagong likhang araw. Kumislap-kislap ang mga bituin. Umikot ang mga planeta at lumiwanag ang buwan. Humangin nang pagkalakas-lakas.

At naulit ito nang naulit. Mahal na mahal ni Tungkung Langit si Alunsina, kaya ayaw niya itong mapagod. Ayaw niyang gumamit ng kahit isang daliri si Alunsina upang lumikha ng kahit isang bagay. “Mas gugustuhin kong maupo ka na lang, magpahinga, at maging maganda,” ang sabi ni Tungkung Langit kay Alunsina.

Ngunit sawa na si Alunsina sa ganoong klaseng buhay. Naramdaman niyang parang wala siyang silbi bilang diyosa. Gusto niyang lumikha.

“Huwag kang mag-alala,” sabi ni Tungkung Langit sa kaniyang iniibig, “wawakasan ko ang iyong pagkabagot. Lilikha ako ng... oras!” At nagsimula nga ang oras.

Kasamang nalikha ng oras ang alaala... at naalala ni Alunsina ang panahong wala pang laman ang kalawakan, nang hindi siya nakalikha ng kahit ano. “Gusto kong lumikha!” sabi ni Alunsina. Isang araw, patagong sinundan ni Alunsina si Tungkung Langit. Nang makita siya ni Tungkung Langit, agad siyang tinanong: “Bakit ka narito? Bakit mo ako sinusundan?” “Gusto kong lumikha! Diyos din ako tulad mo!” sabi ni Alunsina.

“Nababagot ka ba uli, mahal? Huwag kang mag-alala, lilikhain ko ang kulog at kidlat para sa iyo!”

Lumiwanag at dumagundong sa buong kalangitan dahil sa kulog at kidlat. Nagulat ang buong santinakpan. Nagtago ang araw, ang buwan at bituin. Kahit ang hangin ay tumigil sa pag-ihip! Pero hindi natinag si Alunsina. Nakatayo lang siya doon, nanonood, nakakunot ang noo.

“Sawa na akong panoorin ka lang lumikha ng planeta at araw at bituin! Sawa na akong naririto lang, nakaupo, walang ginagawa! Kaya kong lumikha! Isa rin akong diyosa!” Pero hindi siya pinakinggan ni Tungkung Langit. Umalis siya at lumikha pa ng maraming bagay sa kalawakan. Akala niya ay nagpapapansin lang si Alunsina.

Hindi na nakayanan ni Alunsina ang lungkot sa kaniyang puso, kaya lumayas siya sa kanilang tirahan. Pag-uwi ni Tungkung Langit, gulat na gulat siya nang makitang walang, apoy sa kanilang kalan, walang pagkain sa kanilang mesa. At wala na rin ang kaniyang Alunsina.

“Alunsina! Alunsina!” Hinanap nang hinanap ni Tungkung Langit ang kaniyang asawa, ngunit hindi niya ito matagpuan. Tinawag niya nang tinawag ang pangalan ni Alunsina, ngunit walang binalik ang hangin kundi alingawngaw.

Lumipas ang mahabang panahon, at nagsawa rin sa paglikha si Tungkung Langit. Araw-araw, hinanap ni Tungkung Langit ang kaniyang iniibig. Ngunit wala siyang nakita. Isang araw, sumilip si Tungkung Langit mula sa ilang ulap. Hinawi niya ang mga ulap at sa kaniyang gulat, naroon ang kaniyang asawang si Alunsina.

“Anong ginagawa mo diyan, mahal? Matagal na kitang hinahanap!” Tumingala si Alunsina. Kitang-kita sa kaniyang mukha ang kaligayahang matagal nang hinahangad ni Tungkung Langit.

“Nilikha ko ang daigdig. Ang daigdig na may puno at halaman, isda at mga ibon. Nilikha ko ang mga bundok, ang langit, ang karagatan. Nilikha ko ang buhay, dahil isa rin akong diyos.” At nagpatuloy si Alunsinang lumikha.

Nasaktan si Tungkung Langit. Ang kaligayahang nakita niya sa mukha ng kaniyang asawa ay hindi dahil sa pagkakita sa kaniya. Mula noon, hindi na bumalik si Alunsina sa kalangitan. Paminsan-minsan, sinusubok
siyang pabalikin ni Tungkung Langit sa pamamagitan ng paglikha ng kulog at kidlat. Ngunit hindi na babalik muli si Alunsina.

Mula noon, upang mabisita ni Tungkung Langit ang kaniyang dating asawa, kailangan niyang mag-anyong ulan. Ulan na didilig sa daigdig na nilikha ng kaniyang iniibig, si Alunsina.

Ang Mga Duwende

$
0
0
Ang Mga Duwende
Isang Kuwentong-Bayan mula sa Bikol

Malalim na ang gabi at abalang-abala pa sa pananahi ang dalawang magkapatid na babae. Tinatahi nila ang mga kamisa at saya nila, na isusuot nila para sa isang misa kinaumagahan. Ibinilin ng kanilang ina na siguruhing nakasara ang pinto at mga bintana ng kanilang bahay, kundi ay papasok ang duwende, na bumibisita sa kanila tuwing hatinggabi. Upang malaman ng kaniyang mga anak kung ano ang duwende, ikinuwento niya ito:

“Katulad lang ng mga ordinaryong tao ang mga duwende. Tuso silang mga nilalang, ngunit matulungin din. Ilan sa mga kapilyuhang ginagawa nila ay ang pagsira sa mga muwebles at mga larawan, pagbasag sa mga salamin, baso, plato, at tasa. Kung hindi sila makahanap ng mga bagay na sisirain o babasagin, kinukurot nila ang mga pisngi, braso, at katawan ng mga tulog na babae, upang maging mabigat ang pakiramdam nila pagkagising. Kung hindi kinaasaran ng mga duwende ang mga nakatira sa bahay na madalas nilang bisitahin, nagpapakita sila ng kabaitan sa mga ito. Sinasabing dinadalhan nila ang mga kaibigan nila ng mga masasarap na pagkain at ipinagtatanggol sila mula sa mga masasamang nilalang. Maraming tao tuloy ang sabik ngunit balisang makakilala ng duwende. Itinuturing nila ang mga nilalang na nagtataglay ng kakaibang karunungan dahil sinasabing alam na alam nila ang mga lihim at ikinikilos ng mga tao. Ngunit kung sakaling ang mga naging kaibigan ng duwende ay biglang nagsabi ng anumang masama o nagbalak ng masama sa kanila, kahit pa hindi sila marinig ng mga duwende, ay parurusahan sila at hindi na muling babalikan.

“Ang duwendeng binabanggit ko rito ay madalas sa bahay namin habang ang nanay ko, o ang lola ninyo, ay buhay pa. Parati niyang sinasabi sa aming isara ang pinto at mga bintana bago kami matulog. Isang gabi, nang nagtatahi rin kami ng kapatid ko ng kamisa at saya, nakalimutan naming isara ang mga bintana at pinto. Ilang segundo bago maghatinggabi, naroon ang isang maliit na nilalang na nakatayo sa aming pinto. Maliit siya, kasinliit lamang ng isang dalawang taong gulang na bata; pula ang kaniyang mukha; mayroon siyang mahabang bigote at maputing kulot na buhok. Maigsi ang mga braso niyang balingkinitan, ngunit malaki ang mga kamay niya--malaki para sa kaniyang braso.” Nang marinig ng mga dalaga ang kuwento ng kanilang ina, natakot sila. Nang maghatinggabi, narinig nila ang mga tunog: takla, takla, takla. Gawa ito ng duwende. Takot na takot ang dalawa. Lumingon ang panganay, at nakita niya ang duwende na pumapasok sa pinto. At katulad ng inaasahan, tumakbo at tumalon siya papasok ng
bahay, papunta sa mga dalaga. Dahil doon, nasipa niya ang isang gasera, na nagpaliyab sa mga kamisa at saya.

Mula noon, naging maingat na ang magkapatid at ang buong bayan ng Legaspi sa duwende. Isinasara na nila ang kanilang mga pinto at mga bintana bago sila matulog sa gabi.

Mga Uri

$
0
0

 May siyam na uri ng maikling kuwento

1. Sa kwento ng tauhan inilalarawan ang mga pangyayaring pangkaugalian ng mga tauhang nagsisiganap upang mabigyan ng kabuuan ang pag-unawa sa kanila ng isang mambabasa.

2. Sa kwento ng katutubong kulay binibigyang-diin ang kapaligiran at mga pananamit ng mga tauhan, ang uri ng pamumuhay, at hanapbuhay ng mga tao sa nasabing pook.

3. Sa kwentong bayan nilalahad ang mga kwentong pinag-uusapan sa kasalukuyan ng buong bayan.

4. Sa kwento ng kababalaghan pinag-uusapan ang mga salaysaying hindi kapanipaniwala.

5. Naglalaman ang kwento ng katatakutan ng mga pangyayaring kasindak-sindak.

6. Sa kwento ng madulang pangyayari binibigyang diin ang kapanapanabik at mahahalagang pangyayari na nakapagpapaiba o nakapagbago sa tauhan.

7. Sa kwento ng sikolohiko ipinadarama sa mga mambabasa ang damdamin ng isang tao sa harap ng isang pangyayari at kalagayan. Ito ang uri ng maikling kwentong bihirang isulat sapagkat may kahirapan ang paglalarawan ng kaisipan.

8. Sa kwento ng pakikipagsapalaran, nasa balangkas ng pangyayari ang interes ng kwento.

9. Nagbibigay-aliw at nagpapasaya naman sa mambabasa ang kwento ng katatawanan.

Mga Elemento

$
0
0
Mga Elemento:

1. Panimula - Dito nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa. Dito rin kadalasang pinapakilala ang iba sa mga tauhan ng kwento.

2. Saglit na Kasiglahan - Nagpapakita ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa problema.

3. Suliranin - Problemang haharapin ng tauhan.

4. Tunggalian - May apat na uri: tao vs. tao, tao vs. sarili, tao vs. lipunan, tao vs. kapaligiran o kalikasan.

5. Kasukdulan - Makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.

6. Kakalasan - Tulay sa wakas.

7. Wakas - Ito ang resolusyon o ang kahihinatnan ng kwento.

8. Tagpuan - nakasaad ang lugar na pinangyayarihan ng mga aksyon o mga insidente, gayundin ang panahon kung kailan naganap ang kuwento.

9. Paksang Diwa - pinaka kaluluwa ng maikling kwento.

10. kaisipan - mensahe ng kwento.

11. Banghay-pangyayari sa kwento.

Antonio Luna

$
0
0
Antonio Luna

Ang katalinuhan at pagkamakabayan ay mga angking kaugaliang kalakip ng katauhan ni Heneral Antonio Luna.

Ipinanganak si Antonio sa Binondo, Maynila noong Oktubre 29, 1866. Pinakabunso siya sa pitong anak nina Don Joaquin Luna at Do?a Laureana Novicio. Kapatid siya ng sikat na pintor na si Juan Luna.

Una niyang natutuhan ang pagbasa at pagsulat ng alpabeto sa paggabay ng isang gurong nagngangalang Intong. Bata pa lang ay marunong nang tumugtog ng gitara, piyano at mandolino si Antonio. Bukod sa sining ng musika, may motibasyon din siyang magpahalaga sa literatura at siyensiya. Ang hilig niya sa pag-aaral ay pinatunayan nang tapusin niya ang Bachelor of Arts sa Ateneo de Manila; ang Licenciate in Pharmacy sa Unibersidad ng Barcelona at ang Doctor of Pharmacy sa Unibersidad ng Madrid.

Kung sa Pilipinas ay nagkamit ng unang gantimpala ang komposisyon niyang “Dos Cuerpos Fundamentales de Quimica”, sa Espanya ay hinangaan naman ng mga kilalang bacteriologist ang pananaliksik niyang “El Hermatozoario Paludismo.”

Bilang iskolar, naglakbay si Antonio upang makipagpalitan ng opinyon sa mga kilalang syentista sa Belgium, Denmark, France, Russia, Japan at Germany.

Saan man siya magpunta ay maraming humahanga sa mga pag-aaral niya sa yellow fever, influenza at iba pang sakit tropikal.

Bukod sa pagiging matalino, may paninindigan din siyang ipaglaban ang karapatang magbigay ng opinyon sa alinmang isyung pulitikal na maibigan niya. Ito nga ang ginawa ni Antonio nang sulatin niya sa La Solidaridad ang obserbasyong satirikal na napapaloob sa kuru-kuro niyang Impressiones. Nang komentahan ito ng Espanyol na si Mir Deas ay hinarap at hinamon ni Antonio ng espadahan ang puti. Sa takot ng Espanyol ay hindi nito tinanggap ang hamon. Maraming puti ang lubos na humanga sa tapang ng matalinong Pilipino.

Nang umuwi si Antonio sa Pilipinas noong 1894 ay nagsilbi siya bilang propesor ng Universidad Certifico Literario de Filipinas at Direktor ng Laboratorio Manila.

Sa mga usapang pulitikal ay malayang pinanindigan ni Antonio na dapat lang maging probinsiya ng Espanya ang Pilipinas. Kailangan din daw tanggapin ng mga Pilipino ang lahat ng karapatang ibinibigay sa mga Espanyol. Sa kasamaang palad, inaresto siya ng mga awtoridad sa mga liberal na kaisipang pinaniniwalaan niya. Para sa mga Espanyol, pasimula ito ng rebolusyong plano ng mga Katipunero.

Ang pagkabilanggo ay ikinairita ni Antonio. Nang palayain ay nagdesisyon siyang mag-aral ng kursong pandigmaang nagbibigay diin sa estratehiyang pangmilitar. Kung pinagbintangan siyang rebolusyonaryo inisip, ni Antoniong mabuti ngang magrebolusyon nga siyang totoo.

Nagbalik sa Pilipinas ang syentista. Giyera Pilipinas-Amerika noon. Lalong pinagbuti ni Antonio ang pagiging propagandista nang itatag niya ang La Independencia. Naging tunay na rebolusyonaryo ang syentista nang italaga ito ni Heneral Aguinaldo bilang Direktor ng Digmaan. Itinatag ni Antonio ang isang “Academia Militar” na nagsanay sa mga opisyal ng rebolusyon upang lalong maging mahusay na lider. Bagamat marami ang natuto sa disiplinang binigyang diin ni Antonio, marami rin ang may balat-sibuyas na nagsusumbong kay Heneral Aguinaldo. Para kay Antonio, ang hindi makatiis ay dapat lang na umalis.

Bilang gerero, ang katapangan ay angkin ni Antonio. Maraming malalaking labanan ang pinamunuan nito. Ayon sa mga historyador, habang pinatatakas si Heneral Emilio Aguinaldo bilang Pangulo ng Pamahalaang Rebolusyonaryo, si Antonio Luna ang pansamantalang namumuno sa mga sundalong Pilipino upang iligaw ang mga puti. Hinaharap niya ang mga kalaban. Nakikipagsabayan siya sa digmaan. Sinusunog niya ang mga bukiring dapat makasagabal sa mga kaaway na sumasalakay. Iba’t ibang istratehiyang pandigmaan ang ginamit ni Antonio na lubos namang ikinatuwa ng Pangulo.

Sa labanan sa Santo Tomas, Batangas, minalas na masugatan si Antonio. Habang nagpapagaling ay nagtataka siya kung bakit ipinatatawag siya ng Pangulo niya. Bilang masunuring tauhan ay sumunod siya sa Cabanatuan noong Hunyo 5, 1899 subalit wala sa kumperensiya ang nagpatawag sa kaniya. Sa sobrang galit ni Antonio ay pinagmumura niya ang mga sundalong dinatnan niya. Nakilala niyang ang mga nabanggit na sundalong taga-Kawit ang mga rebolusyonaryong tinanggalan niya ng armas bilang pagpaparusa sa kawalan ng disiplina. Habang pababa sa hagdanan ng kumbento, umalingawngaw ang sunud-sunod na putok. Patay na bumagsak ang mabagsik na Heneral.

May mga haka-haka na biktima ng intrigang pulitikal si Antonio.

Sa kasaysayang humuhusga, si Antonio Luna na lumaban sa mga kaaway, dumisiplina sa mga rebolsuyonaryo at nangalaga sa kaligtasan ng Pangulo ay isang tunay na bayaning nag-alay ng buhay alang-alang sa kalayaan.


Viewing all 223 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>